Chapter 5 (Cigarette)

2939 Words
Chapter 5 Astherielle's POV "A-Ah... C-Calculus..." Tumingin ako sa magkabilang gilid ko pero mabilisan lang para naman hindi masyadong halata na nate-tense ako sa lalaking ito at sa marami pang mga matang nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong inayos muli ang pagkakatayo habang pasimpleng nag-iisip. "Ah... H-Honestly, hindi ko po memorized iyong p-pinaka-exact and complicated definition na rin nito para sa akin..." Complicated naman talaga sa unang basa ko noon. Nilipat ko ang mga mata sa blackboard as my excuse. Para naman hindi ako masyadong napaghahalatang tagakilatis ng lalaking ito. Ang daya lang ng vision ko, naroon man banda roon ang paningin ko, malinaw ko pa ring nakikita ang kaguwapuhan at kakisigan ng Professor na ito. Why am I doing this again? Ah, I know... Maybe this is the first time I've seen a man with good looks. I'm sure there are more handsome than him, but since I'm too shy to look at the faces of my classmates one by one, I assumed that this was the most handsome man I've seen at this time. Yeah... Of course... Mamaya ay titingin pa ako ng mas guwapo sa kaniya! Sa pamamasyal ako nawili kanina at hindi sa pagtingin-tingin ng mga tao sa paligid ko. Ang dami kong oras para manulit ng time kanina. Itong time na ito lang napirmi ang atensiyon ko kasi nasa klase na ako at kaharap pa ang subject teacher ko na una kong nakakilala at nakita. "Just answer me what you know, Miss Zuluetevo," he said again in a bored tone. Hindi man lang ako pinag-adjust ng lalaking ito! Pinag-recite ako hindi pa man din umiinit itong puwetan ko sa seat. Ih! Gusto kong hawakan ang baba ko habang inaalala iyong exact talaga na meaning niyon. Parang hindi kasi mahuhuli ng utak ko kapag hindi ako nakagano'n na posisyon. That is one of my involuntary mannerisms... "But I know the simplest meaning of it for me... Sa akin lang naman... In m-my own understanding..." "My time is running, Miss... All of us," demand nito sa malalim na boses. Oo, malalim ang voice niya pero mas malalim ngayon dahil natatagalan na siya sa akin. Gusto kong mapangiwi sa hiya. Simple meaning kako iyong alam ko pero parang nabura din kaagad sa utak ko iyon. Napalunok ako nang dahan-dahan nang humalukipkip ito at bahagyang pinagalaw ang mga makakapal nitong kilay paitaas. "Ano? Sasagutin mo pa ako o hindi?" Iyan iyong tanong na nababasa ko sa mga mata niya ngayon. Mabuti na lang talaga at naalala ko iyong first module na binigay sa akin ng adviser ko noong first day of homeschooling ko this sem. "A-Ah..." "I don't need your moans, Miss Zuluetevo. I need you to answer the question." Umungol! Sino? Ako? Umuungol na ang tawag niya doon?! Eh, wala namang pinagkaiba iyon sa sound na "Ummm" at "Hmmm" tuwing nag-iisip ang tao, eh! Nagsiyukuan ang mga green-minded kong mga kaklse para itago ang pagtawa sa akin. Naririnig ko silang lahat kahit pa magtago sila, ano ba?! "I-I am n-not—" Tumigil ako at nilunok na lang iyong iba ko pang sasabihin. Mahirap nang mas lalong mapahiya. Sh*t talaga! Bakit sa naging reaksiyon ng mga kaklase ko ay tila kinukumpirma nilang umungol nga talaga ako?! Napahihiya lang ako rito, eh. Gusto ko nang makaalis sa malas na sitwasyon na ito kaya mabilisan kong hinanap sa kasuluk-sulukang parte ng utak ko iyong sagot na kumpiyansa akong tama. "Calculus is branch of mathematics that deals with rates of change..." dire-diretso kong sinabi sa lahat sa sakto lang na energy. "Iyan po ang alam ko. And... sorry po kung nasabi ko kanina... na hindi kayo mahihirapan sa a-akin... M-Mukhang m-mahihirapan po kayo... p-pero medyo lang naman... ho..." Idinugtog ko iyong "ho" para naman kunyari sobrang galang kong tao. Pero hindi talaga ako umungol kanina, ah! Nag-iisip ako kaya gano'n, nag-iisip lang! Bad trip lang kasi pinagewang lang niya nang bahagya iyong mga kilay niya. Iyon lang. Wala man lang "You're correct, Miss!" or "Excellent" galing dito. Pero uso ba iyon sa college level? Sa ginawa niyang ito sa akin, nalaman kong boring siyang magturo at boring din pati subject na tinuturo niya. Alam n'yo ba iyong nakagigising? Iyong katawan at awrahan niya! Sige na, isama na natin pati guwapo niyang pagmumukha! Muntik ko nang masuyod uli ito ng tingin, mabuti na lang talaga at naalala ko iyong ibinibintang niyang umuungol ako kanina! "Okay....You may now sit." Basag na basag na ang ngiti ko. Ramdam na ramdam ko, shit... Umupo akong nakayuko na nang bahagya ang ulo. I will not look at him until the end of the class. I would just look at the blackboard, at what he would teach there, but not at him. Mula sa mga mata kong sagigilid kung makatingin sa harapan, nakita kong tumalikod ito at nag-umpisa nang magsulat sa tabi ng blackboard, sa may whiteboard doon. Kung maka-flex iyong mga muscles niya sa leeg at braso, akala mo nagpapapansin. Ito talaga ang ikinagulat ko sa sumunod kong napansin sa mga klakase kong babae, halos lahat sila nakangiting nakatitig lang kay Professor. Medyo nawala ako sa path nang mapansin ko ang babaeng katabi ko, nakapatong ang baba nito sa kamay at tila nagde-daydreaming nang nakatitig kay sir. "Walang mahirap na subject sa guwapo at masarap na Professor," narinig ko pang ibinulong nito. Ngumiti ito na tila pusang hinahaplos-haplos sa tuktok ng ulo. Patay na talaga kung lahat sila rito ay gano'n ang mindset. Mukha pa namang nambabagsak ng student itong Professor na ito. Medyo hindi ko na ramdam iyong nangyayari sa kanila kasi never na akong tumitig sa lalaking nasa harapan. Naalala ko bigla iyong dahilan kung bakit ako nakulong sa ospital ng dalawang taon, eh... Dahil iyon sa mga lalaki na nagpapa-trigger ng sakit ko. Kahit na magaling na ako, nararamdaman kong kailangan ko pa ring mag-ingat. Ang misyon ko na iyon ay sisimulan ko sa taong ito. Mamaya ay pi-picture-an ko na lang iyong mga isusulat niya sa whiteboard at pagkatapos ay sa bahay ko na lang isusulat sa notebook at pag-aaralan ulit. Titingin pa rin naman ako rito pero hindi na aabot hanggang sa mga mata nito. Magte-take down notes na lang kapag kailangan. Matagal rin akong nakayuko lang habang kung anu-ano ang mga sinusulat dito sa notebook ko. Nang makaramdam ako nang pagkasawa sa ginagawa ay pasimple kong pinagalaw paitaas ang mga eyeballs ko. Medyo napaatras ng ulo nang saktong balingan ko ito ay nakatingin na ito sa akin. Minsan na nga lang magtaas ng ulo para tumingin dito pagkatapos mahuhuli pa! "Hoy! Umayos ka, Astherielle! Walang malisya! Malamang Professor mo iyan! Professor mo na may itinuturo sa harapan!" asik sa akin ng isip ko. You are right. Inginiti ko iyong half part ng lips ko. Tabingi na ngiti na ang nangyari sa mga ito. Okay, hindi niya ako nginitian pabalik. Ang ginawa niya, itaas pa niya lalo ang pagkakatupi ng sleeve niya at iniangat pagkatapos ang braso at kamay nitong nakahawak ng pentel pen. "So, as I was saying, nasa book na ninyo ang mga example problems with solutions sa itinuturo kong ito... Those are just simplest examples na makatutulong sa inyo para masundan ninyo." Sinabi niyang lahat iyon habang nakatingin din sa akin. Akala niya siguro porke't nakayuko ako the whole time kanina, eh, hindi na ako nakikinig sa kaniya. Hindi lang niya alam na sobrang ingay ko sa loob-loob ko. Para akong maiiyak sa nakikitang background nito. Ang dami nang mga kung anu-anong mga nakasulat doon. Nahihilo ako sa dami niyon. Naiintindihan ko naman kahit papaano pero mukhang mas maiintindihan ko kung walang nagtuturo sa akin na taong nakai-intimidate ang aura. Pero no choice ako, talagang kailangan kong piliting mag-adjust. "Yes, Professor..." sabay-sabay namang recite ng mga girls dito. "Okay. Feel free to copy these," tukoy nito sa mga nakasulat sa board. "Ah, Eh, P-Professor," hagikgik ng isang babaeng nakaupo sa bandang gitna. Nagpapa-cute nitong itinaas ang kanang kamay. Binalingan niya ito at sinagot. "Yes, Miss?" "Ah... K-Kasi po..." Para na siyang kambing kahahagikgik niya nang kimi. "K-Kasi po... hindi ka pa po nagpakilala sa bagong classmate namin..." My eyes widened slightly at what she said. There is no need for that. At saka... request ba niya iyon para sa akin o para sa sarili niya? Halata namang type niya ito, eh. "Hindi po ba dati... two times kayong nagpakilala sa amin? Basta may bagong student kayo, nagpapakilala rin kayo rito...Baka naman po..." "Sira talaga itong babaita na ito..." nahihiya pero mukhang kilig na kilig naman sa ideyang sambit nitong katabi kong babae. Tinapunan niya ako tingin sabay siko sa braso ko. "Pagpasensiyahan mo na iyan... Gustong-gusto kasi ng mga girls kapag nagpapakilala si Prof! Hay naku, naka-i-in love siya! Basta! Malalaman mo rin iyan mamaya!" Talagang iniyuko pa niya ang ulo para pasimpleng masabi ang trivia na iyon. "Huh? Uhmm..." Hindi ko na naman alam ang gagawin ko nang maramdaman ko ang muling pagbaling ni Prof sa akin. Bilang respeto, sapilitan kong inalis ang atensiyon ko sa katabi at hinarap ito. Na-freeze ang buong klase, kasama na ako roon, sa paghihintay sa susunod na sasabihin ni Prof. Gusto kong itaas ang isang kamay at iiling-iling ang ulo sabay sabing: "Huwag na po, Prof. Okay lang sa akin na hindi na kayo magpakilala." "Yes, by the way. You don't know me yet..." "Hayan na!" rinig kong mahinang tili ng mga girls. Bakit ako ay dinadamay ng mga ito? Nalagpasan ko ang entire homeschooling ko nang walang nakikilalang ni isa sa mga teachers na naging tagagawa ng mga modules ko. "Opo, Prof... Kawawa naman siya. Sinabi po ninyo kanina na student siya rati from homeschooling... Ibig sabihin... you are one of her first ever teachers... Baka naman, Sir..." Hindi pa pala tapos iyong babae na iyon sa gitna sa kasusulsol. "Sure..." parang sang-ayon na lang niya rito para matigil na. "Miss Zuluetevo..." titig na titig sa mga mata kong umpisa nito. Binalewala ko iyon at idinikdik sa utak na ako lang naman ang new student niya rito kaya malamang ay sa akin lang siya magpapakilala. I felt like I wanted him to introduce himself to me, so I didn't say anything. "Aw! Ang suwerte naman! With pagtawag pa ng name! Aw! Sana all na lang!" "Bakit noong kami walang ganiyang tingin at walang pag-mention ng last name or first name?" "Dapat pala... nagpa-late na lang din akong pumasok sa block na ito para solo ko iyong pakilala portion!" Tatlo lang iyon sa mga naririnig kong tamporurot rants ng mga kaklase kong babae. Hayan, kinainggitan pa tuloy ako ng lahat. "I am Professor Sheids Noah Ravias Fawzi," pakilala nito sa mga mata ko. "Your..." Umangat ang kaliwang kilay nito. "Your Calculus Professor, obviously, from now on..." marahan nitong dagdag sabay patuldok na itinango ang baba. "Ouch! Bakit damang-dama ko? Bakit parang sa akin ka nagpapakilala, Prof?" drama ng bakla kanina rito. Hindi ko na rin napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. Natutuwa ako sa bawat reaksiyon ng mga girls dito. May nakanganga, may tila nahulugan ng batong puso at may hindi napapagod ang mga talukap sa kabi-blink sa walang kapagurang pagpapa-cute sa Professor na ito. "Thanks for the warm welcome, Miss Zuluetevo... I hope that your smile means that." Natigilan ako sa kangingiti rito sa biglang sinabi nito at sa hindi ko inaasahang one-sided smile nito sa mga labi. He is giving me a gentle mixed with badass approach. "Sa mga kaklase ko ako natutuwa at hindi po sa inyo, Sir," iyon ang nakabitin sa isip kong gustong linawin dito pero dahil nahiya at namangha ako sa ganda, puti at pantay-pantay na mga ipin nito, I'll just leave it in my mind. "Ah... Ang ganda po ng name ninyo, Sir—" Hindi ako ang nagsabi niyon! I swear na hindi ako! Pero ngumiti ito at umiling kaya talaga ngang lumabas ang mga iyon mula sa bibig ko. Ang ganda naman talaga ng buong pangalan niya. Pangalan pa lang, alam mo nang mabango at guwapo. "Oh... I love it too," tawa nito nang pino sabay iling. I couldn't help but let my eyes crawl down his throat, to his Adam's apple rising and falling there. Kung magpapatuloy pa ako sa pagsuyod dito, iyong bukas niyang itaas na parte ng dibdib na nito ang masisilayan ko. Sinasakal ako ng kakaibang init na nagmumula sa tiyan. Gumagapang ito papunta sa naninikip kong lalamunan. Mabilis kong iniiling ulo, parte na iyon ng pag-iwas ko sa nangyayaring ito sa akin. "Opo... Nice meeting you po, Prof..." pagtatapos ko sa sarili at sa kakaibang nararamdaman ko na rin. Malumanay kong inginiting muli ang mga labi. Nang malingat ito sa iba ay kinuha ko na ring pagkakataon iyon para makawala sa mga mata nito. Nagpatuloy at natapos ang klase nang hindi na ako tumitingin dito. Mabilisan kong inilabas ang cellphone ko at kinuhanan ng picture ang mga nasa blackboard. Kahit sa paglabas ko ng classroom ay hindi ko na inabala ang sarili na malingat sa kahit na kanino. Naiinis ako dahil parang hindi kompleto ang first day ko sa University na ito nang hindi nililingon sa huling pagkakataon ang Professor na iyon. "Again, siya pa lang kasi ang nakikita kong lalaki na may itsura," pagpapagaan ko sa sarili. "Yes... Iyon nga..." huling sinabi ko bago binilisan ang paglalakad palayo sa building, palayo sa lahat at sa lalaking iyon. Sa gate two ako lumabas dahil doon daw ako susunduin ni Tita. Saktong nine na ng gabi. Uuwi pa kami ng Rizal nito. Mayamaya pa ay nag-text uli si Tita, sinasabi nitong medyo male-late siya ng punta rito dahil may biglaang aayusin sa project daw nila. Nag-reply na lang ako na okay lang sa akin. Dahil madilim na rito sa waiting shed na pinagtatambayan ko, nag-decide akong umalis na at maglakad na lang papunta sa main gate ng University, kung saan mas maliwanag at mas maraming taong nakatambay. Nasa tabi lang naman ng mismong gate two entrance itong shed na ito. Safe naman dahil may nakabantay na guard doon pero dumadami na kasi iyong mga lamok na pumapapak sa akin kaya kailangan ko nang umalis bago pa ako maubusan ng dugo. Nasa gate one na ako nang makarinig ng mga malalakas na hiyawan, tawanan at kantiyawan. At mula sa kinatatayuan ko, natanaw ko ang isang bilyaran sa hindi kalayuan. Katapat lang ng gate one at daan lang ang pagitan mula roon. Medyo mausok sa parteng iyon dahil sa mga lalaking nakatambay roon na naninigarilyo. Hinugot ko ang panyo sa loob ng bulsa ng pantalon ko at ginawang pantakip sa ilong ko. Madadaanan ko muna kasi iyon bago makarating sa main gate. But right after I was in front of that billiards station, I immediately noticed that familiar man wearing his familiar sleeve and slacks. Nakayuko ang kalahati nitong katawan sa frame ng billiard table, may hawak na tako at tila kumukuha ng magandang angle at technique para matamaan at maipasok niya iyong bola sa butas. So, dito pala tumatambay itong Professor na ito after class niya nang ganitong oras... Sa pagkakataong ito ay limang botones na ng long sleeve nito ang nakabukas. Gumagapang ang mga pawis sa gilid ng ulo at sa dibdib nito. Iyong iniiwasan kong silipin kanina ay lantaran ko nang nakikita ngayon. His eyes were sharp because he seemed to want to aim for something in that game. Medyo nailang ako sa ginagawa kong panunood dito dahil pakiramdam ko sa akin nakatutok iyong dulo ng tako. Inalis ko ang panyo sa ilong ko at interesadong nakipag-debate sa isip, maipapasok ba niya iyon o hindi? Makita ko lang na ma-shoot niya iyon, aalis din ako kaagad... Nagpe-pray na rin ako na mai-shoot niya iyon. Matatag akong nakatitig sa bola na nasa tapat ng dulo ng tako. Pero napapansin kong hindi na ako natigil sa kadadasal dito. Parang wala naman nang sumusunod na nangyayari! Binalikan ko ang mukha nito para lang mapatalon ako nang bahagya sa kinatatayuan ko. Sa akin na ito nakatingin at hindi na sa bola at sa tako. Imagine, naka-position siya nang ganoon sa ibabaw ng billiard table tapos iyong mga mata niya ay wala pala sa dapat na kalagyan ng mga ito. Papaano niya ako nakita rito, eh, medyo malayo naman ako? It was like someone pushed me when a sly grin appeared on his lips. Not just a grin but also a surprised look! Sa pagkagulat ay nagmamadali akong nagpatuloy sa paglalakad. Gosh, talagang hindi ako para sa lalaki! Ikapapahamak ko lang talaga sila! Sa bilis ng lakad ko ay hindi ko namalayang nakarating na ako rito sa main gate. Sa bench malapit dito ako umupo at nagpahinga. Nabawi ko iyong pagod ko nang hindi man lang nakalilimutan iyong nangyari sa akin kani-kanina lang. Mula ngayon, hindi na ako ulit dadaan doon. Hindi lang iyon dahil sa nangyari kanina kundi dahil sa katotohanang tambayan iyon ng mga lalaki, mga lalaking may bisyo sa paninigarilyo at pagsusugal through pusta-pusta sa billiards. "Gabi na... Why are you still here?" Alam kong inaantok na ako pero hindi ko palalagpasin iyong tinig na iyon na nanggaling sa malapit. Slow motion ang ginawa kong pagbaling dito kasi may idea na akong kung sino ito boses pa lang niya, eh. "Professor Fawzi..." Nakasandig ang likod ng katawan at ulo nito sa kalapit na pader doon. May nakaipit sa pagitan ng mga labi nitong hindi pa nasisindihang sigarilyo. Ang mga kamay ay tila humahagilap ng pansindi sa stick sa katawan pero parang walang nahanap kaya natawa na lang at tinanggal iyon sa bibig. "One cigarette reduces life by eleven minutes..." Alam kong siya ang Professor sa amin, pero dapat niyang maaral iyon ngayon... End of Astherielle's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD