8.

1015 Words
Eliha's POV: "Nais na namin ng inyong ama na magkaroon ng apo. Handa na ba kayong mag-asawa?" tanong sa amin ni ina. Nasa isang malaking lamesa kami ngayon. Pinapanuod ko sila habang umiinom ng dugo, medyo awkward para sa akin pero tanggap ko na. "Eliha, gusto mo na bang magkaroon tayo ng anak? Kung hindi ka pa handa ay handa naman akong igalang ang iyong desisyon sapagkat para sa akin, ang isang babae ay hindi dapat pinipilit sa ganitong usapin." Keegan, hulog ka ng langit! Bakit ba napakabuti mo?! Kung hindi ko alam na bampira ka ay mapagkakamalan kitang anghel. Pero sa totoo lang ay gusto ko na ring magkaanak dahil sa pangarap ko ang isang buong pamilya. "Gusto kong magkaroon tayo ng anak, Keegan. Hindi ako tatanggi sapagkat kasal na tayo at nais ko rin na maranasan ang maging isang ina." Ngumiti nang malaki si Keegan. Hindi ko alam pero kumikinang talaga ang mga mata niya sa tuwing ngumingiti siya. Naalala ko, bago sabihin ng isang lalaki na kasal na kami ay nakita ko ang mga mata niya na kumikinang habang nakatitig sa akin. That's priceless. After he drank the blood, and after I ate, we went to their garden. Keegan just held my hands while smiling. I think he is so happy about my willingness to carry our child. But, is it right? I don't even love him. I'm just appreciating him for what he has done for me. However, I think loving him is like education. I needed to go through the process and realize that I'd already learned to love him. In fact, he is not hard to love. Hinawakan ni Keegan ang panga ko gamit ang dalawa niyang kamay. "Palagi mong iisipin na sa bawat desisyon na gagawin ko ay dapat naririnig ko ang iyong totoong pahayag o opinyon." "I appreciated it, Keegan. Ang ibig kong sabihin ay pinahahalagahan ko ang pagtrato mo sa akin." Keegan took my hand in his and I put my hands on his shoulder. And he voluntarily put his hands on my waist. We start to dance slowly. "Hindi ako maaaring masinagan ng araw, ngunit ikaw ang sinag ng araw na hindi ko hahayaang mawala." Hinimas ni Keegan ang noo ko. And he pinched my nose. I couldn't speak right away because my heart was beating so fast. Now I understand why people fall for actions and not just in words. Keegan is a full package vampire; he is handsome, kind, and has dignity. "Kung ako ay parang sinag ng araw, ikaw naman para sa akin ay hangin dahil palagi kitang nararamdaman na nasa tabi ko lamang. At kung wala ka, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay." Teka! A-anong kapag nawala siya ay hindi ako mabubuhay?! Gano'n ba ako magsabi ng mahal ko siya? "Nakakatuwa ka, ang cute mo," he said. "Naalala mo pa pala ang salitang 'yan, Keegan." "Paano ko naman makakalimutan 'yun? Lahat ng sinasabi mo ay pinahahalagahan ko. At nakaukit na sa puso ko." Dahil sa labis na gigil na nararamdaman ko ay hinampas ko siya sabay tumawa ako. Ewan ko ba, sa tingin ko ay kinikilig ako. Bakit kasi matalinhaga magsalita ang bampirang 'to. I pulled him into our room because I wanted to hug him more tightly in private. I was surprised when he suddenly pushed me on the bed. I saw that his eyes turned red. I knew he was just restraining himself, so I immediately kissed him on the lips. I slowly moved my lips, but he did not resist. He sat on the bed, so I immediately sat up as well. He suddenly kissed my forehead and smiled at me. Ang awkward naman. Napatingin kami ni Keegan sa bintana dahil mayroong paniki sa labas na parang gustong pumasok sa aming kwarto. Tumayo si Keegan sabay binuksan ang bintana. Hanggang sa nagpalit ng anyo ang paniki bilang isang ganap na bampira. "Selsy, ano ang iyong nais ipabatid?" "Mayroon akong nakita sa aking kapangyarihan na isang kadiliman ngunit hindi ko mawari kung bakit may gano'n." "Siguro ay nakita mo lamang ang panganib na dala ng ibang bampira sa amin. Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na mapahamak ang sinuman sa atin." "Salamat, Keegan, paalam." Nag-bow si Selsy sabay tumingin siya sa akin. "Paalam din, Eliha." Bigla siyang naging paniki sabay lumipad na papalayo. Lumipas ang ilang oras. Nakatulog si Keegan sa kama namin so I just smiled. Oo katabi ko siya sa kama pero he is not harrassing me. Biglang may sumulpot sa harapan ko, si Manaron. He is so disrespectful dahil bigla na lang siyang pumasok sa kwarto namin. Wala siyang pinagkaiba kay Eli. Tatayo pa lang sana ako pero kaagad niya akong hinawakan sa kamay at bigla kaming naglaho. He brought me to a high mountain. "Ano bang ginagawa natin dito? Ang lakas naman ng topak mo," walang gana kong sabi. Ayaw kong magalit dahil masaya ako ngayon. Hinawakan niya ako sa balikat habang tinutulak niya ako paatras. Hanggang sa bigla siyang huminto. Nang tumingin ako sa baba ay mataas ang babagsakan ko kapag binitawan niya ako. "Ang dapat sa 'yo ay mamatay!" malakas na sigaw niya sabay lumabas ang mahaba niyang pangil. Tumawa lang ako. Gusto ko kasi siyang asarin. Tsaka nagmumukha siyang inutil sa paningin ko dahil nasa likod na niya si Keegan. Nakapamewang si Keegan habang nakangiti sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang maputol ang mahabang pangil ni Manaron. Mabilis kasing lumapit sa kanya si Keegan. At ngayon ay sila na ang magkaharap. "Sa susunod na kunin mo ang asawa ko na walang permiso mula sa akin ay hindi lang pangil ang mawawala sa 'yo. Alam mo, hindi ko kayo pinapatulan ni Karagon hindi dahil sa pinsan ko kayo. Iyon ay dahil sa hindi kayo ang sisira ng kaligayahan ko." "Keegan! Ang babaeng 'yan ay may kakaibang presensiya!" "Hindi ko kailan man hiningi ang iyong opinyon. Lahat ng lumalabas o lalabas pa lang sa iyong bunganga ay walang silbi." "Pakiramdam ko ay hindi siya mangkukulam, Keegan!" Hala! Alam na ba ng lalaking 'to na nagmula ako sa panahong 2022? Hindi maaari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD