Ikalabing-lima na Kabanata Arkania Point of View: Clairn Novich Kuran "Mauna na ako,” aniya matapos ang saglit na katahimikan. “Kung gusto mo pang manatili ay ikaw ang bahala." Tumango ako bilang sagot at sinabi, "Sige, papasok na rin ako mayamaya." Saglit pa akong nanatili bago tumayo na rin at pumunta sa silid ko. At dahil wala naman akong gagawin sa mga susunod na araw dito ay mukhang magsasanay na lang akong humawak ng espada mag-isa. Sa tuwing naiisip kong hindi ako makakasama sa prinsipe sa susunod na araw ay mas lalo lang umiinit ang ulo ko. Kahit na may punto naman siya ay hindi ko pa rin maiwasang hindi maasar kaya naman itutulog ko na lang 'to. Ang akala ko pa naman simula ngayon, at ayon din sa sinabi niya ay makasasama na ako sa kanila dahil iyon ang nakaatas sa ‘kin. Ngunit n