Chapter 3: Inis

1536 Words
"What are you doing, huh!" sigaw ni Daniel na kinuwelyuhan si Nan. Bigla tuloy akong kinabahan sa inakto niya. "Is that your job, huh! To hold the employee's hand!" sigaw pa niya kay Nan. "Bitawan mo siya, Bisugo!" sambit ko. Subalit pinukulan niya ako nang nakapapasong tingin dahilan upang itikom ko ang aking bibig. Kung puwede lang kainin ng sariwa ang bisugo na 'to ay ginawa ko na! Kaso ay baka ako pa kainin niya dahil pakiramdam ko ay malulusaw ako sa klase nang pagtingin niya sa akin. "And what's your problem, huh?" gagad ni Nan. "Saka, ano ngayon kung hahawakan ko ang kamay ni Ms. Cruz? Natural lang na hahawakan ko kamay niya dahil tinuturuhan ko siya." "Tssk!" asik ni Daniel. "Get out, Mr. Macasalla," wika pa niya na binitiwan ang kuwelyo ni Nan. "Okay. You're the boss so I will follow you," saad ni Nan. "Ms. Cruz," baling niya sa akin. "Saka na lang kita i-train kapag malamig na ulo ng ating boss," pahayag pa niya sa akin. "S-Sige, Nan. P-Pasensya ka na, ha?" hinging paumanhin ko sa kanya. Tumayo na siya. At lumabas na nang opisina. "Why does that man need to hold your hand, huh!" matigas na wika ni Daniel sa akin. "N-Natural. Ka-Kasi ay tinuturuhan n'ya ako, kaya kailangan na hawakan niya kamay ko. Alangan naman na paa ko ang hawakan niya," depensa ko sa kanya. Mahigpit akong hinawakan ni Daniel sa braso dahilan upang mapangiwi ako, kasabay ng paglapit niya ng kanyang mukha sa akin. "I want to remind you again, and again that I am your boss! So, listen to me dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo!" banta niya sa akin. Kaunti na lang ay mahalikan niya na ako. At kitang-kita ko na naman kung paano gumalaw ang adam' s apple niya. Sabayan pa na amoy na amoy ko ang kanyang amoy perfume na hininga. Ginawa pa yatang mouthwash ang kanyang perfume. Napalunok tuloy ako. At para hindi ako mapaghahalatang kinakabahan ay pinagtaasan ko siya ng dalawang kilay ko. Pero, naalala ko na boss ko nga pala siya. Bumaba ang tingin ni Bisugo sa aking labi kaya hindi ako magkandaugaga sa paglunok. Ngunit ngumisi siya nang nakaloloko sa akin. Inilayo niya ang kanyang mukha sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. Sa ngayon ay palalampasin ko ang ugali ni Bisugo. Baka, kasi kapag ma-highblood ito ay maging karpa ang hitsura niya ay baka maisigang ko pa siya. Huminga ako nang malalim. Akala ko ay aalis na sa harapan ko si Daniel pero umupo siya sa aking tabi at walang pakundangang hinawakan ang kamay ko. "Ka-Kamay ko, Sir," saad ko na binawi ang kamay ko sa kamay niya. "Hindi ba at ganito ang gusto mo?" matigas na aniya sa akin at muling hinawakan ang kamay ko. Ano, raw? Gusto ko, eh, wala naman akong sinabi na gusto kong hawakan niya kamay ko. Loko siya, ah! "Wala naman ak—" "Shut up!" sigaw niya. "I'll just hold your hand to teach you, okay!" gagad pa niya sa akin. Nanahimik na lang ako. Kanina lang ay ayaw niyang ipahawak ang kamay ko kay Mr. Nan Macasalla. Pero, siya naman ngayon ay todo hawak sa kamay ko. Ngunit naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya sa ibabaw ng aking kamay dahilan upang mapangiti ako ng lihim. Pero, nagsalita ako dahil baka biglang bumalik si Alena. "U-Uhm, Sir. Baka, bumalik si Alena at makita niya na hawak mo kamay ko," paalala ko sa kanya. "So? Hawak lang naman at walang malisya ang paghawak ko, sa 'yo," sagot niya sa akin. "Ganito ang tamang paggamit ng mouse o pag-scroll," turo niya sa akin. Puwede naman kasi na siya muna ang humawak sa mouse para turuan ako. Hindi iyong nakaibabaw ang kamay niya sa kamay ko. Nakikiliti kasi ako sa magaspang na kamay niya. Over sa trabaho ang bisugo na ito. Ngunit hindi pa kami nakaka-wamport ay may kumatok na dalawang lalaki na naka-business attire sa glass door kaya inalis ni Daniel ang nakahawak niyang kamay sa kamay ko. Tumayo siya upang buksan ang glass door. "Good morning, Mr. Montero. Nice to see you again here in the Philippines. And welcome back," masayang bati ng isang kalbong lalaki kay Daniel. At ng lalaking mahaba ang buhok. Nauso na yata ang pagpakakalbo ngayon dahil mainit ang panahon. Ano kaya, kung magpakalbo na rin ako? Pero, sa ibaba ha? Chaar! Hindi naman siguro nawawalang pinsan ni Bimbol Roko at pamangkin ni Don Miguel ang kalbong lalaki dahil kumikintab-kintab ang ulo niya, eh! At ang lalaking isa naman ay nagparebond pa yata at dinaig pa ako. Pero, kapag ako nagkapera, iparerebond ko talaga ang buhok ko. Sa ibaba nga lang para hindi magaspang hawakan. "Same to you, Mr. Frublee Madow and Mr. Tanco Macalimot. Come in and sit down," saad ni Daniel sa dalawang lalaking dumating dahilan upang matawa ako sa kani-kanilang apelyido. Ngunit tumigil ako sa pagtawa nang sinita ako ni Daniel Bisugo. "What's funny, Ms. Cruz?" "A-A-Ah. . . Wala ho, Sir Montero," sambit ko. "Back to your work," matigas na utos niya sa akin. Work daw? Eh, hindi ko pa naman alam gamitin ang laptop. Saka, ba't hindi na lang niya ako palabasin kaysa sa makinig ako sa usapan nila. "Who is she?" rinig ko na tanong ni Mr. Macalimot. "Maybe she is the girlfriend of Mr. Montero," mahinang saad naman ni Mr. Frublee Madow kay Mr. Macalimot. Ngunit dinig na dinig ko ang sinasabi nila. "She's not my girlfriend, Guys. She is my new secretary," pahayag naman ni Daniel na sumulyap sa akin. Parang ayaw kong makinig sa usapan nila. At saka, hindi ba alam ng dalawang lalaki na si Alena ang girlfriend ni Bisugo? "Oh?" hindi makapaniwalang wika ng dalawang lalaki. "Yeah," tipid na sagot ni Daniel. "So, can we meet her?" untag ni Mr. Macalimot kay Daniel sabay haplos ng buhok niya. "Nope. Hindi puwede dahil may asawa na 'yan," gagad ni Daniel dahilan upang magsalubong ang dalawang kilay ko. "At ang asawa niyan ay kumakain ng buhay na tao," dagdag pa ni Bisugo. Lumaki ang butas ng dalawang ilong ko sa narinig kong 'yon. Saka, mukha ba akong may asawa? Duh! Kahit bente nuwebe na ako ay looking katorse pa lang ako! "I don't believe you, Mr. Montero because look at her. She's so young and beautiful. And you called her, miss, so how come she is already married" komento naman ni Mr. Frublee Madow kaya lumaki ang s*so ko—este ang puso ko sa aking narinig. "Tssk! Because I want. And believe me dahil nakita ko na asawa niyan at bangkulaw pa! Baka, lapahin pa niya kayo kapag nagkataon!" tumatawa na sambit pa niya sa mga kausap. Ang sarap sakmalin ni Bisugo! Iyong mamimilipit siya sa pagsakmal ko! "Okay, Mr. Montero. But let me introduce myself with your secretary. And we don't care about her husband," ngiti na sambit ni Mr. Macalimot. Naglakad siya palapit sa akin. "Hi, Miss. I'm Tanco Macalimot. I am one fourth Korean, one fourth Chinese, and half Filipino. But I am from Mexico Pampanga," pagpakikilala niya, sabay abot ng kamay niya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung iaabot ko kamay ko sa kanya. Pero, magmumukha naman akong bastos kong dededmahin ko lang, hindi ba? Kaya, inabot ko na lang kamay ko sa kanya at nagshake-hands kaming dalawa. "Uhm, I'm Tina Cruz. One whole Filipino," sambit ko sa kanya. Kung p'wede nga lang ay one kilogram ang sasabihin ko sa kanila. "Kasi, one fourth at half kayo, eh! Kaya, one whole ako. Saka, ang ganda naman ng pangalan ninyo. Kapag apelyido ang unang babanggitin ay Macalimot Tanco. Parang si Macasalla Nan," nakatawang pahayag ko, sabay kamot ng ulo. 'Yon nga ang sabi nila, " sambit niya. "But I like your sense of humor. Hindi ka boring kausap," puri pa niya sa akin. "Are you done, Mr. Macalimot? Ako naman magpakilala kay Miss ganda," nakangiting saad naman ni Mr. Frublee Madow na mabilis na lumapit sa akin. "Hi, I'm Frublee. I'm one eighth Indian, one eighth Spanish and three fourth Filipino. Taga-New York Cebu ako," wika niya na nakipagkamay rin sa akin. Ang bilis ni Mr. Frublee, ha. Kinuha niya agad ang kamay ko. Subalit magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Daniel. "Are you done shaking hands with her?" seryoso na tanong niya sa amin. "Yeah," sabay sagot ng dalawa. "So, you can leave now my office at baka pasabugan kayo ng asawa ni Ms. Cruz. And a reminder that you should call her, Mrs. Secretary, not Miss," gagad ni Daniel sa kanila. "Pero, hindi ba't may pag-uusapan pa tayo? Pero, ba't pinaaalis mo na kami?" saad naman ni Mr. Macalimot. "I lost my appetite. so let's just talk tomorrow," mariin na wika ni Daniel na sa akin nakatingin. Inakbayan niya ang dalawa. At iginiya sa labas. Subalit kinawayan pa ako ni Mr. Tanco Macalimot kaya kinawayan ko rin siya. Nang umalis na sila ay saka naman bumalik sa loob si Daniel. As usual na masama ang tingin niya sa akin. "You know what, I shouldn't have agreed to Luna's wants for you to be my secretary because you're just a headache!" gagad niya sa akin dahilan upang mapanganga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD