Chapter 1 (Decided)

2263 Words
Chapter 1 Astherielle's POV "Asthe!" malakas na tawag sa akin ni Mama. Wala pa akong matandaan na pagkakataon na tinawag niya ako sa maayos na pananalita, kung hindi pasinghal ay pabulyaw kung tawagin ako nito. "Opo? Nariyan na po ako, mama," sinabi ko at nagmamadali nang tumakbo papunta rito. "Ikaw... Oo, ikaw! Mamaya, pagkatapos mong kumain at magtrabaho rito sa bahay ay pumasok ka na ng kuwarto mo, ha? Malilintikan ka sa akin kapag naabutan kita rito sa labas pagdating ko mamayang gabi!" Nasa sala ang TV namin. Nag-iisang TV na naman iyon kaya isa talaga iyon sa ipinanghihinayang ko. Hindi ko magawang panoorin ang mga paborito kong mga panood sa favorite kong TV channel dahil everyday akong may curfew. Bawal na akong lumabas pa ng kuwarto tuwing sasapit na ang alas-otso ng gabi. Nagtatrabaho sa isang kilalang club si Mama. Isa siyang waitress doon na pagkatagal ay nahimok ng manager nito na maging entertainer at bayarang babae. Ang duty niya ay tuwing five ng hapon hanggang twelve o'clock ng umaga. Graveyard shift ang binigay rito kaya madalas, nakainom at bangad na ito tuwing umuuwi sa gabi. All my life, sinusunod ko talaga ang utos nito na huwag na akong lalabas ng kuwarto sa oras na sinabi niya kahit alam ko naman na hindi rin naman niya ako mapapansin ano man ang gawin ko kasi wala na siya sa isip tuwing umuuwi. Pero hindi pa rin maiwasang lumabas ako dahil wala naman akong sariling comfort room sa kuwarto. Yeah, marami na akong na-witness na malalaswang tagpo sa sala namin at sa kuwarto ni Mama. Never pa itong umuwi na walang kasamang lalaki. Ang mga iyon ang ayaw niyang makita ng mga mata ko pero hindi lang niya alam na nakita ko na ang mga iyon bago pa niya sabihin. Pati personal at maseselan nitong aktibidad sa katawan ay ilang beses ko na ring nakita. Lumaki akong alam lahat iyon pero wala akong sinabi sa kaniya ni isa. Kung sinu-sino nang mga lalaki ang dumaan sa buhay ni Mama kaya hindi na rin nito alam kung sino talaga ang tunay kong ama. Napagod na ako katatanong dito kung sino ba talaga ang ama ko. Tanggap ko ang trabaho niya dahil iyon din naman ang namalayan kong bumuhay sa akin, sa amin. Kahit papaano ay nakapagho-homeschooling ako. Ang hindi ko lang matanggap, iyong uri ng trabaho niya, iyong kailangan niyang gawin para lang mabuhay kaming dalawa. I can't think of any other way for us to get out of this kind of life. Mahirap nang baguhin pa ito kasi hinahanap-hanap na ng katawan ni Mama ang trabaho niya sa club. "Sige po, mama... Mag-iingat po kayo sa pagpasok... Sana huwag na po kayong uuwing lasing... Natatakot po ako sa maaaring mangyari sa inyo sa labas... Kung kay Auntie Lucia na lang po kaya kayo magpasama pauwi?" Ang katrabaho nitong entertainer din sa club ang tinutukoy ko. Ilang beses ko na ring na-meet at nakausap ito dahil sa mga pagkakataong alanganin ang mundo, sinasama ako ni Mama sa club. Tinatago niya ako sa isang sulok para hindi ako makita ng manager niya at para na rin hindi ko makita ang nangyayari sa loob ng club. Pero makulit ako, pasimple akong sumisilip kaya nakita ko rin kung ano ang klaseng mundo ang ginagalawan ni Mama. Makulay, mausok, madilim, amoy alak, mapusok at maingay ang mundong iyon. Iyong mga iyon, hindi tamang masaksihan ng inosente kong pagkatao. "Huwag mo akong inuutusan, Asthe... Alam mong ayaw na ayaw ko iyong ganiyan na pinangungunahan ako. Wala ka nang pakialam kahit kanino pa ako magpasama, ha? Problema ko na iyon at hindi iyo!" "Nag-aalala lang po ako sa inyo, mama... Kung puwede nga lang na ako na lang ang sumundo sa inyo, eh..." "Hay naku, Asthe! Napakakulit mo! Ang mga sinasabi ko ang gawin mo at hindi iyang mga gusto mo! Dito ka lang! At mag-aral ka sa loob ng kuwarto mo! Iyong mga pinto at bintana rito, huwag na huwag mong pinagbubukas, ha? Sige na at aalis na ako. Male-late na ako sa trabaho nito, eh!" Napasunod na lamang ako ng tingin sa likod nito nang lumakad na ito. Maaga akong ipinagbuntis ni mama. Fifteen years old lang siya noon kaya kung titingnan kaming dalawa, para lang kaming mag-ate. Dalaga pa rin ang postura, mukha at pangangatawan nito kaya marami pa ring nagkakagustong mga lalaki. Parang hindi nga nanganak, eh, sa payat nito. Inaalagan niya rin ang sarili dahil iyon ang puhunan niya sa buhay. Kahit na ganoon lang si Mama, alam kong mahal niya ako at may pangarap siya sa akin. Kung wala, eh di, sana hindi na niya ako pinag-aral at pinagtrabaho na lang din sa club. "Thank you, mama... Lagi kong panalangin na maayos kang makarating sa trabaho mo at ganoon din sa pag-uwi mo... Mahal ko po kayo..." Sa hangin ko na lang nasasabi lahat ng mga ka-sweet-an na gusto kong sabihin dito. Hindi kami close pero hindi rin naman magkaaway. Gaano man kakapal ang distansiya sa pagitan namin bilang mag-ina, alam ko, kailangan namin ang isa't isa... Between alas-otso ng gabi at twelve ng umaga ang uwi ni Mama. Kaya nang maulinig kong may bumubukas sa pinto namin, nagising ako. Sumilip ako pagkalipas nang ilang minutos. At hindi na rin ako nagulat sa nakita ko sa sala namin, si mama na nakikipaghalikan at yapusan sa isang lalaki. Ibang lalaki na naman ang isang iyon. Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang isinarang muli ang pinto. Paulit-ulit ko nang nasasaksihan iyon, may mas higit pa nga roon. Yeah, tuwing lasing si Mama, hindi na niya alam kung nasaan siya. Basta ang mahalaga na lang sa kaniya ay ang ginagawa nila ng lalaki niya. Natulog akong laman ng isip ang mga karugtong ng ginagawa ng dalawa sa sala. Gumising akong tila walang nangyari, ganoon din si Mama. Nagpatuloy ang buhay namin na ganoon. Hanggang sa isang araw ay may pumunta at nagpakilalang estrangherang babae sa akin dito sa bahay. Ang pakilala nito ay kapatid siya ng tunay kong ama. Kilala niya ang Mama at may mga dala rin itong mga ebidensiya na nagkaroon ng relasyon ang kapatid niya kay Mama. May mga pictures ang mga ito na masayang magkasama at ang utrasound documents ko ay kompleto pa. Ang ipinakita nitong mga pictures ng ama ko raw ay talaga namang hindi nalalayo sa itsura ko. Sa huli, naniwala akong natagpuan ko na ang tunay na ama ko. Nakalulungkot lang dahil hindi ko maaaring makita ito sa ngayon. Ayon sa kapatid nito, may sarili na itong pamilya at tahimik na naninirahan na sa ibang bansa. Ang buong akala ng asawa nito, single ito at wala pang anak. Baka magkagulo pa kapag nalaman nito ang tungkol sa akin kaya hinayaan ko na lang din. Inerespeto ko iyon kahit na sobrang sakit sa parte ko. Ang mahalaga naman sa akin ay nakilala ko na ito, na malamang buhay ito at masaya sa buhay. Masaya na rin akong hindi ako nahirapan sa paghahanap dito. Ang tungkol kay Tita Mavic at pagpunta nito sa akin ay hindi ko kailanman naikuwento kay Mama. Mahigpit na ibinilin ni Tita na hindi magugustuhan ni Mama kapag nalaman nito ang pagpunta nito sa bahay namin. Mag-aalburuto lang ito at lalayo kasama ako. Hindi naging maayos ang paghihiwalay ng mga magulang ko. Hindi mapangalanan ni Tita kung ano ang sanhi ng paghihiwalay ng mga ito. Basta ang alam lang niya, hindi iyon maganda at silang dalawa lang ang nakaaalam. Naging malapit ako kay Tita Mavic. Sa tuwing paminsan-minsang nasa trabaho si Mama, binisita niya ako rito sa bahay at dinadalhan ng mga kung anu-ano. Nang magkapalagayan kami ng loob, doon ko na lang nabuksan sa kaniya ang katago-tago kong sekreto. Ito ay tungkol sa kakaiba kong nararamdaman sa tuwina. May mga udyok sa utak at sa katawan ko na hindi ko maintindihan... May mga hinahanap-hanap ang mga ito na hindi ko magawang pangalanan dahil takot at hindi ko ito matanggap... Bakit tila naghahanap ako ng lalaking hahawak sa katawan ko? Ganoon iyong pakiramdam kaya kung minsan ay gusto kong lumabas ng bahay pinipigilan ko lang. Pero kaya ko pa namang kontrolin ang sarili. Sa tuwing inaatake ako ay itinutulog ko na lang. "Astherielle, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol sa nangyayari sa iyong iyan?" nag-aalalang sinabi nito matapos kong aminin sa kaniya ang bagay na iyon sa akin. "Dapat noon ko pa nalaman ang tungkol diyan... Hindi mo lang alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon... Ito na nga ba ang sinasabi ko..." mahina at nalulungkot nitong usal. "Ang alin po, Tita? By the way, sorry po kung ngayon ko lang naisipang sabihin sa inyo... Noong una... akala ko kasi maliit lang ito na bagay... Pero parang may mali na kasi kaya ko nasabi sa inyo..." "Naisip ko rin iyan nang malaman ko kung ano ang trabaho ni Sofie... Pero hindi ko lubos akalain na... n-na m-magiging posible... Diyos ko... Sana mas maaga kitang nahanap para naiwasan natin iyan..." Naluluha at nahihiya kong iniyuko ang ulo kahit na wala naman ito sa harapan ko. "Wala po kayong kasalanan, tita..." "No... Sa inamin mong iyan, mukhang alam ko na kung bakit ka nagkakaganiyan ngayon... Diyos ko," usal pa nito sa naaaburidong emosyon. "Kaawaan ka ng Diyos, hija... Kailangan nating magawan iyan ng paraan... Gagawan natin ito ng paraan... Ikaw, papayag ka ba? Gusto mo bang mailayo na mula riyan..." "P-Pero si mama, tita..." Ang mga luhang gumapang sa mga pisngi ko ay para sa ina ko na hindi man perpekto, alam ko namang mahal ako at nilalaanan ako nang maganda buhay. "Naiintindihan kita, hija... Alam ko dahil may ina rin ako... Pero... base sa pagkakakuwento mo ng mga nangyayari at nasasaksihan mo riyan sa loob ng bahay ninyo, I don't you think you are safe there... Kailangan mong maialis diyan habang may pagkakataon pa... Hindi ka puwedeng magpatuloy na ganiyan ang madalas na nasasaksihan mo sa pang-araw-araw. Bata ka pa... Napakabata mo pa... Normal na buhay ang dapat mong magisnan..." Fifteen years na akong nabubuhay sa mundo, ganoon katagal ko na ring namumulatan ang mundo ni Mama. May mali naman talaga una pa lang sa akin pero hindi ako kumibo. Wala akong alam na magiging kakampi, eh, kaya siguro umabot ako hanggang dito. Nangilakbot talaga ako nang una kong naramdam iyong kakaibang enerhiya sa loob ko. Noong isang araw iyon, nang may makita ako sa bintana ko na dumaang lalaki na nakasakay sa bike. First time kong magbukas ng bintana at may maparaang lalaki nang araw na iyon kaya naman bagong-bago talaga sa pakiramdam ko. Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon. Kinabukasan ay tinawagan akong muli ni Tita para sabihin ang natuklasan nito kay mama. May sakit daw ito na addiction sa s*x. Hindi na niya nilawakan pa ang description niyon dahil iyong pinagsamang dalawang katagang iyon pa lang ay malaking pasabog na. "At mukhang iyon na rin ang dahilan kaya naghiwalay ang mga parents mo, Astherielle," dugtong nito na nagpanumbalik sa katinuan ko. "Totoo po ba na may sakit si Mama na ganoon? Papaano po ninyo nalaman?" Ipinikit-pikit ko ang mga mata para hawiin ang luhang nagpapalabo sa mga mata ko. "P-Pero... Bakit po ganoon, wala naman po siyang sinasabi sa akin..." "Dahil paniguradong hindi mo maiintindihan... Kung hindi ko pa nga sinuhulan iyong manager niya, hindi pa niya ilalabas iyong medical record ng mama mo, eh!" "Alam niya po na may sakit na gano'n si Mama pero pinagtrabaho pa rin niya sa club?" Mas lalo akong nanlumo sa nalaman. Mas may una pa palang nakaalam pero kinunsinte pa rin si Mama na magtrabaho doon. "Hija... Alam ng mama mo ang karamdaman niya. May consent mula rito. May kontrata at pirma siya sa club na pinagtatrabahuan niya... At wala na siyang ibang alam na puwede niyang pagkakitaan ng pera bukod sa trabaho niya ngayon... "Oh," iyak ko. Huminga nang malalim si Tita. "Sana ay nasa tabi mo ako ngayon, hija... Para man lang maramdaman mo na may kasama ka sa pagsubok na ito... Hindi ko sana sasabihin sa iyo dahil confidential iyon pero anak ka ng mama mo. Karapatan mong malaman ang tungkol doon. At para na rin maunawaan mo kung bakit kailangan mo nang dumistansiya muna sa mama mo... Papaano mo siya matutulungan kung pati ikaw ay parang nagkakagano'n na rin?" Tama naman talaga ito sa sinabi niya. Paano kung hindi lang pala hanggang dito ang nararamdaman kong ito? Paano kung may ilalala pa pala ito? "Pumayag kung umalis diyan at tutulungan kitang mabalik sa normal... Mahal ko ang kapatid ko... Anak ka niya at panganay pa kaya mamahalin din kita, hija... Huwag kang matakot sa gagawin mong pag-alis diyan... Isipin mo ang mama mo, iyong mga maitutulong mo sa kaniya kapag gumaling ka na... " "P-Pero, tita... Kahit na hindi perfect na ina si mama sa akin, mahal na mahal ko po siya... Hindi ko po siya k-kayang iwan nang mag-isa..." "Pero para sa kaniya rin kaya mo ito gagawin, Astherielle... Pag-isipan mong mabuti, hija... Tandaan mo, hindi biro iyang nararamdaman mo ngayon... Utak mo ang natamaan dahil lumaki ka sa environment na hindi angkop sa nagkakaisip na bata..." Ito na ang pinakamahirap na ginawan ko ng desisyon. Inumaga akong umiiyak at nag-iisip. Hanggang sa makabuo na nga ako ng pasya. Pumayag akong mag-rescue rito. Babalik din dito kapag magaling na ako para kay mama. "M-Mama, patawarin mo ako sa gagawin ko... Pangako ko na babalik ako para sa iyo... Sa pagbabalik ko, ikaw naman ang ililigtas ko..." Itinalukbong ko ang kumot sa mukha ko at muling nagpatuloy sa paghagulgol. End of Astherielle's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD