Chapter 9
Astherielle's POV
"K-Kahit hanggang likuhan lang po talaga ako, s-sir..." nahihiya kong ulit dito.
Alangan sabihin ko naman kung saan ako nakatira at magpahatid din doon! Siyempre mas ilulubog ako ng hiya ko kaysa sa takot ko sa mga multo rito sa building na ito. Ewan ko ba kung bakit naniniwala akong may namumugad na mga bad spirits dito. Pinakaliblib kasi na napatayong building mula sa main entrance ng Polaris University, eh. Mapuno at hiwalay pa sa mga ibang buildings kaya itong kaduwagan sa loob ko, kusang lumulugar sa mga naiisip ko.
"Tch," sitsit ko sa sarili nang maalala kong hindi ko pa pala nasabi kay Tita na maaga niya akong susunduin ngayon.
Simula nang mag-aral ako, hatid-sundo na ako nito rito sa school. Sinasadya rin niyang mag-overtime sa trabaho para lang masakto sa uwian ko at masundo niya ako. Sinasanay na raw nitong bumiyahe nang lagpas nine in the evening.
At itong lalaking ito, ang gentleman at ang bait naman niya para offer-an ako ng hatid hanggang bahay namin...
I simply watched his face and every move as I put my packbag in front of me, on top of my thighs.
"Are you sure? Or baka naman... may sundo ka ulit?"
"Lagi naman po akong may sundo..." walang anuman kong sinabi. Totoo naman kasi.
Ang pinoproblema ko ngayon ay kung papaano ko hihiwalayan ang mga mata nito nang ma-contact ko na si Tita. His hands are arranging his things on the table. It's dark outside but inside, it's bright because the lights turned on spontaneously earlier. Mga solar lights siguro ang mga ito dahil kusa nang sumisindi kapag madilim na.
"So, why do you seem terrified?"
Diyos ko, iyon na naman ba ako ulit? Iyon na naman ba ulit ang nakikita or nababasa niya sa akin? Kasi kung oo, hindi ko rin alam kung bakit.
"Hindi ako pala-sumbong or report sa mga parents or guardian ng mga students ko, Miss Zuluetevo, kaya makahihinga ka na nang maayos. Hindi ko pinapakealam ang personal na buhay ng mga students not unless... kailangan..."
Nagawa ko ngang lubayan ang mga mata nitong nanghahatak pero napunta naman ako sa bandang mga braso nito. Ulol na ba ako? Namamalayan ko na naman kasi ang sariling napapalunok habang pinapanood ang lumalaban at gumagalaw nitong mga muscles sa braso, sa long-sleeve nitong black na black. Nakabukas rin ang dalawang butones sa dibdib nito kaya pati doon ay napatingin at nahihiwagahan ako. Wala na yatang maluwag na long-sleeve o kahit na anong susuotin ang lalaking ito dahil sa laki ng katawan niya.
"I hope you are still okay, Miss Zuluetevo. It's like you're starting to startle again and make me curious..."
"H-Ho?" react ko nang matauhan ako.
"Kung hinahatid or sundo ka ng boyfriend or manliligaw mo, wala akong nakikitang problema riyan. Hindi ko iyan bagay na ipararating pa sa pamilya mo. Malaki ka na para diyan. Sinabi ko na na hindi naman ako manghihimasok sa personal na buhay ng mga students ko kung hindi naman kailangan."
"Oo nga ho, sir," parang lutang ko namang sang-ayon dito.
Mukhang hindi na kami nagkakaintindihan dito. Hindi naman iyon ang kanina ko pa inaalala, eh. Presensiya niya at iyong alok niya ang dahilan kaya ako tila na-bothered nang bongga-bongga rito. Pagkakaintindi niya yata ay hindi ako makapayag na magpahatid dito dahil may tinatago akong taong gagawa sa akin niyon.
"Hmmm... Tama ho kayo sa ginagawa ninyo, sir... Maganda po iyong... ganiyan."
Tumayo na rin ako at isinukbil ang mga traps ng bag ko sa mga balikat, nasa isip na hanggang ngayon ay hindi ko pa natatawagan si Tita para sabihan. Paano na kaya kapag nakapag-file na ito ng overtime sa boss niya? Meaning niyon ay ako ang maghihintay rito. Mababaliktad ang sitwasyon namin.
"Ih..." mahina at aburido kong halingling. Ano ang gagawin ko at saan ako pupunta sa tatlong oras pa na natitira? Dumagdag pa tuloy ang isipin na ito sa nagpapalukot ng noo ko.
"Marami akong kilalang mga students na patagong nakikipag-relasyon at patagong nakikipag-date."
Isa pa itong Professor na ito at ang mga pinagsasabi niya ang gusto kong simangutan at tawanan na lang.
"Ang mahalaga po... nandito kayo ngayon na kasama ko, sir... Kahit papaano nako-convert sa inyo ang atensiyon ko at hindi sa mga duwende, tikbalang, kapre at sa iba pang mga ghosts dito..."
Ang dami kong gustong sabihin pero mukhang iyong pinakawalang-kuwenta ang lumabas sa bibig ko. Na-realized kong walang kuwenta nga nang tumawa ito nang ubod-lakas. Tinawanan ko na rin tuloy pati sarili ko. Ikinamot ang mga daliri sa kaliwang kamay sa anit ko sa hiyang wala na rin akong magawa kung hangga't kailan niya gustong mag-stay sa loob ko.
"Komedyante ka rin, 'no?" Natatawa pa rin ito sa akin. "Don't mind me... Natawa lang ako nang banggitin mo iyong "kapre" na word. Titig na titig ka sa akin pagkasabi mo iyon, eh. As if I am the "kapre" you are talking about..."
"U-Uh... Napatitig lang naman ako sa inyo... kasi ka-height ninyo iyong mga kapre na napanonood ko... dati..."
Bumunghalit uli ito ng tawa, pero this time ay mas pino at mahina na. Ako itong natatameme sa ganda ng timbre ng boses nito tuwing tumatawa. Ang sexy palang matuwa ang Professor na ito. Umaawang-awang ang mga labi nito kaya masisilip mo talaga iyong dila at kumpeto, mapuputi at pantay-pantay nitong mga ipin.
Sexy! Diyos ko na mahabagin! Agad-agad kong nilunok ang ngiting nakapaskil sa mga labi at inayos ang pagkakaupo. Nakuryente ako sa naiisip at biglaang naramdaman kong tila atraksiyon dito.
Hindi naman siguro attraction ito... Natuwa lang ako sa kaniya. Nakatutuwa iyong bagong feeling na hatid nang first time na pakikipag-usap sa isang lalaki. Ito na iyong pinakamahabang oras na nakipag-usap ako sa kinatatakutan kong uri ng tao sa mundong ito, sa isang lalaki. May mga lalaki rin palang maayos na kausap, iyong nararamdaman mong nirerespeto ka. Hindi lahat ng mga lalaki ay katulad ng mga lalaking dumaan sa buhay ni mama, iyong ginamit at sinamantala ang kahinaan at sakit niya.
Ang umukit na hapdi at pait sa lalamunan ko ang sumunod kong nilunok. Walang moment na naisip ko si mama nang hindi ako na-guilty. Gustung-gusto ko na itong puntahan, na makita, pero laging sinasabi ni Tita na hindi pa ito ang tamang panahon para doon. Nagre-recover palang ako, rason niyang lagi na bagay na naiintindihan ko naman.
"Walang multo rito, Miss Zuluetevo. Mas matakot ka sa taong kaya kang hawakan at gawan nang masama."
Itinango ko ang baba at pinilit na ngumiti rito. Nakalimutan ko lahat ng mga nakatatakot na elemento na puwede kong makita rito sa pagkaalala ko kay Mama.
"Huwag po kayong mag-alala, Prof, lagi ko na pong iisipin iyan para hindi na ako maging matatakutin." Ramdam ko iyong pagtamlay ng timpla ko.
Someday, itong lungkot na ito na nararamdaman ko lang sa mama ko, maglalaho rin, kasama na ang paniniwala ko sa mga multo, someday...
"Okay..." tugon naman nito. Humupa na rin ito mula sa katatawa.
Dinala na nito ang mga libro at notebook sa isang kamay. Manipis lang ang mga iyon kaya kayang-kaya ng isang malapad lang niya na kamay.
Huminga ako nang malalim at tumayo. Pagka-side ko ay gumalaw pa ang mga mata ko papunta rito. Parang hindi na rin ako nagulat nang makita kong nakatingin din ito sa akin. Ngumiti ako rito, ngiting nagpapasalamat. Naiisip ko pa rin ang mama ko hanggang ngayon. Dahil yata sa damdamin ko kay mama kaya na-balance itong kakaibang nararamdaman ko sa Professor na ito.
"Tara na po, sir... Uuwi na rin po ako... Makikisabay na lang po ako sa inyo palabas..."
"Alright," aniya naman. He stepped towards the front door. I, who was left here in the middle of the classroom, rushed to squeeze into the seats here to get out.
Bakit ba kasi rito ko naisipang pumuwestong matulog? Nahihirapan tuloy kong lumabas dahil sa mga magkakadikit na mga upuan na mga 'to. Medyo nakaramdam na naman ako ng pagkabahala nang makitang tuluyan nang nakalabas si sir ng classroom.
Parang bata akong napabusangot sabay usal, "Hindi ba't sinabi ko na makikisabay ako sa inyo, sir?"
Hindi naman ako makasigaw o makaimik man lang para makuha ang atensiyon nito dahil parang hindi ko na rin tinanggap ang alok nitong paghatid sa akin sa bahay. Feeling ko, hindi naman ako tumanggi, eh. Siguro naunahan lang ng hiya.
Kahit man lang ganoon ang pagkakaintindi niya, hinintay pa rin naman sana niya ako. Mga multo kaya ang topic namin kanina! At saka lantaran ko namang sinabi na takot ako sa mga spirits, nakikita man o hindi.
My heart is beating faster because I can't feel his presence outside anymore.
"Hindi mo... dapat ako iniwan dito nang mag-isa," naiiyak kong sambit. Iyong ginagawa ko kaninang maingat na paghawi sa mga upuan ay naging mararahas nang mga tulak.
Pinilit kong makalabas sa mga ito kahit na mawala na ang mga ito sa magandang ayos. Aalis ako rito sa classroom na ito at walang makapipigil sa akin! Pagkaalis ko nga ay nagtatakbo akong lumabas ng classroom habang lumilinga sa paligid.
I was moved when I saw the cleanliness of the hallway outside. Literal na nagsilakbot at binalot ng lamig ang buo kong katawan. Tinatanong ang sarili kung papaano makalalabas sa building na ito nang hindi ako nauulol sa takot. Wala na iyong nag-iisang taong kasama ko!
Kahit hindi ko na alam ang gagawin, pinagbigyan ko pa rin ang sariling huminga nang malalim at bumuwelo sa gagawing pagtakbo nang mabilis. Naka-ready na ako, naka-focus sa hallway na diretso kong tatakbuhin nang walang lingon-lingon nang biglang may sumitsit sa malapit. At talaga namang imbis na mapakalma ako niyon ay kabaliktaran ang nangyari. Mas nauna ang mga paa kong mag-isip kaysa utak ko! Napatakbo ako nang may bilis na hindi ko rin inakalang magagawa ko! This is me, speed!
Parang engot na napatigil na lang ako sa pagtakbo nang biglang sumupot ang isang lalaki sa daanan ko. As in literal na nag-one step forward lang ito sa harapan. Si Professor Fawzi! Nanlaki ang mga mata ko at napahiyang napahawak ng hininga. Ang lakas ng loob kong magpanggap na parang hindi ako hiningal sa ginawa ko alang-alang sa kahihiyan na maaring kong matanggap.
Ang laki niyang tao pagkatapos hindi ko napansin na nakatayo lang siya at naghihintay sa akin sa tabi ng pintuan?! Bawat sulok kasi ng utak ko ay puro multo na kaya parang may parang may nasindihan nang bomba sa puwetan ko na kailangan kong iwasan.
"Okay ka lang?" plain nitong tanong pero bakit ganito? Bakit parang napahiya pa rin ako?
Medyo iniharap nito ang mukha at tiningnan ko sa mukha. Binawi ko ang binabalak kong pagngiti nang makita ang pagngisi nito.
"Bakit ka tumatakbo? Hindi mo ba ako nakita rito sa tabi?"
Umangat pa lalo ang sulok ng mga labi nito. Hindi man lang ako mapikon-pikon, eh, halata namang pinagtatawanan na niya ako! Wala, eh, parang natutulala pa nga ako at name-mesmerized sa pagkaaliw niya sa akin, sa ngiting binibigay niya.
"Hindi! Pero kitang-kita ko iyong paghakbang mo na tila kasusulpot lang na goblin out of nowhere!" hiyaw ng matapang kong sidekick sa isip.
"Nandiyan po pala kayo, sir... Akala ko kasi... nauna na kayo..."
Salamat na lang talaga at hindi ako napahawak sa mga kamay o sa mga braso nito kanina!
"Pumuwesto ako rito sa tabi habang hinihintay ka..."
"Ah..." kamot ko sa ulo habang mahinang tinatawanan ang sarili. "Salamat ho... Tara na po..." aya ko rito na tila ba walang nangyari
Ako na itong naunang humakbang paalis, dahan-dahan lang dahil baka bigla na namang mawala sa paningin ko ito.
"Mag-apply ka bilang student athlete rito sa Polaris... Mukhang qualified ka. Mabilis kang tumakbo, Miss Zuluetevo... I wonder kung saan ka pa mabilis... Try mo lang baka makakuha ka ng scholarship."
Ipinikit ko ang mga mata ko, iyong tipong mariing-mariing na parang lulubog na itong mga mata ko. Okay lang na nakita niya iyon, huwag lang sana iyong itsura ko habang tumatakbo kanina. Alam kong parang mabubura na itong mukha ko sa bilis ko kanina, eh. Parang nayuyuping lata ito sa takot ko.
"Sige po, sir... Try ko po..." patol ko sa alok nito nang hindi na mas lalong mapahiya.
Hindi na ako nagsalita pa after. Maging ito ay hindi na rin umimik. Dahil malaking lalaki ito, natural lang na mas mahahaba ang mga biyas niya. Naabutan niya ako dahil sinasadya ko rin namang bagalan ang lakad ko. Hanggang sa hindi ko na rin namalayan na nasa unahan ko na ito at ito na rin ang sinusundan ko.
"Magpapahatid ka ba, Miss Zuluetevo? Kanina pa natin nalagpasan ang likuhan na sinasabi mo pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin humihiwalay sa akin."
First time na ihihiwalay ko ang mga mata sa lupa. Diretsong landing ako sa mga mata nitong naghihintay ng sasabihin ko.
"Ah... Nakalagpas na p-po ba tayo?"
"Kanina pa. Ang tagal na. May six minutes na siguro ang nakalilipas. You see? Nakarating na tayo sa parking area."
"Ha?" buka ko ng mga mata at bibig. Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Totoo nga! "Halla... Oo nga... Sige po—"
"Okay... Continue following me then... Malapit na tayo sa sasakyan ko."
Ano raw? Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko! Ang gusto kong sabihin na nasa isip ko ay, "Sige po hanggang dito na lang po ako."
Hinabol ko ito para dugtungan iyong sinasabi ko kanina pero pakatigil na pagkatigil ko pa lang sa tabi nito ay sumegway na ito pabalik ng lakad.
"Oh sh*t!" narinig kong sambit nito. At ang mas ikinagulat ko ay ang paghawak nito sa pinakamalapit kong braso rito at ang paghatak niya sa akin mula roon. Pati tuloy ako, napatalikod at napalakad na rin pabalik.
"Shhhh... Don't talk and just follow me," anito nang magtangka akong lumingon para i-check kung ano iyong nakita niya roon para mapaatras at mapabalik.
The last thing na natatandaan ko ay ang pagtigil namin sa isang pinto, pagbukas niya rito, pagpasok niya sa loob at paghatak niya sa 'kin papasunod doon. Nabitin sa paanan ng lalamunan ko iyong angal ko nang mapirmi sa isang matigas na pader itong likod ng ulo at ang likod ko. Tuluyang nakalimutan ko na ang lahat nang pumatong ang katawan nito sa katawan ko. Ang mukha nito kasama ang hinga nito ay halos wala na akong maramdamang nakapagitan mula sa akin.
Nanlalaki ang mga mata ko sa dilim. Itong katawan ko hindi ko na rin maramdaman dahil nagmistulang nanigas sa pagkakadikit nang ganito kalapit sa lalaking ito. Alam ko at ramdam ko na magkatapat ang mga mukha namin, ang mga labi niya sa mga labi ko! Ipinantay nito ang katawan sa akin para magkasya siya sa silid na ito. Nanginig ang mga labi ko nang may maramdamang dumikit na malambot at medyo may pagka-warm na bagay. Mga labi na yata niya iyon?!
Ngayon ko lang na-realized na itong tinaguan namin ay iyong maliit na silid na taguan ng mga janitors at janitress ng mga maps, walis, punas at kung anu-ano pang mga gamit panlinis.
Bakit kami nandito?!
"Ah... Sorry..." he laughed softly. "I meant to move my head a little to relax, but I didn't mean to kiss you."
Paluwa na ang mga eyeballs ko sa narinig na sinabi nito. Hindi nga ako nagkamali! Mga labi nga niya ang mga iyon! Kung lalabas akong rebulto rito mamaya, siya ang may kasalanan!
End of Astherielle's POV