20.

1054 Words
ELIHA Nagbago ang direksyon ko, hindi na sa bahay namin. Nakakapanghinayang dahil umasa lang ako. At himala na umiyak si Dad sa harapan ko na parang nagsisisi. Nakasakay ako ngayon sa maliit na bangka habang nasa gitna ng kulay itim na dagat. Nakakakilabot naman dito pero kinuha ko na lang ang dalawang sagwan na nasa tabi ko. Hindi ako marunong gumamit nito pero kakayanin ko. Habang ginagamit ko ang dalawang sagwan para makausad sa hindi ko alam na direksyon ay hindi ko maiwasang ngumiwi dahil sa lakas ng alon. Pero ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa dahil mahirap na, baka kung anong nilalang ang nasa ilalim ng itim na dagat. Maya-maya pa ay bumungad sa akin ang kapatagan ng isang gubat. Mabilis akong nag-sagwan para makarating kaagad sa lupa pero biglang nawala ang gubat, naging alon lang ito na malaki kaya napalayo ako ng direksyon. Hanggang sa biglang tumaob ang bangka na sinasakyan ko at naging isang maliit na bangka na lang ito. Pinipilit kong maglangoy kahit na nahihirapan ako dahil alam ko na matatapos din ito. Nakita ko na lang na nasa isang disyerto ako. Ang bilis magbago ng mood ng aking ina, siguro ay pinapanuod niya ako. Diretso lamang ang daan ng disyerto kaya kaagad akong naglakad. Mayroon na namang dalawang daan ang sumalubong sa akin, papunta sa kaliwa o sa kanan. Mag-iisip pa lang sana ako pero mayroong malaking ibon na nakahiga sa harapan ko. Kaagad ko itong binuhat at nakita ko na wala na itong buhay. Kaagad kong hinukay ang buhangin sa tabi ko at nang matapos ako ay inilibing ko na ang ibon. Siguro ay hindi niya kinaya ang environment sa disyerto o kaya naligaw. Tumayo ako. Sa isip ko ay parang may bumubulong na piliin ko raw ang kanan ulit. Pero sa puso ko ay ang gusto kong piliin ay kaliwa. Sinunod ko ang aking puso sa kaliwang daan. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang mga bulaklak na kulay pula. Pero bigla silang naging itim. At kalaunan ay ang lahat ng bulaklak ay naging isang matanda. Tumawa nang tumawa ang matanda. Sa palagay ko ay isa rin siyang mangkukulam dahil mayroon siyang walis tambo, wand at kulot na buhaghag ang kanyang buhok. "Gusto mo bang makatulay sa kabilang lagusan? Bakit hindi ka makipaglaro sa akin?" kuro niya. "Ano naman ang laban ko sa inyo?" Tumawa siya at lumapit sa akin. "Madali lang ang ating lalaruin. Papayag ka ba o papayag ka pa rin?" "Magtataguan ba tayo? Gano'ng laro ba?" "Isang laro na magdudulot ng sakit sa iyong ulo!" masayang sagot niya, "umupo ka, hija." Sumunod na lang ako sa kagustuhan niya. "Unang katanungan, isipin mo na kung sa isang disyerto ay mayroong naliligaw na isang isda.. gagawa ka ba ng paraan para mailagay itong muli sa dagat?" "Ilang minuto ng nananatili ang isda sa disyerto?" "Isang minuto pa lang." "Oo! Ako ay gagawa ng paraan. Alam mo kung bakit? Dahil maaaring mayroon pa akong limang minuto para tumakbo at para maghanap ng dagat." Tumawa siya at umiling, "Isang oras ang pagitan ng disyerto at dagat. Sa tingin mo ba ay aabot ka?" "Oo naman!" Nagtaka siyang tumingin sa akin, "Paano?" "Tatakbo ako nang mabilis hanggang sa umabot ng limang minuto. At ihahagis ko nang malakas ang isda para makarating sa dagat," natatawang sagot ko. "Seryoso ka ba sa sagot mo?!" "Mukha rin bang seryoso iyang katanungan mo? Una, paano magkakaroon ng isda sa disyerto? Pangalawa, paano naging isang minuto ang isda sa disyerto kung isang oras ang pagitan ng dagat at disyerto?" Tumawa siya at pumalaklak. "Nag-iisip ka rin pala. Pero mayroon kang hindi naisip." "Ano?" "Ikaw ay nasa ganitong kalagayan dahil nasa ilalim ka ng mahika. Sa tingin mo ba ay hindi ginamitan ng mahika ang isda kaya mabilis siyang napunta sa disyerto?" "Hindi, alam mo kung bakit? Ang isda ay pagmamay-ari ng dagat." "Pero maaari ko pa rin itong lagyan ng mahika!" "Oo nga, pero sa isip mo lang. 'Di ba sabi mo sa katanungan mo sa akin ay isipin ko? Kaya naman inisip ko lang at ikaw ay inisip mo lang din na maaari mong lagyan ng mahika. Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako?" Hindi kaagad nakapagsalita ang mangkukulam. "Tapos ka na ba? Sinasayang mo lang ang oras ko. Maaari na ba akong makatawid?" Tumitig siya sa mga mata ko, "Paano mo pipigilan ang puso mong mahalin ang isang taong hindi ka naman talaga mahal?" "A-ano bang ibig mong sabihin?" "Sagutin mo na lang." "S-sa tingin ko ay susuko na lang ako. Hindi ko maaaring kontrolin ang puso ng isang tao. Ako bilang isang disenteng babae ay hindi ipipilit ang aking sarili lalo na kung mayroong totoong minamahal ang taong minamahal ko." "Sigurado ka ba? Nasasabi mo lang 'yan dahil sa katanungan ko. Pero hindi mo 'yan masasabi kapag masa mismong sitwasyon ka na." "Kung ikaw ay gano'ng klaseng babae, huwag mo na akong igaya sa 'yo. Alam mo kung bakit? Dahil mayroon akong respeto sa sarili ko." Humalakhak siya ng tawa. Bakit pakiramdam ko ay natalo ako sa itinanong niya? Confident kasi siya masyado at ako ay totoong nakaramdam ng pagkatalo. Pero sana naman ay hindi ito mangyari sa akin. At sana ay huwag akong paglaruan ng matandang 'to. Nagulat na lang ako nang maging maraming bulaklak ang matanda at hindi na kulay itim. Bumukas ang isang lagusan kaya kaagad akong pumasok. Bumungad sa akin ang isang talon na malakas ang agos ng tubig. Aakyatin ko ba 'yun? Paano naman ako makakaakyat sa talon kung aakyat pa lang ako ay mahuhulog na ako dahil sa tubig? Sa taas ng mataas na talon ay nandoon na ang lagusan papunta sa mansyon ng mga Vampyres. Nakatayo lang ako ngayon sa isang malaking bato iniisip kung mayroon ba akong madadaanan na mga sanga o bato. Pero nakakatakot dahil malakas ang agos ng tubig. Madali na lang umakyat kung hindi natatabunan ng malaking tubig ang mga bato kaso sinakop na ng tubig kaya wala akong maisip na paraan. Maya-maya pa ay may isang malaking ibon ang lumapit sa harapan ko. Ito 'yung ibon na inilibing ko ah? Nagulat ako nang bigla niya akong dinagit. Ang sarap sa pakiramdam dahil nakita ko kung gaano kaganda ang nasa baba. Inihagis ako ng ibon sa lagusan. Napangiti ako dahil nasa harap na ako ng mansyon ng aking asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD