Chapter 3 (Unexpected)

2336 Words
Chapter 3 Scheids' POV "Talaga bang okay lang sa iyo, sir, na magdagdag pa ng isang estudyante sa klase mo? I heard that your five calculus classes are full because of the number of students transferring to your class. Aba, eh, mukhang wala pa naman akong nababalitaang reklamo mula sa iyo..." si Mr. Grospe, ang sixty-two-year-old head of Mathematics department. Matangkad at matabang Professor na kaunti na lang ay pagkakamalan mo nang si Santa Claus dahil sa makapal at maputi nitong balbas. My first response was a soft laugh. In the three years I have been teaching here at Polaris University, for me that is nothing new. Wala pa akong klase na natipid sa students, laging sakto at madalas pa nga na sobra-sobra sa limit. Kahit ang hirap-hirap ng subject na Calculus, nakagugulat na marami pa ring namo-motivate na pumasok. "Mukhang magre-resign na si Mr. Solven dahil wala nang may gustong mga students na pumasok sa klase niya. Eh, parehas lang naman kayo ng itinuturo..." Humalakhak ito at napailing. Ang tinutukoy nito ay isa ring katulad kong Calculus Professor dito sa University. Halos kaedad lang niya ito. Magkaibigan ang mga itong matalik, madalas makitang magkasama saan mang parte ng University. "Iba na talaga kapag medyo bata-bata ang Professor... Hindi na kami nagugulat sa napapansin naming nakukuha mong paghanga mula sa students at ibang staffs dito sa University. Alam mo ba kung bakit?" Umangat ang isang sulok ng mga labi ko. Sa naglalaro pa lang na aliw sa mga mata nito, may naaamoy na naman akong paparating na pagpapasikat mula rito. Even though he is old, he still likes to tell stories about his youth. I also learned from him that he and Professor Solven were in the same class when they were in college. Sabay silang grumaduate at halos tatlong taon lang ang pagitan nang magkasunod silang magturo dito. Ang pinakatinatawanan ko talaga sa kanila, eh, iyong madalas nilang sabihin na nakikita nila ang sarili sa akin noong mga kabataan pa nila. Ayaw kong palakihin ang ulo pero naniniwala na rin akong anak ako ni Adonis. Yeah, malaking factor ang mukha at physical kong anyo para ituring akong nagtuturong goddess dito sa Polaris. At iyon na rin ang dahilan kung bakit ang dami-daming lumilipat na mga estudyante sa klase ko. "Huwag mo akong ngisi-ngisihan diyan, Mr. Fawzi. Kung makikita mo lang ang mga litrato ko noong kabataan ko, malalaman mong hindi kita binobola. Kahit nang magkaasawa ako, napagkakamalan pa ring single!" proud na proud nitong sinabi sabay hagod ng tingin sa kabuuan ko kahit pa hindi naman nakalantad ang buong ako rito. Nakaupo ako rito sa sarili kong mini-office. Twenty Calculus professors ang under sa kaniya. Nahati-hati kami, bawat silid ay apat kaming nag-o-office. Bukod dito ay may kaniya-kaniya pa kaming private na office. Ang akin ay naka-locate sa Primo Building malapit sa gate four, pinakamalayo nang parte mula sa main gate ng University. Dahil tinatamad akong maglakad papunta roon, mas madalas akong mag-office rito sa Colasia Building. Pumupunta na lang ako roon kapag gusto kong mapag-isa, matulog o mag-iwan ng mga gamit. "Yeah... I get it po, Professor..." halakhak ko na lang na sang-ayon dito. "Nakikita ko na po ang ebidensiya kahit wala po kayong ipakita sa akin na mga pictures..." May itsura naman talaga ito kahit pa hanggang ngayon na medyo kulubot na ito. May matangos na ilong at mga matang malalalim. Naaalala ko rin ang Daddy ko sa kaniya. I shook my head to ignore my memory of him. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang desisyon kong pag-uwi ko rito sa Pilipinas para i-pursue ang pangarap ko, ang pagtuturo. Bilang panganay na anak, gusto niyang ako ang mag-take over ng company nito kapag nag-retired na siya. Matagal na niya akong inihahanda pero naging wais ako sa huling mga taon ko sa Turkey, lumipad ako nang walang paalam dito sa Pilipinas at ginawa kung ano ang gusto ko. Napili ko ang Polaris University dahil bukod sa malapit sa childhood house ng Filipina kong ina, sikat at maganda ring eskuwelahan sa buong bansa. Nagkataon pang hiring ng Calculus teacher noon dito kaya wala na akong dahilan pa para humanap ng iba. I am a civil engineer and a physicist. I love numbers, problems and many more about Mathematics. Sa side ng mother ko, halos mga teachers sila kaya siguro pati ako ay naimpluwensiyahan nila. Gusto ko iyong pakiramdam na naituturo ko iyong mga nalalaman ko. I think the force is coming from my passion than the subject itself. "Pero iba pa rin kung makikita mo talaga kami sa litrato, hijo. Mas maniniwala ka na naman." Kinamot ko ang kaliwang sintido nang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi. "Basta, magdadala ako soon!" Mabuti na lang talaga at kami lang ang nagkaabutan dito sa office. Ginagatungan itong madalas ng mga co-teachers naming mga babae, eh. Hindi ko alam kung magiliw lang talaga sila o gusto lang magpabango ng pangalan kay sir since siya ang head namin. "Alright, sir. Magdala lang po kayo... Wala pong problema..." "Magagalit na sana ako sa iyo, Mr. Fawzi, dahil nga sa nag-uumapaw na atensiyong binibigay sa iyo ng mga tao rito... Pero masyadong natutuwa sa iyo ang University President natin na si Mr. Ong... Aba'y mukhang iniisip yata niya na dahil sa iyo kaya nag-increase na naman ang mga enrollees this school year..." I don't know pero mukhang pagmamalabis naman nang pati iyon ay dahil sa akin. "Oh..." mahinang ungol ko sa isip. Paano ko ba itatanggi iyon kung alam ko namang papunta pa lang ako sa klase ko, ang dami nang nakaabang na mga students malapit sa designated room of class ko? At hindi lahat sila ay estudyante ko, may mga napadaan at tumambay lang talaga para makita ako. Napapailing na lamang ako tuwing naiisip kong halos mga estudyante ang mga iyon. I am not an actor or a big person who has become famous in any field to receive such admiration and attention. I'm just a Professor with an artistic face and body. Iyon lang din naman ang tingin ko sa sarili ko, eh. Ni isa sa mga paghangang binibigay sa akin, wala akong hinahawakan. Mine-maintain ko ang professional kong figure sa lahat. At sana iyon din ang maisip nila sa pagiging formal ko sa loob ng klase at kung minsan, sa labas ng klase. "Maganda at sikat lang po talaga ang Polaris University, sir, sa buong bansa... Hindi naman po siguro dahil sa akin iyon..." "Hmmm... Magkakamali ba naman si Mr. President. May evaluation naman sa mga students at tinatanong din doon kung bakit dito sa Polaris University nila napiling mag-aral... Eh, may nakarating ba naman sa kaniya na sumagot na "Because of Professor Scheids Noah Fawzi!" Tuluyan na itong napahagalapak ng tawa. Narinig ko na rin ang sabi-sabing iyon pero ngayon ko lang napatunayan na may katotohanan pala rito. Para akong ginigisang mag-isa rito ng matandang ito. Hindi rin pala nakatutuwa lalo't hindi naman ako mahilig sa estudyante. Marami akong magagandang students pero wala akong naging type sa mga ito. Para sa akin, students ko lang sila, responsibilidad na turuan. "Nakaka-proud lang dahil under ka ng department ko... May especial treatment tuloy sa department natin dahil sa iyo..." Aliw kong sinakyan ang trip nito hanggang sa gusto niya. Tapos na ang dalawa kong klase ngayong umaga; ang natitirang tatlo ay mamayang hapon at gabi pa. "Anyway, isantabi ko na nga itong aliw ko sa iyo.... So, okay pa ba sa iyo na tumanggap ng isa pang student? Binitiwan na kasi ni Mr. Solven ang isang klase niya dahil twenty lang ang estudyante niya roon. Pinagtipon-tipon na lang niya sa apat niyang klase. Ngayon, sakto-sakto nang tag-forty. Natanong ko na rin siya at nasagot na rin niya ako. Ayaw na niyang tumanggap pa ng additional dahil nakapag-pass na siya ng final number ng mga students niya..." "No problem po sa akin, sir... Idagdag na lang po ninyo sa last class ko, iyong panggabi, kung hindi naman conflict sa schedule ng student na iyan... Para balance po ang number of student ko sa bawat klase." "Oh, sure. Sinasabi ko na nga bang hindi mo aayawan ito. Umayaw na kasi lahat, eh. Dapat ay sa iyo na lang pala ako unang lumapit... Eh, kawawa naman kasi ang batang iyon kung hindi niya makukuha ang Calculus subject... Dati siyang home-schooling na maco-convert sa normal schooling..." "Oh, I see..." May natatandaan din akong student na ginagawan ko ng separate exam sa ibang math subjects ko dahil under homeschooling ito. Ako lang ang gumagawa pagkatapos ay adviser na nito ang nagbibigay sa kaniya. Ito na rin ang nagche-check kaya never kong nakilala iyong student na iyon. Ngumiti ito. "Eh, malakas sa akin iyong Tita niya, kaya heto at kinakausap kita ngayon..." Sanay na akong magturo ng singkuwentang students kada isang class kaya ano lang naman iyong isa pang maidadagdag, 'di ba? Sana lang talaga ay mabait ito at tahimik since galing naman sa home-schooling. "Sige po. Idagdag lang po ninyo..." Mag-e-end na ang first term pero ngayon pa lang ito papasok. Well, sana makahabol pa siya sa mga lessons. Tutulungan ko naman siya kung sakaling hindi. Magkaiba kasi ang home-schooling sa pag-aaral talaga sa loob ng school. "Yes... Okay. Sige. Ibibigay ko ang pangalan niya bukas. Baka next week or next, next week, papasok na siya." "Okay, Sir... Hmmm... Matagal pa pala..." "Yeah... May dahilan pero very confidential... Na-explain na sa akin ng tita niya kung bakit..." "Ah... Okay ho, sir." Lumabas ako ng office nang mag-i-start na ang first class ko this afternoon. Ten na nang makauwi ako sa condo ko. Walking distance lang ito mula sa Polaris University. Natagalan lang ako dahil nag-aya ng dinner ang co-teacher ko na si Tara. We have been dating for two weeks. We haven't talked a bit lately because she's from a different department, the health sciences' department. She is a nurse and clinical instructor of nursing third-year students. Hanggang dating and party-hardy lang ako when it comes to women. Nagsisimula pa lang ang pakikipaglapit ng mga ito ay sinasabi ko na iyon. Entering into a commitment is not my priority right now. I'm not at that point in my life yet. I haven't totally recovered from the death of my girlfriend five years ago. It's hard to start over with a new person and relationship because of what happened to us. Siguro kasi... hindi ko natanong sa kaniya noong nabubuhay pa siya kung okay lang sa kaniya na someday ay may iba akong papasuking babae sa buhay ko. Kahit matagal nang nangyari ang trahedyang iyon, para sa akin, parang kahapon lang iyon. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ang mararamdaman niya. Selosa siya, eh! I smiled sadly at the old thought. Marami nang dumaang babae sa buhay ko after the day she left me pero wala pa akong matandaan na pumasok sa puso ko. Humanap din ako ng kalinga, init at pagmamahal sa iba pero wala akong natagpuang katulad ng natagpuan ko sa kaniya. Naka-moved na siguro ako sa katotohanang wala na ito pero sa katotohanang nasa kaniya pa rin ang puso ko, hindi pa. Tapos na akong magmukmok at magluksa para sa kaniya. What I am doing right now is finding my real purpose in life. Nakiki-sway ako sa kung saan ako dadalhin ng destiny. Marami na rin akong pinagdaanan sa buhay kaya kung mangyaring bibigyan pa ako ng will ni God na magmahal ulit, I swear that I'll grab the chance. But for now, hindi ko pa talaga iyon nakikita sa kahit na kanino. Matapos kong i-text si Tara na nakauwi na ako rito sa condo ay naligo at natulog na rin ako. Araw-araw ay walang bago sa routine ko at sa nangyayari sa paligid ko. Hindi na ako naubusan ng mga students na nagpapapansin sa akin mapalabas man ng klase o hindi. Hanggang sa namalayan ko na lang na binibilang ko ang mga students ko tuwing nagpapa-activity ako, time na tahimik ang lahat na naka-focus sa pagsasagot, and ending up wondering kung bakit wala pa ring nababago sa bilang ng mga students ko. "At saka... malalaman ko rin naman kung may bagong mukha sa klase ko, so what's the point of counting?" Nawiwirduhan kong ikiniling ang ulo. May two weeks na rin ang nakalilipas pero hindi pa rin pumapasok ang student na iyon. Maybe... ginusto na lang nitong mag-continue sa pagho-home-schooling, better than adjusting to a new normal... Hanggang one day pumasok akong late dahil na-busy sa pakikipag-make out with Tara. Mabuti na lang at gabi na at last class ko na rin for the day. Two minutes late lang naman but it is still late. "Sorry, class, if I am late-" Naudlot ang sinasabi ko at ginagawa kong pag-aayos ng mga gamit sa ibabaw ng table ko nang mapansin kong napunan na ang lagi kong nilalaan na seat sa pinakalikod ng classroom. There I noticed a woman who was sitting quietly, as if she was about to stand up because of the others who were standing and greeting me. Hindi ko na sana papansinin pero masyadong malakas ang dating niya para hindi ko mapansin. Nakadirekta sa mga mata ko ang buhay na buhay nitong mga mata. Ang hugis puso nitong mukha ay bumagay sa mahaba nitong buhok na ang gupit ay pa-wolf na pa-wavy sa dulo-dulo. Nagkataon pang dumaan ang hangin dahilan para matangay ang ilang hibla ng buhok nito, particularly sa bandang bangs nito. At bakit kahit medyo madilim sa kinauupuan nito, kitang-kitang ko pa rin ang bawat detalye ng mukha niya. Her skin has a dewy radiance. Iyong kahit nasa dilim ang maputing tao, lumilitaw pa rin iyong ganda ng balat nito. Her nose is even more perfect than mine, it's perfect in its shape. And her lips- thin and thick but heaven without any help of colors. At ako... kailan pa ako nag-define ng isang babae nang ganito ka-active bukod sa namatay kong girlfriend?! Ito pa lang ang una! Now who is this intriguing girl at the back?! End of Scheids' POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD