Chapter 4
Astherielle's POV
Two hours ago...
Mula sa nakatakdang araw ng pagpasok ko sa Polaris University, tatlong araw pa ang pinalipas ko para mabuo ang desisyon ko, kung tutuloy na ba talaga ako o hindi?
Sa nakalipas na magkakasunod na linggo, ang magkulong sa loob ng kuwarto ang ginawa ko. Paulit-ulit na tinatanong sa sarili ang tanong na ito: "Handa na ba talaga akong iwan ang nakasanayang mundo?
Mahaba na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kabababa ko lang ng sasakyan ni Tita Mavic. Tapos na itong kumaway, mag-goodbye at mag-good luck sa akin.
"Astherielle, hija, paano ba iyan?" Umupo ito sa upuan ko kanina at dumungaw sa bintana ng sasakyan. "Sunduin na lang kita mamaya, ha? I-text mo lang ako o tawagan anytime... Maluwag naman sa office ngayon dahil natapos na namin kahapon ang project namin... See you na lang, ha..."
I didn't go to class this morning. Yeah, I just entered this afternoon suddenly, where I have two subjects left today. Ewan ko ba kung ano ang sumapi sa aking espirito para magdesisyon at the last hour.
Habang nakakulong ako sa kuwarto ko, ang dami-daming nag-uunahang mga thoughts sa utak ko. Napagod na yata ako kaya ganito ang naging ending ko. Tinawagan ko si Tita at nakisuyong ihatid ko rito. Nahihiya pa ako noong una pero nang maisip kong walang mangyayari sa buhay ko kung lagi akong nakakulong, umarangkada na ang kakapalan ng mukha ko.
"Oh, God, Astherielle, hindi na kita tatanungin pa. Ihanda mo na ang mga gamit mo at ihahatid na kita sa University ngayon din!" iyon agad ang ibinungad ni Tita nang makita ako. Nang oras na iyon ay nakasukbil na ang pack bag ko sa mga balikat.
"Okay na po ako, Tita... Salamat po sa pagdating... Pasensiya na rin sa istorbo..."
"Naku, istorbohin mo ako kahit kailan mo gusto. Sulit naman ang pagpapaistorbo ko! Akalain mo, papasok ka na! Parehas talaga kayo ng papa mo... Medyo magulo kausap at very late kung magdesisyon!"
Minamana rin pala iyon? Napangiti ako nang alanganin. May kaba rin sa dibdib pero hindi na kasing lala kanina.
Wala na kaming sinayang pang oras kanina, hinila na niya ako papunta sa sasakyan nito sa labas ng gate pagkasara niya ng bahay.
"May kasamang map iyong binigay sa iyo ng dati mong adviser, ha... Nakita naman natin iyon sa folder... Hindi ka na maliligaw pa basta gamitin mo lang iyon."
Napatingin ako sa itaas, inaalala kung nalagay ko ba iyon sa loob ng bag ko pero wala talaga akong matandaan na may nalagay ako. Bahala na. Hindi naman siguro ako maliligaw. Dalawang subject ko na lang naman ang papasukan ko ngayong hapon.
"Opo, tita... Nasa bag ko lang po iyon..."
"Sige na, hija, at babalik pa ako ng office. Baka hinahanap na ako doon. Nagbilin lang ako sa isang ka-officemate ko, eh..."
Nagising ako nang magpaalam na ito at kumaway paalis. Itinaas ko ang kamay at kumaway na rin pabalik dito.
"Ingat po kayo, tita... Thank you po ulit."
Hindi ko inalis ang tanaw ko rito at pagkakatayo hanggang sa tuluyan itong makalayo. At ito na nga, haharapin ko na ang moment of truth. Humarap ako sa main view ng University at naniningkit ang mga matang tumingala. Sobrang taas ng makalumang arc nito, eh. Nakasulat doon ang "Polaris University"
Simpleng t-shirt, pantalon at rubber shoes ang suot ko kaya nakatulong din sa pagpapagaan ng pakiramdam ko ang komportableng dala ng mga ito. I let my hair loose, which I only decided to cut last week. I really looked like a witch when I left the hospital, it was very long, thick and black. Nabibigatan na ako sa ulo ko kaya nag-decide akong ipagupit na. Balak kong magpa-short hair sana as bagong umpisa ng journey ko outside the hospital pero pinagkokontra ako ni Tita. Hindi raw siya makapapayag na masayang itong maganda kong buhok. Wala na akong nagawa pa nang hairstylist na nito ang pinapunta niya sa bahay. Pina-decide niya ito sa magiging ayos ko, kung ano ang babagay sa akin na gupit.
Wala sa loob kong idinantay ang dulo ng mga daliri sa bangs ko at natawa na lang nang mag-isa. First time kong magka-bangs sa buong buhay ko. Ito iyong bangs na usung-uso ngayon, pa-curtain na style. Uso rin pati gupit ng buhok ko, pa-wolf na pa-octopus cut daw ito ayon sa hairstylist ni tita. Maganda raw ang buhok ko dahil natural ang pagka-wavy sa dulo. Dahil alam kong expert na ito sa larangan ng paggugupit, hinayaan ko na lang ito na mag-decide. Hindi ako sanay sa naging outcome ng trabaho niya pero nagustuhan ko naman na gumaan na itong ulo ko. Binigyan din niya ako ng mga freebies na special wax sa buhok para daw sa bangs ko. Ginamit ko na rin pang-fix sa bangs ko kaninang bago ako magpasundo kay tita.
Mas sanay akong naglulugay ng buhok, walang paki kahit mahangin pa o hindi.
Matapos ang mahabang pagmo-moment-moment dito sa harapan ng University ay humakbang na ako papasok.
Grabe... ganito pala iyong feelings na may kasabayang pumapasok... Nagpakawala ako ng hangin at inumpisahan nang dagdagan ang bilis ng paglalakad. Amaze na amaze na talaga ako sa aroma ng paligid pero pinipilit kong itago. Sumasakit na rin ang leeg ko kapipigil ko rito. Gusto nitong umikot-ikot pero nauunahan ako ng hiya.
So iyon na nga, sa sobrang pagka-amazed ko, nakalimutan kong unahin ang dapat. Natagalan ako sa paghahanap ng second to the last na subject ko ngayong hapon. Nang mahanap ko ito ay halos thirty minutes na akong late. Nahiya na akong pumasok kaya hindi na lang ako tumuloy. Para makabawi at para na rin hindi ako masayangan sa pagpunta rito, hinanap ko na lang nang maaga ang magiging classroom ko sa last subject ko.
"Phew," pagod kong usal nang mahanap ko ito. Nasa tapat ako ng pinto ng classroom na ito, nakatulala sa name and number nito. "Grabe... Kaya pala ang hirap mong hanapin, nasa liblib ka nang parte ng University na ito... Hay..." muli kong usal sabay tingin sa kalapit lang nitong mini-forest park.
Sumamyo ako ng hanging nagmumula rito. Tumingin sa relo nang makabawi na nang kaunting pahinga.
"Five o'clock in the afternoon... Marami pa akong oras..."
Ngumiti ako matapos kong kindatan ang sarili sa naisip na idea. Binagtas ko pabalik ang daang pinanggalingan pero bago iyon, sumulyap muna ako sa magiging classroom ko mamaya.
"Babalik na lang ako mamaya...."
Mamayang seven in the evening pa ang last class ko, two hours din iyon, kaya bumalik na lang muna ako sa forest park. Umupo ako sa bench na semento at inilabas ang baon kong inumin. Naninibago ako sa anyo ko ngayon na pawisan. Kaya siguro parang ang bigat-bigat araw-araw ng katawan ko noon kasi hindi ako pinagpapawisan nang ganito. Ito iyong normal na pawis, eh.
"So, this is the feeling... I like it..." marahan kong sambit sabay tingala sa itaas, sa mga sanga at mga dahon ng mga nagkumpul-kumpol na mga puno.
Mula rito ay maririnig din ang ingay, halakhak at usapan ng nga ibang estudyante na may ginagawang activity sa kabilang banda ng forest.
"Ganito pala ang nangyayari kapag pumapasok ng school, maraming tao at parang laging masaya..."
Napapanood ko rin naman sa TV iyong mga ganoon senaryo sa school pero ibang-iba talaga kapag nakikita ng sarili mong mga mata iyong totoo.
Sumigla pa lalo ang ngiti ko sa mga labi. Sana maka-meet din ako ng mga magiging kaibigan ko rito soon...
Kung saan-saan pa ako nakarating after ko sa forest park, sa cafeteria, sa gymnasium at marami pa. Bumalik na lang ako nang malapit na ang klase ko. Maaga ako ng thirty minutes kaya tumambay muna ako sa mini-forest. Aakyat na lang ako sa classroom kapag nakapasok na lahat ng mga kaklase ko.
Kapit na kapit ang mga kamay ko sa mga straps ng bag nang tuntunin ko na ang shortcut papunta sa classroom. Dahan-dahang napanatag nang makahanap ng lakas ng loob sa nakabukas na isa pang pintuan sa dulo ng classroom. Bumilis ang paghakbang ng mga paa ko at hindi man lang ako nagpreno nang nasa tapat na ako ng pintuan.
Pinakalikod na parte rito kaya walang nakapansin sa akin na pumasok bukod sa mga kapwa students ko na nakaupo sa row ng inupuan ko. Alangan akong ngumiti sa mga ito na pormal din naman akong nginitian pabalik, nakarehistro sa mga mukha na alam na nilang bagong mukha lang ako sa klase.
I brought my bag over my thighs and simply looked ahead. There is no teacher yet. Idinaan ko na lang sa paminsan-minsang pagkindat sa sarili ang excitement na nararamdaman.
"Halla! Anong oras na pero wala pa si babe! Nakaloloka naman iyong prince charming ko! Sinanay akong pumapasok ng ten minutes early before class!"
Tumingin ang lahat sa babaeng nagsalitang bigla sa pinakagitna ng klase.
"Halla itong babae na ito! Kung maka-babe naman kay professor!" ani naman ng tila baklang nasa tabi nito. "Hoy, girl, baka hindi ka pa sinagot no'ng tao... Huwag ka munang pasisiguro, 'no! Update mo na lang kami kapag magaling ka na sa Calculus subject niya! Simple Calculus problem hindi mo nga masagot, eh... Sayang ganda mo, girl!"
Punung-puno ito ng mga kolorete sa mukha kaya nasabi kong pusong-babae ito. Pinapayagan na pala ang mga katulad nitong estudyante na magsuot ng mga kolerete at magsuot ng damit na pambabae. Namamangha na naman tuloy ako rito nang mag-isa.
Hindi ko masabi kung nag-aaway o nagpapayabangan lang sila no'ng babaeng nagsalita kanina. Kanina ko pa napapansin na tingin nang tingin ang mga babae sa labas, eh. May naabutan pa nga akong mga nakatapat ang mukha sa salamin at nagpapaganda. Nakapagtataka lang kasi gabi na, eh. Paniguradong kagaya ko ay last subject na rin nila ito ngayong araw.
Napayuko ako ng ulo nang magkasabay na humagikgik ang dalawa kong katabing mga babae. Nahihiya naman akong itanong kung para saan iyon.
"Hoy, chaka, kahit hindi ako katalinuhan, at least pinapansin ako ng babe ko! Eh, ikaw kaya?"
"Pinapansin ka lang niya kasi sobrang talino mo sa subject niya!" pauyam namang buwelta ng isa. "Wala pang binigay si sir na quiz na hindi ka na-zero!"
Nagtawanan ang lahat sa huling sinabi nito. Ako lang yata iyong nakikitawa na lang kahit wala namang kaalam-alam sa mga nakalipas na mga nangyari sa klaseng ito.
Aliw na napahagalak iyong isa. "Hoy! Grabe ka namang, chanak ka! Masyado ka namang namemersonal diyan! Bawal ba ang mag-daydreaming ang isang katulad kong bobo?"
Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa mga estudyante rito. Halos aliw na aliw na ang lahat sa palitan ng dalawa ng mga salita.
Hanggang sa mahaba at malakas na tili ang nagpanumbalik sa isip ko, I mean hindi lang ako kundi halos lahat na yata kami. Iyong tatlong babaeng nakasilip sa pintuan sa harapan ay tila mga kiti-kiting nagtatakbong bumalik sa kani-kanilang upuan.
"Professor Scheids is coming to town!" sigaw ng isa sa tatlo kaninang babae.
May napansin akong dumaan sa labas ng pinto sa tabi ko kani-kanila lang pero hindi ko na naabutan dahil siguro mabilis ang lakad.
Nang ibaling kong muli ang atensiyon at paningin sa harapan ay ang saktong pagpasok naman ng isang lalaki sa suot-suot nitong semi-formal, naka-black slacks and medyo fitted na long-sleeve na ang laylayan ay naka-rolled hanggang mga siko nito. Ang dalawang botones nito ay naiwan nang nakabukas. I guess he is not aware that his seemingly hard and perfect muscles are bursting in his arms and in his peeking chest... Ang layo ko pero nakita kong lahat iyon, akalain mo!
Lumiit ang sulok ng mga mata ko sa pagkalito, Professor ba ito o isang male model na naligaw lang dito sa classroom namin?
Nagpatuloy ako sa pagkilatis dito. At in fairness naman sa kaniya, ang linis ng gupit! Medyo nawala ako sa sariling nang humarap ito sa lahat matapos niyang ibaba ang mga dala sa table nito. I was surprised that there was something more beautiful about him when he appeared completely.
Nasa mukha na nito ang mga mata ko nang magsalita ito.
Present time...
"Sorry, class, if I am late-"
Naudlot ang gagawin ko sanang pagpikit nang magtama ang aming mga mata. Tumingin siya sa akin! Napatigil ito sa pagsasalita. Alam niya kaagad na may bago siyang student! Oh, wow, amazing!
I blinked repeatedly, not to wake him but to remind myself. Hindi man lang ako nakapaghanda bago niya ako makita!
May inaayos ito sa table niya na natigil din dahil yata sa pagkapansin niya sa akin. Na-stuck ako between sa pagtayo at pagbati sa kaniya. Ang mga kaklase ko ay nakatayo nang lahat at magkakasunod nang binabati siya. Pero ako, nandito, pinapatulan ang titig na binibigay niya sa akin.
Magpapakilala ba ako dapat? Tatayo na ba ako para sabihin dito na: "Sir, bagong student po ninyo ako..."
"Oh... So, pumasok ka na rin, finally..."
Walang duda na ako iyong kinakausap niya rito.
"Uh..." halingling ko sabay tawa nang ipit. "Uh... Good evening po, sir... and everyone..."
Tinipid ko na nga iyong bati ko pero pumiyok pa rin ako. Ano ba naman ito?!
Wala na, ako na iyong sumunod na naging center of attraction! And I really hate the feeling.
"Ah... Eh... Ako po ba kausap ninyo, sir?"
Bakit naman kasi gano'n iyong mga mata niya? Parang may ipu-ipong nakapaloob sa mga ito at tinatangay ng mga ito ang sino mang titingin! Tinatambol ang puso ko.
"Yes..." He raised his face and his hands continued to work. Binalingan nito ang mga kaklase ko. "Seat down, everyone..." utos nito na nasunod naman kaagad. Uupo na rin sana ako nang bigla niyang idagdag, "Your name?"
Hindi makapaniwala ang mga kaklase kong nakapuwesto sa harapan na bigla akong sumulpot dito out of nowhere nang hindi man lang nila napapansin.
Nabitin iyong puwet ko sa ere. Napilitan akong tumayo nang tuwid at ngumiti rito.
"Hi, sir and... sa inyong lahat na rin... I am Astherielle Zuluetevo..." pakilala ko sabay tingin sa lahat, pero siyempre, sa gilid ng mga mata ko, nasa Professor ang buong atensiyon ko. Paano naman kasing hindi, eh, nakatingin pa rin ito hanggang ngayon sa akin!
"Okay... You can seat now, " pormal nitong utos pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin.
"You didn't start my class, and I understand the private reason for that, Miss Zuluetevo..." Binalikan ng mga kamay niya ang ginagawa sa table nito. "We're away from the lessons; I'll just talk to you later so I can explain everything to you and also so you don't have trouble keeping up with my class... Calculus is the subject I teach in this class."
May excuse at pagpapaalala sa tinig nito. Yeah, alam kong mahirap talaga ang subject na iyon. Kaya nitong burahin ang utak mo sa hirap! Iyong mga exams, quizzes at activities ko sa subject ko na iyon ang hindi nagpatulog sa akin sa mga ilang araw ko sa hospital. Sobrang hirap at nakaiiyak talaga!
"Anyway, welcome to my class."
Welcome ba talaga ako? Ang plain at ang cold kasi ng pagkakabati niya sa akin, eh. Pero ang mga mata, naku, nanlulunod! Hindi pa naman ako isda! Kaya hindi dapat ako magpalunod sa mga ito
"Sige po. Thank you so much, sir... Don't worry po... hindi po kayo mahihirapan sa akin," mabilis kong sinabi. Hindi na ako tumingin sa lahat. Nagmamadali na lang akong umupong muli.
Ang lakas ng hatak ng huling titig niya sa akin. Para bang may kasalanan ako rito na hindi ko alam kaya gano'n na lang makatingin.
Inilabas ko ang notebook ko, binuksan at wala na rin sa intensiyon na pinagsulatan ng mga kung anu-ano. Nag-busy-busy-han ako rito kahit hindi naman talaga.
"So, what is Calculus... Miss Zuluetevo?"
Natulala na naman ako nang hindi oras sa biglaang pagtawag nito sa last name ko.
"Uh..." Alam ko iyon, eh, pero nang dahil sa malakas na presensiya ng lalaking ito ay na-bobo akong bigla!
"Sinabi mong hindi ako mahihirapan sa iyo... So, coming from a homeschooler like you, what is Calculus?"
May impact talaga itong lalaki na ito na mas mahirap pang sagutin kaysa sa subject na itinuturo nito!
End of Astherielle's POV