Ikalabing-dalawa na Kabanata Unang Prinsipe Point of View: Clairn Novich Kuran "May balak ka bang sumali?" Bumalik ako sa reyalidad nang magsalita siya ulit. "Siguro. Hindi ako sigurado kung papayagan ako ng prinsipe." "Kung ganoon, hihintayin kita. Gusto kitang makalaban, binibini." Napatingin ako sa kaniya. Bahagyang nakatagilid ang ulo niya habang nakatingin sa 'kin, para bang kinikilatis kung ano ang magiging reaksyon ko. Mahina akong natawa at saka ibinalik ang pagkakatitig niya. "Susubukan kong makasali." "HINDI PUWEDE." GUSTO kong magpapadyak sa inis nang sabihin niya iyan. "Pero isang beses lang 'to sa isang taon!" Sinubukan kong pumalag para mapilit siya. "Hindi. Huling beses ko na 'tong sasabihin. Sumali ka na lang sa susunod na taon." Napabuga na lang ako ng hangin at saka lum