Chapter 10
Scheids' POV
"Lahat nanigas sa iyo maliban sa mga labi mo..."
Sumingkit ang mga mata ko sa pagtawa nang magiliw at walang tunog. Kahit alam kong imposibleng makita at marinig niya ako, itinagilid ko pa rin ang mukha para itawa nang patago ang sarili.
Even if our lips were touching for a moment, I still tasted and felt what I should have. Huh? I should have? Ginusto ko rin? Nasarapan din ako? Na-appreciate ko rin iyong lambot at feeling ng mga labi nito sa balat ng mga labi ko? The feeling is like I've kissed a freshly opened jellyace, that store-bought product that comes in a small, thin, plastic container. Aha! Masarap nga at refreshing kung gano'n ang pagkaka-describe ko.
Nangingising napapailing ako sa mga naiisip ko. Nakatulong ang dilim sa tinatago kong kapilyuhan. Hindi ako ganito ngayon kung maliwanag lang sa lunggang ito. Hindi ako magtatangkang ipakita na kahit papaano, wala akong pagsisisi sa nangyari. What happened wasn't right, but it wasn't wrong in terms of how I feel right now, which is amazed and a little shocked.
Ang gago ko na ba sa ginagawa ko?
Tawang may kasamang pagtingala ang ginawa ko. It's hard to hide laughter in the small box of this room, whatever the name of this box I entered with this girl. Tinatawanan ko hindi lang siya na tila nag-anyong fronzen girl sa tabi ko kundi pati na rin itong sitwasyon ko ngayon. Para akong nabaluktot na bakulaw rito ngayon dahil ako ang nag-adjust para magkasya ako. Talagang para lang sa mga gamit ang lagayang ito. Kung titingnan mo naman kasi sa labas parang kasyang-kasya ang limang tao. Well, kasya siguro kung wala iyong mga ibang nararamdaman kong mga gamit dito.
Nasa mini-stockroom kami, katabi lang ng men and women comfort room. Nakahiwalay na CR na ito at parang talagang sinadyang mainly para sa mga madadaan lang dito at sa mga nagpa-parking banda rito.
Nawala talaga sa isip ko kanina na pinaghintay ko pala si Tara sa parking area. Siya iyong natanawan kong naghihintay sa akin kanina sa tabi ng sasakyan ko kaya agad-agad kong ibinuwelta ang sarili pabalik. Wala akong ibang way para makaalis doon kundi tahakin ulit ang pinanggalingan ko. Ang hindi ko lang matandaan at maintindihan ay ang sumapi sa 'kin na ispiritu sa ginawa kong paghatak at pagsama sa babaeng ito hanggang dito. On top of that, I picked this congested, filthy cave out of all the places I could have fled or hidden. Puwede namang sa comfort room na lang ako tumuloy kanina, eh, pero dahil mas una ko itong nadaanan at nakitaan na may pinto, ito na ang basta ko na lang pinasukan.
"Sorry... Okay ka lang ba?" Nakangisi pa rin ako pero hindi ko pinahalata sa ginamit kong tinig .
"A-Ah... O-Opo, sir... Hindi ko lang po maintindihan kung... k-kung bakit nandito po tayo? M-May nakita po ba kayong multo kanina? Saan ho banda?"
Umalog hindi lang mga balikat ko kundi pati buong katawan ko sa dinahan-dahan na tanong niyang iyon. Hanggang ngayon pa rin pala mga multo pa rin ang nai-imagine niyang nasa paligid niya. Alam kong mas lalo itong nanigas, siguro dahil sa hiya at pagkailang, sa inamin kong pagkakadikit ng mga labi namin kanina kaya ginagawa ko talaga ang makakaya ko na ipirmi lang sa iisang lugar itong ulo ko.
I can feel two lumps in front of me, mainly in other parts of my chest that are closest to those and I know very well what those are... Hmmm... Kung hindi ko lang siguro iniisip na student ko ito, magugustuhan ko iyon, itong nangyayari sa pagitan namin, pero ayaw ko nang dagdagan ang nangyaring mali kanina. Pero infairness naman sa kaniya, may malakas akong feeling na may nakatagong ka-sexy-han ito na nakatago sa oversized nitong t-shirt na favorite niya yatang sinusuot sa pagpasok. She has breasts that are just the right size to match the shape of her body that I have in mind Hindi ako maniac, dine-describe ko lang kung ano ang totoo sa isip ko at sa nasa harapan ko ngayon.
"I apologize for kissing you earlier. Simply trying to keep my head level so it won't hurt. I want to apologize one more..."
Nagi-guilty ako kaya kailangan kong linawin uli iyon sa kaniya.
"Okay lang po sa akin, sir... Naiintindihan ko naman sa sitwasyon natin... Ganito pala iyong sitwasyon ng mga isda sa loob ng lata ng sardinas, 'no?"
Nakapikit kong itinawa ang pagkaaliw sa sinabi nito.
"Yeah... Hindi talaga maiwasan na maghalikan at magbanggaan ang mga sardinas sa loob ng lata... But good for them, they are dead already to feel anything... We, buhay tayo kaya I am telling you my sincerest sorry, Miss Zuluetevo..."
"Alam ko pong hindi ninyo sinasadya iyon... Okay lang po talaga..."
"Phew..." marahan kong buga ng hangin. Iyong hininga niya, ang init at... ang bango. Iyon ang kanina pa sinasalo ng buong mukha ko. Hangin mula sa kaniya ang kanina pa nagpapaikot-ikot sa buong sistema ko. Parang ang sarap habulin bawat buga nito hanggang dulo. Magkatapat lang pala ang mga mukha namin. Ngayon-ngayon lang tila mas naging sharp at mabigat ang bawat paghinga nito sa tapat ko.
"S-Siguro... nakita ninyo iyong taong inutangan ninyo, 'no, kaya kayo napatago rito? Baka... kayo lang po, sir, ang may atraso sa taong 'yon at hindi ako? Baka lang naman po, sir... Isipin po ninyong mabuti, sir..."
"Ramdam kong pinaparinggan mo ako, Miss Zuluetevo..." tawa ko with confidence pero sa loob-loob ko, humahagilap ako ng idadahilan ko na makapagsasalba sa akin.
Honestly, nagulat din talaga ako sa paghatak ko rito, eh! Pati sa nangyari at sa kasalukuyan ay nagugulat pa rin ako nang ako lang ang nakaaalam.
"Hmmm... Masyado akong excited na maihatid ka na sa inyo para makauwi na rin ako at makapagpahinga. Ako iyong taong kapag sinabi ko at seryoso akong gagawin ko, gagawin ko talaga. Sinabi kong ihahatid kita, kaya gagawin ko rin. Pumayag ka naman kaya tapos na ang usapan. At may naghihintay na pamilya mo sa paghahatiran ko sa iyo... Anyway, about kanina... hinihintay ako ng... babae ko sa parking area kaya lumiko ako pabalik at nagtago rito..."
Sa pagiging honest na lang ako makababawi sa sarili at dito. Wala naman akong nakikitang dahilan para itago iyon. Mas gumaan pa nga ang pakiramdam at itong konsensiya ko sa pagiging totoo sa parteng mayroon kami ni Tara.
Mahabang katahimikan ang umikot sa pagitan namin kapalit ng paghihintay ko rito na magsalita.
"Ah... Gano'n po ba, sir? Dapat po sinabi po ninyo sa akin kanina pa para nagawan pa ng paraan... Kaya ko pong umuwi nang mag-isa sa amin, sir... Marami pa akong masasakyan pauwi. Kabisado ko naman kahit papaano ang daan, eh... Nakikita ko naman tuwing bumibiyahe kami ng tita ko... Sige lang ho, sir, mauna na kayo. Siputin ninyo ang girlfriend ninyo..."
"She's not my girlfriend..." pangkaklaro ko, para lang hindi siya makaramdam ng guilt sa mga bagay na ako rin naman ang gumawa kaya nangyari.
"Sa ngayon, sir, pero doon din naman po kayo papunta..." Tumawa ito at gumalaw nang kaunti. "Bago lang po ako rito sa Polaris University pero hindi na po sa labas nito... Salamat po sa pagmamagandang-loob ninyo sa akin, pero kaya ko na po ang sarili ko... Ako na lang po ang unang lalabas... Sumunod na lang po kayo after siguro ng... two minutes..."
Bubuksan na niya ang pinto kaya hinabol ko bago pa mangyari. Pinigilan ko siya sa balakang nito.
"Just a minute, Elle..." Napakislot ito. "Just a minute kung ayaw mong makalbo paglabas mo rito..."
"Ha?" gulat naman nitong singhap.
Natawa at nakaramdam ako ng tuwa nang bumalik sa mukha ko ang mga hininga nito. Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi ko na rin maintindihan, eh.
"Bakit po, sir? War freak si babae ninyo? Sorry... Babae na lang; hindi ninyo girlfriend kamo ninyo, eh..."
Natatabilan na ako sa bibig niya, parang gusto ko na lang patahimikin sa kahit na ano nang paraan.
"I'm sorry if you don't understand me, why I choose to take you to your house instead of going to see my girl... Bukod sa estudyante kita, may isa pa akong dahilan... na sasabihin ko sa iyo ngayon para maintindihan mo ako..."
Mas komportable akong kausap ito nang hindi nakikita ang mukha niya. May mga emosyon akong malaya kong napapakita. Nag-aalala ako sa kaniya, katulad ng pag-aalala na naramdam ko bago madisgrasya ang fiancee ko five years ago. Pinagsisisihan kong hinayaan ko itong umuwi nang mag-isa matapos ang mahabang pagtatalo namin. Kung hindi lang ako nagpadala sa emosyon ko noon, sa pride, sa galit at sa pagiging kampante, buhay pa sana siya ngayon.
I know how intense our last fight and meeting was. I know that she can't concentrate on driving because of her anger towards me, but I didn't do anything to prevent the worst from happening. As in wala... Kaya siguro sa mga ganitong sitwasyon, naa-apply ko iyong nga aral at mga pagsisisi ko sa mga kasalanan ko sa nakalipas. Basta natatakot akong maulit iyon sa kahit na sinong babae.
"I knew you were lying when you said you memorized the outside..."
"Ako, nagsisinungaling sa inyo? Paano naman po ninyo nalaman?"
"I just know. And that can't deny your every move I feel on top of me. Paano kung nawala ka? Magpasundo ka sa Tita mo ngayon o ihahatid kita. Pumili ka na lang sa dalawa..." pinal kong latad dito, sa himig na hindi niya pag-iisipan na nag-aalala ako sa kaniya. "Hindi kaya ng konsensiya ko na pakawalan ka na lang basta sa dilim, lalo pa at alam kong mas madalas ka sa loob ng bahay dati kaysa rito sa labas..."
"Hmmm... So, ihahatid pa rin po ninyo ako?"
"Iyon lang ang choice na kanina ko pa pinipili."
"Pero paano po iyong babae ninyo na naghihintay sa inyo? At saka... paano ninyo ako ihahatid kung nakabantay siya sa sasakyan ninyo? Ano po ang gagamitin ninyo sa paghatid sa akin at sa pag-uwi na rin sa inyo?"
"That's not your problem anymore, Miss Zuluetevo," ngisi ko.
"Huh?"
"Basta."
May tatlo akong sasakyan, dalawang four-wheeler at isang motorbike. Iyong isa ay ginagamit ko sa pagpasok sa trabaho; iyong isa naman, naiwan sa family house namin sa Batangas; and last and my favorite motorbike. Iniiwan ko naman iyon sa talyer malapit dito sa University. One week kong pinapa-maintenance iyon kay Manong Rocco, may-ari ng talyer na iyon at tatay-tatay-an ko. Madalas kong iwan iyon sa kaniya tuwing diretsong workdays para maalagaan at para na rin maitago. Kung iiwan ko sa parking lot sa condo, baka magasgas o kalawangin lang dahil hindi ko naman masyadong nagagamit.
Halos fifteen minutes din kaming nagtago bago ko naisipang lumabas. Kilala ko si Tara, sisikapin nitong hintayin ako kahit gaano pa katagal. Paglabas namin ay naroon pa rin siya sa dating puwesto nito kanina. Wala tuloy choice kundi ang hatakin na naman ang babaeng ito paalis.
"Huwag mo na kasing tingnan," suway ko rito sabay dagdag ng bilis sa mga lakad ko. Ang kulit talaga. Nakalingon pa rin ito kay Tara kahit paminsan-minsang napapatid na sa mga bato sa lupa. "Marites ka rin, 'no?"
"Marites? Marites ba ang pangalan niya, sir?"
"Kengkoy," tawa ko nang malakas habang panay pa rin ako sa paghatak sa braso nito. "Sinasabi ko na nga bang hindi ka tagarito sa labas, eh. Hindi mo alam iyong "Marites", eh..."
"Hmmm... Pero in fairness naman, sir... maganda si Marites... Ang suwabe naman pala ng taste ninyo sa mga babae... Mukha siyang artista, sir... Nakalimutan ko na iyong pangalan ng kamukha niya... Wait lang, artista ba iyon o singer?"
Naging si Marites na tuloy si Tara. Wala akong ginawa kundi ang hatakin lang siya at matawa nang matawa sa mga pinagsasabi niya. Ito ba iyong sinasabi niya na kabisado na niya ang labas? Salitang "Marites" na bansang sa mga chismosa rito sa Pilipinas hindi pa niya alam.
"Mukha siyang model, sir. For sure, babalikan mo siya pagkahatid mo sa akin... Sus..."
Hanggang sa makarating kami rito sa tapat ng talyer ay dumadaldal pa rin ito, which is ikinatuwa ko na rin dahil magugulat din siya for sure kung saan kami sasakay mamaya.
Sinalubong ako ng assistant ni Manong Rocco at inabutan ng dalawang helmet.
"Wew... Bago na naman, ah, hijo, pero pinakamaganda sa kanila... Iba ka talaga!" kantiyaw nito sa akin sabay tapik at masahe sa balikat ko.
Ang mga sinabi nito at ang pagkatunganga sa kaniya ni Elle ang nagpabugso sa pinipigilan kong tawa. Nagulat siguro kung nasaan na kami ngayon.
Boys are boys. No matter what a woman wears or looks like, we know who looks good and who doesn't. Pati ibang mga kasamahan nila rito ay nakatingin na kay Miss Zuluetevo. Hindi ko gusto iyong paghangang nakikita ko sa mga mata nila na binibigay nila rito. Pati student ko, walang kawala sa mga ito. Ito na iyong pinakamalagkit na titig na nakita ko sa kanila sa mga babaeng nadala ko na rito.
"Yeah, manong... Pinakamaganda sa lahat kaya babakuran ko na," sure na sure kong parinig sa lahat sabay paharap sa babaeng ito na gulat na gulat sa sinabi ko at sinuotan ng helmet sa ulo. "Tara na, baby..." malakas kong dagdag para na rin marinig ng mga iba pang kolokoy na nandidito.
End of Scheids' POV