"Wa-Wala," sambit ko.
Bahagya pa akong napalunok subalit napansin ko na tumingin sa akin si Daniel.
"Wala? Pero, nakatitig ka sa akin," umiling na saad niya sa akin.
Hindi ako nakasagot, kaya tumalikod na lang ako. Baka, isipin ng bisugo na ito na may gusto ako sa kanya.
Dati 'yon, pero hindi na ngayon dahil nakakainis ang ugali niya.
"I don't believe you na walang dahilan ang pagtitig mo sa akin, Ms. Cruz," saad niya dahilan upang makabahan ako.
Nasa likuran ko si Daniel. At hindi ko naramdaman ang paglapit n'ya sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung ano'ng sasabihin ko,
subalit ayaw kong ipahalata na kinakabahan ako.
"Ehem," tikhim ko ngunit may bumara pang plema. Shuta! "Uhm, wa-wala naman talaga, Sir. Siguro may kamukha kayong Korean actor. Si Kulaw Ngot," natatawang sambit ko na lang.
"Tssk!" asik niya sa akin. Tumalsik tuloy laway niya sa makinis na balat ko. Etchos lang! "I know you, Ms. Cruz kaya huwag ka nang magsinungaling," bulong na wika niya sa akin dahilan upang makiliti ang batok ko dahil sa kanyang hininga.
"Kilala n'yo naman talaga ako, Sir dahil wala kayong amnesia," pagbibiro ko, sakaling makalusot.
"Patawa ka!" gagad niya.
"Natawa ho ba kayo, Sir? Wala kasi akong narinig na natawa kayo," pang-iinis ko para umalis na siya.
"Gan'yan pa rin talaga ugali mo, Ms. Cruz, walang pinagbago," inis na aniya.
"Luma na kasi ako, kaya wala talaga akong pagbabago," sambit ko.
Ngunit talagang nainis na yata si Daniel sa akin. Bahagya pa siyang lumapit, kaya lalong nadagdagan ang nagtatakbuhang daga sa dibdib ko.
Ba't 'di na lang kasi sila maglakad, kaysa tumakbo pa.
Nakatalikod akong lumayo sa kanya, ngunit nilagay niya ang kanyang magkabilang braso sa lababo kaya na-corner niya ako.
Kaasar na Bisugo! Ano ba' ng gusto n'yang mangyari? baka, gusto n'yang siya gawin kong giniling para sa spaghetti, tutal, si Alena naman niya ang kakain, eh!
"Humarap ka sa akin, Ms. Cruz," maawtoridad na utos niya sa akin.
"Ayaw, ko nga!" gagad ko.
"Kinakausap kita, kaya humarap ka sa akin," matigas na utos niya sa akin.
Kung haharap kasi ako sa kanya, magbubungguhan ang aming mga labi.
Tapos, ang lapit pa ng ano niya sa ano ko, sa may puwetan ko. Kaya, sinong may gustong humarap sa kanya? Kayo na lang na nagbabasa dahil tiyak na kikiligin kayo.
"Puwede bang sumide-view na lang ako, Sir," untag ko.
"Why? Nasa tagiliran mo ba ako para tumagilid ka sa akin, ha?" sarkastiko na aniya sa akin.
"Oo, kung tatagilid ka," pamimilosopa ko.
"Hindi ako nakikipagbiro sa 'yo, Ms. Cruz. Haharap ka o hahalikan kita," banta niya sa akin.
Hahalikan? Hahalikan ako ni Daniel kapag hindi ako humarap sa kanya?
Natakot ako kaya mabilis akong humarap sa kanya, subalit nanlaki ang mga mata ko dahil hindi nga ako nagkamali na magbabanggahan ang aming mga labi.
Ehhh!
Tinakpan ko ang labi ko, ngunit nginisihan ako nang nakaloloko ni Daniel.
Ano ba'ng trip niya?
Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin, kaya umatras ako.
"Ba-Baka, makita tayo ng girlfriend mo, Sir. Ayaw ko pa naman ng gulo," paalala ko sa kanya.
"So?" gagad niya. Dumako ang mga mata niya sa labi ko, dahilan upang kagatin ko iyon. "Don't bite your lips, Ms. Cruz," saad pa niya sa akin.
Amoy na amoy ko hininga ni Daniel at amoy niluto kong ulam iyon. Hindi ko na rin mailayo ang mukha ko dahil baka sasayad na ulo ko sa lababo. Mabuti sana kung ang leeg ko ay ganoon kahaba sa giraffe.
Subalit, lalong inilapit ni Daniel ang mukha sa akin kaya napapikit na lang ako dahil handa na akong magpahalik sa nguso ng Bisugo.
"Baka, matusok ako ng nguso mo, Sir," wala sa sariling saad ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Daniel, saka lumayo siya sa akin.
"Hindi naman kita hahalikan, Ms. Cruz dahil hindi talaga kita gustong halikan," gagad niya sa akin.
Tinalikuran niya na ako at naglakad siya papasok sa kanyang kuwarto.
Hays, nagwagi ang lola ninyo! Salamat naman at makapagko-concentrate ako sa pagluluto. Saka, gutom na rin ako kaya sinilip ko muna ang kuwarto ni Bisugo dahil baka bigla silang lumabas ni tutubing Alena, eh!
Umupo na ako at inumpisahan kong nilatakan ang pagkain doon.
"Sarap!" sambit ko pa. "Tapos, sasabihin ni Alena na panget luto ko. Inggit lang siya dahil hindi n'ya alam magluto!" sigaw ng isipan ko.
Binilisan ko nang kumain dahil baka lalabas ang mga iyon. Binalikan ko niluluto kong spaghetti at tamang-tama dahil luto na iyon, hanggang sa sauce.
Inilagay ko na iyon sa plato upang ibigay kay Alena. At talagang sa kuwarto ko pa talaga dadalhin.
Kumatok ako. "Luto na ho ang spaghetti ninyo, Ma'am Alena," saad ko. Narinig ko na may ungulang nangyayari kaya napalunok ako. Hindi naman siguro asong ulol ang naririnig ko. "Itong spaghetti n'yo po, luto na! Kung ayaw n'yong kainin, ako kakain nito!" sambit ko pa na itinulak ang pinto na siya ring pagbukas niyon dahilan upang tumama ang mukha ko sa mabalahibong dibdib ni Daniel.
Oh, my. . .
"Damn!" sigaw niya.
S**t! Iyong niluto kong spaghetti ni Alena ay naibuhos ko sa kanya.
"S-Sorry, Sir," hinging paumanhin ko. "Kasi naman, nandiyan kayo, eh!" paninisi ko pa.
"Natural dahil kumakatok ka! Malay ko ba na itutulak mo 'tong pinto! Kung bakit kasi, hindi ka makapaghintay!" sigaw n'ya sa akin.
"Ano na naman ba ginawa ng katulong na 'yan, Babe? At talaga namang istorbo!" saad ni Alena.
Sinilip ko siya at napanganga ako dahil wala s'yang saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa malaki niyang s*so.
Samantalang si Daniel ay nakaboxer-short lang! At putok ang hinaharap niya!
Yummylicious!
Iyon sana ang gusto kong banggitin pero mukha naman akong timang kapag nagkataon.
"Pulutin ko na lang at pupunasan, Sir," malungkot na sambit ko.
Kumuha ako ng basahan at pinunasan ko ang sahig. Bigla tuloy akong nahiya dahil nakita ko, kuko ni Daniel sa paa at malinis ang mga iyon.
Samantalang ako, namaalam na iyong isa kong kuko dahil lagi akong nakasapatos. Kaya, taon-taon ko na lang tinitirikan ng kandila.
"What are you waiting for! Dalian mo na dahil istorbo ka sa love-making namin ni Alena!" muling gagad niya sa akin.
"Hay, naku, Babe, kung bakit kasi sa dami ba naman ng katulong ay siya opa talaga ang kinuha mo. Marami namang iba r'yan, pero bakit siya pa?" reklamo ni Alena.
"Napag-usapan na natin 'to, Babe. At kailangan ni Ms. Cruz ng pera kaya nakiusap siya sa akin na gawin ko s'yang katulong dahil hindi siya qualified na maging sekretarya ko," paliwanag ni Daniel dahilan upang magpanting ang dalawang tainga ko.
Ano, raw? Ako? Nakiusap?
Binilisan ko nang nilinisan ang sahig upang makaalis na ako roon.
Bakit, pinalalabas ni Daniel na sinungaling ako?
Nakasasakit siya nang loob. Kung puwede lang ay ibuhos ko 'tong tirang spaghetti sa kanya para alam niya kung ano sinasabi niya.
Kainis!
Saka, siya naman ang may gusto na maging katulong n'ya ako, hindi ba? Nabasa n'yo naman sa chapter five, kaya nakakainis talaga!
"Gawin mo na lang din s'yang assistant ko para may kasama rin ako sa bahay ko, Babe, " suhestiyon ni Alena.
"Hindi na, Babe. Mahirap na dahil tingnan mo, simpleng trabaho lang ay hirap pa siya," komento ni Daniel.
"Hay, naku! Ano ngayon ang kakainin ko dahil nabuhos iyang spaghetti na ipinaluto ko, ha! palitan mo 'yan!" gagad ni Alena.
"Wala nang pasta, Ma'am Alena. Kung gusto n'yo ay igawahan ko na lang kayo ng sandwich," saad ko.
Tumayo na ako dahil tapos ko nang punasan ang sahig.
"Ayoko nang sandwich, okay! Lumabas ka na lang at huwag ka nang kumatok, ha! Palabasin mo na 'yan, Babe at isarado mo na pinto," utos niya kay Daniel.
Hindi ko na hinintay pa na palabasin ako ni Daniel dahil lumabas na ako.
Huminga ako nang malalim. Niligpit ko na mga hugasin sa kusina. Tiningnan ko pa orasan sa dingding at mag-a-alas nuwebe na.
Gusto kong maligo, subalit nasa kuwarto ni Daniel ang mga gamit ko. Pati, cellphone ko ay nasa ibabaw ng mesa.
Gusto ko sanang tawagan ang kapatid ko upang kamustahin si inay, kaso ayaw ko silang istorbohin.
Ang lakas ng ungol ni Alena. Kaya, tinakpan ko dalawang tainga ko at naglakad ako patungong sofa upang doon na lang matulog.
Hintayin ko na lang kung kailan sila matatapos.
Bumuntong-hininga muna ako, bago ako humiga. At kalaunay nakatulog na rin ako.
Hindi ko alam ang paglapit sa akin ni Daniel dahil masarap na tulog ko.
Ni hindi ko rin alam kung nakatitig siya sa akin.
Siyempre, tulog ako, eh!
Naramdaman ko lang na may yumuyugyog sa akin, kaya iminulat ko ang dalawang mata ko.
"Da-Daniel," sambit ko. Bumangon ako at siya nga ang nasa harapan ko. "Tapos na ba kayong nagkabayuhan ni Alena, este ano," saad ko na hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Ba't dito ka natulog?" matigas na tanong niya sa akin.
"Hindi ko kasi alam kung saan ang magiging kuwarto ko. Saka, nasa loob ng kuwarto mo iyong mga gamit ko, eh. Ayaw ko kayong istorbohin ni Alena kaya rito na lang ako natulog," paliwanag ko.
Umiling si Daniel.
Pumasok siya sa loob ng kuwarto, paglabas niya ay dala na niya ang mga gamit ko, kasama ang cellphone ko.
"May tumatawag sa 'yo, kanina pa, kaya talagang naistorbo ako," pahayag niya sa akin.
Kinuha ko ang cellphone, ko sa kanya dahil baka si Faye ang tumatawag, ngunit hindi pala dahil si Marcus Robredo ang tumatawag dahilan upang tumingin sa akin ng nakasusurang tingin si Daniel.
"He's bullsh*t!" sigaw niya sa akin. "Hanggang ngayon pa rin talaga ay may komunikasyon kayo ng lalaking 'yan, ha!" gagad pa niya dahilan upang mapanganga ako sa inasal n'ya.