Chapter 12
Scheids' POV
"Free hug? Kakapit lang po ako sa inyo, sir at hindi yayakap..." parang bata nitong pangkla-clarify. "Ito, oh... Parang ganito..."
Dine-demo nito kung papaano ang gagawin nitong pagkapit sa akin. Napaitlag ang kaliwang kilay ko nang maramdaman ang mga kamay niya sa balakang ko. Sa tatlong attempt ay naging permanent na ang mga kamay niya roon. It wasn't exactly her skin that stuck to me, it was the fabric of the clothes I was wearing before that, but I still couldn't help but feel the heat coming from her hands on my skin. Nagustuhan ko iyon kahit na may something na mali para maramdaman ko iyon. Kung aabot na madadarang ako ng mga ito, parang walang problema sa akin na masunog sa bandang iyon.
Nilingon ko siya. "Okay... Iyon ba tawag doon? Sige lang... Kapit pala, ha..." Mabilis na kinindatan ko ito at isinuot na ang sariling helmet na inabot sa akin ni Kyle.
"Hindi ako kinakabahan sa inyo ngayon, boss... May kasama kayong magandang dilag, eh, kaya siguro pa-bonjing-bonjing na lang si Flame sa biyahe ninyo mamaya," hirit nito nang nakatawa at umalis din para balikan ang naiwan niyang trabaho sa malapit.
Iniyuko ko ang pagngisi at pag-iling. Imbis na makipagbiruan pabalik dito, kay Miss Zuluetevo ko na lang itinuntong ang atensiyon. Narinig niya ang sinabi nito kaya ang ginawa ko, hindi ako nagpakita ng pagiging makamandag sa pagda-drive.
"Hindi mo narinig iyon. Huwag mo siyang paniwalaan. Nagbibiro lang iyon."
"Hmmm..." tila nadadalawang-isip naman nitong sambit.
"Yeah... Hindi ako nagpapahamak ng angkas."
I could feel her careful and loose clinging to my clothes, on the side of my hip. Wala ito. Baka maiwan na lang bigla sa biyahe kapag nakipaglaro na ako sa bilis ng sasakyan ko at sa daan. Malaro pa naman ako pagdating sa motorbike driving. Hobby ko ang paglalaro ng motorcross sa Turkey, iyong tipong may mga pa-stunts na buwis buhay. Hinahanap-hanap ko iyong mga tricks na iikot-ikot sa ere with pa-hawak sa mga handles at flex ng buong katawan.
Noong magkatrabaho ako, three months after my graduation, ang laking pasasalamat ni Mommy dahil malalayo na ako sa mga tinatawag niyang nakamamatay na mga ganap ko sa buhay. Ilang beses na itong nahimatay at na-hospital dati dahil sa pag-aalala sa akin. Tinatakas ko ang pagpunta-punta sa mga motocross competitions and gatherings pero ewan at nalalaman pa rin niya.
Matagal man akong hindi naka-attend ng mga gano'n dito sa Pilipinas dahil sa trabaho, alam kong magaling pa rin ako at kaya ko pa ring gawin nang tama iyong mga gustung-gusto kong ginagawa noon.
Maingat ako pagdating kay Flame dahil nag-iisa siya na motorbike ko na naisama ko rito sa Pilipinas. Ang lima ay sapilitan kong iniwan sa Turkey. Araw-araw pa rin akong kinakabahan tuwing naiisip ko ang mga iyon dahil hindi ko lang din alam kung binenta o pinasunog na ni Mommy. Kinikilabutan pa rin talaga ako. Sana hindi gawin iyon ni Mommy sa mga anak-anakan ko.
Ako pa lang ang nakasasakay rito. So, it was the first time that someone else rode him, that I had someone ride him. Wala naman akong nararamdamang bigat. Actually, parang magaan pa nga sa puso dahil siya itong kasama ko ngayon, na siya itong nakaupo next to me. First time kasi kaya bago-bago para sa akin iyong pakiramdam. Nagdadala at binibisita lang ako ng mga babae sa talyer, pero never pa akong nag-angkas nang kahit na sino sa mismong motorbike ko.
"Puwede naman po ninyo akong balaan nang hindi na kailangan pang ilapit iyang mukha ninyo sa mukha ko kanina..." seryoso sinabi nito, slightly my tila pagmamaktol na halo.
Kalalabas lang namin dito sa talyer. Tumigil lang kami saglit para humanap ng tiyempo sa mga dumadaang mga sasakyan sa daang nasa harapan.
Nagulat ako na babalikan niya ako after a while, na hindi pa pala niya pinalagpas iyong nangyari kanina.
"Oh..." awang ko sa mga labi. Kanina pa ako lapit nang lapit dito pero ngayon lang nagreklamo. "I am checking on you... I am checking the gap between you and my back. Matagal na akong nagda-drive ng single. And to tell you, wala pa akong nakaangkas na hindi nakahawak at nakadikit sa akin. Not unless talaga kung gusto mong... ma-fall sa akin..."
Kusang umalpas muli ang nakukuwelahan kong tawa sa bibig. Hindi ako nagkamaling lalakas pa nang lalakas ang tawa ko kapag kumunot-noo ito. Ang mga labi nito ay ngumuso at ang mga mata ay tila lalong nalito.
"Ma-fall? Ako? Sa inyo? Huh?"
"Yeah..."
"Sir... Baka nakalilimutan po ninyo na Professor po kayo at isa lang ako sa mga students ninyo..."
"Well. I knew that from the beginning..." tango ko naman nang dalawang beses.
Inginiti ko ang naramdamang seguridad sa sarili. I don't think may mali sa nangyayari o sa mga lumabas sa bibig ko. Naaaliw ako sa kaniya at... siguro part of me na rin na gustung-gustong dumiskubre ng pagkatao ng tao. She showed me how mysterious she is so here I am, also wanting to chase it until I find out and until I get bored. Pero I don't think dadating kaagad iyon sa nakikita ko pa lang sa babaeng ito. I really feel that I can discover a lot more from her that is deep and exciting. Pero siyempre gagawin ko lang iyon dahil wala akong magawa sa buhay. Iyong stand ko sa kaniya at sa iba ko pang mga students ay mananatiling malinis at propesyonal.
Pero wala kami sa loob ng University ngayon kaya kung minsan ay nakaliligtaan ko na estudyante ko ito at Professor niya ako. In my head right now at sa nafe-feel ko, Polaris University is the only boarder line between me and my students and other people inside it. Weird, but I will discover it eventually later or sooner.
"Ano po ba ang sinasabi ninyo, sir? Ang gulo-gulo na po ninyo. Hindi ko na kayo maintindihan. Anong ma-fall kayo riyan?
"You're overthinking too much, Miss. Naturally, if you are sitting at the end of the seat, you will also move forward due to sudden breaks that are not expected to happen during the trip. You will also hit my back if you are lucky enough not to fall. What fall are you thinking about?"
"Huh?" tunganga naman nito na tinawanan ko lang.
"Masyado kang nag-o-overanalyzing, Miss Zuluetevo. Are you thinking about you falling in love with me?"
Umiwas ito ng tingin sabay tingin sa gilid nito. Lumunok pa nang halatang-halata kaya sino namang hindi matatawa. "Hindi... Hindi po gano'n... Wala naman po akong sinabing ganiyan, eh. Ano... lang... k-kasi."
Nagkapili-pilipit na iyong dila niya kaya hindi na muna ako nagsalita. Hahayaan ko munang maayos niya iyon bago ko sesegundahan.
Nagpatuloy ako sa pagda-drive nang wala nang dumadaang mga sasakyan at nang sa tingin ko ay uminit-init na ang makina ay pinaharutot ko na itong motorbike sa pinakasaktong bilis.
Ewan ko rin ba, hindi naman ako ganito sa pagkakakilala ko sa sarili. Tapos na ako sa pagiging bagets-bagets ko pero parang muling nabubuhay sa pagiging gano'n dahil sa babaeng ito. Hinahanap-hanap ko rin paminsan-minsan iyong buhay na hindi pa busy, iyong walang iniisip na responsibilidad sa University at sa mga bayarin. Wala naman akong problema sa pera, eh; marami ako no'n sa Turkey. Wala rin akong ibang pinagkakagastusan bukod sa sarili ko at sa mga babaeng kailangang paligayahin. Nag-iipon ako, pinaghahandaan ang future, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako pipilitin ni Dad na i-takeover ang family company namin. Anytime ay puwedeng magbago ang isip nito dahil sa ginawa kong pag-alis sa amin. Baka dumating iyong panahon na mapag-isip-isip niya na mas deserving ang dalawa kong kapatid na babae sa pinaniniwalaan niyang yaman niya na para lang sa panganay niya na lalaking anak.
"Gano'n din ba? Eh, para saan iyang pamumula ng mga pisngi mo?" tukso ko rito pero dinaan ko lang sa pagiging seryoso.
"Namumula ba ako? Mainit kasi sa talyer kanina..."
"Mainit pala roon kahit naka-lima na silang air-conditioning..."
Iyong pagiging handang-handa niya kanina sa pagsagot sa akin ay biglang nabawasan.
"Iyon ang pinaka-prestigious na talyer dito sa buong Quezon City, Miss Zuluetevo. Hayaan mo at sasabihin ko sa office nila na kulang pa sila sa aircon," patuloy ko nang hindi na iniintindi kung ano ang mararamdaman nito. Puwede naman kasi siyang maging totoo sa akin, eh, hindi iyong magpapalusot pa siya.
Sa tagiliran ng mga mata ko, nakikita ko ang pananahimik nito at paminsan-minsang pagbuntong-hininga.
"Advance ka mag-isip... Bakit... may chance ba na ma-fall ka sa akin? Ang bilis mo naman, baby. Nandoon ka na kaagad, eh, first time pa lang kitang ihahatid sa bahay ninyo."
Sinadya kong buhayin uli iyong itinawag ko sa kaniya kanina para makita ko kung ano ang mas lalong kahihinatnan niya. At hindi ko na nga napigilan ang paglagapak ng mga tawa ko sa nakitang pag-doble ng pula nito sa magkabilang pisngi. Pati ibang parte ng balat nito sa mukha ay naaapektuhan na, namumula-mula na rin konti.
"H-Hoy. Ikalma mo... i-iyang bibig ninyo, sir. Kung anu-ano na pong pinagsasabi ninyo. Hindi iyon ang... ibig kong sabihin... h-hangga't hindi ko s-sinasabi..."
"Hindi mo nga sinabi pero nauutal at namumula ka riyan," pagpapamukha ko pa lalo sa kaniya.
"Kasi... dahil din sa inyo, eh. Kayo ang dahilan kaya first time ko ring magmukhang ganito?"
"First time? Akala ko ba may manliligaw ka? Hindi ba niya pinagba-blush iyang mga pisngi mo?"
"H-Ho?"
"Ho? Bakit sa akin mo binabalik iyang mga tanong ko?"
Dumalawang lunok ito bago muling nagbuka ng bibig. "Oo... May mga manliligaw ako pero... hindi naman sila katulad ninyo na parang may sinasabing nakaiilang at saka hindi ko sila Professors, 'no... Malapit lang ang edad ko sa kanila... Nililigawan nila ako nang maayos kaya komportable ako sa kanila..."
Akala ko isa lang ang manliligaw niya, iyong tumawag sa kaniya last time, pero hindi lang pala iyon. Unti-unting tila nasisilaban ng asido iyong tuwa at energy ko sa dugo. Kahit ako naman siguro ang nasa katayuan niya, maiilang talaga akong maging kabiruan ang Professor ko.
"Yeah... Kaya ayus-ayusin mo rin iyang mga lumalabas din sa bibig mo, Miss Zuluetevo, para hindi rin nag-iiba itong pagkakaintindi ko sa mga bagay-bagay na nababanggit mo... Anyway, hindi mo naman kailangang mailang sa akin... Nakikisama lang ako sa iyo, as best as I could..."
Dahan-dahan nitong ibinaba ang mukha, tila napahiya pa yata. Ngayon na nililinaw ko ang sarili, mas lalo pa yata itong napapahiya.
"Sorry po, s-sir... Oo nga naman. Kung anu-ano na rin kasing naiisip ko na lumabas na rin sa bibig ko... Pasensiya na po kayo sa akin... Siguro tinata-try n'yo rin na maging komportable ako sa inyo pero iba lang ang pagkakaintindi ko..."
"So, okay na tayo?"
Tumango naman ito at ngumiti. Itinigil ko sa tabi itong motorbike. Limingon at lumapit ako rito at ibinaba na ang shield ng helmet nito.
"Kaya ka nai-intimidate sa akin kasi hindi mo binaba iyang ganiyan mo, eh... Nakikita mo tuloy ako..."
"Ah... Eh... Nakalimutan ko rin pong ibaba... Pero mas okay po sa pakiramdam na nahahanginan itong mukha ko..."
"Pero ibababa pa rin natin for safety measures. May mga nakabantay rin na mga buwaya sa kung saan-saan. Mahirap na."
"Okay... Thank you ulit. Mabuti na lang at napansin ninyo... Nawala na rin kasi talaga sa isip ko. First time kong sumakay sa ganito katangkad na motor..."
Wala kaming imikan the whole na biyahe. Basta ang nararamdaman ko lang ay iyong mga heartbeats ng puso niya sa ibabaw ng likod ko. Hindi naman sa pagiging manyak uli pero idadagdag ko na iyong dalawang hinaharap nito na nakapatong din sa akin. I just experienced this only now, this feeling under Flame with someone, because when I was dating in the past, I would often use my two cars.
Nang makarating kami ay hindi na niya ako hinintay na alalayan siya sa pagbaba.
"Maraming salamat sa paghatid sa akin, sir..."
"Kape lang, Miss Zuluetevo... Patuluyin mo ako riyan sa bahay ninyo at bayaran ng kape, tatanggapin ko na iyang thank you mo..."
"Ah... Pero gabi na," she said hesitantly. "Pero sige po... Kape lang naman. Ayaw n'yo po ba ng pera? Pampalit sa nagamit ninyong gas hanggang dito..."
Umiling ako.
"Hmm... Alright. Tuloy po kayo, sir..."
Ngumisi ako sa pagpayag nito. Gusto ko lang makita ang loob kung saan ito nakatira at hindi dahil sa kape kaya ako nag-demand ng bayad.
End Scheids' POV