Chapter 8
Scheids' POV
Fifteen minutes ago...
I am not sure kung anong oras matatapos ang meeting sa department namin kanina kaya nag-announce kaagad ako ng announcement sa group chat namin na baka hindi ako makaabot sa mga klase ko sa hapon, from five to nine in the evening classes. Group chat iyon na pinagawa ko kung saan class Presidents lamang ang kabilang. Para lang mapadali ang pagbibigay ko ng mga important announcements, katulad na lamang nito. Ifo-forward ko roon pagkatapos ay sila na ang bahalang mag-pass sa mga kaklase nila.
Maaga kong sinabi na hindi na kami magkaklase nang mag-extend pa ng isang oras ang meeting. I have done what needs to be done so that my students don't get tired of going to the times I refer to, but until the meeting starts and until it ends, I think about my students who belong to the international classes. Iyong mga walang block, mga nahalo lang sa klase. Wala akong contact sa kanila o sariling way para ma-reach ko sila. Concern ako sa kanilang lahat dahil alam ko naman kung gaano kalayo ang Terefania Building mula sa main building ng campus. Ayaw kong magpagod silang pumunta roon para lang malaman na wala palang klase.
Habang nasa meeting, nag-iisip ako kung aabalahin ko pa ba ang sariling pumunta sa last class ko ngayong gabi. Okay, aaminin ko na lang ito, ang paminsan-minsang pagsingit ng student ko na iyon sa isip ko, Miss Zuluetevo. Yeah... Nag-a-assume akong international student na ito kahit wala naman akong ni isang proof para patunayan iyon. Pero... homeschooler kasi siya dati, eh, kaya hindi kaya?
Madiin kong itinuldok ang silver button ng pen ko sa table bago iniipit ito sa tela ng bulsa ng long-sleeve ko. Humugot ako ng hangin mula sa ikali-ilalimang parte ng mga baga ko, risking that I would also draw the miracle that could clear my brain. Ngayon ko lang namalayan ang ginagawa ko rito kaya binigyan ko na ng wakas bago pa mapudpod o bago pa ako mapansin ng ibang mga co-teachers ko.
Ano ngayon kung mapagod sila? Ngayon lang naman ito nangyari, eh. Next time ay idadagdag ko na sila sa group chat nang hindi na dumadagdag pa sa konsensiya ko. Dapat talaga ay noon ko pa ginawa iyon, eh, para sa katulad nito na biglaang meeting.
But I'm not sure why this urge, which I initially dismissed as pointless, ended up outweighing me. I recall spending last night with that particular student. Sariwa pa iyong view niya sa mga mata ko sa pinakamaikling distansiya na namagitan sa amin. Bawat simpleng ngiti, bawat buka at tikom ng mga labi nito, bawat galaw, amoy at salitang lumalabas dito, natatandaan ko pa. Sa lahat ng mga naka-interact kong students, siya iyong hindi ko alam kung bakit baon ko pa rin hanggang ngayon.
"Because she is Brooke Shields from any angle you look at her!" itinuktok sa akin ng kabilang mundo ko.
Totoo naman iyon. Wala akong maipintas sa mukha nito kagabi. Totoong maganda siyang bata, sa malayuan man o sa pinakamalapitang inch na ibibigay pa ng pagkakataon sa amin. Bata na lang ang pagtingin ko rito kaysa dalaga. Lahat ng mga students ko, bata ang tingin ko. Reminder lang na wala akong dapat na magustuhan sa kahit na sino sa mga ito. Isa pa, kung ibe-base ko sa year nito ang taon niya, baka seventeen to nineteen years old lang ito. Bata pa ngang tunay, kadadalaga lang.
Dahil sa mga naiisip ko, iyon na rin tuloy ang nagtulak sa akin na bumuo ng desisyon. Alright, pupunta ako sa Terefania Building para magsulat ng note sa board na walang klase. Bata kako ang tingin ko sa mga students ko, eh, kaya ito nga at bibigyan ko na ng malasakit.
Pagka-dismiss na pagka-dismiss nga ni University President ang meeting ay inayos ko na kaagad ang mga gamit ko at pagkatapos ay tumayo na. Sa Terefania Building na ang tuloy ko nito para maagang masulat ang note ko. Hahabulin ko na lang iyong kaya kong habulin.
"Babe!"
Mariin akong napapikit sa malakas na pagtawag na iyon sa akin ni Tara. Dahan-dahan kong ibinuga ang hangin sa loob ng bibig ko bago dinahan-dahan din ang pagharap. She caught me leaving the hall.
"Hey! Mr. Fawzi, ang aga mong umalis ngayon, ha. Nagsabi ako sa iyo kanina, hindi ba?"
Ngumiti muna ako bago humarap dito nang buo. "Hey. Sorry, Miss Tara, if this time is an exception sa invitation mo... May importante akong hinahabol..."
"Oh... Sayang naman. Mukhang first time ito na..." Tumingala ito, tila nag-iisip pa kung tama ang sinabi nito. "Yeah... Feels like the first time..."
When it comes to women, I don't really refuse anything. But if I had to choose between my responsibilities to my students and the joy of being a man, I would choose my students. Iyon na nga itong ginagawa ko ngayon.
"Yeah... Iyong mga international students ko kasi... baka hihintayin ako sa last class ko... Kailangan kong habulin ang oras para makapag-leave ng note..."
"Oh... Kaya pala. Mabuti pa nga lalo at pan-gabi na klase... So, paano iyan ngayon? Later na lang?" kindat nito sabay kagat sa ibabang labi nito.
Inginisi ko ang isang sulok ng mga labi at pinagalaw ang isang kilay. "Sure, madam!" sakay ko naman sa kapilyahan nito. "Maybe later..."
"Okay..." pilig naman nito sa ulo at lapit sa akin. "I'll be waiting waiting for you..." malandi nitong buga sa tapat ng bibig sabay laro ng kuwelyo ko.
Natatawa at nahihimasmasan ko na lang na isinunod ang mga mata ko sa kaniya. I'm being professional here at Polaris University, but it's a different concept when it comes to the need of my body to dig up and talk about. I'm a monster in bed and all the women in my life know that fact about me.
Hindi lang si Tara ang babae sa buhay ko ngayon, marami pa sila sa labas ng institution na ito. Sa dami ko nang nasuotang gulo dahil sa babae, I have made two rules in relationships or flirting, first I don't flirt with a married woman and second, I don't extend what can be called a serious commitment to what our bodies do. In short, I don't want a woman who thinks she can settle me down because of what we have and because of what we do. If unexpectedly they do, lumalamig o nakikipaghiwalay ako bigla.
Iyan ang pinakadahilan ko kaya lagi kong binibilin sa mga kapatid ko na huwag magtitiwala sa kahit na sinong lalaki dahil lalaki ako; alam ko kung sino ako; alam ko kung ano ang mga kayang gawin ng mga lalaking katulad ko sa mga babae.
"Sure... Hintayin mo na lang ako sa parking area..." huling bilin ko rito bago inalis ang pagkakahawak nito sa kuwelyo ko. "Mamaya na lang ito," I winked before walking away.
"Hihintayin kita roon! Bilisan mo, ha!" pahabol pa nito nang medyo nakalayo na ako.
Chill kong itinaas ang kamay bilang pag-oo. Hindi ko na liningon ulit dahil baka hindi na matigil sa pangungulit.
Pagkarating ko sa pakay na building, umakyat agad ako sa second floor. Sa front door ako pumasok, tuluy-tuloy sa may whiteboard, at isinulat ang note ko pagkalapag ko ng mga ilang gamit sa table.
Pinagmasdan at binasa ko pang ulit ang isinulat ko bago dahan-dahang lumayo. Aalis na sana ako kung hindi lang ako humarap at nakita ang babaeng nakaupo at tila natutulog sa may gitna ng classroom. Kumunot ang mga kilay at noo ko sa pagkakita ko rito, pamilyar ito sa akin, eh.
Dumaan ako sa space na daan papunta roon. Napaungol sa pagkamangha nang makilala ko ito sa klase pa lang ng pananamit nito. Again, she is wearing an oversized dark brown t-shirt and baggy pants with the ends of her ragged rubber shoes stepping on the extra long hems of her pants.
Okay naman ang ayos niya; hindi ko lang nagustuhan iyong mahaba niyang buhok na nakasabog sa mukha niyang natutulog sa desk. May naaalala ako sa ganoong ayos. Bumabalik iyong trauma sa pagkakatagpo ko sa namatay kong fiancee sa loob ng sasakyan nito, kung saan siya nadisgrasya at nawalan ng buhay.
My shaking hands pulled her hair away from her face. Only then did I get my normal breathing when I slowly saw her face, her beautiful and angelic face. Tulog na tulog pa rin ito sa kabila ng ginawa ko.
Para makabawi sa naramdamang hindi maganda kanina, kusang lumapit ang mukha sa mukha nito. Ewan at nakararamdam ako ng hinahon ngayon at tinititigan ko na ito sa malapitan, a one nanometer after her face to be exact sa sobrang lapit ko rito.
"You are the slightest ground I have ever felt, Miss Zuluetevo... Ginulat mo ako," sinabi ko sa tapat ng mga labi nito. "Ginawa mong pangkumot iyang buhok mo..."
Idinaan ko sa pagtawa nang marahan iyong pagkaalala ko sa naging reaksiyon ko pagkakita ko sa nadatnan kong itsura nito kanina. Dahan-dahan nang ilayo ko ang sarili mula rito. Para makalimot, maingat kong inipon ang buhok nito at itinali gamit ang panyo ko. Hindi ko maiwasang balik-balikan ang mukha nito habang ginagawa ito.
Nasa pocket ko iyong naiwang panyo niya sa bench kagabi pero ewan at hindi iyon ang ginamit ko sa buhok niya. May amoy iyong panyo niya na kapag nasagi sa balat mo, maiiwan iyong amoy. Hindi ko literal na sinamyo iyon, nahawakan ko lang. Iyong naiwan sa kamay ko na amoy ang na-appreciate ko. Smell of innocence, iyon ang pagkaka-spell ko sa formula ng pabango or what na ginamit doon.
Present time...
"Ayaw kong nakakikita ng babaeng... sabog ang buhok sa mukha..." buong-buo kong sinabi sa mga mata nito. Nahuli na rin lang ako kaya magpapakatotoo na rin ako. Humuling hawi ako sa ilang hibla pa ng bangs nito bago tuluyang lumayo.
"Po? Hindi naman po sabog ang mukha ko... Ah... Isinadya ko po iyon. Ipinantakip ko ang buhok ko sa mukha para maging komportable sa pagtulog... Wala kasi akong—" bitin nito sa sinasabi habang mulat na mulat ang mga mata.
Wala kasi siyang panyo kasi nasa akin. Iyon na siguro ang karugtong niyon.
"Uhmmm... Para may silbi naman itong buhok ko, ginamit ko na lang... Girl scout ba?"
Sa mga butas ng ilong lumabas iyong tawa ko. Halos hindi ko na nga siya makilala kanina kung hindi lang sa suot niya.
Umatras ito, parang ito na ang nag-adjust para matauhan na rin ako. Hanggang ngayon kasi nakasunod pa rin ako sa mga mata nito.
"Medyo mahaba ang buhok mo... Bakit hindi mo itali para... mas umaliwalas iyang mukha mo?"
"Hindi po ako sanay na nagtatali ng buhok, sir... Mas komportable po ako kapag nakalugay lang... Hindi naman po ako nabo-bother kahit ano pa pong maging itsura ko sa ayos ng buhok ko, eh... For me... I am just nobody... Hindi kapansin-pansin..." Tumawa ito nang walang laman. "Feeling ko naman nage-gets ninyo kung ano ang ibig kong sabihin. Halata naman po siguro sa akin iyon."
Hindi ako maka-agree at hindi rin naman maka-disagree. May mga tao pala talagang walang ideya kung ano ang magiging impact nila sa ibang tao. Naiwan ko ang sarili sa pagtitig lang sa kaniyang mga mata. Nasa dulo ng dila iyong mga nakikita ko sa kaniya na tila hindi niya makita sa sarili niya.
"U-Uh... P-Pero gusto ko pa rin pong... magpasalamat sa pagtali ninyo sa buhok ko..." Nahihiya itong ngumiti. Her hand still touching my handkerchief I used as her ponytail.
Hindi lang niya alam na hindi lang iyon ang kaya kong gawin sa buhok na mahaba. If only I hadn't been in such a rush earlier, I could have made it better. I know how to braid hair, no matter how long or thick it is. I only learned because of my two sisters. Every time Mommy was away when we were kids, I was their hair doer. Pero gaano ko man kabilis inayos ang buhok niya, bumagay pa rin naman sa kaniya. Messy hair don't care with her natural... beauty
Iyong mukha niyang tila barbie doll ang lumilitaw ngayon dahil sa nahawi nitong buhok. I still can't believe na nai-intimidate pa rin ako rito dahil sa mala-hollywood nitong mukha.
"Uhmm... Not a big thing that I had ever done..." Tumalikod ako nang hindi inaalis ang mga kamay sa bulsa. Pumunta ako sa harapan at naupo na seat ko nang hindi siya tinitingnan.
"Iyong panyo ko pala... itapon na lang po ninyo... Marumi na po iyon, sir..."
Paano ko gagawin iyon kung alam ko namang hindi naman totoong marumi iyon? Ang bango kaya. Natatameme tuloy ako dahil iyong tinutukoy niyang itapon ko ay nasa bulsa ko ngayon.
"Nagkataon lang po talaga na napatambay ako rito dahil mahabang vacant ko po muna bago 'yong klase ko sa inyo... Hindi ko naman po alam na wala palang klase ngayon sa inyo..." Sa sulok ng mga mata ko ay nakikita kong nasa board na ang atensiyon nito, sa mismong nakabalandra doon.
"Hmmm... So, bakante mo pala kaya nandito ka ngayon... Hindi ka ba natatakot; magdidilim na sa labas?"
Naisulat ko na sa board kung ano ang ipinunta ko rito pero hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako sa classroom na ito. Mahaba pa ang one hour bago ang next class ko rito. Inilabas ko ang recorder ko at nag-umpisang mag-total ng mga scores ng mga students ko sa ibang block. Inuuna kong i-settle iyong mga scores ng mga students ko under sa Biochemistry Department para maihanda ko na kapag ipinakisuyo na ni Ma'am Maira.
"Ah... Iniisip ko pa kasi na... mayamaya lang ay magdadatingan na iyong ibang mga kaklase ko, sir..."
Hindi na ako umimik pa. Tama na iyong mga naging palitan namin ng mga salita. Mag-busy-busy-han na lang ako rito hanggang sa maisipan niya nang umalis.
"Ang ganda po pala ng sulat ninyo, sir..."
I laughed and smiled foolishly at what she said next. Napilitan tuloy akong itigil ang ginagawa para muling tingnan siya.
"Kung anu-ano na lang talaga ang napapansin mo, 'no, Miss Zuluetevo?"
Hindi siya ang unang taong humanga at nagulat sa penmanship ko. Sa sulat-kamay ko na pa-cursive, pabilog at may kakaibang style, madalas napagkakamalang sulat ng babae.
"P-Po? Hindi naman po, Prof, nagandahan lang talaga ako sa penmanship ninyo. I read that it's rare for men to be blessed with beautiful handwriting..."
"So, nabasa mo lang? Hindi mo ba napatunayan sa mga lalaking nakilala mo na o sa mga lalaking parte ng pamilya mo, like your father or brothers?"
Natigilan ito at nang tumagal ay kumurap-kurap. I thought maybe there was something wrong in what I said. It's just as difficult to express this surprise on my side because I don't want to look like a concerned Professor here.
"Wala po akong mga kapatid... Lumaki akong walang kinikilalang kapatid at tatay... But I know a lot of trivias about boys and men," mabilis naman nitong bawi saka ngumiti.
"I see... Good that you know some... Magagamit mo iyan sa pagkilatis mo ng mga manliligaw mo..."
Shoot! Paanong napunta naman ako sa banda roon? Personal na masyado iyon sa parte niya. Well, nabanggit niya na iyong tumawag sa kaniya kagabi ay manliligaw niya. Baka nga iyon din iyong sumundo sa kaniya, iyong naka-Ford ng sasakyan.
Kung ako nga nagagandahan sa kaniya, paano pa kaya iyong ibang lalaki sa kaniya? She's not the type of woman who is the best at carrying herself, but when it comes to looks, she can fight effortlessly.
"I-no-note ko pa iyan, sir..."
"Pero kung hindi mo pa boyfriend... hindi ka dapat pumapayag na magpahatid at sundo nang alanganing oras..."
I can't believe na inuulit ko ang sarili ko... pero this time ay sa hindi ko na kapatid, sa student ko na...
Nagpapaka-tatay or kuya na yata ako rito pero iyon ang gustong lumabas sa bibig ko, eh, kaya wala na akong magagawa pa.
"Or kahit na boyfriend mo pa or what, hindi pa rin yata tama at safe na sa gabi ka nakikipagkita sa... kahit na sinong lalaki. Nasa Pilipinas tayo. Alam ba ng mga parents or guardian mo iyong pagsundo sa iyo kagabi, Miss Zuluetevo?" feeling safe kong tanong rito nang hindi naman masyadong tumunog na pakialamero. Ibinagsak ko ang tingin sa ginagawa ko pero ang totoo ay naghihintay lang naman ako ng kasagutan mula rito.
"Tita ko po iyong sumundo sa akin kagabi... Pasensiya na po kung hindi ko na po kayo naipakilala sa kaniya. Nagmamadali rin po kasing makauwi na sa bahay, eh... Napagod sa trabaho... May mga manliligaw lang po ako pero hindi naman umaabot na sa gabi ako nakikipagkita... Umaga lang ho at madalas kasama ko pa ang tita ko..."
It was a little unexpected that I would know this. I didn't let it be known that I was a little relieved by the clarification she made. Pero sa totoong buhay talaga, mas matindi pa ako sa isang emperor sa pagiging mahigpit na kuya sa mga kapatid kong babae.
Hindi ako chismoso or Marites na tao para makipagkuwentuhan sa nangyari sa pamilya niya, sa personal niyang buhay.
"Ah... Okay," maikling komento ko at hindi na muling nagsalita pa.
Kung natakot lang ito o ano sa pagbanggit ko sa parents niya, hindi ko rin alam. Basta parang naiinis lang ako na puwedeng nagsisinungaling ito sa akin.
"Bakit po kayo nakikipagkuwentuhan sa akin, sir?"
"Dahil ikaw lang naman ang tao rito," kaswal ko naman sagot dito nang hindi na nagtataas ng mukha para tingnan ito. "Because it's just the two of us here..."
Hindi ako nakikipag-usap nang matagal sa mga students ko. Para sa akin, pinakamahirap na gawin iyon dahil alam kong may gusto at pagnanasa sa akin ang halos estudyante rito. Pero sa kaniya, wala akong nararamdaman na dapat kong ikailang. Tama lang iyong behavior niya towards sa akin. I just really notice something here that is strange, as if it is not normal in her personality. And that's probably one of the reasons why I'm drawn to talk to her, so I'm drawn to stay here in this classroom with her even though I could have done a lot more if I had left earlier.
"Mukha kang... nangangailangan ng kausap... Wala ka pang friends dito, kung hindi ako nagkakamali..."
"I'm trying to have friends... sa mga kaklase ko... Pero... hindi pa po siguro para sa akin iyon... Maybe kapag tumagal-tagal pa po ako rito."
"Hindi rin naman iyan bagay na minamadali... Better to surround yourself little people but true to you. Kaya ka nga nag-homeschooling dati kasi... baka hindi ka talaga mahilig sa maraming tao..."
Ngumiti lang ito, tila idinaan na lang sa pagngiti ang naiwan sa mga mata nito na gusto pa niyang sabihin. Pakiramdam ko na naman tuloy, may mali na naman sa mga lumabas sa bibig ko.
"Medyo po... Hmmm..." Tumingin ito sa labas. "Baka mauna na po ako sa inyo, sir... Madilim na po pala talaga sa labas. Makauuwi ako nang maaga-aga nito sa amin..."
"Bakit, Miss Zuluetevo, hinihintay mo ba akong matapos sa ginagawa ko rito?"
"H-Ho?" Medyo lumuwa ang mga mata nito, parang nangunguha pa ng kumpirmasyon kung sinabi ko ba talaga ang mga iyon sa kaniya.
"Tinatanong kita. Hinihintay mo ba ako? May balak ka bang sumabay sa akin pauwi o palabas ng building na ito?"
Pinaglapat nito ang mga labi at matagal na pinatahimik ang sarili habang paminsan-minsan sumusulyap sa dilim sa labas. Nahiya pang magsabi, eh, halata naman sa mukha nito na may problema siya sa dilim sa paligid. Ngumisi ako at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi ako tatayo rito hangga't hindi siya nagsasabi.
"Kahapon po kasi... may nagkaklase sa tabi natin... Kasabay rin namin na natapos ang klase kaya marami akong nakasabay pauwi... Ngayon kasi... parang ang tahimik..."
"Yeah... Isang block din at under sa department din namin iyon Professor nila kaya updated silang lahat na wala silang klase ngayon. Kaya natural na walang mga tao ngayon dito sa building bukod sa ating dalawa..."
"Gano'n po ba?"
Kung hindi ko lang iniisip na Professor ako rito, baka kanina pa ako natawa sa pagmumukha niya ngayon.
"Kung hindi ka pa pala dumating baka... pinagpi-fiesta-han na ako ng mga maligno rito sa building na ito, sir... Mag-isa ko na rin sanang susugudin ang dilim palabas dito..."
"So, nagpapasama ka nga sa akin kung gano'n?"
No choice nitong itinango ang ulo pagkatagal.
"Kahit... hanggang likuhan lang po sana, sir... Puwede po ba?"
Itiniklop ko ang recording notebook ko at tiningnan siya nang maigi. Nalulukot-lukot ang mga labi at noo nito sa pananantiya sa akin.
"Gusto mo bang ihatid na kita hanggang bahay ninyo? Saan ka ba nakatira?"
Sh*t. Saan ako kumuha ng lakas ng loob para ialok sa kaniya iyon? Pero dahil ayaw kong magmukhang gago rito, pinanindigan ko na lang. Natanaw ko ang dila nito sa loob ng bibig sa pag-awang ng mga labi nito. Ako nga patagong nagulat sa alok at pagtanong ko ng address niya, siya pa kaya?
"Ihahatid na lang kita kung gusto mo, Miss Zuluetevo," tuldok ko at tumayo na.
Mga mata nito ang sumunod sa pagtayo ko. Nagugulat pa rin yata na gagawin ko kung ano ang sinabi ko. Well, depende pa rin iyon sa kaniya kung papayag siya.
End of Scheids' POV