Chapter 11 (Hug)

2191 Words
Chapter 11 Astherielle's POV Baby? As in sanggol ba? Pero ako lang itong kasama niyang dumating dito. Ang mga tao na rito ay puros lalaki na. "Hmmm..." mahinang usal ko habang busy sa paglilibot itong mga mata ko. Pinaglalaban ko si Marites kanina pa rito kaya hindi ko napansin na napadpad na kami sa lugar na ito. May magarang sasakya sa gitna, dito sa mismong tabi ng tinigilan namin. Motorbike ito at hindi lang basta-basta ordinaryong sasakyan. "Oh..." manghang usal ko matapos kong makita ang mga detalye nito na nagpapakita ng kamahalan, katibayan at tila pagiging limited edition nito. Marami na akong nakita na motorbike sa buong buhay ko pero iba ang isang ito, sobrang laki, kintab at mukhang walang parte itong hindi matibay at mahal. Best in skin care ito sa sobrang kintab. Pati mga pores ko sa mukha nakikita ko na rito sa sobrang kinis. Kung wala lang ito rito, iisipin ko nang kagagawa lang ito at kalalabas mula sa manufacturing company kung saan ito binili. Hangang-hanga ako rito, halos maglaway na yata sa pagkamangha, pero itong mga kasama ko rito ay sa direksiyon ko yata nakatingin at hindi sa bagay na ito. Instead of focusing on this guy calling me "baby", I'm just going to focus on this motorbike, right? Ugh! Alam ko talaga sa akin niya sinabi iyon, eh. Wala namang ibang babae rito, eh, bukod sa akin. Alangan namang itong si Manong iyong ika niya na "baby" niya? Pero iniisip ko rin, hindi kaya... itong magarang motorbike na ito iyon? May mga tao namang ginagawa nilang anak-anakan iyong mga gamit na mahahalaga sa kanila. Pero additional wait din... kay Professor Fawzi nga ba ito? "Gaga! Nagtanong ka pa, eh, nakasuot na sa iyo iyang helmet sa ulo mo! Sino ba nagsuot sa iyo niyan, ha?" soplak naman sa akin ng isip ko. Just now I felt that my head was heavy, seriously. How, I'm still hunting who he called "baby"! "Mag-ingat ka sa pagsakay." Umakyat itong isang kilay ko hanggang sa kalahati ng noo ko nang marinig na magsalita uli itong lalaking ito na nasa harapan ko. Nang igala ko muli ang mga mata ay nakangiti habang nakatingin na sa amin ang mga tao rito. Totoo nga ang napansin ko kanina, lahat sila ay lalaki rito. Nasa isang mamahaling talyer kami. Nasabi ko dahil kahit na ang daming sasakyang naka-park at kasalukuyang kinukumpuning mga sasakyan at mga accessories pang-sasakyan dito, mabango pa rin ang hangin na umiikot. Halos naka-uniform ang lahat, mga trabahador siguro ang mga ito rito. "Hanep ka talaga, Professor! Akala ko sisimulan mo nang magdala ng irereto sa mga single boys natin dito sa talyer... Eh, kinakabahan na ako sa mga 'to, eh. Baka amagin na lang bigla." Malakas at aliw na sigaw iyon mula sa itaas ng talyer, sa second floor. Mula roon ay kitang-kita mo talaga ang mga bagay at nangyayari dito sa baba. May isang lalaki roon na naka-uniform din katulad ng iba at may nakapaskil sa mukha na nangangantiyaw na tingin. "Hay naku... Ginawa pa ninyo akong hunter nito. Wala akong talent sa ganiyang, mga boss. Hindi tayo si kupido na nagpapamigay ng love life sa iba," tawa naman si sir pero sa akin nakatingin ang mga mata. "Ack! Kinikilig na lang talaga kami sa love life ng iba! Sana all na lang muna, potek!" mas malakas naman na tawa nito habang umaarteng kinikilig. Napapangiwi na lang ako sa loob-loob sa mga naririnig at nakikita ko. Malinaw na ako nga si "Baby" at ako ang ikinakantiyaw nila kay sir. Hindi naman magiging ganito ang mga taong 'to kung hindi sa mga pinapalabas ni sir. "Pinakamaganda sa lahat kaya babakuran ko na," Aba't nag-echo pang muli iyon sa mismong loob ng mga tainga ko. May kaunting nginig na naman tuloy na nabubuo sa dibdib ko. There seemed to be small electric movements inside my stomach, roaming ang electrifying me quite sometimes... Ang hirap ipaliwanag kung bakit nangyayari iyon sa loob ko. First time kong maramdaman ang ganito sa tanang ng buhay ko. Nakakakaba pero parang masarap din sa pakiramdam. Sa pagkaalala ko sa pinalabas nitong relasyon namin, hindi na rin ako makapagsalita para sabihan or imikin man lang si sir. Paano ko ba sisitahin ang sir na ito nang hindi kami parehong mapapahiya sa mga nakapaligid sa amin? "Ayie.... Sige po, sir. Ingat na lang po kayo sa biyahe... Enjoy po kayo kasama ang magandang dilag na baby na pala ninyo! Yeah ba!" masayang singit naman niyong lalaking nasa malapit na nahahati ang atensiyon sa amin at sa kinukumpuni nitong gulong. Sa pagngiti nang malawak ni sir ako nagising mula sa pagkakatahimik nang matagal. Ang hype naman makisama ng lalaking ito, pati ako naninibago at natataranta. "Thank you, boys! I am just... you know!" kindat niya sa mga ito na para bang may sinasabi siyang gets na nila. "Eh," react ko sa sarili kasi hindi ko makuha kung ano iyon. "Basta masaya kami para sa iyo, sir! Good luck and ingat kayo! Happy-happy lang! Ganiyan talaga kapag pinagpala!" "Tama! "Ay sus! Idol ko na talaga itong top client natin dito sa talyer! Matutuwa na naman si boss Rocco kung sakaling maabutan niya kayo rito." Hindi ko na alam kung kani-kanino nanggaling ang mga salitang iyon dahil na kay sir na lang itong naghihintay at nalilito kong mga mata. Kailan ba kami matatapos dito? Tumawa lang ito pagkatapos ay inayos na uli ang pagkakasuot ng helmet ko. "Just don't think about them. Normal na sa kanila iyan," sinabi nito sa akin nang nakangiti. As I stared into his eyes, the energy inside my stomach grew worse and worse. It's like something is accumulating there and overflowing. I have a feeling that if it continues, it might even go through my esophagus and out of my mouth. Hindi ko na kinaya kaya ako na itong lumubay sa mga mata niya. "Are you okay?" nag-aalala nitong tanong sa akin. Ikinindat ko paitaas ang mga kilay at tumango, limang beses nang hindi ko na kailangang magsalita pa. Pakiramdam ko may bigla na lang lilipad palabas ng bibig ko kapag tinangka kong magsalita, eh. "Maingay talaga rito at maraming boys. Mga kaibigan ko silang lahat dito." "Ah..." "Halata naman sa place kung bakit..." Kumurap ako nang bigla na lang niyang tawidin ang pagitan ng mga mukha namin. Dumiretso ito sa gilid ko, sa tabi ng kaliwang tainga ko. "Kaya tuwing may dinadala akong babae rito, naiignorante sila..." dahan-dahan nitong bulong. Imbis na makatulong iyong paliwanag niya para mapakalma ako, iba ang naging epekto. Nagtaasan ang mga buhok ko sa katawan sa dumamping mainit na hininga nito sa balat ko. Pinilit kong ingiti ang mga labi at itango ang baba ko rito habang ang mga mata ko ay nakasunod sa mukha niya. "Yeah... I get it ho..." "Wala na po kayong poproblemahin kay Flame, boss. Alaga namin iyan twenty-four and seven dito... Anytime ay puwede n'yong kunin at igala. Mas masaya lang ngayon dahil mukhang first time nang magiging chaperone si Flame, ha... Mukhang iba ang bungad ng gabi, ah..." First time? Wala pa bang naiaangkas na babae iyong may-ari niyan? Pero malinaw kong narinig na hindi lang ako ang babaeng nadala niya rito. Siguro bago-bago pa kaya hindi pa nabibinyagan. Tumawa ulit si sir sa malaman na sinabi ng isa sa mga kasamahan nila rito. Bakit ba parang ang saya-saya niya sa ginagawang panggigisa sa kaniya ng mga ito? Paano naman ako nito? Madadamay na lang at pagkakamalang babae niya? "Masyado na po kayong masaya, sir... Baka uumagahin na tayo sa pag-uwi nito... Kalma-kalma rin po tayo, sir, ano po..." pagpapaalala ko rito nang nakangiti nang basag. Ayaw ko rin naman siyang ibuking kaya dinaan ko na lang sa ganitong attack. Hindi ko naman alam na narinig pa rin ako ng iba sa kanila. Natatawang binalingan ako ng mga ito. "Oo nga naman, sir! Ang gabi ay lumalalim na sa labas. Naku, baka nabo-boring na ang baby ninyo. Kami rito, sanay na kaming mag-overtime. Umalis na kaya kayo nang makarami na kayo..." Tumigil itong lalaking nasa harapan namin at muling tinapik si sir sa balikat. "...ng bonding," idinugtog nito sabay halakhak. Iba ang naamoy ko sa sinabi at pag-preno niyang iyon, ah. Gumagaling na yata akong makiramdam ngayon. "Yeah... That's life... Pasensiya na kayo. Mainipin kasi itong baby ko. Hindi 'to sanay na pinaghihintay nang matagal" sakay naman ng hinayupak na Professor Fawzi na ito! Nag-anyong itak itong mga mata ko nang sundan niya iyon ng tawa. Ako mainipin? Saan ba banda sa akala niya? "Ay sus!" "Sige na at aalis na rin kami. Magandang gabi sa inyong lahat... Iuuwi ko na muna itong si Flame..." pag-iiba nito ng usapan. Sinulyapan niya 'ko para lang pala bigyan ako ng goosebumps dahil sa pagngiti niya nang patagilid at hindi ng assurance na aalis na kami rito. "Let's go far, baby!" Ngiwi ang pinanlaban ko sa pagkaasiwa at sa siraulong kilig na tila sumisibol sa dibdib ko. Masigabong kantiyawan muli ang sumakop sa buong talyer. Mas lalong nawindang ang mga ito nang hatakin niya ako palapit sa tabi niya. Inakbayan niya ako at maingat na isinabay sa paglalakad niya. Hindi ko kinaya iyong ginagawa niyang paghapit-hapit sa may braso ko. Gusto ko siyang itulak nang malakas palayo, pero ini-imagine ko pa lang na higanteng tao ito ay nag-aalangan na ako. Hindi sasapat ang lakas ko para maihiwalay ito sa akin. "Ayon, eh!" sabay-sabay ng mga tao na kantiyaw sa amin. "Sige lang ho, sir... Sige lang po. Gawa lang po tayo ng movie..." parinig ko rito kasi hindi ko na nagugustuhan iyong atensiyon na naaani namin. Akala talaga nila lover kami! "Shhh... I will explain to you later..." Oh, may explanation later! Napakalma ako sa sinabi nito. Kailangan ko talaga iyon para matigil na itong tila nalulunod kong pakiramdam. "Kailangan mo ng tulong?" he asked me with a grin when I looked at this gigantic motorbike. Hinahanap ko sa utak ko ang sagot kung papaano ko ito aakyatin nang wala ang tulong ng lalaking ito. Need pa ba? Baka pauwi na rin si tita. Kung sakali man, hindi ko na kailangan pang magpahatid. Aangkas ako rito! Naloloka ako dahil ngayon ko lang napag-isip-isip iyong magiging puwesto namin sa ibabaw ng motor na ito mamaya! Sa kaniya nga itong mamahalin at magarang sasakyan! Hindi rin pala basta-basta ang Professor na ito. Mukhang may kaya rin sa buhay. Nagmamadali kong inilabas ang cellphone at tiningnan kung may text mula kay Tita. Mga ganitong oras ay madalas kino-contact na niya ako. Hindi ko alam na madidismaya ako sa huling message nito. Male-late raw uli ito ng thirty minutes dahil naka-leave ang ibang mga katrabaho niya. Eh, thirty minutes pa lang kung tutuusin ang nakaltas sa oras ko simula nang lumabas kami ng classroom kanina. Bakit ba lagi na lang unavailable si Tita tuwing pinakakailangan ko ito? Napapabuntong-hininga kong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa. Laglag pati mga balikat ko habang nakatingin sa motorbike na ito, nasa isip kung ano ang feeling ng nakasakay sa ganoon kagarang sasakyan. "Hindi ka sumasagot pero sa itsura mong iyan, mukhang kailangan mo nga ng tulong mula sa akin... Let me help you..." Dumistansiya ito sa akin. Hinawakan niya ako sa isang kamay. "Go... Your thighs and legs are long enough for you to reach the seat..." Kahit comfortable ako sa suot ko, parang hindi ko pa rin kaya iyong simpleng pinapagawa niya. Hinahanapan ko pa nang magandang anggulo ang sarili para makasakay ako roon nang hindi ako madidikit sa katawan niya. Pero may ganoon ba? "I'll just go first and you can follow after..." Umangkas na ito hindi pa man ako nakapapayag. "Now you're next..."Itinuro nito ang seat sa likod niya gamit ang side ng mukha niya. Grabe, mas lumakas pa ang aura nito kasama ang motorbike niya. Iyong suot niyang semi-formal at siya na naka-porma sa ibabaw ng motorbike ay talaga namang nakalulutang ng malay, pati na laway! Mali, hindi pala ito naka-porma, pinapaporma siya ng mismong dating niya. Mapapa-wonder ka na lang kung nasa shooting ka ba ng commercial para sa isang yayamaning model ng sasakyan o nasa shooting ng isang Hollywood action movie. Ang guwapo nilang dalawa! "Hey!" kuha nito sa atensiyon ko, nakatawa at nakangisi. "A-Ah... Sige... Wait lang..." "You move too slow, baby. I will teach you how to move fast because of that..." Dinala niya papunta sa balikat niya iyong isang kamay ko. "Step your foot forward on the rare foot rest and then lift your weight with your thighs away from the other... Go." Kaya kong gawin iyon! Ang hindi ko kaya ay iyong madikit itong katawan ko sa katawan niya the whole time ng biyahe. "Sige..." Ginawa ko iyon sa sarili kong paraan pero pagkaupong-pakaupo ko pa lang, pabiglang hinatak na niya ang mga kamay ko payakap sa baywang nito sabay lingon sa mukha ko. "I do give free hugs, Mis Zuluetevo... Kumapit ka nang maigi kung ayaw mong malipad mamaya..." ngisi nito mismo sa gilid ng mukha ko. "I'm not selfish when it comes to hugs, so why would you be shy or hesitant?" ngisi pa lalo nito na tila nang-aasar End of Astherielle's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD