Gusto ko sanang sagutin si Daniel, pero baka sigawan niya ako. Umupo siya sa kinauupuhan niya kanina, kaya bumalik na rin ako sa aking swivel chair.
Akala ko ay tuturuhan niya ako, pero mukha talagang nainis siya sa akin.
"Mukha? Eh, talagang nainis na sa 'yo si Bisugo," bulong ng isip ko.
Huminga ako nang malalim. Bahala na nga! Pero, magreresign na rin ako mamaya o bukas dahil ayaw ko talaga siyang maging amo.
Guwapo nga! Kaso, ang suplado naman! At nadagdagan pa lalo ang pagkasuplado niya sa akin.
In-scroll ko na lang ang mouse. Bahala nang masira ito at palitan na lang ni Bisugo ng daga! Iyong kagatin sana kamay niya. Kainis kasi!
Ganoon lang ang ginawa ko, hanggang sumapit ang tanghali. At tanghalihan na, pero hindi pa rin tumatayo si bisugo.
Nagugutom na mga alaga ko pero ang alaga ni Bisugo ay hindi pa! Ano kaya'ng alaga nagugutom sa kanya? Baka, t—t niya? Dahil nabusog kay Alena.
Hays, speaking of Alena ay pararating na siya at patalbog-talbog ang hinaharap niya dahilan upang manliit ako sa aking s*so.
Diretso siyang pumasok sa loob na wala man lang knock-knock. Sinulyapan niya ako, sabay irap sa akin.
"Aba't! Ang dilis! 'Kala mo naman ay sexy! Samantalang, nadadala lang siya ng kanyang ootd!" bulong ko na naman sa aking sarili.
"Babe!" tawag niya kay Daniel dahil nakatalikod si Bisugo sa pinto.
Lihim ko silang pinagmasdan. At nakita ko ang pagkairita ni Daniel nang humarap siya kay Alena.
Dapat nga ay masaya siya, hindi ba? Pero, ba't mukha talagang Bisugo ang pagmumukha niya? Lihim tuloy akong natawa sa aking sinabi.
"Why are you here? I just told you earlier that we will meet later, right?" ani Daniel.
Kitang-kita ko tuloy kung paano nalukot ang mukha ni Alena. Kumandong siya sa hita ni Daniel, dahilan upang iiwas ko ang ang tingin ko sa kanila. Subalit nakita ni Daniel ang ginawa kong iyon.
"But, Babe. . . Na-miss kita agad kaya narito ako. Saka, gusto ko na sabay tayong maglunch," maarte na wika niya.
Bumuntong-hininga si Daniel. At nagsalita siya, pero sa akin naman siya nakatingin.
"Okay. Then, let's go," sambit niya na inalalayang itinayo si Alena. "Maglunch ka na rin, Ms. Cruz," baling niya sa akin at sabay na silang lumabas ni Alena.
Nilingon pa ako ni Daniel, pero wala sa sariling nginitihan ko siya.
Nang mawala na sila sa aking paningin ay huminga ako nang malalim. At naalala kong tawagan si Luna na agad naman niyang sinagot.
"Hello, 'Insan," sambit ko.
"Kumusta ang unang araw sa trabaho," masayang bungad sa akin ni Luna.
"Pinsan naman! Ba't hindi mo sinabi sa akin na si Daniel pala ang boss ko sa kumpanyang ito?" paninisi ko kay Luna, na dapat ay magpasalamat ako sa kanya.
"Pasensya ka na, Pinsan, ha. Baka, 'Pag sinabi ko, sa 'yo ay aayaw ka rin. Ayaw mo naman kasi sa kumpanya ni Itlog," paliwanag niya.
"Hays! Ayaw ko talaga dahil baka pagtsismisan ako ng mga empleyado roon. Saka, na lang kapag ikaw na ceo dahil ako assistant mo," saad ko. "Pero, gusto ko nang magsorry ngayon pa lang, Pinsan dahil nakapagdesisyon na ako na magreresign na ako," pahayag ko pa sa kanya.
"Pero, kailangan mo nang pera, hindi ba?" nag-aalala na wika niya sa akin.
"Oo. Pero, ang suplado niya kasi, eh! Alam mo naman na ayaw ko nang ganoong ugali dahil baka masapak ko pa siya. At saka, marami pa naman sigurong akong mahahanap na trabaho. Saka, Girlfriend niya ang malanding si Alena, ʼInsan! Pero, wala akong paki! Sige na, Pinsan. Bye na at nagugutom na ako," saad ko na agad kong ibinaba ang aking cellphone dahil alam kong magtatanong na naman 'yon at ipagpipilitan na sa kumpanya ni Hermes na lang ako magtrabaho.
Hindi naman sa ma-pride ako, dahil nagbago na ako ng brand ngayon. Mr. Clean na raw gamitin ko, sabi ni Luna noon. Pero, ayaw ko dahil naaalala ko si Marcus Robredo, A. K. A, Bimbol Roko! At isa pa ay wala nang Mr. Clean.
Inilagay ko na ang cellphone ko sa aking bulsa. Para madali ko na lang itong kuhanin sakaling may tumawag Gutom na rin ako, kaya inayos ko na ang gamit ko.
Pero, bago ako magtatanghalian ay dadaan muna ako sa comfort room upang magjingle bells.
Tumayo na ako at isinukbit ko na ang aking bag sa balikat ko. Naglakad na ako palabas ng opisina nang makita kong palapit sa akin si Mr. Macasalla Nan—este, Mr. Nan Macasalla.
"Hello, Ms. Cruz. May kasama ka bang magtatanghalian?" tanong niya sa akin.
"Uhm, wala naman, Nan. Bakit?" tanong ko.
"Yayahin sana kitang kumain, lalo na at wala ka pa namang kakilala rito," saad niya sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung papayag ba ako o ano. Pero, tama naman siya dahil wala pa talaga akong kakilala sa kumpanya ng ito.
"Sige. Pero, mag-CR muna ako," paalam ko.
"Okay. Hintayin na lang kita rito," sagot niya sa akin.
Ngumiti lang ako. Saka ko na tinungo ang comfort room.
Pagkatapos kong umihi ay sinuri ko muna ang mukha ko sa salamin. Oily face na pala ang mukha ko at puwede ng pagprituhan ng tilapia.
Napagdesisyunan ko na bago ako magresign sa kumpanya ng Bisugo na 'yon ay magpagaganda muna ako. Para atleast ay maganda akong aalis sa kumpanya niya.
Naglagay ako ng kaunting face foundation sa mukha ko at nagpahid na rin ako ng lipstick. Pero, parang hindi ko bet ang lipstick ko dahil light lang ito.
Kaya, minabuti ko na lang na palitan 'to ng maroon matte lipstick upang tumingkad ang simple ng kagandahan ko. At para lalo akong gumanda ay itinodo ko na ang paglagay ng kolorete sa aking mukha.
Naisip ko tuloy na kung kailan ako magtatanghalian ay saka ako mag-aayos ng todo. Eh, mabubura din naman ang lipstick ko. Minsan, delay talaga ako kung mag-isip.
Pero, okay lang. Kaya, nag-eye liner na ako. Naglagay ng mascara at manipis na make-up sa aking chickbone.
Nang makuntento na ako sa aking pag-aayos ay nagsuklay ako't lumabas na ng comfort room. At nakita ko kung paano ako titigan ni Nan.
"Tapos ka na?" tanong ni niya sa akin nang makabawi siya.
"Oo, Nan. Pasensya ka na dahil pinaghintay kita, ha," saad ko.,
"Okay lang, Ms. Cruz. Gan'yan talaga mga babae. And I want to say that you look beautiful," puri niya sa akin.
"Salamat, Nan. Napansin ko kasi na—ako lang hindi masyadong nakaayos dito kaya napagtanto kong mag-ayos para hindi naman nakahihiya sa 'yo," suhestiyon ko para hindi na siya mag-usisa pa. "Tara na," yaya ko na sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin. At naglakad na kami papuntang elevator.
Hinawakan pa niya ako sa siko, pero okay lang naman 'yon sa akin. Saka niya pinindot ang 1st floor.
"Uhm, Ms. Cruz, may nakapagsabi na ba sa 'yo na maganda ka?" tanong niya sa akin.
Mukha siyang seryosong nagtatanong sa akin. Sinulyapan ko siya.
"Oo, Nan. Ang nanay at tatay ko. Sila ang nakapagsabi sa akin na maganda ako kahit panget akong lumabas," pahayag ko dahilan upang mapailing siya.
"Mapagbiro ka talaga, Ms. Cruz. Anyways, ang ganda mo talaga ngayong tanghali," muling puri niya sa akin.
Kulang na lang talaga ay bigyan ko siya ng sampung piso. Pero, kanina naman ay hindi niya ako pinuri.
"Ngayong tanghali lang ba? Kaninang umaga? Panget ba ako?" tanong ko tuloy sa kanya dahilan upang tumawa siya nang mahina.
"Hindi naman. Hindi ka lang nakaayos kanina, unlike ngayon na kitang-kita ang kagandahan mo," komento niya.
Nahihiya na tuloy ako sa pagpuri niya sa akin.
"Salamat," sambit ko na lang.
Nang bumukas ang elevator ay muli akong inalalayan ni Nan.
"Diyan na lang tayo kumain sa restaurant, Ms. Cruz at treat ko," nakangiti na wika niya sa akin.
"Ha-Ha? Na-Nakahihiya naman kung ililibre mo 'ko. Saka, sa canteen na lang tayo," suhestiyon ko.
"I insist, Ms. Cruz. Treat ko at d'yan na lang tayo sa restaurant magtanghilahan dahil kasusuweldo ko lang naman no' ng isang araw," saad niya.
Hindi na ako umayaw pa! Saka, mag-iinarte pa ba ako. Eh, malilibre na ako ngayong araw. Tamang-tama talaga dahil makatitipid na rin ako. At isa pa, tiyak na masarap ang pagkain doon.
"O, tayo na! Baka, magbago pa ang isip ko," wika ko at nauna na akong naglakad sa kanya.
Mabilis na nakalapit sa akin si Nan. At sabay kaming naglakad papuntang restaurant.
At kahit sa pagpasok sa restaurant ay inalalayan pa rin niya ako dahilan upang pagtinginan kami ng mga ibang kumakain doon.
"Okay na ba reservation ko for two?" tanong ni Nan sa lalaking waiter.
"Opo, Sir. This way po," sambit ng waiter sa amin na iginiya kami sa mesang ni-reserve ni Nan.
"Wow, ha! Nagpareserve na talaga ang Mr. Macasalla Nan na ito," bulong ko.
Subalit lihim akong nagulat dahil naroon din pala sina Bisugo at Alena. Take note dahil katabi namin sila ng mesa. At napansin ko na sinulyapan ako ni Bisugo.
"Ihanda ko na ang mga pagkaing ni-reserve ninyo kanina, Sir," saad ng lalaking waiter.
"Okay. Thank you," sagot ni Nan. Umalis na ang waiter sa aming harapan. At pinaghila na ako ni Nan ng upuhan. "Upo na tayo, Ms. Cruz," aniya sa akin.
Umupo na ako. "S-Salamat, Nan."
"Walang anuman, beautiful young lady," nakangiting sagot niya dahilan upang tumingin sa akin si Daniel.
"Gosh! Kakikilala lang, pero close na sila agad!" narinig ko na sabi ni Alena.
"Buti nga, hindi open, eh!" pamimilosopa ko sa mahinang boses.
"Huwag mo na siyang patulan, Ms. Cruz dahil gan'yan talaga ugali niyan," pahayag ni Nan sa akin.
"Bakit, kilala mo ba siya?" untag ko sa kanya.
"Yeah. She's my schoolmate," pahayag niya.
"Ahh. . . So, kung gayon ay kilala mo na siya talaga," tumango-tango na sambit ko.
"Hindi naman masyado. Kasi, schoolmate lang naman, eh! Pero, si Daniel ang kilala ko, kasi kaklase ko siya noong hayskul," muling pahayag niya.
Tumango lang ako. Tamang-tama dahil palapit na ang lalaking waiter sa amin dala ang tray ng pagkain. Parang ang daming pina-reserve ni Nan. Bigla tuloy akong natakam nang maamoy ko ang mabangong amoy ng pagkain.
Nilapag ng lalaking waiter ang tray, kasabay ng pagdating ng isa pang waiter dala ang inumin at baso.
Nagpasalamat kami ni Nan sa kanila, ngunit bago umalis ang dalawang waiter ay naglagay ng tip si Nan sa kani-kanilang bulsa. Nagpasalamat sila, saka na sila nagpaalam.
Inalis ni Nan ang takip ng mga pagkain at halatang ang sasarap niyon.
"Ang dami mo yatang in-order, Mr. Macasalla," sita ni Daniel. "Bubusugin mo yata si Ms. Cruz diyan? Naku, baka magalit ang boyfriend niyang mala-mojacko ang dating," komento pa niya.
"Aba't! Sumusobra na ang bisugo na 'to, ha! Kanina, bangkulaw ang sinabi niya na asawa ko. Ngayon naman ay mala-mojacko ang boyfriend ko!" sigaw ng utak ko.
"I don't care if her boyfriend will get mad at me. Ang importante ay mabubusog ko siya. Pero, ang pagkakaalam ko ay single si Ms. Cruz. Kaya, anytime ay puwede s'yang makipagdate sa kahit sino. Lalo na sa akin dahil single naman ako," masayang komento ni Nan kay Daniel kaya naumid tuloy ang dila ko.
"That's what you know, Mr. Macasalla. But the truth is that she is already taken so she can't date anyone," maawtoridad na saad ni Daniel.
"Why? Do you know Ms. Cruz for you to say such a thing?" seryoso na tanong ni Nan kay Daniel dahilan upang mapalunok ako.
Hindi sumagot si Daniel. Samakatuwid ay tumayo na lang siya. At kitang-kita ko na naman ang paggalaw ng kanyang adam's apple.
"Let's talk later, Ms. Cruz," matigas na baling niya sa akin.
Naglakad na si Daniel palabas ng restaurant nang hindi man lang tinawag si Alena.
Nakalimutan niya yata na may kasama siya. Pero, ano na naman ba pag-uusapan namin mamaya? Hays! Magreresign na talaga ako at final na 'yon!
"Panira kayo ng araw!" asik ni Alena sa amin.
Tumayo na rin siya at hinabol niya si Daniel.
"Huwag mo na silang pansinin, Ms. Cruz. At saka pala, masanay ka na dahil ganoon talaga ang ugali ni Daniel," paalala ni Nan sa akin.
Gusto ko sanang sabihin na—Oo. Dahil matagal ko na siyang kilala. Pero, lalo pa yatang lumala ngayon ang ugali niya.
Kaso, 'wag na lang dahil baka magtanong pa si Nan sa akin.
"Uhm, Oo. Saka, boss natin siya kaya deadma na lang ako," saad ko. "Puwede na ba tayong kumain kasi gutom na ako," wika ko pa sa kanya.
"Yeah. Lunch na tayo," nakangiti na aniya.
Ngunit sa halip na ako ang maglalagay ng food sa plato ko ay si Nan ang naglagay ng pagkain. Kaya, hinayaan ko na lang siya.
"Salamat," sambit ko na lang.
"Walang anuman," tugon niya sa akin.
Pagkatapos niyang lagyan ng pagkain ang plato ko ay sumunod naman na nilagyan ang plato niya at sabay na kaming kumain na dalawa.
Ang sarap ng mga pagkain na in-order ni Nan kaya naparami ako nang kinain. Kung puwede nga lang na humirit na magtake out ako ay sasabihin ko. Kaso, nakahihiya naman. Ako na nga itong ni-libre niya ay sasamantalahin ko naman.
Nagburp pa ako dahil talagang nabusog ako.
"Excuse me," sabi ko tuloy. "Salamat ulit sa pagkain, Nan dahil ang sasarap ng mga ito," pagpasasalamat ko.
"Mabuti naman at nagustuhan mo," saad niya sa akin.
Nagpahinga kami ng ilang minuto roon sa restaurant saka na kami umalis upang pumasok na sa kumpanya.
May natitira pa kaming twenty-minutes ni Nan. Pero, pinagkasunduhan namin na sa opisina na kami magpahinga dahil marami pa raw siyang gagawin.
Inihatid pa ako ni Nan sa opisina namin ni Daniel. Pero, hindi pa ako pumasok sa loob. Natawa pa ako dahil baka mawala raw ako kung hindi niya ako ihahatid.
Ginawa naman niya akong bata. Muli akong nagpasalamat sa kanya dahil sa pagiging mabait niya sa akin. Siguro ay heto na ang huli naming pagkikita ni Nan.
Pero, ang tanong? Handa na nga ba akong magresign?
Nagpaalam na si Nan sa akin kaya tinungo ko muna ang powder room upang magtoothbrush. Dahil baka, may naiwang anino ng manok at karne sa ngipin ko ay mahahalata ng mga taong makahaharap ko, kung ano'ng kinain ko ng tanghalian. At saka, mag-aayos na rin ako ng aking sarili.
Nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako. Pumasok na ako sa loob ng opisina ni Daniel Bisugo.
Buti naman at wala pa siya dahil mag-uusap daw kami. Ang daming arte ng Bisugo na 'yon! Pero, narito naman ang bag niya.
Umupo na ako sa swivel chair. Kinausap ko ang mouse na makisama sa akin kahit ngayong araw lang.
"Hoy, elektronik mouse daga! Baka, naman gusto mo 'kong tulungan, ha. Turo nang turo iyong arrow, pero ang likot-likot naman! Kuh, kung puwede lang kitang itali, ginawa ko na!" sermon ko.
"Do you think that mouse will talk, huh? Walang buhay 'yan!" gagad ng lalaki sa aking likuran dahilan upang magulat ako.