Chapter 6 (Eyes)

3277 Words
Chapter 6 Scheids' POV Fifteen minutes ago... "Professor Fawzi!" tawag sa akin ng isang co-teacher ko pagkarating ko sa main building namin. Sa unang akala ko ay si Tara na ito. Mabuti na lang at hindi dahil wala ako sa mood para lumabas o kung ano pa mang maisipan na naman niyang ialok sa akin sa ganitong oras. Masyado akong napapaisip sa bagong pasok na student ko kanina. I told her to stay after class because we had something to talk about. But I had just finished dismissing my class when she left. She didn't even look at me to say goodbye. I am not demanding anything pero hinintay ko talagang gawin niya iyon since bago lang siya sa klase ko and as pasabi na lang sana. I am still her Professor... A small gesture of respect will suffice. Hindi ba at ganoon naman talaga dapat? Or hindi lang talaga ako sanay na may babaeng student ako na hindi ako binigyan ng atensiyon na katulad ng binibigay ng halos babaeng students ko? Halos ayaw nang umuwi ng mga ito pero siya, atat na atat yatang makauwi na. Isa pa, hindi naman putcho-putcho lang iyong pag-uusapan namin. Para din naman sa kaniya iyon, para makasunod siya sa mga lessons. For me, the Calculus subject is very simple, but the opposite is true for my students. Ako lang ang malinaw na naiintindihan nila pero hindi iyong mga itinuturo ko. Very clear iyon lalo tuwing nagpapa-short quiz ako. Marami pa rin talagang bumabagsak. Malapit na ulit akong magpa-long quiz. Gusto kong may makuha siya. Gusto kong pumasa siya. Hindi naman sa pagmamalaki or pagmamalupit pero nambabagsak din talaga ako ng mga students na walang effort aralin ang subject na itinuturo ko. Hindi ko na kinuha ang atensiyon nito kanina dahil ayaw kong makaabala sa pagmamadali niya. Siya ang may kailangan sa akin at hindi ako. Kung iyon nga... why am I feeling so irritated? Dahil busy ako sa pagtuturo kanina, hindi ko siya masyadong napagmasdan nang maayos. Napapabaling ako paminsan-minsan dito pero dahil kinarir niya ang pagyuko ng ulo at pagsusulat ng mga kung anu-ano sa notebook, wala rin akong napala. She didn't seem to be listening as intently as I had hoped. Baka gano'n talaga kapag nasanay sa homeschooling... Parang may sariling mundo... Habang nasa daan ako ay iyon na nga ang hindi maiwaksi-waksi sa isip ko. Normal naman sa akin na maging concern sa student ko pero hindi normal itong hanggang pag-uwi at paglalakad ay naiisip ko ito. So far, she's the only girl I've seen with the simplest clothes and appearance here on campus. Nowadays that's where I'm drawn to. In things I'm not used to seeing... Usung-uso iyong term na "OOTD" or "outfit of the day" sa panahon ngayon. Walang uniforms ang mga students dito sa Polaris bukod sa uniform nila sa course nila kaya naman everyday ay talagang parang fashion and rampa day. May kaniya-kaniyang style kung papaano igagayak at dadalhin ang sarili ang bawat isa. Iba nga lang sa mga classes ko; puro mga kikay ang mga girls kaya talagang may mga nae-expose na sa mga katago-tago ng mga ito na hindi na dapat makita. I'm used to seeing boobs, cleavages, thighs, and other body parts with spg trigger warnings on a daily basis. I genuinely mean it when I point that I have no interest in a student, regardless of how attractive and seductive she may be. Kung may nanghatak man sa akin na isa pang dahilan para mapansin ko ito bukod sa over-sized nitong t-shirt, maong na suot at simpleng ayos niya, siguro... dahil kamukha niya iyong Hollywood actress na idol na idol ni Mommy. Kamukha niya si Brooke Sheilds way back nineteen-eighties. Alam ko dahil iyong mga lumang posters, pictures, magazines and CDs ng mga movies and series nito ay buhay na buhay pa sa bahay namin sa Turkey. Naka-display pa rin ang mga iyon sa collection room ni Mom. Siyang-siya talaga ang babaeng iyon, eh, kaya I was really blown away while looking at her. Never ko na-appreciate ang ganda ng actress na iyon dahil in my mind, sa kasalukuyan, ay matanda na ito. I have met her once in the United States ten years ago, when Mommy had a fan meet with her. Matanda na siya during that time. Maganda pa rin naman pero gandang hatid na ng aging. Miss Zuluetevo is now another replica of Brooke Shields from a bygone generation, her boyish or simple version of her? Hindi ko rin alam... Hindi ko siya kilala kaya who I am to judge base lang sa mga na-observe ko rito kanina. Pero ang nalaman ko lang, ang ganda pala talaga ng actress na iyon noong kabataan niya... Ngayon hindi na ako magtataka kung bakit girl crush ito ni Mommy. Alright, dahil lang ito sa pagkamangha and little realization about life. Na totoong sa mundong ito, mayroon kang magiging kamukha or kahawig na hindi mo naman kadugo o kakilala. "Hey..." simpleng bati ko kay Ma'am Maira. Math teacher din ito rito pero naka-focus sa subject na algebra. Last month ay nag-celebrate ito ng thirty-fifth birthday sa main office ng Mathematics department. So basically, parang ate ko na rin siya. "Good evening," dagdag ko nang may makita akong isa pang teacher na taga-ibang department na papunta rito. Ako ang lumapit sa mga ito. Ngumiti nang makalapit sa kanila. "Mabuti na lang at naabutan ka pa namin dito, Professor Fawzi... Ito kasing si Mira, eh, kanina ka pa hinihintay..." "Ito naman," nahihiyang puna naman nito sa kaibigan saka nahihiyang tumawa. "Good evening, Sir..." Malawak na ngiti ang ibinigay nito sa akin. "Good evening rin, Ma'am... Bakit ho ninyo ako hinahanap? Gabi na ho. Sana ipinagpabukas na lang po ninyo ang pagpunta sa akin. May morning classes naman po ako... And madalas din naman ako rito sa building namin kapag break or vacant ko... Kasi... baka naghintay pa kayo nang matagal kanina..." Mas lumawak pa ang ngiti nito. My coworkers, who still have a crush on me despite having husbands and boyfriends, are the real reason I'm cracking up inside. Wala lang, naku-cute-an lang ako sa kanila. Posible pala iyon. Okay lang naman iyon sa akin. Madalas ay dinadaan ko na lang sa biro iyong mga simpleng kantiyawan tungkol sa pagkakaroon nila ng crush sa akin. Nanghihinayang itong ngumuso. "Ikaw talaga. Huwag mo na akong i-po riyan. Mira na lang... Anyway... May klase ako kaninang eight sa Paciata Building, sir, kaya okay lang. Nagpa-dismiss ako nang maaga para mapuntahan kita rito..." "Oh... Sige. So, what is it po that you would like to say? Gabi na kasi. Kailangan nang umuwi..." "So true. Kaya hinabol na lang kita ngayon kasi full load ako bukas, eh..." Itinango-tango ko ang ulo. "Yes... I understand now." "Eh... Next month Department of Biochemistry week na... Eh, ako ang in charge sa ibang mga activities na gagawin. Nagkataon na naman na isa sa mga iyon ay ang pag-direct sa gagawing pageant sa department... Hay..." pagod nitong usal. "Gusto ko sanang tanggihan kasi marami akong ginagawa pero nakahihiya naman. Para din naman sa department namin iyon kaya tinanggap ko na lang... At ito na nga, inuumpisahan ko nang buuin ang magiging board of judges sa search for the next Miss Biochemistry... Ayon nga," ngiti nito na may halong pambibitin. Alam ko na naman ang isang ito. Hindi na rin nakagugulat dahil wala namang pageant dito sa Polaris na hindi ako kinuhang judge. Exception na lang talaga kapag week ng department namin. "Alam kong hindi na bago sa iyo ito, sir... Puwede ka ba naming makuha ulit na isa sa mga judges?" I graduated as valedictorian in both elementary and high school, and I was a c*m laude in two courses I took in college. Iyon na nga rin ang laging idinadahilan ng mga taga-ibang department para kunin akong laging judge nila. Pero kantiyaw naman ng mga co-teachers sa department ko sa kanila, kapag nandoon ako, sisipagin ang mga students na um-attend at manood. Kung minsan pa nga ay ako ang pinapapili nila ng mga students na isasali nila sa pageant. For example under sa akin, sa mga subjects na itinuturo ko, iyong mga students na galing sa department nila, itatanong nila sa akin kung sinu-sino iyong mga matatalino sa mga ito. Dahil gusto kong makatulong, nilalabas ko naman iyong mga lists. And from that, pumipili sila mula sa mga iyon ng ibang magiging contestants. Department of Biochemistry is very competitive when it comes to beauty pageant here in Polaris. Two times na silang magkakasunod na nanalo kasi matatalino talaga ang mga isinasabak nilang representatives. Iyong magagaling sa Mathematics ang kinukuha nila kasi they believe na kapag kaya mong sumagot ng mga complicated na problems, kaya mo ring sumagot ng mga komplikadong tanong. That make sense for me. "Sure... It's okay with me, Ma'am..." Nag-appear silang dalawa. Parang alam naman na nilang hindi sila mahihirapang mapa-oo ako. I value them as my coworkers. Iyong pagpayag ko lagi ay pagtulong ko na rin. "At alam mo na po, Sir, kung ano pa iyong isa naming request?" Bumuntong-hininga ako at ngumiti. The lists of bright students. "Yeah... Sige. Anytime ay ipadadala ko sa office mo, ma'am... Pero siguro... mas maganda kung after final exam na lang this term para mas sure..." I don't know kung bakit habang sina-suggest ko iyon, eh, naiisip ko iyong new student ko kanina. Is it reasonable to expect her to prove something despite the fact that she arrived late? I blinked at the thought. But if it's only a matter of face, she will fight. The body, though? Because of the oversized clothing she was wearing previously, I am unsure of her body shape. She has a thin face, a gorgeous face, and skinny arms from what I can see of her from a distance. Iyon lang ang nakita ko sa kaniya dahil ang mga iyon lang naman ang lantad sa kaniya. "Hmmm... Hindi ko pa kasi na-finalize iyong mga grades nila kasi hindi pa complete... As soon na matapos ko, ipadadala ko na lang..." "Aw... Thank you so much, sir..." Marami pa itong sinabi na pinakinggan ko lang lahat. After ng saktong pag-uusap ay nagpaalam na ako sa mga ito. Sa billiard area ako dumiretso para mag-unwind. Hobby ko ang paglalaro ng ganito noong nasa Turkey pa ako. Dalawang babae ang sumunod kong naging mga kapatid. Ako ang nagturo sa mga ito na maglaro ng gano'n kaya naimpluwensiyahan ko talaga sila. Kahit pa noong umalis na ako, hindi pa rin nawala ang pagkahilig nila sa laro. Si Dana, iyong sumunod sa akin, nakikipag-compete na rin ngayon sa larong ito. May sarili akong ganito sa condo dati pero pinatanggal ko nang pakiramdam ko ay sumisikip na doon. Wala na rin akong time masyado sa paglalaro dahil sa trabaho. Kaya noong malaman kong may billiaran dito sa gate one, dito na lang ako nagpapalipas ng oras paminsan-minsan. Madalas ako sa ganitong oras nagpupunta rito dahil walang masyadong tao. "Hi, sir! Magandang gabi po," bati sa akin ng may-ari nang makita ako. Nagsitinginan sa akin ang mga students na nakatambay at naglalaro dito. Nagsitaasan ng mga kamay at nagsikawayan sa akin nang makilala ako. "Oh, si Professor Fawzi pala! Hello po, Sir!" masayang bungad sa akin ng mga ito. Ang isa ay lumapit sa akin at inabutan ako ng tako. Inabot ko naman ito nang matapos kong ibaba ang bag ko sa upuan. "Oh. Gabi na, ah. Bakit hindi pa kayo magsiuwian? Wala ba kayong mga klase bukas?" "Graduating na po kami, sir... Iilan na lang po ang subjects namin at halos panghapon pa..." "Ah, gano'n ba..." "Opo, sir. Wait lang po at magse-set kami ng game..." sinabi ng isa sa kanila. Lumakad na ito at kinuha at inipon sa gitna iyong mga bola. Siguro may kalahating-oras na rin kaming naglalaro sa tantiya ko nang maramdaman kong nagiging mainit at masaya na ang simpleng laro naming ito. Walang halong pusta or what ito, katuwaan lang. "Ay putangi—" naudlot iyong mura ni James nang matauhan siguro na Professor ako rito at hindi ka-tropa. Hindi naipasok ng ka-team niya iyong bola. Idinaan na lang nito sa pagtawa nang malakas ang pagkadismaya sa kasama. Banat na banat na ang score pero nakatutuwang eager pa rin ang mga itong maka-score. Lamang kami ng sampo ng partner kong si Kin, estudyante rin katulad nila. "Ang galing mo talaga, sir! Grabe... Kaanu-ano po ninyo si Efren Bata Reyes?" segway nito at kulang na lang ay tapik-tapikin na ako sa balikat sa sobrang pagkamangha. "Sunga... Baka Physics teacher din si Sir! Malamang baka ginagamitan niya nang matitinding formulas iyan..." si Ross na nasa gilid na taga-cheer at kantiyaw. Kami ang bias niya, eh. When he told me that, I couldn't help but laugh and shake my head. I admit that I can't help but apply what I know to the little things I do. Sa dami ba namang equations and formulas na nakatatak sa utak ko. Inside my mind, I am computing force na sapat lang na i-apply para mapasok ang bola. "Another one, sir... Tapusin na po ninyo!" tuwang-tuwa at mayabang na sinabi ni Kin. Yumuko ako after kong makahanap ng isa pang libre, libre pero kailangan pa ring pag-isipan para maipasok nang walang palya. "Okay... Last game na ito, ha... After nito, masiuwian na tayo. Magsasara na rin si manong..." "Yes, sir..." sabay-sabay namang pagpayag ng mga ito habang tutok na tutok sa susunod kong gagawin na strategy. Yumuko ako sa kaliwang frame ng billiard table. Bola pagkatapos ay isa pang bola and sa dulo ay ang butas na paglalagyan ko niyon. Pero ewan at lumagpas mula doon ang tina-target ng mga mata ko; umabot hanggang sa babaeng napansin kong nakatayo na nasa malayo. Naka-trigger alert ang mga mata nito habang nakatitig sa bola? Hindi ko rin malaman basta ang alam ko ay nakikilala ko siya... "Oh... It's her, Brooke Shields in today's generation," realization ko sa isip ko. Ano ang ginagawa niya roon? Nawala na tuloy ako sa focus. Pakiramdam ko, ako at siya na lang ang natira sa paligid. Paano ko ba matatapos itong naumpisahan ko kung sa palagay ko ay sa banda rito ko siya nakatingin nang ganoon? Hanggang sa hindi ko na rin namalayang ang pagtingin nito sa mukha ko at ang pagkaiktad nito sa kinatatayuan. Nanlaki ang mga mata nito at naglakad nang mabilis paalis nang matauhan nang makita akong nakatingin sa kaniya. Napaawang na lang ako ng mga labi at natawa nang pa-wirdo. I am questioning myself, what is the big deal again? Out of nowhere ay sumulpot ang babaeng iyon sa madilim na banda. Siya na kina-crave kong makausap. Hinabol ko muna ito nang tingin bago itinira ang tako sa bola. As usual, wala na sa focus kaya hindi pumasok. Hindi naman masakit sa part ko dahil tila nakulong na ako sa pag-iisip sa babaeng iyon. Anong oras na pero hindi pa nakakauwi, to think na siya ang pinakaunang lumabas kanina ng classroom. Another amusing and strange thing I do after our easy game is to take the road to the main gate, even though the road to my condo is closer to gate one. Itong daan talaga na ito ang isang kahinaan ko pagdating sa mga babaeng dumadaan. Madilim na parte ito at mangilanngilan lang ang dumadaan kapag ganitong oras na. Parang may something na mahirap dalhin sa loob ko dahil siguro alam kong doon ang punta ng student ko na iyon. Kung hindi ko lang siguro alam na bago siya at laking homeschooling baka pababayaan ko na lang. Uuwi na rin lang ako kaya dadaanan ko na. Ni-ready ko na ang isang stick ng sigarilyo habang naglalakad ako papunta roon. Nasa pa-curve na parte na ako ng daan nang may matanawan akong nakaupong babae sa isa sa mga benches sa main gate. Nasa pinakadulo ito kaya makikita mo talaga agad pagkabungad mo. Ito na siguro ang dahilan kaya hinatak ako ng pagkakataon dito. Wala sa loob kong itinaas ang braso ko at sinilip ang oras sa wrist. Fifteen minutes before ten in the evening na pero narito pa rin ang student na ito. Very patient pa itong nakaupo at nakatingin lang sa harapan niya pero pagkatagal ay parang naduduyan na ang mga mata. Ano ba ang ganap sa babaeng ito? Lalagpasan ko siya kung makikita ko lang na gising na gising pa ang ulirat niya pero dahil nga sa napansin ko ay parang hindi na naman ako makaalis. Hindi ko na matiis iyong inis na may halong pag-aalala nang matagal na pagpikit ang sumunod nitong ginawa. May dalawa akong kapatid na babae kaya siguro ang hirap sa akin na balewalain ang strangherang babae na ito na nagkataon pang estudyante ko. "Woo!" buga ko ng hangin bago lumakad palapit dito. Mula main gate hanggang dulo nito ay matayog nang pader na sa harapan ay mga benches na naka-aline. After ng upuan ni Miss Zuluetevo ay isa pang maliit na daan papasok ng University, parte pa rin ng main gate. Sa tabi nito ay isa na namang mahaba at diretsong pader. Doon na ako pumuwesto habang kumukuha nang sapat na lakas ng loob para i-approach ang student ko na ito. Nang makita ko ang bahagyang pagbagsak ng ulo nito ay doon na talaga ako hindi nakapagpigil. Na-realized ko lang na may something na kakaiba pa pala rito sa mas malapitang tingin... Even in pitch darkness, her long, thick brows and eyelashes are clearly evident. I can't help but groan in irritation as I gaze down at his pointy nose and then down at her seductive lips. Naiirita ako sa ginagawa kong ito. Mas okay na ang mairita kaysa ang makaramdam pa nang hindi ko gusto towards sa babaeng ito. "Gabi na... Why are you still here?" tanong ko sa wakas. Dahan-dahan nitong ibinalandra ang medyo gulat nitong mukha. "Professor Fawzi..." Para hindi magtagal ang mga mata ko sa mukha nito, inabala ko na lang ang sarili sa pagkapa ng lighter sa katawan at natawa na lang nang maalalang wala pala akong dala. Nasa isang bag ko pala iyon. She addresses me... Mas lalo tuloy naging iba ang timpla niya sa akin. May something talaga sa kaniya na hindi ko mapangalanan kahit na nasa harapan ko na ito. I am not bias or whatever pero... mas litaw talaga ang simpleng ganda nito sa malapitan. "One cigarette reduces life by eleven minutes..." At sa tingin ba niya ay hindi ko alam iyon? Kaya ko ngang i-compute bawat amount ng phenols, nicotine and naphthalene na nakukuha ko bawat stick ng cigarette, eh. "Hindi ba't sinabi ko kanina na mag-uusap tayo after class?" sagupa ko naman dito. Ako dapat ang magle-lecture sa kaniya at hindi siya. Itinikom nito ang bibig; umalon ang lalamunan sa paglunok. "So as not to waste time, do you want me to talk to you now? While you're still here..." pormal kong sinabi habang minamanmanan nang palihim ito. "Talaga ba, Scheids, sa ganitong oras?" kaltok naman sa akin ng utak ko. Whatever I lose, nandito na, eh. Ewan ko rin sa sarili kung bakit desidido pa rin akong kausapin ito pumayag man siya o hindi. "S-Sige po, s-sir..." I smirked and stuffed the cigarette back into my pocket. Lumapit pa ako rito at nang nasa harapan ko na ito ay itinanong, "First of all, Miss Zuluetevo, why are you like that... every time... you look into my eyes?" marahan kong tanong dito nang hindi na naman matakot. "I don't know if you are scared or challenged..." She's the only girl who stares at me that can make me insecure about myself. Kasi alam ko... Alam kong may sinasabi ang mga mata nito... End of Scheids' POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD