Chapter 2
Astherielle's POV
"Tama lang, Asthe, ang ginawa mong ito! Tamang-tama lang kasi sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung papaano kita bubuhayin! Araw-araw kong pasakit kung ano ang gagawin ko sa iyo! Mas maganda nga talagang umalis ka na para sarili ko na lang ang iisipin ko! Nakapapagod nang maging ina mo! Hindi ko lang masabi sa iyo dahil kahit papaano may pakinabang ka rin sa akin! Sa maliliit na mga bagay, may pakinabang ka! Pero kaya ko kahit na wala ka! Mas kaya kong mabuhay nang mag-isa kaysa ang mabuhay na iniiisip kang lagi!" Binalingan nito si tita Mavic sabay pasinghal na sinabi, "Sige na, Mavic, dalhin mo na iyan at umalis na kayo rito sa pamamahay ko!"
Dumating na ang nakatadang araw ng paglabas ko rito sa rehabilitation hospital matapos ang dalawang taong pagpapagamot pero hindi ko inakalang maririnig ko pa rin mula sa balintataw ko ang mga huling sinabi ni Mama na mga iyon. Para akong pinipiga na buhay habang matapang at lumuluha nitong sinasabi ang mga iyon. Alam kong nasaktan ko siya pero alam kong natulungan ko rin. Hindi na niya ako aalalahanin pa...
Pinahid ko ang mga luha at tumingin na lang sa labas ng bintana. May pilit na ngiting kumurba sa mga labi ko. Ang bilis ng pagpapapalit-palit ng araw at ng gabi. Hindi ko namalayan na malapit na akong lumaya sa facility na ito.
Sa dalawang taon kong pananatili rito, kinalimutan ko ang mga privileges sa labas. Nag-focus ako sa pagpapagaling. Malaki ang naging tulong ang psychotherapy sa akin. It is also called "talk therapy". Tinulungan ako ng mga doctors dito na mahanap ko ang person identity ko. Tinulungan at itinuro nang paunti-unti kung papaano ko babaguhin ang troubling emotional, thoughts and emotion ko. Mababait at mga positibo ang mga staffs dito kaya naman maganda ang balik sa mga kagaya kong pasyente rito.
After ng session ko, bumabalik ako kaagad sa silid ko para magpahinga. Nakatulong sa akin na wala akong nakikita at nakasasalamuha bukod sa mga staffs dito. I proved that my decision to follow Tita Mavic was right. I was put in a place where I could heal safely.
Isang beses sa isang buwan lang niya ako nabibisita rito dahil iyon ang policy rito sa ospital. Kaya naman kung bumibisita ito, lubus-lubos kung magpasalubong.
Nakausap ko ito kagabi, kino-congratulate ako para nga sa araw na ito. Mamaya ay darating na ito para sunduin ako. Yes, titira na ako kasama ito sa bahay niya sa Placio Carmen sa Rizal. Six months ago ay lumipad na ng boyfriend nito sa Netherlands. Hindi pa ito handang mag-abroad kaya nagpaiwan muna pansamantala. Pero nasabi rin naman niya sa akin ang plano nitong pagsunod sa nobyo soon.
Kahit papaano ay napawi ang lungkot ko nang maalala ko ito. Lagi naman akong nalulungkot at naiiyak tuwing naaalala ko si mama, eh. Sana dalawa kaming narito ngayon... Sabay sana kaming nagpagaling at sabay ring lalabas kapag nagkataong pumayag ito noon sa panghihimok kong sumama sa akin dito. Imbis na ilaban niya ako mula kay tita Mavic, pinagduldulan pa niya ako rito.
Alam ko namang iyon ang mangyayari pero bakit tuwing naiisip ko, nanghihinayang at nasasaktan pa rin ako? Siya pa rin ang ina ko ano man ang mangyari. Mahal na mahal ko pa rin siya at umaasang gagaling pa siya.
Tinuyo ko ang mga pisngi at inayos na ang sarili. Sa ngayon, ang paghandaan ang magiging buhay ko sa labas ang una kong dapat unahin.
"Wala pa ang tita mo, Asthe?"
Lumingon ako nang marinig ko ang tinig ni Doctor Vic, a fifty-year-old psychiatric doctor and one of the senior doctors here in the hospital. Isa ito sa mga naging doctors ko rin dito.
"Hello po, doc'... Good morning po... Oho, wala pa po siya. Baka po on the way na... Siya rin po kasi ang magda-drive ng sasakyan niya, eh..."
Wala akong cellphone kaya hindi ko ito ma-contact. Bawal gumamit ng ganoon dito. Sa landline ng hospital ito tumatawag kaya nakauusap ko dati.
"Oh... I see... Mamaya ay nariyan na siya... Naihanda mo na ba ang mga gamit mo?"
Maaga nitong ibinigay ang pagbati sa akin. During last session namin ay binabati na niya ako at ipinagmamalaki ang mga naging improvements ko sa pananatili ko rito sa hospital nila. Masaya ang mga ito sa nalalapit kong paglabas. Dahil sa kanila kaya kampante at masaya akong aalis.
"Opo, doc'... Wala na po akong naiwan..." Binalingan ko ang dalawang maleta na nasa ibabaw ng kama ko. "Maraming salamat po sa inyo, doc'... Naniwala kayo sa akin na gagaling pa ako... Lahat kayo rito ay hindi ko makalilimutan..."
Ngumiti ito ini-spread ang mga kilay. "Trabaho namin iyan, Asthe... Trabaho na ginagamitan namin ng puso para sa mga pasyenteng umaasa ng serbisyo namin... Ngayon kung gumaling ka, dahil din sa iyo iyon, for being cooperative sa amin. Gusto mo talagang gumaling kaya deserve mo kung ano ang naani mo sa kasalukuyan... Again, congratulations and we are so happy for you..."
"Thank you so much po, doc'..."
May binabasa ito na nakaipit sa clipboard. Palagay ko ay ang record of dismissal ko na iyon.
"Ang balita ko magpapatuloy ka raw ng pag-aaral sa normal na na eskuwelahan... How true is that, hija?"
"Ay..." nahihiya kong sambit. Kay Tita ko lang nasabi ang plano kong iyon. Nakarating din pala hanggang dito ang tungkol doon.
Nahihiya akong magsabi sa kanila kasi baka hindi muna tamang ma-expose ako sa public kahit pa alam ko namang magaling na ako. Pero sa palagay ko naman ay walang problema doon base sa reaksiyon nito.
"Mabuti naman at naisipan mo iyon, hija... Mas masaya na naman kami na magpapatuloy ka sa pag-aaral as a normal child and a student..."
Pinagsabay ko ang pananatili rito sa pag-aaral ko. Mahirap iyong gawin pero kinaya ko alang-alang kay mama. Ayaw kong pati sa pag-aaral ko ay mabigo ko ito. Pinapadalahan ako ng mga modules na sasagutan ko. Sa tulong ng adviser ko ay nasasagutan ko naman nang tama ang mga iyon. Mas maigi na raw na may matutunan ako nang paunti-unti kaysa totally na wala.
"Opo... Plano ko pa lang po... Hindi ko pa po kasi naranasang pumasok sa school, eh... Simula kindergarten ako, sa bahay na talaga ako... It served a purpose naman po dahil sa nangyari sa akin... Ngayon, gusto kong alamin kung may mababago pa ako sa mundo ko... Excited na po akong mamuhay sa normal na mundo..."
"The world deserves you, Astherielle... Good luck sa journey mo... Wala naman akong nakikitang magiging masamang epekto sa iyo ng plano mong iyan... Mas makatutulong pa nga iyan para ma-exercise itong bagong ikaw ngayon... Basta't magtiwala ka lang sa sarili mo. Mag-ingat palagi sa mundo. Palagi mong bantayan ang sarili mo mula sa paligid mo. Ingatan mo ang sarili mo at huwag mong kalilimutan lahat ng mga natutunan mo rito at lahat ng mga pagbibilin namin sa iyo..."
"Opo, doc'... Nabunutan ng tinik itong puso ko. Akala ko kasi... hindi pa puwede sa akin ang makihalubilo sa ibang tao, eh..."
Tumawa ito nang marahan. "Nagsabing hindi? Kaya nga naging tahanan mo ang hospital na ito sa loob ng dalawang taon para maging posible ang mga pangarap mo sa paglabas mo..."
Sa sinabi nito ay nakaramdam ako nang kakaibang galak. Doktor na ang nagsabi na malaya ko nang magagawa ang mga dating imposible sa akin.
"Ang sarap po sa pakiramdam na marinig lahat iyan sa inyo... Habang buhay na pasasalamat sa inyo, doc'..."
Makalipas ang isang oras na paghihintay, dumating din si Tita Mavic, may dala-dalang bulaklak at ng mga kung anu-ano pa.
"Oh, Astherielle, the wait is over, hija!" nasisiyahan nitong pinangbati sa akin.
Inuna niya akong yakapin nang mahigpit bago inabot ang bouquet. Iba't ibang klase ng bulaklak ang naka-arranged dito kaya naman sobrang ganda, makulay at bango.
"Tingnan mo na, walang imposible basta magtiyaga ka lang... Ito na ang bunga ng mga naging desisyon mo... Magaling ka na ngang talaga, hija..."
Mas lamang ang sayang nararamdaman ko kaya hindi bumabagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para biyayaan ako ng Diyos ng ganito kabait na tita.
"Thank you so much sa inyo, tita... Hindi po ninyo ako sinukuan... Kayo lahat ang gumastos sa akin para gumaling ako..."
"No... Hindi lang ako, hija..."
Kumikibot-kibot kong itinikom ang mga labi. Mayroon pa bang tumulong sa akin bukod sa kaniya?
"Ang papa mo... Malaki rin ang ambag niya sa paggaling mong ito, hija... Nang malaman niya ang kalagayan mo, sinagot niya lahat ng gastos sa pagpapagamot mong ito... Pasensiya ka na kung hindi ko nasabi sa iyo dati... Ayaw kong pag-isipin ka pa, eh... Bilin din ng papa mo na huwag ko munang sasabihin sa iyo... Nabalita ko na sa kaniya na ngayon ang labas mo..."
Hinintay ko ang karugtong niyon pero wala na talaga. So, hindi na ito nag-reply pa nang malaman niyang okay na ako. Hanggang ngayon, wala pa rin itong balak na magpakilala sa akin sa personal. Naiintindihan ko naman siya.
"Pakisabi po na nagpapasalamat po ako sa kaniya... Nagulat po ako... kahit papaano naman pala, hindi niya ako pinabayaan..."
Ngumiti si Tita at matagal ding hindi nagsalita.
"Anak ka niya, Astherielle, bali-baliktarin man niya ang mundo... Mahal ka niya. Sigurado ako riyan... Hindi naman siya magpapaabot ng tulong kung hindi..."
"Opo, tita... Utang ko pa rin naman po ang buhay ko sa kaniya, eh... Iyan din naman ay hindi mababago kahit ano pa ang gawin ko..."
Hindi ko na pinabaha pa ang usapang iyon. Hindi ako komportableng pinag-uusapan namin ang tungkol sa ama ko.
"Astherielle, tumingin ka sa gilid mo... Madadaanan na natin ang eskuwelahan na pag-aaralan mo!" excited na hiyaw ni tita.
Wala sa loob akong tumingin sa tinutukoy nito. Pinabagal nito ang pagpapatakbo para makita ko iyon. Isang mahabang University rito sa Quezon City. At ang dinadaanan namin ngayon ay ang hula kong main entrance ng University dahil sa engrandeng view, dami ng taong pumapasok at ang malalaking kulay gold na inestatwang mga letra sa harapan ng gate
"Ah, eh... Tita, mukhang mahal po riyan, eh... Okay lang naman po sa akin na makapagpatuloy ako sa public school..."
"Hay naku, Astherielle, hindi iyan puwede... Sige na... Ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito... diyan talaga kita ini-enrolled dati... Sakop nila ang homeschooling na nai-apply sa yo..."
"Oh... Talaga po?"
"Oo... Medyo advance na lessons ang binayaran ko para hindi ka mahuli sa pag-aaral. Mabuti na lang talaga at ginagalingan mo rin... Sa pagpasok mo sa taong ito magte-third year college ka na..."
Kaya pala nagulat ako sa mga exams at mga activities na pinapagawa sa akin, sobrang hihirap at mukhang sobra-sobra. Hindi na lang siguro sinabi sa akin ni Tita para hindi ako ma-pressure. Major in Biochemistry ang kinukuha ko kaya more on laboratory and math problems ako. Pinapadalhan ako ng mga learning videos para maintindihan ko ang ilan sa mga experiments na hindi ko nawi-witness at natututunan sa personal.
"Oo nga't mahal talaga ang tuition sa Polaris University pero sulit naman dahil magagaling ang mga teachers... Hindi ko paghihinayangan ang perang mai-invest ko roon kung para naman sa future mo, hija... Saka sobra-sobra ang binigay na pera ng papa mo. Dinadagdag ko na lang iyon sa ipon sa pang-tuition mo..."
"Polaris University..."
"Yeah... You heard it right, hija... Diyan kami nag-aral ng papa mo noong college kami."
Nakuwento nga niya sa akin dati na dalawa lang silang magkapatid. Pagka-graduate niya ng college ay ang pagkamatay naman ng mga magulang nila. Nagkahawaan daw ito ng sakit, eh, kaya magkasunod lang na namatay. Iyon na nga ang dahilan kaya hinanap niya talaga ako, dahil bukod sa kuya nito, ako na lang ang malapit niyang kapamilya, pinakamalapit sa dugo nila. Ang papa ay may sarili naman nang buhay at hindi lagi ay masasamahan niya si tita.
"Scientist ang papa mo... Mag-ama nga kayo... Mahilig kayo sa science..."
Ngayon ko lang nalaman ang totoong profession ni papa at ikinamangha at gulat ko talaga iyon sa loob-loob ko.
"Sorry kung ngayon ko lang nasabi... Natuwa talaga ako nang malaman ko na major in Biochemistry ang course mo... Dahil sa magandang eskuwelahan kami pinag-aral ng mga magulang namin, gusto ko ay ikaw rin... Diyan ka mag-aaral, Astherielle..."
Muli nitong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Ako naman ay humabol pa ng huling sulyap sa University bago bumaling sa kaniya.
Normal ba itong kabang nararamdaman ko? Ilang araw na lang ay papasok na talaga ako sa totoong eskuwelahan! Kinakabahan at nae-excite ako!
"Kaya mo iyan, hija... Lagi kitang kukumustahin... At iga-guide pa rin kita hanggang sa masanay ka na..."
Kumapit na naman ako sa pangako sa tinig nito. "Maraming salamat po, tita..."
Pagkadating namin sa bahay nito ay agad ako nitong dinala sa magiging kuwarto ko. Napangiti ako nang makita ko ang nakahanda nang mga kagamitan ko sa eskuwela, katulad na lamang ng bag, notebooks, pens at iba pa. Mag-aaral na ako nang normal!
End of Astherielle's POV