Chapter 13 (Coffee)

1648 Words
Chapter 13 Astherielle's POV Wala akong maisip na paraan para pasalamatan ito sa paghatid niya sa akin. Ilang kilometro at oras din ang tinakbo ng sasakyan nito mula Quezon City hanggang dito sa Rizal. Medyo tagong parte pa ang bahay at lupa ni Tita rito kaya ano lang naman iyong paunlakan ko ito sa paraang gusto niya? "Baka hindi na po kayo makatulog mamaya niyan, sir... Kung magkakape nga talaga ho kayo..." sinabi ko habang naglalakad papasok ng tarangkahan namin. Ang napundar ni Tita mula sa limang taon na pagtatrabaho sa dati nitong kumpanya ay isang mala-dollhouse na bahay. From what I described it, no one will ever deny kung gaano ito kapansin-pansin. Kilalang-kilala ito sa barangay at sa buong Rizal. Hindi ko pa natatanong si tita kung bakit ganito ang napili niyang style ng bahay niya. Ang napansin ko lang dito, mula nang araw na tumira ako sa kaniya, ay ang pagiging girly niya or kikay. Parang hanggang ngayon nabubuhay pa rin siya during her teen days. "Hindi ako natutulog nang maaga kaya sakto lang ang kapeng nire-request ko sa 'yo... Hmmm... Yeah, that's it..." "Ah... Kaya po pala..." Nang buksan ko ang munting gate namin at humarap para padaanin ito ay ang hindi inaasahang pagtigil naman nito sa harapan ko. Nagkatapat hindi lang ang mga katawan namin kundi mga mukha. Natural na mukha nito ang agad kong inapuhap kahit na alam kong nakasunod lang ito sa akin. Nasasanay na akong laging chine-check ito. "Looking for me even if you knew I am here." Namula ako. Hindi naman kasi ito mawawala pero hanap nang hanap pa rin ako rito. Ewan ko ba sa sarili ko na tila nasasanay nang hinahanap ang mga mata nito. "I-I am welcoming you, sir... Kung maaari ayaw kong mas laging nauuna since nasa teritoryo kita... Ummm... Pasok po kayo..." "Saan?" ngiting magiliw naman nito na tumawa pa pagtagal. "Ah. E-Eh..." Napahiya kong iniawang pa ang mini-gate at umatras nang magkaroon ito ng sapat na space para makapasok. Malaki nga palang tao ito kaya hindi sapat ang saktong space. Nakalimutan ko pang nakaharang pa rin ako kaya deserve na deserve ko iyong hiya at ngising nakapaskil pa rin sa mukha niya. "I thought sa iyo na ako papasok at hindi sa bakuran ninyo... You're in the way," sinabi nito nang dumaan ito at lagpasan ako. I shook my head at permanenteng itinagilid ang mukha paiwas nang may maramdamang hindi pamilyar na hilo sa pagkaamoy ko rito. Gamit pa rin niya iyong amoy na suot niya noong isang gabi. May dalang malakas na suntok iyon hindi lang sa dalawang butas ng ilong ko kundi pati sa sikmura at mga kalamnan ko. Gayon pa man, hindi ako nagpahalata rito. "Mamaya ay darating na rin ang tita ko. Siguro... on the way na rin siya ngayon," pagtatakip ko sa nararamdam, nang hindi ito tinitingnan. "Sana magkaabutan pa kayo nang maipakilala ko kayo sa isa't isa..." Lumakad na ako patungo sa bahay. Pinanghahawakan ko iyong thought na pauwi na si Tita. Siya ang sinasadya kong isipin para makawala sa emosyong lumilitaw-litaw pa rin sa loob ko. Nang mabuksan ko ang pinto ay kinapa at sinindi kong agad ang switch ng ilaw rito sa sala. "Hmmm... Nice house... Siguro... may bata rito sa bahay ninyo?" Tinawanan ko ang komento nito sa isip. Si Tita ba ang tinutukoy niya? Ideas niya lahat ng mga kung anu-ano rito, eh, mula flooring, walls at ceilings. "Kung wala man, in the future, mukhang hindi na ninyo kailangang bilhan ng doll house ang mga magiging baby girls sa pamilya ninyo..." Humarap ako rito na may ngiti. "Opo, sir... For sure iyan kapag kinasal na si tita at magkaanak ng babae..." Hindi ako maka-relate, never akong niregaluhan ng gano'n ni Mama. Kahit nga barbie doll wala pa akong natatanggap. Kaya ako walang masyadong kulay, sa pag-aayos man ng sarili o taste sa mga bagay-bagay, dahil hindi ko kinalakihan na nakukuha lahat ng gusto ko. Mga action movies ang madalas noong ipanood sa akin ni mama. Kung ilalabas man niya ako rati, it's either manonood kami ng bagong labas na action movie or manonood at maglilibot sa martial arts center kung saan maraming mga bata, teens at matatandang naka-enroll para matuto. Balak pa yata akong gawing tomboy ni mama, pero awa ng kapalaran, hindi ko pa naman napagdudahan ang identification ko sarili. Babae pa rin akong buo, hindi lang kagandahan at hindi kapansin-pansin. At ang lalaking ito na kasama ko ngayon, alam ko naagaw nito ang atensiyon ko; may paghanga ako ritong hindi ko pa rin alam kung paanong nangyari. Bumaba ang kilay nito. "Oh... Tita mo pala ang may-ari ng bahay na ito? Wala kang... anak?" Naglupasay iyong katiting kong confidence sa sarili. Sinasabi ko na nga bang nasobrahan na ako sa pagkalosyang! Napagkamalan akong may anak na! "O-Opo? Mukha po bang nanganak na ako?" "Hmmm... Mukha kang... baby..." "H-Ha?" "Pero hindi naman lahat ng mga may baby face, eh, wala pang anak kaya natanong kita..." bawi nito. Kahit tanong lang iyon, masakit pa rin talaga. Ano ba talagang ginawa ko sa sarili ko for the past few years of living? Pinatanda ba ako ng panahon? Dapat papapasukin ko na siya pero hindi, hindi pa rin ako matahimik. Kailangan kong malaman kung bakit niya nasabi iyon. "Sir..." Lumingon akong muli rito. Tila biglang nawala lahat ng hiya at pagkailang ko sa katawan sa taong ito sa pagkakataong ito. Eighteen years old lang ako, 'no! Alam kong hindi ako palaayos at hindi kasing pretty ng iba pero grabe naman iyong image ko na parang nanganak na rito. "Mukha na po ba talaga akong nilabasan ng bata sa katawan?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa knob nang mas pumungay pa ang mga mata nito sa pagngiti! Putik, nakatutunaw kaya pina-landing ko na lang ang mga mata sa dibdib nito! Pero Diyos ko naman, nakalantad niyang pang-itaas na parte ng dibdib nito ang bumungad at tila kumindat naman sa akin! Bakit ba bigla-bigla na lang nagpapakita ng skin ang lalaking ito?! "Sorry... Ang init kasi kanina, eh, kaya ganito," aniya. Mukha naman siyang sincere sa tinig niya pero binawi ko nang ibagsak nito ang tingin sa nangyayari sa dibdib niya. He smirked, laughed softly and bite his lower lip while observation himself! Grabe, mas lalo akong nahilo sa lalaking ito! Pakitaan ba naman ako ng gano'n! "Masasanay ka rin, Miss Zuluetevo... Ganito talaga ako after all my classes... Parang nakasanayan ko na to exhale all my tiredness and negative energies that I caught during the whole day of teaching..." "Ah..." tango-tango ko. Nakasasakal naman kasi talaga kung hanggang dulo ng araw ay buo pa rin iyong butones sa suot mong long-sleeve. "Mas lalo kayong pagkakaguluhan niyan, sir... ng mga students..." "Student ka rin naman... Bakit, pinagkaguluhan mo na rin ba ako? In your silence or even in plain face, have you ever fantasizes about me or... kahit hinangaan man lang?" Kinontrol ko ang paglunok. Hindi ako aamin dito kahit na ano pa ang mangyari. Why? Kasi magiging awkward lang kami sa isa't isa. Baka hindi ko na siya matingnan nang katulad ng tingin ko sa kaniya ngayon. He is really perfect. Wala pa akong maitatabi rito na nakitang lalaki na makatatalo sa pagiging makarisma, guwapo at macho nito. "Sorry, sir, but I am not one of them..." taas-noo kong sagot dito. Hindi ko kailanman pinutol ang connection ko sa mga mata nito para patunayang kahit papaano ay may katotohanan doon. "Mukha sigurong imposible sa pagmumukha at sa ayos ko bilang tao, sir, pero talagang wala. Isa lang kayong tipikal na lalaki na... katulad d-din ng mga l-lalaking n-na-meet ko n-na." Umangat ang kanang kilay nito. Sumunod na umangat ang kaliwang sulok ng mga labi nito. Mukha namang bukal sa puso niya ang pagtanggap sa mga sinabi ko pero parang may hint pa rin akong nakikita sa pagmumukha niya ngayon na hindi naniniwala. "Oh... Okay... I know that. But I hope next time, Miss Zuluetevo, you tell me that without your voice shaking and without stammering..." Formal ang ngiti nito pero nagkamali ako nang mas lalong nabuhay paitaas ang ngisi nito. Sandamakmak na pagpipigil ang ngayo'y nakahilera sa lalamunan ko. Natamaan ako sa sinabi nito. Pero buo na ang loob ko, hindi ko na mapapayagan pa ang kahit na sinong lalaki na gisingin ang patay ko nang maitim na pagkatao. "Nahihiya lang po ako sa inyo, sir... Hindi ko po kasi alam kung papaano ko sasagutin ang tanong ninyo kanina... You are asking me a sensitive question... Sensitive na nakatutuwa rin naman kung iisipin... Na-observe ko naman kung gaano kayo ka-famous sa campus, kung gaano kalakas ang impact ninyo lalung-lalo na sa mga students... I am not one of them because... I respect you... Professor ko kayo at mukhang nakatatandang malayo sa akin..." Ngumiti ako para mas lalong maiayon ang mga sinabi ko sa nararamdaman ko. Itong nasa loob kong ito, mawawala rin, lilipas din. Hangga't kaya kong kontrolin ang sarili, wala akong dapat ikatakot. Kung kailangang magsinungaling or maging madahilan para lang hindi na ako ma-back to zero, gagawin ko... "Kaya kung tinatanong ninyo ako kung lahat ba ng mga students sa Polaris ay nagkakagusto sa inyo, my answer is "no" because I am one of the living proofs..." Umatras ang ulo ko nang bahagyan nitong ilapit ang mukha sa mukha ko. Iyong epekto ng nang-aaral nitong titig, iyong hanging umiikot-ikot na lang sa loob ng bunganga ko dahil natatakot na maibuga at maamoy ng lalaking ito. "I just want you to know that I have no professional respect for the student, especially if she likes me and I like her too... Good thing and now you're clarifying yourself to me, Miss Zuluetevo..." Gilalas kong pinalaki ang mga mata at pinaawang ang mga labi. Tila ako inoopera sa spinal cord dahil sa pinaghalong lamig at init na umuukit paitaas at paibaba roon. He what? End of Astherielle's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD