Chapter 8: Malaking Bato

2095 Words
"Ano ba' ng pakialam mo kung tatawag sa akin si Marcus, ha?" gagad ko rin kay Daniel. "P*tang *na!" gigil na sambit niya dahilan upang mapalunok ako. Ngayon ko lang narinig si Daniel na ganito magmura kaya bigla tuloy akong natakot. "Magpapahinga na ako, Sir at para hindi ko na kayo maistorbo ng Alena mo," pahayag ko, subalit hinablot ni Daniel ang kanang braso ko. "Huwag mong ibahin ang usapan, Ms. Cruz! Bakit may komunikasyon pa rin kayo ng lalaking 'yan!" muling tanong niya. "Siyempre, dati ko s'yang boss, hindi ba? Kaya, natural lang na may komunikasyon kaming dalawa," depensa ko. "Dating boss? Iyon lang ba talaga ang dahilan o hindi niya makalimutan na ex-girlfriend ka niya?" gagad niya sa akin. Hindi na lang ako sumagot, bagkus ay inalis ko ang kamay n'ya na nasa braso ko, subalit lalong hinigpitan ni Daniel iyon. "Bitawan mo ko, Sir Daniel, dahil baka makita ni Alena na nakahawak ka sa akin, mag-alburuto pa puwet niyon!" saad ko. "Tulog na siya at wala akong pakialam kung makita man niya na nakahawak ako, sa braso mo," matigas na sambit niya sa akin. "Inuulit ko, Ms. Cruz, ayokong marinig o makita na nakikipag-usap ka sa kahit sino dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" banta pa n'ya sa akin. Magsasalita sana ako nang tumunog ang cellphone ko. "Si Marcus," bulong ko. "Bitawan mo kamay ko, Sir Daniel dahil baka importante ang sasabihin sa akin ni Bimbol Roko," pakiusap ko. Subalit hindi niya binitiwan ang kamay ko, kaya pinabayaan ko na lang na ganoon at sinagot ko na ang tawag ni Marcus sa akin. "Hello, Ex-boyfriend," sambit ko, dahilan upang pukulan ako nang masamang tingin ni Daniel. "Na-Napatawag ka?" "Gusto lang kitang kumustahin, Tina at gusto ko sana kitang imbitahan bukas," saad sa akin ni Marcus. "Bukas?" untag ko na tumingin ako sa gawi ni Daniel. Binitiwan niya kamay ko, saka siya nagsalita. "Dalian mo nang makipag-usap sa Poncio pilato na 'yan dahil mamasahehin mo pa ako," hindi ko inaasahang ani Daniel sa akin. Malakas pa naman ang boses niya, samantalang ang lapit-lapit ko sa kanya. "Mamasahehin?" bulalas ni Marcus sa kabilang linya. "Nasaan ka ba, Tina at may mamasahein kang lalaki?" untag niya sa kabilang linya. "Ma-May trabaho na kasi ako, eh," kandautal-utal na sagot ko. "Agad-agad?" hindi makapaniwalang saad niya sa akin. "At ano naman trabaho mo? Massage therapy?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Marcus. "Ano ba, Ms. Cruz! Make it fast dahil sumasakit na puwetan ko! At i-massage mo na!" muling tawag ni Daniel sa akin. Walang hiyang Daniel! Ang dami n'yang sasabihin na ima-massage ko, ang puwet pa niya talaga! Nagpatatawa ba siya? "Abnormal ba iyang nagpapamassage sa 'yo, Tina? Ba't puwet n'ya ipama-massage niya, ha? Amo mo ba ' yan o customer mo?" muling tanong ni Marcus. "Amo ko. Sige na, Marcus, tawagan na lang kita kung makapupunta ako bukas, ha? Medyo istrikto kasi amo kong ito at baka kung ano na ipasunod niyang ipa-massage," saad ko na lang upang tumigil na si Daniel. "Sige, hintayin ko tawag mo bukas, ha? Bye, Tina," paalam niya at binabahan na niya ako nang tawag. Bumuntong-hininga ako, saka ko inilagay ang cellphone sa aking bulsa. "Anong sinabi nang Bimbol Roko na 'yon sa 'yo? Kung hindi ako nagkakamali, Kalbo pa rin 'yon," komento niya kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako. "Boss lang kita, Sir kaya labas ka na sa pribadong buhay ko. Saka, hindi mo sana sinabi na ima-massage kita dahil baka isipin niya ay malandi akong babae dahil hindi ko 'yon ginawa sa kanya noong kami pa," pahayag ko dahil sa inis ko sa kanya. Mabuti sana kung likod ang sinabi niya, kaso' y hindi, eh! "Hindi mo nagawa kay Bimbol Roko ang bagay na 'yon, pero ikaw naman mismo ang nakipaghalikan sa kanya noon!" saad niya sa akin. Tinalikuran na niya ako. Subalit may pahabol pa siya. "R' yan ang kuwarto mo," turo n'ya sa katabing kuwarto niya. "At gusto ko, kapag tinawag kita, lumapit ka kaagad," matigas na sambit niya at tuluyan nang pumasok sa loob ng kuwarto niya. Napailing na lang ako. Kinuha ko na mga gamit ko at dinala na mga 'yon sa kuwartong itinuro sa akin ni Daniel. Ang ganda talaga nang kuwarto na ito dahil hindi pang-katulong. Actually, gaya nang sinabi ko ay magaganda ang mga kuwarto. Nagbihis na ako ng pangtulog. Humiga na ako. At napaisip na tama ba desisyon kong tanggapin na maging isang katulong ng isang Daniel Montero? Kung may mahanap lang akong trabaho ay aalis na ako. Pero, paano ang binale kong pera sa kanya? Bahala na. Ipinikit ko na mga mata ko, subalit hindi ako makatulog dahil sa naririnig ko na namang ungol sa kabilang kuwarto. Kung bakit maraming kuwarto na puwede kong pagtulugan ay rito pa sa tabi nang kuwarto ni Bisugo! Tinakpan ko ang tainga ko gamit ng unang ngunit lalo naman yatang lumalakas ang ungol at halinghing ni Alena. Pero, bakit parang nag-iba ang boses niya? Samantalang pulos fvck at more ang naririnig ko kay bisugo. Kasagwa nila! May birhen silang kasama rito, oh! Out of place ang peg ko! At hindi ko alam kung normal na ungol ang ginagawa ni Alena o sinasadya niyang lakasan ang boses niya para marinig ko lang! Take note, hindi ako naiinggit! Baka, iyong mga single r'yan ang inggit! Dahil darating din naman ako r'yan kahit pawala na edad ko sa kalendaryo. Magsa-sounds na lang ako gamit ng aking cellphone, mabuti pa kaysa sa makarinig ng ungulan portion. At pinatugtog ko ang paborito kong awitin na close to you ni whigfield. Nilakasan ko 'yon para hindi ko na sila marinig na dalawa. Papikit-pikit na ang mga mata ko nang malakas na katok ang gumulat sa akin. "Istorbo talaga!" sigaw ng isipan ko. Bumangon ako at tinungo ang pinto upang buksan iyon. "Sino'ng may sabi sa ' yo na magpatugtog ka nang gan'yang kalakas, ha?" gagad sa akin ni Daniel. "At sino ring may sabi na umungol kayo ni Alena nang sobra pa sa lakas ng utot ko, ha?" gagad ko rin sa kanya. Nakakaistorbo pala ang pagpatutugtog ko, samantalang ang ungol nila ay hindi! "Damn! This is my house! And I will do what I want! And you? You're just a maid, so turn off your cell phone because I can't concentrate on my push ups!" sawata niya sa akin. "Ang panget ng tugtog!" saad pa niya at tinalikuran niya na ako. "Panget? Ano naman tawag sa ungulan n'yo? Maganda?" bulong ko sa aking sarili. Isinarado ko na ang pinto. In-off ko na rin ang cellphone ko at pinilit ko nang matulog. MADALING araw pa lang ay gumising na ako upang magluto ng almusal ni Daniel. Napansin ko na nakabukas ang pinto nang kuwarto niya, at wala sa sariling napasilip ako roon. Tanging lampshade lang ang ilaw kaya kitang-kita ko pa rin ang nagkalat na p*nty at brief doon. 'Lang' ya! Nakita ko rin si Bisugo na hubad kaya inalis ko na lang tingin ko sa kanya. Pero, napansin ko na wala siyang katabi. Nasaan si Alena? Baka, lumipad na dahil nga tutubi! Saka, pakialam ko ba kung nasaan siya. Naglakad na ako patungong kusina para umpisahan ko nang magluto. Pagkalipas ng isang oras ay natapos na ako sa aking ginagawa na siya namang paggising ng amo ko. Nakasuot lang ito ng boxer shorts dahilan upang tumalikod ako sa kanya. Hindi ba nahihiya ang Bisugo na ito sa akin? Halatang-halata pa naman ang namumukol n'yang hinaharap na tila malaking bato ang nandoon. S**t! Pati abs niya na may mga buhok-buhok ay ang sarap tingnan! "Naku! Nagkasasala na yata ang utak ko sa mga pinagsasabi ko. Jusko, patawarin n'yo ho, ako!" bulong ko. "Good morning," walang gana n'yang bati sa akin. "G-Good morning, Sir," tugon ko. Tila may bumara sa lala muna ko. "Ehem!" tikhim ko pa. "Sino ba kausap mo r'yan at nakatalikod ka sa akin?" untag niya. "Wa-Walang. Ano, kasi— iyong tanawin, tinitingnan ko," kinakabahan na saad ko. "Tanawin? Madilim pa, kaya papaanong tinitingnan mo ang tanawin?" untag niya. "Nakikita ko talaga, Sir. Sa katunayan nga, may malaking dalawang bato ang nakaharang sa ulo ng sundalo," pahayag ko na impit akong tumawa. Naiimahinasyon ko kasi na—paano nga kung naipit ang ulo ng sundalo sa dalawang malaking bato? Ano'ng mangyayari? Siyempre, mamamatay na, tapos tutubuhan ng makakapal na damo. Hindi ko tuloy maiwasang hindi tumawa nang malakas sa aking imahinasyon. "Are you crazy, Ms. Cruz? Tumatawa kang mag-isa na wala namang dahilan. Saka, may nakikita kang ulo ng sundalo?" muling untag niya sa akin. Tumayo siya at tiningnan ang bintana. "Saan ang sundalong sinasabi mo? Madilim pa, kaya niloloko mo lang sarili mo. Samahan mo na lang akong kumain, buti pa, dahil baka gutom lang 'yan," sambit niya sa akin na bumalik na sa upuhan niya. "Ba-Baka nga!" sagot ko. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. "Uhm, Sir, si Ma'am tutubi ho, este si Alena. Ba't hindi mo na ginising?" "Umalis na siya. Kumain ka na lang baka magbago pa isip ko na pasabayin kita sa akin," matigas na wika niya. "Ano ba 'tong niluto mo?" tanong niya. "Ito ba? Uhm, nilagang itlog mo, saka tostadong hotdog mo," sagot ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako. " Ano'ng itlog ko at hotdog ko?" pinagloloko-loko mo ba ako, ha?" gagad niya sa akin. "Hindi, Sir," sagot ko. "Iyan ang nakalagay sa lalagyan, eh! Itlog ni Daniel at hotdog ni Daniel," depensa ko. Tumayo ako upang kuhanin ang mga lalagyan para maniwala ang bisugo na ito. "Damn! Loko-loko talagang Gardo 'yon!" asik niya. "Mayro'n pa ho ritong Daniel de-tuyo at Daniel de-suka at balot ni Daniel," tumatawang pahayag ko upang malaman niya na totoo ang mga pinagsasabi ko. Pinukulan niya ako nang masamang tingin dahil sa aking pagtawa. Muli siyang tumayo. Pumasok siya sa loob ng kuwarto niya at paglabas ay may kausap na siya. "Ano ba 'tong mga pinaglalagay mo sa pagkain? Kalokohan ang alam mo," inis na saad niya sa kausap. At binaba na niya ang tawag. Bumalik siya upuhan at kumain na nang almusal. "Kumain ka na at pagtiyagaan mo hotdog ko—este ang hotdog, kung ba't kasi may gan'yan pang pangalan," wika pa niya dahilan upang pigilan kong matawa. Bumalik na rin ako sa aking upuhan at kaharap ko si Daniel. Ngunit napansin ko na hindi pa siya kumukuha ng almusal niya. "Hindi mo ba ako ikukuhanan ng pagkain?" untag niya sa akin. "So-Sorry, Sir," sambit ko. Tumayo na naman ako upang pagsilbihan siya. At habang nilalagyan ko siya ng kanin sa plato ay nakatingin siya sa akin. "Wala sa mukha ko ang pagkain mo, Sir," wika ko sa kanya. "I know. Gusto lang kitang tingnan," sarkastiko na saad niya. Naasiwa tuloy ako sa klase nang pagtingin niya sa akin. "Anong gusto mong ulam?" tanong ko. "Ikaw," mabilis na sambit niya dahilan upang pamulahan ako ng mukha. "Ulam ka na pala ngayon, Tinang?" bulong ng isipan ko. "Ako? Hindi naman ako isda, mukhang tuyo, puwede pa," ngumisi na tugon ko sa kanya. "Buti at alam mo! Tuyong maalat, iyong walang bibili o kaya'y mauumay kung may bibili man," saad niya na sabay tawa nang malakas. Ano kayang nakatatawa ro'n? Tumawa rin kayo mga readers para may kasama si bisugo! "Ganoon ba? Maalat ako? Eh, ikaw? Walang kakain sa 'yo dahil bisugo ka! Nakatutusok iyang nguso mo at nakasusugat pa!" sawata ko sa kanya dahilan upang tingnan niya ako nang nakamamatay na tingin kaya mabilis akong lumayo sa kanya. "What did you say?" gagad niya sa akin. Tumayo siya. Kinabahan ako kaya tumakbo ako, subalit nahawakan niya ang kamay ko at hinala iyon, saka niya ako pinasandal sa pinto. Para, maiba rin ay sa pinto dahil nakasasawa na sa dingding! Etchos lang! "Da-Da-Daniel," nauutal na sambit ko. "Daniel ka nang Daniel," inis niyang sambit. "Anong gusto mo? Bi-Bi-Bisugo-Bisugo," natatawang saad ko, pero ang totoo ay todo ang kaba ko. "Tssk!" asik niya. Tinitigan niya ako, pababa sa aking labi dahilan upang mapalunok ako nang ilang beses. "Do you want to try my lips?" bulong niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita, bagkus ay titig na titig ako sa kanya. Lalo pa lang gum'wapo ang Daniel na 'to. Kaya pala, baliw na baliw si Alena sa kanya dahil sa hitsura niya. "Ba't ka na naman nakatitig sa akin, ha?" untag niya na inilapit niya ang kanyang labi sa akin. Umiwas ako, subalit hinaplos niya ang aking mukha. "I will punish you with my lips and let's see if you can still call me a goatfish," seryosong saad niya, sabay halik sa aking labi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD