Steve's POV "Ma'am Zylie," "Don't.." pigil niya. "Don't talk to me." Alam ko naman kung anong ipinuputok ng butchi niya. More than twenty thousand lang naman kase ang inabot nung bill ko. Sa sobrang inis ko kanina, seeing na nakikipagharutan siya kay Dylan Strauss, I ordered a wagyu steak tenderloin, a glass of sauvignon blanc and that fettuccine alfredo--The one I gave her instead of that sad looking ceasar salad. Galit pa ba siya nun, eh, mukha naman gusto niya 'yong ginawa ko. I know she's hungry. Hindi naman kase siya nakapag almusal kanina bago kami umalis ng bahay, almost one in the afternoon na rin sila nagkita ni Dylan. Babayaran ko na sana 'yong bill ko since I am a gentleman but I changed my mind. I wanted to see how she'll react. Hindi siya nagalit, hindi siya nagwala kagaya