19.

1034 Words
ELIHA Ako, si Deriba at Deribia ay nakaupo sa upuan habang nakikinig kay Eliza. "Sa ngayon ay kailan muna nating magpalakas," sabi niya na mayroong pagtitimpi. "Sinabi ko na sa inyo na malakas ang mag-asawa, pero ayaw niyong makinig," sambit ni Deribia. "Mayroon pa namang ibang araw, hija." "Oo na, Eliza. Tsaka kung aalis ka ngayon, maaari mo bang isama na pauwi ang iyong anak?" Tumango lang si Eliza. Sa wakas! Makakaalis na ako rito. Hinawakan ako ni Eliza at sabay kaming naglaho. Nasa mansyon na niya kami. "Ina, maaari na ba akong umuwi sa aking asawa?" "Sa tingin mo ba ay papayagan pa kita pagkatapos ng nangyari?" "Ina naman! Sinunod ko naman kayo 'di ba? Gusto ko lang makita ang asawa ko at makasama!" "Hindi maaari, Elija. Manahimik ka rito sa mansyon." "Ina, nagmahal ka na ba? Naramdaman mo na ba 'yung ganitong pakiramdam na may gusto kang makita at makasama?" "Oo naman." Lumayo siya sa akin at may hinalo sa malaking jar. "Pero bakit ganito kayo sa akin?! Naramdaman at naranasan niyo naman pala." "Masyado kang makulit." "Ina!" "Eliha!" saway niya at bumuntonghininga, "sige, hahayaan kita na bumalik sa asawa mo. Pero hindi magiging madali, kailangan mong paghirapan." "Ano? Kahit ano ay gagawin ko at paghihirapan!" Mabilis na lumapit sa akin si ina at ngumisi. Alam ko na maitim ang balak niya pero lahat ay kakayanin ko para kay Keegan. "Pumikit ka," utos niya at hinawakan ako sa balikat. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nasa isang gubat na ako. Ang gubat ay mukhang patay na at wala ng naninirahan na mga hayop. Hindi katulad sa gubat na napuntahan namin noon ni Pluma at ni Keegan. "Pagsubok ba itong ibinigay mo, ina?" Dahan-dahan akong naglakad habang tinatanong ang aking sarili. Sa paglalakad ko ay natanaw ko ang malayong parte ng gubat. Bakit tila ba'y walang katapusan ang lalakarin ko? Umupo muna ako sa puno na wala ng mga dahon at kakaunti na lang ang sanga. Nakakaawa naman ang gubat na ito dahil wala ng buhay. Akala ko ang mga tao lang sa real world ang lumalabag sa rights ng mga gubat pero dito rin pala. Every forest does not deserve this type of environment. Habang nakaupo ako ay mayroon akong nakitang malinaw na ilog. Teka, kanina lang ay wala ito ah? Totoo nga na pinaglalaruan ako ng aking ina. Pero kahit ano pa ang gawin niyang laro ay mananalo ako at makakauwi sa asawa ko. Lumapit ako sa malinis na ilog. Nang ibaba ko ang dalawang kamay ko sa ilog ay hindi ito nabasa. Pero I tried na sumalok ng tubig gamit ang isang bao ng niyog at nagkaroon naman ng laman. Naglakad ako papalapit sa puno kung saan ako umupo. Nais kong malaman kung mayroon bang maitutulong ang tubig ng ilog sa aking mission, baka kasi may lumabas sa tubig na isang mahika. Umupo ako ulit sa puno habang tinititigan ang tubig sa bao. "Sana makita ko ang mukha ni Keegan sa tubig, miss ko na kasi siya." Nag-try akong humiling pero walang nangyari. Inilagay ko na lang ang bao sa tabi ko at sumandal ako sa puno. Kung ang dugo ko ang magpapalakas sa 'yo Keegan ay handa akong manghina para sa 'yo. May biglang dumapo sa akin na insekto kaya aksidente kong natamaan ang bao at natapon ang laman na tubig. Nagulat ako nang lumiwanag ang tubig nang madikit ito sa puno at ang puno ay nagkaroon ng mga dahon, in short nabuhay muli. Ubos na ang nasa bao kaya kaagad akong lumapit sa ilog para kumuha ulit. Nang makakuha ako ng tubig ay unti-unti kong binuhusan ang ilang puno sa paligid ko. Hanggang sa lalong lumiwanag ang paligid at halos lahat na ng puno rito ay nabuhay. Grabe, nakakamangha ang pangyayari na ito. Nagsimula nang maglabasan ang ibat-ibang hayop lalo na ang mga mababangis. Napaatras ako nang may mga dahan-dahan na lumalapit sa akin na mga lion, tigre at malaking ahas. Hindi ko alam kung ano nga ba ang aking gagawin kaya tumakbo na lang ako nang mabilis. Nang lumingon ako sa likod ay hinahabol na nila ako. Naramdaman kong nag-init na ang katawan ko dahil sa nararamdaman kong takot. Ayaw ko namang patayin ang mga hayop na 'yun dahil nakakaawa naman sila. May lubid na humarang sa akin kaya kaagad akong tumalon para makakapit doon. Masaya akong nakalayo sa mga hayop na nasa kabilang bangin. Hanggang sa nakarating ako sa kabilang bangin din at napahiga nang makababa doon. Hindi ko alam pero paano na ako makakauwi? Nawawalan na ako ng pag-asa. Pero kaya ko pa ito. Naglakad akong muli para tahakin ang daan pabalik. Wala naman akong nakakasalubong na kahit anong nilalang o hayop. Mayroon akong nakita na dalawang daanan. Saan ba ako dadaan? Sa kaliwa o sa kanan? Mas pinili ko ang kanang daan. Malay ko ba na sa pagkakataong ito ay right talaga ang daan na 'to. Habang naglalakad ako ay tanging huni lang ng mga ibon ang naririnig ko. Ang sarap naman sa pakiramdam. Ako ay patuloy lamang na naglakad hanggang sa wala na akong nakitang daan, tanging malaking pader lang na nakaharang. Napakamot na lang ako sa ulo dahil kahit pala english ng kanan ay right ay 'di ito palaging tama. Pero nagulat ako nang bumukas ang malaking pader. Bumungad sa akin ang isang familiar na lugar. Teka, iyon ang bahay namin.. natulala ako sa aking nakita. Ibang direksyon yata ang napuntahan ko, pero pipiliin ko bang bumalik na sa amin? Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil mabilis akong humakbang sa nakita kong lugar. Dahan-dahan akong pumikit habang naglalakad. Dad, makikita na ulit kita.. pero hindi ko 'to inaasahan dahil ang gusto kong uwian ay si Keegan. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko. Gusto kong marinig kung tatawagin ba ako ni Dad o sisigawan niya na ako katulad ng ginagawa niya dati na kahit galit ako sa kanya ay gusto ko pa rin 'yung marinig. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napangiti ako sa aking nakita.. totoo ba talaga 'to? Nandito na nga ba talaga ako? Nakita ko kaagad si Dad, siya ay papalapit sa akin habang may hawak na maganda at malaking bulaklak. Pero bakit siya umiiyak?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD