Chapter 7
Astherielle's POV
Hindi ko alam kung ipipilig o iiiwas ko ang mukha sa taong ito. Nalalakasan na ako sa dating nito na mas tumindi pa dahil sa huling mga sinabi niya. Can he really read me? Natatakot ba ako rito o nacha-challenge lang? Hindi ko rin alam, eh... Baka... nag-iingat lang kaya ganito ako.
Sino naman kasi ang mag-aakalang susundan niya ako rito para kausapin at punahin?
At oo nga pala, pinapaiwan niya ako after class kanina dahil may pag-uusapan daw kaming mahalaga. Nawala talaga sa isip ko iyon, walang halong biro or excuse, dahil ang gusto ko na lang talaga kanina ay ang makaalis sa maliit na silid na iyon, pero overcrowded. Hindi pa rin ako sanay sa maraming tao, sa maingay na paligid at sa mga matang pakiramdam ko ay laging nakatingin sa akin kahit na ang totoo ay sa palagay ko lang naman iyon.
"P-Po?" utal na lumabas sa mga labi ko.
"Hmmm... P-Po? Too much politeness... Huh... Sir. Iyan ang itawag mo sa akin para naman hindi masyadong... nakatatanda sa pandinig."
Itinikom ko na naman ang mga labi. Hindi ako sanay na makisalamuha sa mga tao. Hindi ko iyon kinalakihan pero natuto rin akong rumespeto dahil nakatatanda sa akin ang Mama ko. Walang pagkakataon na kinausap ko ito nang walang "po" at "opo". Hindi niya ako tiniruang gumalang pero hindi rin naman tinuruang bumastos.
"Ganito lang po talaga ako, sir... Pasensiya na..."
Kumalas ako sa mga mata nito pagkasabi ko iyon. May karugtong pa sana pero dapat pa ba niyang malaman lahat iyon? Wala namang dahilan para maging detalyado ako kung bakit ako ganito, kung bakit ako introvert at kung bakit parang hindi ko pa rin maramdaman ang uri sa labas ng mundo. Only my mind and I are aware of what has happened to me in the past and what is happening to me now.
"Hindi ako sanay na nakikipag-usap sa..."
Iyong preno lang sana ay naging literal na tuldok na. Natagpuan ko na lang ang sarili na binabalikan ang mga mata nito. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano ito ka-attentive sa pakikinig at pagtitig sa akin. I took two consecutive swollows once more as a result of the discomfort. Ngayon lang kasi ako nakaranas nang ganito, iyong may interesadong nakikinig sa akin. Iyong katotohanang lalaki ito ay nakapagpadagdag ng pagkailang at discomfort sa loob ko.
Magkadikit ang mga kilay nito habang may pinaglalarong mahinahong mga ngiti sa mga labi, mahinahon na kung minsan ay parang nagiging medyo... mapaglarong ngisi? Hindi ko sure pero parang gano'n na nga.
"I m-mean... sa hindi masyadong kakilala..." palusot ko na lang kahit "sa lalaki" sana iyon.
"Oh..." ungol naman nito sabay ngiti nang saktong lawak. Nagkahiwalay ang mga kilay nito sa pagngiti nito. "Didn't I introduce myself to you earlier? Miss Zuluetevo, am I still a stranger to you?"
"Ha?" Natulala na naman ako. Pati pagpapakilala nito sa akin kanina ay ngayon ko lang naalala. Again, hindi rin naman niya maiintindihan kung bakit bigla ay naging makalilimutin ako.
"I am your Calculus Professor earlier," ulit niya na nakatulong din para matauhan ako.
"Ah... Oo nga po... E-Eh... Umupo po kayo, Prof..." Wala sa loob akong sumiksik dito sa gilid ng bench na ito at inilapat ang isang palad sa tabi ko. "Umupo po muna kayo... Pasensiya na po kung ngayon ko lang kayo naalok..."
He blinked but kept silent. His eyes, though, appear to be very engaging. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pagtanggap nito sa alok ko. Kung nagulat man ako, iyon ay dahil sa pag-upo niya right after ng palad ko sa upuan, sa tabi ko. Amoy na amoy ko tuloy iyong perfume niya na naiwan sa maghapon. Ang angas ng amoy, parang nananapak ng sikmura at nostrils. Lalaking-lalaki ang halimuyak nito.
Binawi ko ang kamay ko nang maramdaman ko ang pagsagi ng slacks nito sa gilid ng kamay ko.
"I understand... Naninibago ka pa sa totoong setting para sa isang normal na student. But homeschooling is also normal..."
Sa sinabi niyang iyon ay kahit papaano nabawasan iyong hindi ko maintindihan na barikada sa pagitan namin. Hindi rin niya ako binigyan ng dahilan para mas lalo akong mailang. Nakatingin lang siya sa harapan niya nang sabihin niya lahat iyon.
"It is also our responsibility as educators to respect what our students are going through. I'll tell you right now that you're very welcome here at Polaris University. And the new feeling you're experiencing now will fade after a while," kaswal niyang sinabi pero ang lalim ng hinukay nito sa pagkatao ko. "I'm not sure what pushed you to come out and take risks here, but I'm sure there are many things and people who will help you achieve your dreams wherever you are right now. I believe in every student..."
Ang buong atensiyon ko ay nasa gilid ng mukha nito at sa amoy nitong hanggang ngayon ay umaalingasaw pa rin sa bango.
Medyo nanginginig ang mga labi ko pero ibinuka ko pa rin. "S-Salamat po, Prof... Malaking bagay po sa akin... ang mga sinabi mo..."
Nang balingan niya ako, nang muling makatapat ng mga mata ko ang mga kaniya ay parang na-hipnotized na naman ako rito. His eyes were blue, but they gradually turned black. It appears that they are melting blue in the deepest black. Those are lovely, appealing, and articulate. Is his blood mixed with foreign blood? Para siyang may ibang lahi sa itsura at tangkad niya. Iba rin ang kulay ng balat niya, parang maputi talaga pero napilit na maging tan. Guwapo, makisig at nakalulunod na ang dating nito sa malayuan pero mas pa pala sa malapitan. Ako ang nahihiya sa ginagawa kong pag-o-observe rito. Namumula ako habang iniisip na pati something sa pagitan ng mga hita nito kanina ay hindi pinalagpas ng mga mata ko. Ginawa ko talaga iyon at ngayon ko lang din na-realized!
Pero kahit na ang dami ko nang nagawa na pakiramdam ko ay nakahihiya, hindi ko pa rin magawang alisin ang pagkakatitig ko sa kaniya. It's like I have a male actor next to me in a famous vampire movie. Nasa kaniya na ang mga physical traits ng isang lalaking bagay na bagay maging male lead. Ako naman iyong tila pusang yagit na naligaw sa tabi niya.
"You're welcome—" anito na nagpakurap sa akin nang paulit-ulit. "Oh! It's nothing..." sinabi nito na parang pambawi sa unang sinabi niya.
Kumurap ako at medyo iminulat ang mga mata para i-encourage itong magsalita pa. Parang may gusto kasi itong sabihin pa pero tila nasamid lang konti.
"Siguro... I'll just give time na lang sa iyo para maka-adjust ka sa subject ko... I don't know what my Calculus subject is to you, whether you find it easy or not. I'll just give you a book so you can follow the order of the lessons... If there are parts that are difficult or you don't understand yet, you can approach me to ask. That will be my consideration for you. I am more impressed with students who ask questions than those who pretend they understand when they really don't."
Habang nagsasalita siya, ewan kung bakit sa mga labi at mga mata lang niya ako nakasunod ng tingin. Pormal naman ang tono ng tinig nito pero parang maamong kerubin ito sa paningin ko. Totoo ngang iyon lang ang ginagawa ko nang muling umangat ang isang sulok ng mga labi nito. Kahit na parang nanunukso na ang timpla ng ngiti niyang iyon ay hindi pa rin ako matau-tauhan.
"May something ba sa mga labi ko or sa mga mata ko na hindi mo malubay-lubayan, Miss Zuluetevo?"
Muntik na akong maubo nang malakas kung hindi ko pa napigilan nang mabilis ang sarili. Literal na parang posong nasiraan ng controller itong dila ko, nagtubig talaga ito nang husto sa loob ng bibig ko. Gosh! Puna lang pala nito ang magpapanumbalik ng lumipad kong isip. Kahit ang sakit-sakit na ng lalamunan ko ay pinigilan ko talagang lumunok.
Hindi pa man ako nakapagsasalita ay itinataas na naman nito ang isang kamay. He slowly placed two fingers on his bottom lip and smiled and wiped it carefully.
"A-Ah... Opo, sir... Mukhang may dumi po sa bibig ninyo pero parang wala naman po yata... Baka muta ko lang po iyong nakita ko," mabilis kong palusot.
Dahan-dahan kong inalis ang atensiyon dito nang makaya ko na. Kahit madilim dito, malinaw ko pa ring nakikita ang lahat. Wala akong muta at wala ring kahit na anong dumi sa mga labi at mga mata nito. Sadyang natutulala lang talaga ako sa lalaking ito at hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong force para paulit-ulit kong gawin iyon. Kapa ako nang kapa sa sarili. Okay pa naman ako kaya hindi kinakabahan. Nangyayari lang ito sa akin dahil ignorante ako sa lalaki... Tama, ignorante lang.
"May malabo po kasi akong mga mata... Medyo lang naman po..." pagsisinungaling ko ulit dahil doon ako nakakukuha ng confidence. "Kailangan ko na yata talagang magpatingin ng mga mata," dagdag ko para itago ang medyo nabubuong kaba at pagtataka ko sa sarili.
"Hmmm... Mukhang namang walang problema sa mga mata mo, Miss Zuluetevo... Sa tingin ko lang... Parang nakikita mo naman ako nang maayos..."
"Po?" banggit ko nang hindi pinapahalata ang pagtataka at gulat ko. Sumunod ang mga mata ko rito pero hindi ang ulo ko.
"I was not born yesterday..." makahulugan nitong parinig.
Nasa mukha naman talaga nito ang sinabi niya. Nasa kaniya iyong tipo ng aura-han ng lalaki na hindi mo mapipilit sa bagay na gusto mong maintindihan niya. I have a guess that his age is quite far from my age. He is the type of man who is in the right frame of mind and age to marry. He appears to be married as well or taken at least...
Gumapang ang paningin ko sa mga nag-uugatan at naghahabaan nitong mga daliri. Walang singsing na nakasuot! Baka single pa or baka hindi lang niya sinuot ngayong araw.
"May problema ka yata sa akin na hindi mo rin alam kung ano, Elle..."
Elle...
Hindi ako nag-react pero alam kong rumehistro sa mukha ko iyong kilabot at pagtataka sa pangalan na itinawag niya sa akin.
"Ang haba kasi ng pangalan mo. And I have a short patience kaya "Elle" na lang ang itatawag ko sa iyo. I enjoy optimizing things that can be simplified..."
"Hindi naman po nakapagtataka sa profession at sa subject na itinuturo ninyo... Parang sa isang equation na mahaba... Mabe-break down nang paunti-unti hanggang sa matira na lang ang tamang sagot..."
He raised an eyebrow, as if agreeing with what I said. Nagmukha siyang lalong matalino sa ginawa niya. Nahiya tuloy ako rito. Hindi ko alam kung anong klase akong estudyante, eh. Kahit matataas naman ang mga grades ko sa homeschooling, hindi ko pa rin masabi kung matalino ako, sakto lang o hindi. Basta ang alam ko lang, ginagawa ko ang best ko sa pag-aaral. Ngayon ko pa lang malalaman kung hanggang saan ang kayang patunayan ng utak ko. Goal ko na lang talaga ay ang makapasa kahit na hindi na katulad ng dati ang mga magiging grades ko.
"Ah... Basta po yata Math teacher, hindi pinapatagal ang mga complicated na mga bagay..." komento ko sa mismong sinabi. Mukha tuloy akong tanga rito. Siya ang teacher sa amin pagkatapos kung anu-ano itong mga sinasabi kong hula-hula lang. Hindi naman lahat ng mga teachers ay katulad ng mga napanonood ko sa mga movies ang TV series. "Ah... Basta wala po akong problema sa inyo... Wala naman pong dahilan para magkaroon... Huwag na lang po ninyo akong pansinin... Wala naman pong interesting sa 'kin, eh..."
"I'll consider that, Miss Zuluetevo. Pero request ko lang... Can you never look at me like that again?"
"Ang alin ho?!" naghuhumiyaw na tanong ko naman sa isip. Hindi ko talaga alam kung ano ang sinasabi nito. Bagay pa iyon na aalamin ko rin sa sarili ko. Itinango ko na lang ang ulo para hindi na lalo malagay sa alanganin itong kutob ko.
Ngayon ko lang na-appreciate na maganda pa rin ang pangalan ko kahit sa pinaiksi nang version. Ito na lang ang iniisip ko at hindi na iyon.
"Ah... Sige po, sir... Mabalik na lang po tayo sa pangalan ko... Okay lang naman sa akin, Prof... Sanay na po ako na pinapaikli ang pangalan ko..." Kahit si mama lang naman talaga ang madalas na nagpapaikli ng pangalan ko. Asthe ang palayaw ko rito.
"Ah... Good... So, ano ang... problema mo sa akin na... hindi mo masabi-sabi?"
Ito na naman kami, Diyos ko... Paano ko ba sasagutin ang tanong na iyon kung ako mismo ay walang ideya sa tinutukoy nito? Manghuhula ba siya? May equations or formulas din ba ang bawat tao na dapat sagutin?
"W-Wala ho akong problema sa inyo, s-sir... Baka po... ako ang may problema sa sarili ko?" Itinuro ko ang tapat ng dibdib ko. "Sorry po kung nararamdaman ninyo na dahil sa inyo kaya ako ganito kumilos o tumingin..."
"Hindi mo alam kung ano ang ikinikilos mo? Gano'n ba ang ibig mong sabihin?"
"A-Alam ko po..."
"Really?" mahinahon pero tila hindi naniniwalang balik nito. "Hindi mo alam na..." Tumigil ito at ibinagsak ang mga mata sa hindi ko na rin matukoy na parte sa ibaba ko. "...medyo nangangatog iyang mga tuhod at mga binti mo? Hindi mo alam na... kanina ka pa... kagat nang kagat sa ibabang... labi mo? Hindi mo rin ba alam na parang hindi na dahil sa antok iyang dahilan ng pamumungay ng... mga mata mo?"
Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig sa pag-isa-isa nito sa mga nangyayari sa akin! Ni hindi ko na magawang paghiwalayin ang mga labi sa pagkapahiya. Wala talaga akong masabi ni isa sa ngayon. Matagal akong na-freeze sa harapan nito. Nagising na lang nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. May nag-text. Si Tita Mavic na siguro ito.
"A-Ah... Malamig ho... Tama malamig po ang simoy ng hangin dito sa labas..." nagmamadali kong palusot sabay iwas ng tingin at hugot ng cellphone ko. Nagmamadali kong binasa ang text na tama akong nanggaling kay Tita. Nakahinga ako nang mabuti nang mabasang malapit na ito. Ni-reply ko na lang kung nasaan ako ngayon. Sa pagtaas ko muli ng mukha ay pagkakita ko sa lalaking ito na nakasunod ng tingin sa cellphone ko.
"Must be your... boyfriend? Or parents?"
Good thing at ito na ang unang nagsalita sa pagkakataong ito.
Ngumiti ako at ibinalik na ang cellphone ko sa pocket ko. "Hindi naman po, sir... Manliligaw pa lang po..."
Isa na namang malaking kasinungalingan mula sa akin ang lumabas sa bunganga ko! Gusto ko lang na linisin ang pangalan ko sa mga pinaggagawa ko kanina sa harapan nito. Masyadong nakahihiya ang mga iyon para sa isang katulad niya na professional teacher.
Never pa akong nagkaroon ng manliligaw dahil hindi pinapayagan ni Mama noon. Iyon na nga rin ang isang dahilan kaya dinala ko talaga hanggang puso na mahal ako ng nanay ko. Proteksiyon niya iyon sa akin...
"Oh," maiksing tawa nito. "Okay..."
Itinaas at ikinaway ko ang kanang kamay nang makilala ko ang sasakyan ni Tita na paparating. On time lang ito. Hindi na kaya ng power ko ang presensiya ng lalaking ito. Parang anytime ay hindi na lang ako magsasalita dahil lalayasan na lang ako ng dila ko.
"Nariyan na po ang sundo ko... Good evening ulit, Professor Fawzi, and nice meeting you..." sinabi ko rito sa mababang tinig nang balingan ko ito. Binanat ko lang nang bahagya ang mga labi para magmukhang ngumingiti ako pero sa totoo lang ay naka-locked na ang pagkatao ko sa mga mata nito. He nodded his head and smiled simply back at me.
"Mag-review ka at humabol sa mga lessons..." bilin lang nito pagkatapos ay itinaas ang baba bilang pagtaboy sa akin. "Go."
"Sige po, sir... Maraming salamat po rito," patungkol ko sa mga simpleng pagbibilin nito na binigay nito kanina.
"Sure. No hussle..."
Naglalakad na ako patungo sa sasakyan ni tita nang mahila ako ng something. Nagpatuloy ako sa paglalakad para libangin ang sarili, ngunit nang nasa tapat na ako ng pinto ng sasakyan ay bumigay na rin ang pagtitimpi ko. I slowly turned my head back to where I came from and to him. My heart was divided into two actions when I saw that he was still there and was looking right at me. I don't know if I will smile at him again or just ignore him. Pero sa huli, pinili kong isabay sa pagtalikod ang pagkurap ko. Sumakay ako na ito ang laman ng isip ko.
Habang papalayo kami nang papalayo nakikita ko pa rin siya sa rear mirror. Medyo napaupo nang maayos at napasandal sa backrest ng upuan ko nang makitang may dinampot itong bagay sa inupuan ko kanina...
"Shocks! Iyong panyo ko iyon!" usal ko nang maalalang ginawa ko iyon na panlapat sa malamig na sementadong bench na iyon kanina. Ang tagal kong inupuan iyon. Ano na lang kaya ang naiwang amoy doon?
Yamot kong kinamot ang ulo ko. Hindi naman siguro niya aamuyin!
Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng school. Naging maayos naman ang maghapon ko not until ma-reached ko ang vacant ko bago ang huling klase ko. Dahil napansin ko naman na maagang pumapasok ang mga kaklase ko sa subject ko kay Professor Fawzi, pinili ko na lang magpalipas ng bakante sa classroom namin. Nang makarating ako ay agad ko ngang inihiga ang ulo sa table at umidlip. Ang hirap pala kapag walang boarding house or anything na puwedeng pagtambayan tuwing free time. Ang hirap nang malayong bahay mula sa pinapasukan.
Naalimpungatan na lang ako nang may maramdaman akong tila humahawak sa buhok ko. Dahil pinapakiramdaman ko pa, hindi ko pa muna binuksan ang mga mata ko. Iminulat ko lang nang kaunti ang mga ito nang maramdaman kong tila may natapos nang something sa buhok ko. Wala na ang hibla ng mga buhok kong iniharang ko sa mukha ko kanina. Pinusod niya ang buhok ko? Ramdam kong humigpit itong mga anit ko, eh.
I felt that someone had let go of my hair. The next thing I noticed were footsteps coming to the front. I blinked again but sniffed when suddenly a familiar smell passed by. Amoy pa lang hindi na ako magkakamali!
But Professor Fawzi coming this early?
Pinatagal ko muna ng five minutes bago ako muling sumilip nang palihim sa harapan. Pero nagulat ako nang matagpuan kong siya na itong nasa harapan ko ngayon. Walang choice kung hindi ang tumingala, magulat at mailang na naman sa pagmumukha nito.
At hindi nga ako nagkamali sa akala ko. Paano siya nakarating dito sa harapan ko nang hindi ko man lang nararamdaman?
"S-Sir..." singhap ko. "Sorry po... Nakatulog ako." Babangon na sana ako kung hindi ko lang nakapa iyong tila tela na ipinantali sa buhok ko. Medyo makapal din, eh.
"I left your handkerchief in my condo kaya panyo ko na lang muna ang ipinantali ko sa buhok mo. Gamitin mo na lang muna..."
Ipinamulsa nito ang isang kamay sa bulsa ng slacks nito. Napaatras ang kalahati ng katawan nang yumuko ito nang bahagya at inangat ang isang natirang kamay at ginamit ito para hawiin ang ilang hibla ng bangs ko na nataon na humarang sa mga mata ko.
"I don't know... I just want to see your eyes... unobstructed..."
Wala akong naramdaman na kahit anong malisya o nakababahala sa sinabi nito... Parang gusto lang niyang sabihin kung... kung ano ang gusto niyang sabihin... Ako lang itong parang gusto nang maging estatwa sa kinauupuan ko.
End of Astherielle's POV