Pagkatapos kong kuhanin ang mga gamit sa bahay ay inihatid na ako ni Mamang driver sa bahay ni Bisugo.
"O, alis na ako, Miss, ha. Ikaw na bahala r'yan at goodluck sa 'yo dahil tirador ng mga chicks si Sir Daniel," natatawang saad nito sa akin.
Tirador daw?
"Gano' n ho, ba? Okay lang ho 'yon, mukha rin naman akong ibon—este, kilala n'yo ba si Daniel, Kuya?" ngiti na tanong ko na lang sa kanya.
"Oo. Suki n'ya ako sa pagsubaybay ng babae noon. Hindi ko nga lang namukhaan ang babaeng iyon dahil gabi, eh. Nagtataka nga ako dahil may kotse naman siya na alam ko, pero trip niya yatang sumakay sa taxi," mahabang salaysay nito sa akin.
"May sinundan na babae si Daniel noon? At sino naman 'yon?" bulong ko. "O, sige ho, Kuya ng driver, tulungan n'yo na lang akong ibaba mga gamit ko dahil nagtsisismisan na tayo, eh," sambit ko.
"Sige," sagot niya. Bumaba siya sa taxi at tinulungan niya akong ibaba ang mga gamit ko.
Akala ko ay tutulungan niya akong magbuhat sa maletang dala ko, papasok sa gate, ngunit hindi pala dahil mabilis siyang umalis na parang si superman. At ang pangalan niya sa akin ay taximan!
Kainis!
Pero, baka utos ni Daniel 'yon! Ang bigat pa naman ng mga dala ko at kulang na lang kasi ay bahay na ipadala sa akin ng taxi driver na ' yon dahil nga sa utos ni Daniel.
Pati nga kubeta at bubong ay gusto kong dalhin! Kasi naman, dalhin ko raw lahat!
Hindi na lang kasi sabihin na ilipat ko na lang bahay ko sa mansyon niya para wala na siyang problema.
Paika-ika akong nagbuhat ng mga gamit ko papasok sa gate. Subalit napatigil ako nang magring ang aking telepono. Nag-isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Pero, mas mainam na hindi na lang dahil istorbo lang siya sa pagbuhat ko ng mga dala-dala ko. At ilang beses na nagring iyon.
"Tumahimik ka muna cellphone kung ayaw mong lagyan kita ng scotch tape!" banta ko sa cellphone ko. Umaatake na naman ang pagkalukaret ko.
Matapos kong maipasok lahat ng mga bagahe ko sa loob ay huminga ako nang malalim.
Pinagmasdan ko ang mansyon ni Daniel at ang laki niyon. Mag-isa lang naman yata niyang naninirahan dito.
Pero, talagang malaki. Baka, malaki rin ang ano niya—este, baka hahakutin niya sa fishpond o sa ilalim ng dagat ang mga kamag-anak niya.
Natawa tuloy ako. Kung mangyari man 'yon, wantusawa akong mag-ulam ng mga isda!
Huminga muna ako nang malalim bago ko dalhin ang mga gamit ko sa bulwagan ng mansyon.
Nang mahakot ko na lahat ng mga gamit ko ay umupo pa ako sa malambot na upuhan doon.
Isinandal ko pa saglit ang masakit kong likod.
Ngunit maya't maya ay tumunog na naman ang cellphone ko. Kaya, sagutin ko na lang ito. Pero, numero lang ang nag-appear. At naka-twenty-two miscalls na siya.
Grabe!
"Sino ka bang istorbo ka, ha! Ang ganda ng pagpapahinga ko rito ay tawag ka nang ta—"
"I've been calling you for a while, but you're not answering my calls!" sigaw sa akin ng lalaki sa kabilang linya.
"Boses ni Daniel. So, si Daniel pala ang may-ari ng numero na ito," bulong ng isipan ko. "Da-Daniel, este, Sir Daniel. Pasensya ka na dahil busy ako sa paghahakot ng mga gamit k—"
"Shut up! Ang dami mo na namang alibi, ang sabihin mo, busy ka sa pakikipagkuwentuhan kay Kuya Macco!" muling sigaw niya sa akin.
Mabuti at hindi nagrereklamo ang cellphone niya sa pagsigaw-sigaw niyang iyon.
"Nag-usap lang kami ni Kuyang driver. N-Napatawag ka, Sir?" napapikit na tanong ko.
Narinig kong huminga si Daniel sa kabilang linya.
"Iyong susi ng bahay, nasa gilid ng lion," wika niya.
"Lion? M-May lion dito sa bahay mo, Sir? Naku, baka kainin niya akong buhay rito at ayaw ko pang mamatay, Sir dahil hindi ko pa natitikman ang masarap na luto ni—"
"Ang OA mo! I mean, nasa gilid ng statue ng lion ang susi. At sakaling may lion man d'yan, ako 'yon!" gagad niya sa akin.
Ba't ang hilig ni Daniel mamutol ng salita ko?
"Ganoon ba? Ako naman ang tigre dito," saad ko.
"What!" asik niya sa akin.
"Wala! Biro ko lang ho 'yon. Sige ho, Sir, bye na po dahil baka sakmalin n'yo pa ako," sambit ko.
"Tssk! Hindi ko pinangarap sakmalin ka dahil baka ma-virus lang ako," pahayag niya.
Ang yabang niya, ha! Ano'ng akala niya sa akin, germs?
"Mabuti naman at alam mo' yan," Wala sa sariling wika ko na agad kong pinatay ang cellphone.
Baka, kung ano pa masabi ko sa kanya, kaya patayin ko na lang, mabuti pa!
Tumayo na ako. Tinungo ko na ang istatuwa ng lion. At nakita ko na agad ang susi. Kinuha ko iyon. Binuksan ko ang pinto at napa-wow ako sa aking nakita.
Hindi lang pala sa labas maganda ang bahay, kundi ay pati na rin sa loob.
Mabilis Kong ipinasok ang mga gamit ko sa loob. At sa ilang kuwarto roon ay hindi ko alam ang kung saan ko ilalagay mga bagahe ko.
Wala naman kasing maid's quarter. Kaya, isa-isa kong tiningnan ang mga naglalakihang kuwarto roon. At parehong maganda ang loob ng mga iyon.
At heto nga ang napili ko. Ang kuwartong may golden brown ang kurtina.
Ipinasok ko lahat ng mga gamit ko sa loob. At inumpisahan ko nang maglinis kahit hindi naman makalat.
Pagkatapos kong maglinis ay pinakialaman ko ang ref ni Bisugo. May laman iyon kaya nagtataka ako dahil kauuwi lang niya galing America pero may laman at malinis mga gamit niya?
Baka, may care taker siya dati sa bahay na ito. Pakialam ko ba kung mayro'n, 'di ba?
Nagluto na ako ng hapunan ni Bisugo. Ang sabi niya sa akin ay kasama niya si Alena kaya dadagdagan ko na ang iluluto ko.
Nang matapos akong magluto ay nakaramdam ako ng pagod. Pakiramdam ko ay inaantok ako, kaya tinungo ko ang kuwarto kung saan ko nilagay ang mga gamit ko. Subalit hindi ko na inabala na isindi ang mga ilaw dahil gigising din naman agad ako maya-maya.
Inilapag ko na ang aking likod sa malambot na kama at ang sarap talagang matulog doon dahilan upang makatulog agad ako.
Isang oras akong nakatulog nang maramdaman ko na tila may kasama ako sa kuwarto. Hindi lang isa, kundi ay dalawa sila.
Kaya, kinabahan ako dahil baka may multo roon. Isa pa, ay madilim.
Babangon na sana ako nang maupuhan ng kung ano o sino ang paa ko kaya. . .
"Ahh! Multong itim!" sigaw ko dahil sa takot ko.
"What the Fvck!" sigaw ng boses ng lalaki.
Agad s'yang umalis sa paanan ko kaya lalo akong kinabahan dahil kilala ko ang boses na iyon.
"What happened, Babe?" tanong naman ng isang boses ng babae. At nanlaki ang mga mata ko nang lumiwanag ang buong kuwarto dahil si Daniel at Alena ang nandoon. "Tina!" untag ni Alena sa akin.
"What are you doing here in my room?" matigas naman na tanong sa akin ni Daniel.
Agad akong bumangon at salitan ko silang tiningnan ni Alena. At nakita ko ang matagal ko nang gustong makita.
Charoot!
Nakabukas kasi ang zipper ni Bisugo at nakalihis naman ang bestida ni Alena, kaya hindi ko alam kung tatakpan ko ba dalawang mata ko. Pero, huwag na lang!
"Ku-Kuwarto mo 'to, Sir?" hindi makapaniwalang sambit ko.
"What do you think, huh? Will Alena and I come in here if it's not my room? And who told you to sleep here? You're just a maid here, not a guest!" gagad sa akin ni Daniel dahilan upang pamulahan ako ng mukha.
"Pasensya na, Sir. Hindi ko naman kasi alam na kuwarto n'yo 'to dahil wala namang nakalagay na maid's room o quarter. Saka, pare-pareho lang naman na maganda ang mga kuwarto kaya rito po ako natulog," mahabang paliwanag ko.
"I don't need your long explanations, Ms. Cruz! Go outside at maghain ka na lang ng makakain namin ni Alena, istorbo! Kung bakit pati mga ilaw ay hindi nakabukas!" sigaw pa niya.
"Alam naman pala niya na hindi nakabukas mga ilaw ay hindi na lang niya sinindi," bumubulong na sambit ko.
"What did you say?" untag ni Bisugo.
"Wala, ho, Sir," sambit ko na lang.
"Narinig mo ba sinabi ni Daniel, ha? Lumabas ka na para pagsilbihan kami!" singhal sa akin ni Alena. "Ang lakas ng loob mo na rito pa talaga matulog, samantalang ako na jowa niya ay ngayon lang makakaapak dito, kaya labas! At Ma'am ang itawag mo sa akin," utos pa niya sa akin.
Ang sarap busasalan ng mabahong basahan ang bibig ni Alena. Ma'am daw itatawag ko sa kanya, eh, hindi niya naman ako estudyante. At lalong hindi siya titser!
Saka, kasalanan ko ba kung hindi pa siya nakatulog sa kuwarto ni Bisugo?
"Pasensya na talaga kayo. Hi-Hindi na mauulit 'to," wika ko na lang sa kanila.
Mabilis akong lumabas doon. Nakita ko pa ang pag-ikot ng eyeballs ni Alena sa akin.
Mukha tuloy siyang tutubi na nakatambay sa puno ng saging.
Ang dilim nga sa labas kaya sinindi ko lahat ng ilaw. Kung bakit hindi ko na lang isinindi kanina, bago ako matulog.
Naghain na ako ng kanilang dinner. Kung puwede lang sana na lagyan ko ng sili ang ang pagkain ninyong dalawa ay ginawa ko na.
"Sir Daniel, Ma'am tutubi, este, Alena! Kain na ho kayo para may lakas kayong magrambulan sa kama!" sigaw ko upang marinig nila ako sa loob.
Subalit, hindi pa rin sila lumalabas na dalawa kaya kinuha ko ang walang laman na kaldero at pinaghahampas ko 'yon gamit ng sandok. Kaya lumabas na sila, ngunit nakita kong tinungo ni Daniel ang kuwarto na katabi nang kuwarto niya. At pahangos naman akong nilapitan ni Alena.
"Ba't ba ang ingay mo? Istorbo ka pa sa amin ni Daniel! Hindi ka ba makapaghintay kung kailan naming gustong kumain, ha! Napurnada tuloy ang pagsesxx namin!" sawata niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay dahil sumusobra na ang tutubi na ito.
"Inutusan n'yo ho ako kanina, Madam—damin. Kaya, heto, ginawa ko na. Tapos, sasabihin mo na istorbo ako sa paglalampungan n'yong dalawa ni Daniel. At hindi ikaw amo ko rito, kaya huwag mo 'kong mautus-utusan," lakas-loob na saad ko.
"Ano'ng sabi mo? Baka, gusto mong isumbong kita Kay Daniel?" pananakot niya sa akin.
"Magsumbong ka lang!" gagad ko.
At hindi nga ito nagbibiro dahil agad niya akong isinumbong kay Daniel na pa palapit sa amin.
"What's happening here?" tanong niya sakin.
"Babe, itong maid mo, inaaway ako. Sabi ko, ikuhanan niya ako ng food, sabi niya, sino raw ba ako para mag-utos sa kanya," pagsusumbong ni Alena kay Daniel na ikinanganga ko.
Aba't! Ang sinungaling ng tutubi na ito, ha!
Pinukulan ako nang masamang tingin ni Daniel kaya, kahit walang sinasabi si Alena sa akin ng ganoon ay ginawa ko na lang.
Pinagsandok ko siya ng pagkain. Ganoon din ang ginawa ko sa plato ni Daniel. Sabi nga ay pagsilbihan ko sila, hindi ba? Then, gagawin ko na lang.
"Let's eat, Babe," maarteng yaya ni Alena kay Daniel.
Pinaghila pa ni Daniel Bisugo ng upuhan ang babaeng tutubi saka kumain na silang dalawa.
Samantalang nakamasid lang ako, kahit ang totoo ay nagugutom na rin ako. Tinikman ni Alena ang ulam na niluto ko, sabay luwa niyon.
"Why, Babe?" tanong ni Daniel.
"Water!" bulalas niya.
"Kuha ka ng tubig, Ms. Cruz, huwag kang nakatunganga riyan!" maawtoridad na utos sa akin ni Daniel.
Kumuha ako ng tubig at ibinigay iyon kay Alena.
"Ano ba itong nilagay mo rito?" gagad niya sa akin nang matapos siyang uminom ng tubig.
"Ano ba'ng lasa ng pagkain, Babe?" tanong ni Daniel kay Alena.
"Ang panget ng pagkain, Babe! Lasang pagkain sa kalye!" reklamo niya dahilan upang magsalubong ang kilay ko.
Tinikman naman ni Daniel ang niluto kong ulam. Matagal bago siya nagsalita.
"Palitan mo na lang ito, Ms. Cruz para makakain si Alena," Hindi tumitingin na aniya sa akin.
Gusto ko sanang magreklamo na masarap naman ang pagkain niluto ko, pero si Daniel na nagsalita kaya sinunod ko na lang utos niya.
"Igawa mo na lang ako ng spaghetti, iyong masarap!" utos naman sa akin ni Alena. "At dalhin mo na lang sa kuwarto," wika pa niya.
"Uhm, Babe, hintayin na lang kita sa kuwarto, kasi naman binitin mo 'ko, eh!" baling niya kay Daniel.
Tumayo na si Alena at tinungo na niya ang kuwarto. Kaya, kaming dalawa na lang ni Daniel ang naiwan doon.
Tumalikod na lang ako at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagluto ng spaghetti ni Alenang tutubi!
"Dalian mong magluto at kumain ka na rin. Baka, magsumbong ka pa kay Luna na hindi maganda trato ko, sa 'yo," saad ni Daniel sa akin.
Nilingon ko siya. Naaktuhan ko siya na sumusubo ng niluto kong ulam.
"Akala ko ho ba panget ang lasa niyan, ba't kinakain mo?" walang prenong sambit ko sa kanya.
"Ako ba nagsabi na panget ang niluto mo?" matigas na untag niya sa akin. "Si Alena, 'di ba?" saad pa niya.
"Malay ko ba kung sang-ayon ka sa Girlfriend mo," sabi ko na lang.
Hindi siya kumibo. Sa halip ay kumain na lang siya. Kaya ginawa ko na ang pagluluto ng pagkain gusto ni Alena.
"Sandukan mo pa ako, Tinang," narinig kong bulong ni Daniel.
Tama ba narinig ko? Nilingon ko na naman siya. "May sinabi ka, Sir?"
"May sinabi ba ako? Tssk! Lagyan mo na lang 'to at ginutom ako ni Alena," saad niya na inabot sa akin ang mangkok.
Kinuha ko iyon at nilagyan ng ulam saka ko ibinigay sa kanya. Nahalata ko na sinulyapan niya ang braso ko. Kaya, hindi ko na hinintay na kuhanin niya iyon, sa halip ay nilapag ko na lang ulam sa harapan niya.
Bumalik ako sa pagluluto. Sumandal ako sa lababo at lihim kong tinitigan si Daniel.
Naalala ko tuloy ang hindi magandang pag-uusap namin noon. At iyon na pala ang huli.
Flashback!
Dahil masama ang pakikitungo sa akin ni Daniel ay gusto kong magpakalasing!
Naiinis ako dahil sa ilang taon naming hindi pagkikita ay ganoon siya sa akin.
Kaya, niyaya kong uminom si Marcus Robredo, ang Ex-boyfriend ko na supportive sa akin noon.
Sa sobrang kalasingan ko ay hinalikan ko si Marcus at hindi ko inaasahang makikita kami ni Daniel dahilan upang hilahin niya ako.
"Ano, ba, Daniel!" protesta ko.
"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo, ha?" gagad niya sa akin.
"Nahihiya? At ano'ng dapat kong ikahiya? At saka ano ba'ng pakialam mo, ha? Ikaw nga, nakikipaglandihan kay Alena pero, wala akong pakialam sa inyo!" asik ko.
"Babae kang tao, Ms. Cruz at hindi maganda para sa 'yo na nakikipaghalikan sa lalaki in front of many people!" sermon niya sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya. Kailan ba siya nagkaroon ng pakialam sa akin?
Ni sa pag-alis nga niya noon ay hindi man lang siya nagpaalam. Alam ko naman na wala kaming relasyon pero napaka-assuming ko talaga.
"Maraming bang tao rito, Daniel? Eh, ikaw lang naman tao rito, eh!" gagad ko. "At wala silang pakilam sa akin, okay! At wala ka ring pakialam dahil buhay ko 'to at naiinis ako! Kaya iwanan mo na ako! Bumalik ka na kay Alena mo! At pabayaan mo na lang ako!" gagad ko naman sa kanya.
"Hindi ka babalik sa Marcus na 'yon, Ms. Cruz kaya sumama ka sa akin at mag-uusap tayong dalawa," wika niya.
"Ayoko! At wala tayong dapat pag-usapan pa! Umalis ka na!" muling gagad ko.
Ngunit hinawakan niya ako sa braso kaya sa inis ko ay sinampal ko siya, ngunit nagulat ako dahil hinalikan niya ako sa labi.
Napatda ako. Subalit agad akong nakabawi nang dumating si Alena kaya agad akong binitiwan ni Daniel.
"Babe!" tawag niya kay Daniel. "Narito ka lang pala at kasama mo 'yang babae na 'yan!" gagad nito.
"Nag-uusap lang kami ni Ms. Cruz, Alena. Bumalik ka na sa kuwarto at hintayin mo na lang ako roon," saad niya.
"Okay, Dalian mo dahil mahirap na at gabi pa naman! Maraming mga linta sa paligid," anito na pinukulan ako nang masamang tingin.
Umalis na si Alena sa aming harapan. At tatalikuran ko na sana si Daniel nang hawakan na naman niya ako sa braso.
"Tandaan mo 'to, Ms. Cruz! Ayokong makita ka na may kasamang ibang lalaki lalong-lalo na ang pagmumukha ng Marcus na 'yan!" banta niya sa akin at iniwan na akong mag-isa.
Hindi ko siya maintindihan kung bakit ganoon siya sa akin.
Nang gabi na iyon ay umalis na si Daniel, kasama si Alena. As usual na hindi talaga siya nagpaalam sa akin. So, it hurts! It's really hurt!
Iyon ang nangyari, pitong taon nang nakararaan. Kaya hindi ko na rin isinuot ang bracelet na iniregalo niya sa akin noon.
Bakit? Para saan ba ang bracelet na iyon kung ganoon lang din siya sa akin?
Hanggang ngayon din ay iyon pa rin ang banta niya sa akin na huwag akong makipag-usap sa kahit sinong lalaki. At hindi ko alam kung bakit.
"Why are you staring at me like that, Ms. Cruz?" untag sa akin ni Daniel nang mapansin niya na nakatitig ako, kaya agad kong inalis ang mga mata ko sa kanya.