"Ano ba, Daniel! Ibaba mo nga ako!" protesta ko sa kanya.
"Don't mess up if you don't want me to take you down!" gagad ni Bisugo sa akin.
"Subukan mo, kung ayaw mong bagsakan ko rin ng bato iyang balot pinoy mo!" sawata ko.
Ngunit bigla kong naitikom ang aking bibig sa aking sinabi.
"Baka ikaw ang ibagsak ko sa balot pinoy na sinasabi mo," matigas na sambit niya sa akin. Hindi na ako nagsalita. Lihim ko siyang tinitigan ngunit nagulat ako nang bigla niya akong tingnan. "Do I have dirt on my face because you're staring at me?" saad niya sa akin.
"W-Wala," kinakabahang sagot ko. "Saka, bawal ka bang titigan, ha! Akala mo naman kung napakaguwapo mo!" asik ko.
"Hindi, ba?" mayabang na wika niya sa akin.
"Hindi," muling sagot ko sa kanya.
"Hindi, pero nakatingin sa akin," matigas na sambit niya sa akin.
"Natural, dahil nakikita ko mukha mo, kaya nakatingin ako, sa 'yo. Magtaka ka, kung hindi kita makita," paliwanag ko na pumiyok pa ako. Ang daldal ko talaga.
Napailing na lang si Daniel. Hindi na siya nagsalita. Pinaupo niya ako sa nakahaing upuhan. At halos sumayad ang mukha niya sa aking dibdib.
Napalunok tuloy ako. Pero, ano kaya kung nasubsob si Daniel sa dibdib ko?
Iyong parang sa teleserye lang na— nasubsob tapos napunta sa halikan.
Shuta! Ang landi ko. Kung ano-ano naman ang pumapasok sa utak ko.
"Ehem," tikhim ni Daniel Bisugo nang umayos siya nang tayo. Naglakad na siya sa swivel chair niya at tumingin siya sa akin. "Masakit pa ba?" untag niya sa akin.
"M-Medyo," tipid na sagot ko.
"Baka, gusto mong hilutin ko pa 'yan," nakangisi na aniya sa akin.
"Hindi na, Sir. Okay na ho, ako. Baka, kasi lalo pang sumakit ang binti ko, kung ipapahilot ko sa inyo. At baka rin may makakita sa atin dito. Alam n'yo naman ho mga marites at tulits," sunod-sunod na wika ko sa kanya dahilan upang umiling ito.
"Ang dami mo nang binanggit," matigas na saad niya. "And this is your first day at work. Pero, the way na tawagin mo si Nan sa pangalan niya ay parang ang lapit n'yo sa isa't isa," seryoso na wika pa niya sa akin.
"Uhm, Siya kasi may gusto na Nan lang itawag ko sa kanya. Masunurin ako, kaya ginawa ko naman. Mabuti nga ho na iyon lang tawag ko sa kanya, hindi formula," sarkastiko na sambit ko.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Daniel. Saka, niya ako matiim na tinitigan.
"You should call him, sir dahil bago ka lang dito. At alam mo dapat kung saan ka lulugar," maawtoridad na wika pa niya sa akin.
Yumuko ako. Pero, napagtanto ko na ba't ako yuyuko? Ano siya, duwende? Parang 'yon lang na sinabi ko ay nagalit na.
"Sir naman talaga tawag ko sa kanya, kaso ay sa pangalan ko na lang daw siya tawagin . Ba't ba kasi ang kulit mo!" gagad ko sa kanya.
Wala akong pakialam kung ma-highblood ang bisugo na ito. Pero, ano kaya'ng hitsura ng bisugong na-highblood?
Siguro, nakaluwa ang dalawang mata niya? O, kaya naman ay nakalaylay ang dila niya.
"Are you making me angry, huh?" seryoso na saad niya sa akin.
Nagbingi-bingihan ako. "Hindi kita ginugutom. Mag-almusal ka, para hindi ka gutumin."
"Damn! Nang-iinis ka ba, ha! I didn't say I was hungry! Kailangan mo ba ng cotton buds!" pasigaw niyang wika.
"Malaking pala ang kailangan ko, para maalis ang tulili ko, hindi cot—"
"Shut up! Dada ka nang dada!" muling sigaw niya dahilan upang takpan ko ang dalawang tainga ko.
Tumahimik si Daniel. Napansin ko na tumingin siya sa braso ko, dahilan upang ibaba ko ang mga kamay ko.
Baka, tanungin niya ako tungkol sa bracelet na ibinigay niya noon sa akin. Ang isasagot ko rito ay isinangla ko na. Char!
Pero, ang totoo ay itinago ko ang bracelet dahil minsan na kasi 'yong nahulog sa tae ng aso ni Aling Purina. Baka, sa susunod na ay sa dumi na ng tao.
"M-May problema ba, Sir?" tanong ko lang sa kanya.
"Never mind. Go to your table and start working," maawtoridad na saad niya sa akin.
Tumango lang ako sa kanya. Tumayo na ako at tinungo ko na ang mesa ko na may laptop sa ibabaw. Alangan namang sa ilalim.
"Shuta! Hindi ko naman alam gamitin 'to, eh!" bulong ko. Umupo ako sa swivel chair. At binuksan ko ang laptop. "Akala ko pa naman ay iti-train ako ni Mr. Nan Macasalla, hindi naman pala, itinuro lang niya kanina ang opisina ko," nagrereklamo na sambit ko.
"Are you saying something, Ms. Cruz?" untag sa akin ni Daniel.
Ang layo na nga niya sa akin ay narinig pa niya ang sinabi ko.
"Akala ko po kasi Sir ay tuturuhan pa ako ni Nan—este ni Sir Macasalla. Iyon kasi ang sabi niya sa akin kanina, eh," pagsisinungaling ko.
"Really? Did he tell you that?" sarkastiko na aniya sa akin.
"Oo. Hindi ko naman siguro sasabihin kung hindi n'ya sinabi, hindi ba?" gagad ko sa kanya. "Hindi ko naman kasi alam gamitin ang laptop, eh! Alangan namang kay bisugo ako magpaturo," bulong ko pa sa aking sarili.
Sumeryoso ang mukha ni Daniel. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Ganito lang yata role naming dalawa sa kuwento na ito, ang tumayo at umupo?
Wala bang humiga sa semento o kumandong kay Daniel? Miss A naman!
"You want Mr. Macasalla to train you, then call him!" sigaw niya sa akin.
Kulang na lang ay maputol ang ugat niya sa leeg. Eh, ang ugat kaya niya sa ibaba?
"H-Hindi ko alam ang numero niya, eh! 35 ba, ha?" pamimilosopo na sagot ko sa kanya. "Labas na lang ako, tapos tawagin ko si Sir Nan," dagdag ko pa. Kaya tumayo na rin ako upang tunguhin ang pinto ngunit namaywang si Daniel sa harapan ko, sabay hilot niya sa sentido. Pero, wala akong pakialam. "Alis na ako, Sir para maturuhan niya na ako dahil sayang ang oras," saad ko pa.
Mabilis akong naglakad palayo sa kanya subalit sinigawan niya ako. Mabuti na nga lang at kaming dalawa lang nakaririnig ng aming boses. Kung hindi ay nakahihiya dahil first day ko sa trabaho ay sinisigawan ako ng amo kong bisugo!
Humanda sa akin ang lukaret kong pinsan mamaya dahil hindi niya sinabing si Daniel pala ang amo ko.
"Come back here, Ms. Cruz!"
Huminto ako. "Hindi pa naman ako nakalalabas, kaya ba't mo ko pinababalik, ha? Sana, hinintay mo pa akong nakalabas sa pinto para mairampa ko naman itong heels ko!"
"Taena!" galit na sambit niya sa akin dahilan upang kabahan ako. "I said, come back here! And don't call that fvcking bastard!" muling sigaw niya.
Ano, raw? Kanina lang ay pinatatawag niya si Nan sa akin, tapos ngayon ay magagalit siya. May tililing na ba ngayon si Daniel?
"Akala ko ba, Sir ay tatawagin ko si Sir Nan? Anong nangyari? Ba't ayaw mong tawagin ko?" gagad ko sa kanya.
"Ang slow mo!" asik niya sa akin.
"Anong ang slow ko? Alangan naman ang fast ko, eh, hindi ako kabayo!" sambit ko.
"Tssk!" sambit niya na bigla akong hinila dahilan upang mauntog ako sa noo niya.
"Aray! Ano ba kasing problema mo, Bisugo?" gagad ko.
Sa dami kasing pag-untugan ko ay sa matigas pa niyang noo, eh! Hindi ba puwedeng sa labi na lang o sa dibdib niya? Chariz!
"Wala akong problema, okay! Makulit ka, kaya naiinis ako! Maupo ka at ako magtuturo sa 'yo kung paano gumamit ng laptop!" singhal niya sa akin.
Bakit ang hirap kausapin ngayon si Daniel? Nanggaling lang siya sa States ay ganito na siya kung magsalita.
Though, ganito na siyang magsalita noon, pero lalong lumala kasi ngayon, eh!
Maninirahan na rin yata ako sa States para mahirap din akong makausap at maging pukeni milyones dolyares na 'ko.
"Hindi ho, ako bingi, Sir. Baka, puwedeng paki-volume-an ang inyong boses dahil baka pag-uwi ko sa bahay ay hindi na ako makarinig," pakiusap ko.
"I don't care kung mabibingi ka sa akin. Ako ang boss mo, so you should follow me!" maawtoridad na saad niya sa akin.
"Sumusunod naman ako sa inyo, ah! Kaya nga tatawagin ko si Nan dahil inutusan ninyo ako. Tapos, kung kailan ko siya tatawagin ay saka ayaw mo! Hirap mong kausap, Boss," naiinis na sambit ko. Nagmartsa na ako paupo sa aking swivel chair. At napadako ang dalawang bilog kong mata sa pinto dahil parating na si Sir Nan. "Sir!" tawag ko. Muli akong tumayo at mabilis na lumapit kay Nan. "Turuhan mo ako kung paano gamitin ang laptop, Sir dahil hindi ko alam gamitin 'yon. Ayaw ko na si Sir Daniel magturo sa akin dahil baka kainin ko siya ng buhay dahil bisugo 'yan," bulong ko sa tainga niya, dahilan upang pukulan kami ni Daniel ng masamang tingin.
Ngumiti si Sir Nan. Saka bumulong din siya sa akin. "Iyon naman talaga ang pakay ko rito, Ms. Cruz dahil hindi ko nasabi kanina na ako magti-train sa 'yo."
"So, halika na! I-train mo na ako," masayang sambit ko na ikinawit ko pa ang aking braso sa braso niya. At nilagpasan namin si Daniel.
"Turuhan mo siyang mabuti, Mr. Macasalla para bukas ay kaya niya nang gumawa ng mga reports. Hindi iyong naghired ako ng sekretarya na wala naman palang alam sa teknolohiya! At baka masayang lang ang ipasusuweldo ko sa kanya!" matigas na wika ni Daniel sa amin, kasabay ng pagmartsa niya pabalik sa kanyang mesa.
"Okay, Sir Daniel. Pero, two days ko siyang iti-train the same way I did with your former secretary," pahayag ni Nan kay Daniel.
Hindi na nagsalita pa si Daniel, sa halip ay umiling lang siya kaya nagpalakpakan ang aking dalawang tainga.
May dalawang kamay na pala ngayon ang tainga ko.
"Upo na tayo," yaya ko kay Nan.
Tumango lang siya sa akin. Bumalik ako sa aking swivel chair. Ngayon ko lang napansin na kaharap pala ng mesa ko ang mesa ni Daniel, dahilan upang lalo kong makita ang kakisigan niya.
Kumuha ng upuhan si Nan at tumabi siya sa akin.
"Ganito ang paggamit ng mouse," turo niya sa akin.
"Mouse? Wala namang daga sa mesa ko," pagbibiro ko, upang hindi siya mabagot na turuhan ako.
Natawa sa akin si Nan. Kaya tumawa na rin ako, kahit wala namang nakatatawa, dahilan upang sitahin kami ni Daniel.
"Why are you two laughing? Nakatatawa ba 'yang ginagawa ninyong dalawa r' yan, ha?" gagad niya sa amin.
"Hindi naman. Nakatatawa kasi si Ms. Cruz," depensa ni Nan kay Daniel.
"Tssk!" asik lang ni Daniel na binalingan ako nang nakatatakot na tingin.
Ano ba'ng kasalanan ko sa kanya at gano'n na lang siya kung makatingin sa akin?
Ang ganda ko ba ngayon? Ano'ng say ninyo?
Kung puwede lang na dukwatin dalawang mata niya ay ginawa ko na.
"Here, Ms. Cruz. It's your turn. But, let me hold your hand to guide you," saad ni Nan sa akin.
"Okay, Nan para alam ko, kung ano'ng mga dapat i-click sa screen," sagot ko.
Ngumiti si Nan. Hinawakan niya ang kanang kamay ko, ngunit mabilis na nakalapit sa amin si Daniel at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya kay Nan.