UNKNOWN MEMORIES

1660 Words
“Oh saan ka galing?” Iyon agad ang bungad na tanong sa akin ni Mommy nang makapasok ako sa bahay.  Hindi agad ako sumagot. Napaisip ako kung kailangan ko ba sabihin sa kanya kung anong ginagawa ko ngayon. Sabagay ay malalaman din naman niya ang tungkol dito kaya hindi na ako nagdalawang isip pa. “Galing po ako sa library para magbasa ng mga impormasyon na makakatulong sa aking gagawin.”  Dumiretso ako sa kusina matapos sabihin iyon. Nagugutom na talaga ako kaya agad kong binuksan ang refrigerator at hinagilap ang isang blood bag. Kumuha ako ng baso at isinalin doon ang dugo. Nilagyan ko iyon ng maraming yelo dahil hindi pa din ako umiinom ng dugo na hindi ganun ang kalagayan.  “Hmm, sana ay mapatunayan mong hindi nga ikaw ang kriminal.”  Hindi ko maintindihan si Mommy. Nilingon ko s’ya upang saglit na tignan ang kanyang ekspresyon ngunit katulad dati ay wala itong pagbabago. Mahirap basahin ang kanyang emosyon dahil madalas na blanko lamang ang kanyang itsura.  “Huwag kayong mag-alala Mom dahil papatunayan ko iyon sa inyo.” Kumuha na din ako ng isang biscuit na pwede namin kainin.  “Oo nga pala nakapagdesisyon ka na ba kung anong propesyon ang iyong gagawin?” Siya naman ngayon ang nagbukas ng refrigerator upang kumuha ng kanyang nais kainin. “Opo. Gusto kong magtrabaho ngayon sa CN26 bilang journalist.”  Nanlaki ang mga mata ni Drusilla. Hindi yata nito inaasahan na iyon ang klse ng propesyon na aking gagawin ngayon.  “Doon po nagtatrabaho si Max Miranda kaya nais kong doon magsimula.”  “Sino si Max Miranda?”  “Siya po ang biktima.” Naintindihan naman agad nito kung sino ang aking tinutukoy kaya tumango na lamang ito.  “Oh sige ihahanda ko ang iyong mga kailangan upang makapasok ka doon.”  “Salamat po.” Hindi na ako nito sinagot at agad nang lumabas sa kusina upang bumalik sa kanyang silid. Tiyak na may ginagawa pa ito doon. Siguro ay isasabay na din nito ang aking mga kailangan upang maibigay agad sa akin bukas.  Pagkatapos magmerienda ay pumasok na din ako sa aking silid. Muli akong nagpatuloy sa ginagawang research upang dumami pa ang aking kaalaman tungkol sa dapat kong gawin. Sa ngayon ay kailangan ko din ihanda ang aking sarili sa pagiging journalist dahil kailangan kong magampanan ng ayos ang propesyon na aking napili.  HIling ko na sana ay hindi ako mahirapan kapag nakapasok na ako doon. Ayon sa aking nabasa ang ilan daw sa maaaring suspek sa krimen ay ang pinakamalapit na kaibigan ng biktima. Hindi ko alam kung totoo iyon dahil wala akong karanasan tungkol doon. Gayunpaman ay walang masama kung maniniwala ako sa kasabihan na iyon.  A journalist is an individual trained to collect information in the form of text, audio or pictures. They will process it to a news-worth form and disseminate to the public. “May pagkakaparehas lang pala sila ng detective kaya mabuti na ito ang propesyon na aking napili.” Patuloy akong nagbasa hanggang hindi ko na namalayan ang oras. Madilim na sa labas ng bahay nang magdesisyon akong magpahinga. Hindi ko alam pero tila bumibigat ang aking pakiramdam ngayon. Siguro ay dahil hindi ako sanay na ginagamit ng ganito katagal ang aking utak.  Kilala ako sa ibang lugar bilang pasaway, walang modo at barumbada. Ako ang tipo na hindi nakikinig sa sinasabi ng iba. Hindi ko nais na pinapakialaman ang aking buhay kahit na madalas akong napapaaway sa unang naging tahanan namin kung saan may kasama kaming kapwa bampira.  Hindi ako sanay ng ganito kaya medyo masakit ang aking ulo. Idagdag pa ang naramdaman ko kanina na tila lalong nagpalala sa aking nararamdaman ngayon. Hindi ko na nakikita ang babaeng nasugatan dahil sa papercut pero malinaw pa din sa aking utak ang dugo na nakita sa kanyang daliri.  Lumabas muna ako ng silid upang magpahangin sa balkonahe ng aming bahay. Umupo ako sa rocking chair at pumikit. Kailangan ko muna tanggalin sa isip ang mga bagay na gumugulo sa akin ngayon. Dapat ay nagpapahinga ako ngayon dahil tiyak na mahihirapan ako sa mga susunod na araw.  Mas lalo akong inaantok dahil sa ginawa kong pag-ugoy sa rocking chair na inuupuan. Tuluyan na akong nilamon nito at tila napunta ako sa ibang lugar kung saan may kakaiba akong buhay.  Simple lang ang aking buhay. Nakasuot ako ng uniporme na hindi ko alam kung saan paaralan iyon. Silver creek Middle school, iyon ang nakatatak na pangalan ng school sa aking identification card. May maiingay akong kaklase at magugulong kaibigan. Higit sa lahat ay may nobyo din ako sa lugar na iyon. Isang lalaki na hindi ko alam kung ano ang pangalan.  Matipuno, maputi at gwapo ang lalaki. Hindi ko makita ang kanyang identification card kaya malabong malaman ko ang kanyang pangalan. Pakiramdam ko ay mahal ako nito pero base sa kanyang ikinikilos na aking nakikita ngayon ay masasabi kong niloloko at pinaglalaruan lamang ako nito. Pagkagaling sa paaralan ay diretso kami sa mga party na hindi ko din alam kung saan.  Maingay na paligid at may iba't-ibang kulay na umiilaw sa buong lugar. Mabaho ang paligid dahil sa pinaghalong usok ng sigarilyo at mga nakakalasing na inumin. Mga barumbado na tila sila ang may ari ng bar. Mga malalaswang kasuotan ng mga kababaihan. Mga naghahalikan sa kani-kanilang pwesto at gumagawa ng kung anu-anong kababalaghan.  Sa isang tabi ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang lalaki na nobyo ko sa lugar na ito. May kasama siyang babae at kasama sila sa bilang ng mga gumagawa ng kababalaghan sa lugar. Nagdilim ang aking paningin dahil sa nakita. Ramdam ko ang sakit na tila pumapatay sa aking puso. Mahal ko ang lalaking iyon na hindi ko kilala at hindi magandang biro para sa akin ang ginagawa nito.  Kasabay sa pag-ikot ng mga ilaw sa lugar ay ang pasuray kong paglapit sa kanilang dalawa. Bahagya lamang ang naging pagkagulat ng lalaki dahil tinignan lamang ako nito. Hindi ako makahinga. Hindi dahil sa mga usok at samu’t saring amoy. Hindi ko iyon magawa ng ayos dahil sa sakit na aking nararamdaman ngayon.  Kinausap ko ang lalaki ngunit balewala na ako sa kanya. Dumagdag pa ang nakakairitang pagtingin sa akin ng babaeng kasama nito. Masakit dahil wala akong magawa. Hindi niya ako pinakinggan. Wala akong sagot at paliwanag na narinig mula sa kanya. HIndi ko na kaya. Hindi ko maatim na tignan pa sila at magmukhang kawawa.  Tumakbo ako palabas ng bar. Walang pasabi na iniwan ang aking mga kaibigan. Patuloy lamang ako sa pagtakbo dahil nais kong takasan ang gabing ito. Hindi ko matanggap na sa ganitong paraan ako lolokohin ng lalaking iyon. Sino ba kasi ang lalaking iyon? Sino ba silang lahat? Bakit ako nandito sa lugar at katayuan na ito? Manhid na ako at wala na akong pakialam sa aking paligid. Ang tanging sigurado ko ngayon ay nasa kalagitnaan ako ng kalsada at patuloy sa ginagawang pagtakbo. Maging ang langit ay nakisabay sa sakit na aking nararamdaman. Hindi ko namalayan ang panay na pagtulo ng aking luha dahil sa ginawa ng lalaking hindi ko naman kilala.   May narinig ako. Nakakabingi ang tunog na iyon at tila sinasabi sa akin na gumising ako pero hindi ko magawa. Tuluyan akong nawalan ng pakialam sa kung anong mangyayari sa aking buhay ngayong gabi. Huli na ang lahat. Hindi ko inaasahan na ang tunog na iyon ay busina ng malaking truck na siyang tatapos sa sakit na aking nararamdaman ngayon.  Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang pagtalsik ko sa kung saang bahagi ng kalsada. Tuluyan akong nawalan ng pakiramdam dahil tila nalasog ang aking katawan. May naaninag akong katawan. Ang nobyo ko sa lugar na ito na dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngayon.  “Elena?” Hinawakan ako nito sa aking ulo. Takot ang rumehistro sa kanyang mukha. Hindi nito malaman kung ano ang gagawin. Ibinaling nito ang tingin sa truck na nakasagasa sa akin ngunit napailing na lamang s’ya dahil wala na ang driver nito. Napakasakit ng gabing ito dahil biktima din ako ng isang hit and run.  HIndi ko na kaya ang sakit na nararamdaman. Alam ko sa sariling bibigay na ang aking katawan. Dahil sa takot ay iniwan din ako ng aking dating nobyo ngunit bago siya nakaalis ay nahagip ko ng tingin ang pangalan niya.  Dave Cruz. Wala akong kilalang Dave Cruz sa tagal kong inilagi sa mundo ng mga tao. Sandali, sino nga pala si Elena? Bakit iyon ang pangalan na itinawag niya sa akin. Vanya Bloodrose ang pangalan ko. Iyon ang pangalan na ibinigay sa akin nina Vlad at Drusilla. Paano nga pala nila ako pinangalanan?  Naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi ko tiyak kung nananaginip ako dahil wala kaming kakayahan na ganun. Pakiramdam ko ay ako ang may-ari ng pangyayari na aking nakikita ngayon. Kung hindi ay hindi ko ito magagawang maisip ngayon. Hindi din ito epekto ng ginawa kong pagbabasa dahil malabo iyon sa topic ng mga libro.  “Vanya, wake up!” Nagising ako at napahawak sa pisngi na sinampal ni Thana. Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya.  “Pasensya na kanina pa kasi kita ginigising pero hindi ka magising.” Nahihiyang wika nito dahilan para magbago ang aking ekspresyon. Malamang ay hindi ako mgagawang sampalin ni Thana ng walang dahilan. “Ahh ganun ba, salamat.” Nahihiyang sagot ko sa kanya dahil sa masamanh tingin na ibinigay ko kanina.  “Ayos ka lang ba?” Nag-alalang tanong niya sa akin.  “Oo naman, halika pasok na tayo.” Tuluyan na akong tumayo at sinabayan si Thana na makapasok sa loob ng bahay.  Napailing na lang ako nang maalala ang aking mga nakita kanina. Hindi ko pa din masabi na panaginip iyon. Minabuti ko na kalimutan na lang iyon at muling ibalik ang aking atensyon sa gagawin na pag-iimbestiga.  “Elena at Dave Cruz, sino ba kayo?” Palaisipan ko pa din na tanong sa sarili.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD