Chapter 5: You Will Be My Maid

2004 Words
"Ay, bitlog mong walang pakpak!" sigaw ko. Nilingon ko ang may-ari ng boses at si Bisugo iyon. 'Langya! Hindi ko siya nabosesan. "Talagang walang pakpak ang bitlog ko dahil hindi pa nagcrack!" galit na saad ni Daniel Bisugo sa akin. "Saan nanggaling ang lalaking ito?" bulong ko sa aking sarili. Kaharap ko ang glass door, kaya saan siya dumaan? Baka, lumangoy siya sa mga naglalakihan tubo? Lumapit siya sa akin. At walang sabi-sabi na hinila ako. "Ano ba, Sir Bizugs! Nasasaktan ang braso ko!" protesta ko. "Talagang masasaktan ka sa akin!" seryoso na aniya. Saan ba kami pupunta? Eh, hindi naman kami lalabas? Saka, iisa lang ang labasan sa opinang ito. Subalit nagtaka ako, dahil itinulak niya ang pader at bumukas iyon. Hanep! Ang lakas pala ng Bisugo? Pero, napagtanto ko na pinto pala ang pader na 'yon at ang tawag doon ay secret room. Agent na ba si Daniel Bisugo ngayon? Ba't may secret room siya rito sa opisina niya? Baka, rito sila gumagawa ng kababalaghan ni Alena dahil may kama? Well, pakialam ko ba! Pilit kong inalis ang kamay niya sa braso ko, ngunit lalo niyang hinigpitan ang pagkahahawak niya sa akin. "Ano ba, Daniel!" sigaw ko sa kanya. Subalit nagulat ako sa pagtulak niya sa akin pasalampak sa kama dahilan upang masaktan ang tumb*ng ko dahil naupuhan ko ang matulis na bagay. Ngunit mas nagulat at kinabahan ako nang pumatong sa akin si Daniel. Shocks! Rereyp*n niya ba ako? "Hindi ako pumayag sa gusto ni Luna para lang sumama ka sa kahit sinong lalaki, lalong-lalo na kung empleyado rito!" maawtoridad na wika niya sa akin. "A-Ano bang sinasabi mo, ha?" saad ko, sabay tulak ko sa kanya dahil naramdaman ko kasi ang p*********i niya sa hita ko. Saka, mabilis akong bumangon. Tatakbo sana ako palabas ng kuwartong iyon pero mabilis niya akong nahawakan. At na-corner niya ako sa dingding. Lumang istilo na 'yong ganito. At marami na kayong nabasa at napanood na teleserye, pero ito yata ang paborito ng mga boys. Komento ko lang naman. "Do you think, you can get out of here, huh!" asik niya sa akin. "And what I hate the most is you turning your back on me while I'm talking!" galit pa na sambit niya sa akin. Halata na nga na galit siya sa akin dahil naggagalawan ang kanyang mga panga. At pati mga mata niya ay nanlilisik na nakatingin sa akin. "Da-Daniel," kinakabahang sambit ko. "Don't call me, Daniel, because I'm your boss. And you're just my employee! Now, listen to me carefully, Ms. Cruz, for you to understand this. Luna begged me yesterday to make you my secretary, which you don't deserve because you're just a high school graduate. I agreed because I felt sorry for you. So I'm firing you now! And whether you like it or not, you will be my maid because that job suits you," mahabang pahayag niya sa akin dahilan upang pamulahan ako ng mukha. At bahagya pa akong umatras. Hindi naman kasi ako bobo, para hindi maintindihan ang sinabi niya na naaawa lang siya sa akin kaya tinanggap niya ako bilang kanyang sekretarya. Kanina ay sakit lang ako ng ulo niya. Pero, ngayon ay naawa lang siya sa akin. At gusto niya na maging katulong niya ako? Okay lang ba siya, ha? Pero, mabuti na rin 'yon na nalaman ko ang hinaing niya. Atleast, may dahilan talaga ako para magresign ngayon din sa kumpanyang ito. Lumunok muna ako bago ako magsalita, dahil baka masamid ang dila ko, eh! "Mag-Magrere—" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil biglang nagring ang cellphone ko. Pero hindi ko 'yon pinansin kaya muli akong nagsalita. "Mag-Magrere—" Subalit naputol na naman ang sasabihin ko dahil muli na namang nagring ang aking cellphone sa pangalawang pagkakataon. "Answer your phone baka importante 'yan," matigas na utos sa akin ni Daniel. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa dahil baka tama si Daniel na importante ang tawag na iyon. At kinabahan ako dahil ang kapatid kong bunso ang tumatawag. Tinungo ko ang banyo na naroon sa kuwarto na 'yon para hindi marinig ni Daniel ang pag-uusapan namin. "Hello, Faye. Napatawag ka?" agad Kong tanong sa kapatid ko. "Ate!" humihikbi na sambit niya. "Si inay." "A-Ano'ng nangyari kay inay, Faye? At ba't ka humihikbi?" natataranta na saad ko. "Narito kami ngayon sa hospital, Ate. Dahil naatake na naman si inay at kailangan na raw silang operahan para maagapan pa ang sakit nila," sambit ng kapatid ko dahilan upang mapanganga ako. "Fifty thousand raw ang kailangan natin sa pampaopera ni nanay, Ate," dagdag pa ni Faye sa akin. Breast cancer ang sakit ni nanay. At dahil nga sa kakulangan ng pera ay itinago nila 'yon sa amin. Kaya galit na galit ako dahil kung hindi sana nila itinago ang nararamdaman nilang sakit ay naagapan pa sana ang sakit nila noon. Pakiramdam ko tuloy ay nabunutan ako ng tinik! Saka, wala kaming pera. At ang natitira sa ipon ko ay dalawang libo na lang. Tapos, magreresign pa ako ngayon dahil sa ugali ng boss kong Bisugo! At kung hindi naman ako magreresign ay katulong ang bagsak ko at baka lalo niya akong alilahin. Pero, bahala na! Isasantabi ko muna ang pride ko ngayon. "S-Sige. M-Magpadadala ako sa 'yo bukas o mamaya, ha? Huwag ka nang umiyak para hindi madagdagan ang pag-aalala ko. At magdasal ka lang, okay! Sabihin mo kay nanay na fight lang na kaya nila' yan!" pagpalalakas ko ng loob kay Faye. Pero, ang totoo ay napanghihinaan na rin ako nang loob dahil sa mga sunod-sunod na nangyayari at sa pamilya ko. "Hindi ka ba makakauwi, Ate?" tanong niya sa akin. "H-Hindi. Kaya, kayo muna ni Ate Mae ang bahala kay inay, ha. Kasisimula ko lang kasi sa traba—" "Bakit, wala ka na sa pabrika, Ate?" muling tanong niya sa akin. Napalunok na naman ako dahil hindi ko sinabi sa kanila na matagal ng nagsara ang pabrika na pinagtrabahuhan ko. Ayaw ko kasi na mag-alala sila at mamoblema lalo pa't nagkasasakit si inay at nag-aaral naman si Faye. Kinaya ko namang mag-isa na itaguyod sila noon simula nang mag-asawa ang panganay naming kapatid. Kaya, ngayon pa ba ako susuko? "Oo, Faye. Pero, may bago akong trabaho ngayon. At maganda ang kinalalagyan ko, kaya huwag mo na sanang banggitin kay inay, ha. Ako na lang tatawag sa 'yo mamaya at utang ka muna riyan para may gastusin kayo," saad ko sa kanya. Binabahan ko na nang tawag si Faye dahil baka magtanong na naman siya kung ano'ng trabaho ko. Gusto ko sanang kausapin si inay, pero baka maiyak lang ako. Huminga ako nang malalim. Tumingala pa ako, upang pakalmahin ang aking sarili. At bago ko pagpasyahan na lumabas ay pinahid ko muna ang namumuo kong luha dahil baka maging muta iyon. Tuluyan na nga akong lumabas. At naroon pa rin si Daniel. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa dingding. "Have you decided to be my maid, Ms. Cruz?" matigas na aniya sa akin. Tumikhim muna ako, bago ko siya sagutin dahil baka may nakabara sa lalamunan ko. Saka, isa pa, siya naman ang masusunod dahil sa sinabi niyang whether I like it or not. At hindi 'yon offer, kundiʼy utos niya ʼyon! "Oho, Sir. Pumapayag na ako na maging katulong n'yo," sambit ko. Hindi ako puwedeng tumanggi. Lalong-lalo na hindi ako puwedeng magresign. "Well, that's good. But, I want you to start working now. So, here is my address and go to that place right now," saad niya na inabot sa akin ang kapirasong papel. Kinuha ko 'yon at tiningnan. "Make sure the house is clean when I come home later because I'm with Alena. Do you understand, Ms. Cruz?" pahayag pa niya sa akin. Napatitig ako kay Daniel. Baka, kasi nagbibiro lang siya na gagawin niya akong katulong niya. Ngunit, seryoso siyang nagsasalita. "O-Opo, Sir," walang ganang tugon ko. "Okay. See you later," aniya. Tinalikuran niya na ako, subalit tinawag ko siya. "Uhm, Sir," sambit ko. "What? Do you have something to say? If there is, say it now," wika niya. "Pu-Puwede ho ba akong bumale," lakas-loob na saad ko. Hindi ko na kailangan pang mahiya sa kanya kahit sabihin pa na nakahihiya dahil hindi pa man din ako nakapag-uumpisa sa trabaho ay bumabale na ako. Kaso ay kailangan na kailangan talaga ni inay ng financial. Kaya, gagawin ko 'to para maoperahan na sila. "How much do you need?" tanong ni Daniel sa akin nang hindi man lang ako nilingon. "Sixty-thousand," agad kong sambit sa kanya. Sinobrahan ko na ang babalihin ko para may panggastos sina inay paglabas nila ng ospital. "Okay. Then, follow me," saad niya sa akin. Naglakad na palabas ng kuwarto si Daniel kaya sinundan ko siya. Dumiretso siya sa kanyang swivel chair at kinuha niya ang mahabang wallet sa loob ng bag niya. Nilabas niya ang cheke roon at sinulatan niya iyon saka niya ibinigay sa akin. "Salamat, Sir," pagpasasalamat ko. "Pagtatrabahuhan mo 'yan kaya huwag kang magpasalamat," walang ekspresyon na saad niya. Para tuloy akong binuhusan ng yelo sa sinabi n' yang iyon. "Puntahan mo na ang bangko at dumiretso ka na sa address na ibinigay ko, sa 'yo," maawtoridad na sambit niya. Tumango lang ako. Kinuha ko na ang aking bag, saka mabilis akong lumabas ng opisina niya. Subalit, tinawag pa niya ako. "Ms. Cruz!" "S-Sir." "I hope I don't see you outside talking to a man, otherwise I will fire you immediately," paalala niya sa akin sa matigas na boses. "And at two o'clock you were supposed to be at my house," dagdag pa niyang wika sa akin. Tango lang ang tanging nasagot ko sa kanya dahil alam kong hindi siya nagbibiro. Lumabas na ako sa opisina niya. At mabilis akong naglakad patungong elevator. Paglabas ko nang elevator ay nakasalubong ko si Nan. Tinanong niya ako, kung saan ako pupunta. At kung may problema ba ako, dahil halata raw sa akin ang pagkabalisa ko. Ngunit sa halip na sagutin ko siya ay nakita ko si Daniel na lumabas sa isang elevator. Kaya, ang ending ay ni-deadma ko na lang si Nan at mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Tinangka pa akong habulin ni Nan pero sumakay na ako sa taxi. Sinabi ko sa taxi driver kung saan niya ako ihihinto. At sinabi ko rin na hintayin na lang niya ako dahil hindi ko alam ang lugar na ibinigay sa akin ni Daniel. Pumayag naman siya, kaya nagpasalamat ako sa kanya. Pagdating namin sa bangko ay agad kong inilabas ang cheke. Kaunti ang tao kaya naasikaso ako ng Bank teller. Nakuha ko kaagad ang laman ng cheke, kaya umalis na ako roon upang pumunta sa money remittance para ipadala iyon sa kapatid ko. Mabilis lang ang transaksyon kaya dumating agad ang pera kay Faye. Ni-chat ko ang control number sa kanya. At pagkapatos ay sumakay na ako. Ibinigay ko ang address sa taxi driver saka ko tiningnan kung ano'ng oras na sa aking relo. S**t! Mag-a-alas dos na kaya dapat ay makarating kami agad sa bahay ni Daniel. "Dalian mo po Kuyang driver dahil malalagot ako nito sa amo kong Bisugo!" saad ko. "Relaks ka lang, Miss, saka alam naman ni Sir Daniel na pauwi pa lang tayo," komento niya. "H-Ha? Paanong alam niya?" nagtatakang tanong ko. "Hindi ka ba nagtaka na may taxi agad kanina sa harap ng entrance. Tinawagan kasi ako ni Sir Daniel bago ka bumaba ng building. Ako raw maghahatid sa 'yo. Pero, bago raw tayo dumiretso sa bahay niya ay kunin mo muna lahat mga gamit mo sa bahay ninyo sabi niya sa akin kanina," mahabang imporma ng taxi driver sa akin. Kaya naman pala, may taxi nang nakaparada doon kanina. "Pero, ang sabi niya ay alas dos," saad ko. "Nakalimutan daw niyang sabihin na kunin mo lahat mga gamit mo sa inyo. At dapat, bago mag-alasingko ay nakauwi ka na," muling imporma niya. Hindi na lang ako nagsalita. Naiinis lang ako dahil bakit kailangan akong orasan ni Daniel. At ito na ba ang umpisa ng aking kalbaryo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD