Prologue
Naiiyak akong ibinagsak ang tingin sa mga nangangatog kong mga binti. Isang mahinang hikbi ang hindi ko na napigilang kumawala sa lalamunan ko nang maramdaman ko hindi na lang ito ang tila nagva-vibrate, buong katawan ko na. Ang mga luhang kumakawala sa mga mata ay simbolo nang kawalang pag-asa, takot, kaba at marami pang negotibong enerhiya. Oo, tinatalo ako nang minsanan ng mga ito.
Heto na naman ito... Dumating para pahirapan na naman ako...
Nag-uunahan ang mga paghinga ko. Halos mabaliw na ako kung papaano bobombahin ng hangin ang dibdib ko. Hindi ito nakagagaan sa nararamdaman ko kung hindi nagpapalala lalo. Matatakip-silip na. Malapit nang matakpan ang natitirang liwanag na pinanghuhugutan ko ng lakas at pag-asa sa labas.
"Tita..." impit kong iyak. "Tita... I need you n-now..." hagulgol ko habang lumuluhang nakatingin sa labas ng bintana, sa mismong kalangitan na naubusan na ng sigla at kulay dahil sa dilim. Ni isang butuin ay walang naligaw roon...
Maaari naman na akong tumayo at lumakad palabas ng classroom na ito ngunit pinanatili ako ng mga napagtanto ko ngayon lang.
"Kahit ano pa ang gawin kong pag-iingat at paghahanda, darating talaga ang mga dagok ko sa buhay dahil sa sakit na ito..." diretso kong sinabi kahit naninikip na ang lalamunan ko.
"Kailangan ko na talagang tanggapin na kahit ano pa ang gawin ko, talunan at wala pa rin akong silbi sa sakit na ito... Hindi na kailanman magiging normal ang buhay ko..."
Itinuloy ko na sa pamamagitan ng bibig ang nais sabihin ng aking isip.
Pinilit kong tumayo ngunit nabitin ako sa kinatatayuan nang may marinig akong mga yapak, palakas nang palakas dahil palapit din nang palapit din rito sa classroom. Sana ay isa lang sa mga estudyanteng napadaan. Kahit imposible ay iyon ang ipinapaniwala ko sa sarili. Usually, sa ganitong oras ay wala nang nagkaklase rito sa Terifania Building. Lumang building ito at bali-balitang pinamumugaran ng mga multo at engkanto.
Hindi ko magawang alamin kung totoo iyon dahil mas natatakot ako sa nangyayari sa katawan ko kaysa sa mga chismis. Ito ang pinakamalayong building mula sa main gate ng University. Six in the afternoon to nine in the evening classes ay madalas nang ang mga buildings malapit doon ang ginagamit ng mga estudyante.
Dahan-dahan kong inabot ang bag ko sa table. Natatakot ako para sa sarili. Sana ay tuluyan nang mawala ang mga yapak sa Iabas nang makaalis na rin ako rito. Mahirap para sa akin ang magtago rito nang matagal dahil sa nangyayari na naman sa akin. Hindi ko alam kung ano ang susunod na ididikta ng utak ko sa katawan ko, kung ikapapahamak ko ba ito o hindi. Nasa isip ko na ang pagdaan sa likod ng building na ito. Doon ay may isa pang gate palabas ng school. Madilim din doon kaya tamang-tama lang para maitago ko ang sarili sa mga tao.
Pero hindi ko maigalaw-galaw ang mga paa ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang saktong ingay na nagmumula sa labas. Hanggang ngayon ay nararamdaman at naririnig kong dito patungo ang nilalang na iyon.
Mas lalong nagsilakbot ang damdamin ko nang saktong mapatingin ako sa gilid ko, sa bandang likuran ko, ay may makita akong anino. Anino ito na unti-unting nagkakaroon ng katawan at... ng mukha. Bumigat pa lalo ang paghinga ko. Namawis hindi lang noo ko kundi ang lahat na ng mga singit at lantad na mga balat. May kasama nang mga pagsinghap ang bawat paghinga ko nang malamang lalaki ito. Wala akong napansin dito na makapagsasabing babae ito. Sa suot, hubog ng katawan at gupit ng buhok ay lalaking-lalaki ito.
"Diyos ko, tulungan Mo po ako," usal ko, halos papunta na sa panalangin ang simpleng sinabi.
Sa takot at pagkabahala ay tinakbo ko ang blackboard sa harapan habang yakap-yakap ang bag ko. Paatras akong sumiksik sa gilid nito habang nakayuko.
"K-Kahit dito na lang ako matulog magdamag okay lang sa akin basta sana... huwag nang tumuloy kung sino man ang tao na i-iyan..." patuloy ko sa kabila nang paggaralgal ng tinig ko.
Ikinapit ko ang isang kamay sa paa ng mesang hindi ko na rin alam kung papaano napunta sa puwestong ito. Nasa gitna ito ng blackboard sa huling pagkakatanda ko kanina. Nagsumiksik pa ako nang hindi inaalis ang mga mata sa taong paparating. Sana ay hindi niya ako makita...
I closed my eyes when I felt pain from the sweat creeping from my head.
"Och!" hindi ko na napigilang sabihin nang mag-circulate iyong hapdi sa buong eyeball ko. Sobrang hapdi! Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang epekto ng pawis kapag napunta sa mata.
Ang sumunod kong napansin ay ang pagtigil ng nasa hindi kalayuan at ang kaluskos mula sa bagay na hindi ko na rin alam. Naglakas-loob akong magtaas ng mukha para tingnan kung ano na ang nangyayari sa harapan ko.
"Sir..." sindak na sindak kong usal nang mamukhaan ko kung sino ito.
Si Professor Scheids Noah! Ang taong pinaka-hindi ko inaasahang makikita sa apat na sulok ng classroom na ito!
"No!" piping sigaw ng isip ko.
Sa dami kong classmates at choolmates na pupuwedeng maligaw rito, bakit siya pa na Professor ko at kinababaliwan ng kalandian ko sa katawan?
"Hey... Is anyone here?" malakas nitong tanong.
"Patay... Narinig niya ako..."
Hindi ko na alam ang gagawin sa mga sandaling ito. Hindi niya ako maaaring makita!
Nasa hindi kalayuan na ito, may ginagawa roon na hindi ko na rin alam.
"Matagal na akong hindi takot sa multo..."
Pinagkamalan pa akong multo! Ang sarap sa tainga ang boses niya, napakalamyos at tila nanghahawak ng kaluluwa. Wala nang ginawa ang katawan ko kundi ang mag-react nang mag-react. Nagpapasalba na lang ako sa natitira kong katinuan kaya hanggang ngayon, nakaupo pa rin ako rito.
Huli na nang malaman kong nasa harapan ko na pala ito. Lutang ako, umaasa at nananalangin na hindi siya matutuloy sa malapit sa akin. Iniyuko ko na ang ulo ko, tinakpan ang mga tainga gamit ang mga kamay at tinanggap na lang ang magiging kapalaran ko ngayong gabi.
"Tao... Ano ang ginagawa mo rito? Wait...
Astherielle, is that you?" Gulat at pag-aalala ang nasa tinig nito.
Hindi man lang nakalagpas ang tinig nito sa mga tainga ko kahit pa nakatakip na ang mga ito. Pumungay ang mga mata ko at napatingala sa mga magaganda at naghihintay nitong mga mata. Ibang-iba pala talaga ang mga ito sa malinaw na paningin, walang eyeglasses, shades o kahit na anong pantakip o pampa-blur ng mga mata.
Kahit na nahuhumaling na ako rito, nahihilo sa pinaglalabanang pakiramdam, pinilit ko pa ring buksan ang bag at pinagkakapa ang posas at tali sa pocket na pinaglagyan ko sa mga ito.
"So, this is you again without shades?" Ngumiti ito nang malumanay, ngiting madalas naman niyang ipakita sa lahat. Pero itong katawan ko, inaangkin niyang lahat iyon!
"Astherielle, hindi iyon para sa iyo!" sigaw ko sa isip.
"S-Sorry po, Sir... Sorry!" Nang sa wakas ay makapa ko ang mga hinahanap ko ay dali-dali kong inilabas. "S-Sir... alam kong sobrang brutal nitong ipagagawa ko pero puwede bang... i-itali ninyo ako o iposas na sa kung saan? Huwag po kayong mag-alala–"
Naputol ang sinasabi ko nang lumuhod ito at hawakan ako sa mga kamay. Tahimik akong napamura sa isip. Nalipat sa mga wrist ko ang mga kamay nito at nagsimula nang udyukin ako patayo.
"Ang iniuutos mo ay hindi ko magagawa, Astherielle..."
"Wala akong shades or e-eyeglasses," tila bata kong silakbot.
"It's okay... There's no sunlight outside. Madilim na kaya hindi mo na kailangang isuot iyon..."
"Hindi mo po naiintindihan, Sir..."
"Ang alin? Saan ang hindi ko maintindihan sa iyo?"
Umiling ako at naiiyak na nag-iwas ng tingin. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin makalipas ang sandali. Pero nagulat ako nang kusang kumapit ang mga kamay ko sa kamay nito at humaplos sa paraang hindi ko rin in-expect na magagawa ko sa isang lalaki!
"Iba ang klase ng haplos mong ito, Astherielle... Iba rin ang nakikita kong alab sa mga mata mo kahit pa narito tayo sa dilim..."
Unti-unti nang sinasakop ng baliw at uhaw kong ulirat ang pagkatao ko. Hindi ko na kayang magpigil...
"Akala mo siguro... hindi ko napapansin ang pagtingin-tingin mo sa akin... But let me tell you, even if you have ornaments in your eyes, I know when you're looking at me... I know when your attention is on me... I feel you act differently every time I'm there... So I'm going to ask you now... Do you want something from me?"
Pinigilan ko ang paghinga. Ang nararamdaman ko ay sumasabog na at malapit nang tapusin ako.
"Bago man lang kita maialis dito, tanong ko lang, do you... like me, Miss Zuluetevo?"
Nanlaki ang mga mata ko at namungay pagkatapos. Ramdam na ramdam ko na ibang katauhan na ang nasa katawan ko ngayon. Ito na iyong anino ko na pinakakinatatakutan ko!
"Sir.. "
"Oh..." marahan nitong ungol at ngumisi sa akin. "Oh... I can't believe this..." mangha nitong patuloy nang ikapit ko ang isang kamay sa batok nito. Iniuudyok kong kargahin niya ako at dalhin sa kahit saan.
"Hey! Hey! Hey! I think you're too fast, Miss... So it's true... You like me..."
Muli akong napapikit. Hindi ko na lang pinansin iyon bagkus ay ninamnam na lang ang init na nagmumula sa katawan nito.
"M-May sakit ako, Sir..." nagawa kong sambitin kahit wala na ako sa katinuan ko. "A-Alam ko na... hindi naman tayo close... Professor lang kita... Pero aamin ko ito sa inyo... May sakit ako... I have a... mental s****l disorder called nympo—"
Hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi kaya napatigil ako. Itinindig ko ang mukha, tinitigan siya sa mga mata at saka huminga nang malalim. Gusto kong baguhin ang entrada ko para mas maunawaan niya ako. Natalo na rin lang ako kaya sasabihin ko na ang totoo.
"I-I a-am a... nymphomaniac, Sir... May sakit ako kaya ako n-nagkakaganito..." iyak ko sa dulo. "Sorry po talaga kung ganito ang ikinikilos ko..."
Ang magkadikit nitong mga kilay ay dahan-dahan naghiwalay matapos kong i-confess iyon sa kaniya.
"Pinipilit kong labanan pero hindi ko magawa... lalo ngayon at wala ang shades k-ko... Nabasag iyon kanina..." parang batang nakahanap ng kakampi kong sumbong dito. "S-Sige na po, S-Sir... Bago pa po kita magawan nang masama, itali na po ninyo ako o hindi kaya ay iposas na lang... May baon naman po ako, eh... Lagi naman akong handang... Nagkataon lang talaga na naabutan ako ng dilim dito... Sorry po..."
"You what? How true is that?" Inalalayan niya akong tumayo. Hinawakan sa mga kamay ko nang matantiya siguro niyang nakuha ko na ang balanse ko. Hindi pa rin ito makapaniwala.
"May gamot po ako na natira sa bag pero sleeping pills na lang po iyon... Puwede po bang pakihanap na lang po at pakisubo sa akin? Nanlalabo na po kasi itong mga mata ko..."
"You are taking that? Really? Bakit iyon ang iniinom mo?"
"D-Dahil wala na po akong choice para matakasan itong sakit na ito!" hiyaw ko sa ipit na ipit na lalamunan.
Ang kamay ko ay marahan pa ring humahaplos sa batok nito. Napapapikit ito at napapaungol sa ginagawa kong iyon. Tila may sariling isip ang kamay ko sa ginagawa nito sa kaniya.
"Of course there is other way out, Astherielle... Tutulungan kita... Hindi mo kailangang magpakalunod sa mga iniinom mo para matakasan iyan... I have an idea..."
"P-Po?" lito kong banggit.
"Delikado na nakikipagsapalaran sa mundo nang may dala-dalang ganiyan na karamdaman. Masisira din ang ulo mo kapag napuno ng drugs ang sistema mo? Why did you study if you knew you were sick?" Galit at nag-aalala na itong talaga.
"Para po sa mga pangarap ko... Okay lang sa akin kahit na masira na ang ulo ko... Okay lang kahit mahirap... Ayaw ko na kasi talagang bumalik sa rehabilitation..."
"No... May kapatid akong may depression kaya alam ko iyong side effects ng mga iniinom niyang gamot... At wala iyong ipinagkaiba sa iyo..."
Napahiyaw ako nang hilahin niya ako papunta sa gitna ng board. Napasinghap nang buhatin ako at ipaupo sa mesa. Napakapit ako nang mahigpit sa mga balikat nito nang itulak niya ito kasama ako papunta sa pinakasagad na parte ng board. Ang likod ng ulo at likod ko ay naisandig dito.
Literal na hindi na ako nakagalaw dahil sa mukha nitong nakasunod sa mukha ko.
"S-Sir... ano p-po ang g-ginagawa ninyo?" nasisiyahan at nagugulahan kong tanong ito. Basta naghalo-halo na iyong mga emosyon sa loob ko.
"There is no other way out, Astherielle... Why not try it with me?" he said in a breathless voice. And until I realized that he had placed my palms on top of his hard chest.
Ang nananabik kong mga palad ay pumisil-pisil doon. Mga mahihina at sarap na sarap na naman na mga ungol ang naging katumbas ng ginawa ko sa lalaking ito. Pumikit ito pero nagbukas din ng mga mata para salubungin ako sa mga mata.
"You are so beautiful just to lose your mind, Astherielle... Why not pagbigyan naman natin ang totoong gamot sa nararamdaman mo?"
In an instant, his hands were on the hem of my skirt. His arms help me lift my legs and thighs off the table. At nang mailapag na ang mga paa ko rito ay ang paglapit pa niya sa akin at kalaunan ay pagsubsob ng mukha nito sa gitna ng mga dibdib ko.
"Oh..." tila nagliliyab kong ungol. Wala na. Hindi ko na makapa ang totoong ako sa katawan ko. Natalo na ako.
I willingly spread my thighs to accept what he was doing. I could feel that sticky thing that thickened in my middle as a result of heating. This is how it feels to get out of the hiding cage, it's so good. The feeling is insanely good...
"This is the best way to cure you, Astherielle... Let go and just enjoy it with me... I'll take care of you..." tila nagpapangako nitong sinabi habang gumagapang ang mga kamay nito sa panty ko.
"Ah!" malakas kong hiyaw nang may maramdaman akong malapad na bagay na sumara sa hiyas ko. "Ah... A-Ang sakit..."
Hindi ko napaghandaan na iyon na pala ang susunod na mangyayari. Sobrang nasarapan at naligaw ako sa pag-amot-amot niya sa aking mga dibdib na natatakpan pa rin ng blouse kong uniform.
"Oh... So, sorry, baby... You are... so tight. And you're what? You are a v-virgin? I t-thought—"
Pinakatitigan niya ako sa mga mata matapos niyang kumustahin ang nangyayari sa gitna ko. Sa kabila ng hapdi at sarap na nararamdaman ay ang damdaming naiiyak. Akala niya siguro porke't inamin ko ang tungkol sa sakit ko, kaladkaren na akong babae, na okay lang na biglain niya akong pasukin!
"So, I am... y-your first?"
Kalahati na ako ang tumango habang may dahan-dahang gumagapang na butil ng luha sa isang mata.