Chapter 1: Nawalan ng trabaho

3759 Words
Ako si Tina Cruz, dalawampu't siyam taon na gulang at kasalukuyan akong nagtatrabaho sa pabrika ng aking Ex-boyfriend na si Marcus Robredo, bilang isang factory worker. Oo. Ex-boyfriend ko ang may-ari ng pabrika at hindi naniniwala ang ibang empleyado na Ex ko ang panot na iyon. Hindi naman kasi ako kagandahan, lalo na't hindi ako pang-Miss World para magustuhan ako ng isang may-ari ng pabrika, hindi ba? Well, pang-Ms. Manila Zoo lang ako at sa katunayan ay kaibigan ko mga wild animals doon dahil exotic daw ang beauty ko. Charoot! Pero, magkaibigan pa rin naman kami ni Marcus hanggang ngayon. Nasa labas ako ng kantina, kasama ng aking mga ka-trabaho nang dumating ang isang fortuner na sasakyan at nakasakay roon ang isang guwapong lalaki. Bumaba ito, dala ang attache case na kulang na lang ay magkakasya siya roon dahil ang laki niyon. Lumapit ito sa amin. "Narito ba si Marcus Robredo?" tanong nito. "Wala ho si Panot—este, si Sir Marcus dito, Sir. Baka, mamaya pa hong hapon dahil maaraw pa at baka mainitan ang ulo niyang kalbo," pahayag ko rito. "Tinataguhan ako ng Marcus na 'yon!" gagad niya na pumaywang pa sa aking harapan. Nakahalata tuloy ako na hindi purong lalaki ito. Kung hindi ay may halong kababalaghan. Lalaki sa araw, ngunit half-haf naman sa gabi. Parang unano lang, ano? "Uhm, Sir. . . Tinanong n'yo ho ba kay Sir Panot kung tinataguhan n'ya kayo?" untag ko rito dahilan upang pukulan niya ako nang masamang tingin. "Pilosopa ka, ha. Tawagan mo na ang kalbo ninyong boss para makausap ko siya. At sabihin mong narito si Sufer Maryo!" sigaw niya kaya nagtalsikan ang mga laway niya sa amin na amoy kulob na aircon. "Saglit lang ho, Sir, Sufer Maryo. Pero, tanong ko lang po, ba't hindi kayo tumalon-talon ngayon?" untag ko sa kanya dahilan upang tingnan na naman niya ako nang masamang tingin. Matabil talaga ang dila ko. Kung ano-ano na naman kasi binabanggit ko. "Tatalon lang ako, kapag nagpakita na sa akin ang boss ninyo, kaya tawagan mo na siya, okay!" sigaw nito sa akin. Kung makasigaw naman ang Sufer Maryo na ito ay akala niya ay nasa malayo ako. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng aking bag. Ni-dial ko ang numero ni Marcus Robredo, A. K. A. Bimbol Roko upang tawagan ito. "The number you have dialled is out of attended or out of coverage area, please try you call tomorrow," sambit ng linya sa akin. "Sir, hindi raw um-a-attend ang number ni Sir Panots. Lagi raw siyang absent at out of coverage area daw. Baka, klorom po ang kinaroroonan ng boss namin. At bukas ko na lang daw tawagan," niloloko na saad ko para umalis na ito. "What!" gagad nito sa amin. "Itapon mo na lang 'yang cellphone mo kung 'yan ang sinabi sa 'yo! At bukas na bukas din ay wala na kayong trabaho dahil malaki ang utang sa akin ng kalbong 'yon kaya nalulugi ang kanyang negosyo," wika nito na nagmartsa na paalis sa aming harapan. "Ba't gano'n naman sinabi mo sa lalaking 'yon?" untag sa akin ni Karen Dilla. "Oo nga naman, Tina. Saka, alam mo ba na bali-balita na magsasara na itong pabrika ni Sir Marcus dahil nalulugi na nga raw," pahayag naman ni Matutina Imfacta sa akin. "Balita lang 'yon! Nakiki-Marites na naman kayo, samantalang Huwebes na ngayon," gagad ko sa kanila. Ang seryoso naman ng mga ito, samantalang ako ay chill-chill lang. Pero, paano nga kung magsasara na ang pabrika na ito? Kasasahod lang namin no'ng nakaraang araw, tapos magsasara na lang bigla. Sayang naman kung ganoon dahil ilang taon na akong nagtatrabaho rito, eh! Saka, saan naman ako maghahanap ng trabaho, lalo na at pahirapan ngayong makapasok. Samahan pa na may age limit ang ibang pabrika. Lihim akong bumuntong-hininga. Pero, ang pag-utot ko ay hindi ko maililihim dahil anytime ay puwede na itong kumawala. At heto na nga! Pakakawalan ko na! "Ay, ano ba naman 'yan, Tinang! Ang baho! Isang linggo mo bang inipon 'yan, ha!" sawata sa akin ni Karen Deria, sabay takip nito ng ilong. "Baka, isang buwan, Karen," sabat naman ni Matutina, sabay takip din nito ng ilong. "Arte-Arte ninyo! Akala n'yo naman kung ang bango-bango ng utot ninyo! Baka, nga mas mabaho pa, kaysa sa imburnal, eh!" gagad ko sa kanilang dalawa at agad Kong tinungo ang banyo. Baka, iba na kasi ang kasunod nito, kaya mabilis akong naglakad patungong CR ng mga empleyado at doon ko inilabas ang galit ng puwet ko! Pagkatapos kong magbawas ay naghugas akong mabuti. Nagsabon ako at nag-spray ng pabango para looking fresh ako. Saka, na ako lumabas ng CR. Sumulyap ako sa aking relo. Alas tres na pala kaya mag-i-in na ako dahil wala na mga kasama ko sa kinauupuhan namin kanina. Nilagay ko ang bag ko sa locker at pumasok na ako sa loob ng pabrika. Pagsapit ng hapon ay napangiti ako dahil uwihan na naman. First shift ako ngayon kaya maaga akong uuwi. "Hays! Uwihan na naman natin! Sarap humilata sa kama, habang patipa-tipa ka lang ng cellphone," sambit ni Karen Dilla. "Sinabi mo pa!" sang-ayon naman ni Matutina. "Pero, punta naman tayong tatlo sa mall dahil may bagong labas daw na pabango," sambit pa nito sa amin. "Kayo na lang. Kailangan ko kasing magtipid, eh!" wika ko. Mas gusto ko kasing humilata sa higahan, habang nagtitipa ng keyboard ng cellphone. At iyon ang ginagawa ko, minsan. Pero ang totoo ay gusto ko ring sumama sa kanila kaso limit lang ang paggagastos ko ngayon. "Ang kj mo naman, Tinang! Minsan ka nga lang gagastos sa sarili mo ay magdadamot ka pa! Pumasyal naman tayo para maiba rin!" gagad ni Matutina sa akin. "Kaya nga! Magandang magtipa lang ng cellphone, pero mas magandang pumasyal para ma-enjoy rin natin ang buhay minsan," komento naman ni Karen. Nagpakawala ako ng hangin. "Kayong dalawa na lang at next time na lang ako sasama dahil budget ko lang itinira ko sa sahod natin. Alam n'yo naman na ipinadala ko na lahat sa nanay ko." "Okay. Bahala ka," sabay sagot ng mga ito sa akin. Sumapit ang ala-sais ay nag-out na kaming mga first shift. Kinuha ko ang bag ko sa locker room. At nagpaalam na ako sa dalawa kong kasama. Sumakay na ako sa jeep. At napapasalamat ako dahil hindi masyadong ma-traffic kaya nakauwi agad ako. Pasalampak akong umupo sa kawayang upuhan, subalit hindi ko nakita ang nakausling pako dahilan upang matusok ang pisngi ng puwet ko. "Aray!" impit kong sigaw. Tumayo ako. Kumuha ako ng martilyo upang pokpokin ang nakausling pako at para maghiganti rito. "Wal*ng hiya kang pako! Sa rami ba naman ng tutusukin mo ay ang puwet ko pa talaga, ha! How dare you do this to me!" sigaw ko na pinagmamartilyo ko ang pako, hanggang bumaon ito sa kawayan. Mukha tuloy akong timang sa inasal ko sa pako na ito. Nagluto na ako. Pagkatapos ay kumain na ako ng hapunan. Naghugas na ako ng plato, saka nagtoothbrush, at naghilamos na rin ako. Pumasok na ako sa aking kuwarto. At naalala ko na naman si Daniel. Hays! Si Daniel bisugo na naman ang pumasok sa utak ko. Ilang taon na nga pala kaming hindi nagkikita at nag-uusap? Pitong taon na yata. 'Till now kasi ay nasa amerika ito na wala man lang akong balita sa kanya dahil halos hindi naman siya tumatawag kay Luna o kay Hermes. Ang huli rin naming pagkikita ay noong kasal ni Luna. At hindi naman niya ako kinausap. Kinakausap nga niya ako. Kaso ay pabalang at malamig ang pakitutungo niya sa akin no'ng panahon na iyon. Hindi naman siya yelo. Kinapa ko ang kaliwang dibdib ko kung saan naroon ang tumitibok-t***k kong puso. As usual na normal pa rin ang t***k niya pero iyong t***k para kay Bisugo ay nawala na yata. Napailing na lang ako. Humiga na ako, kalaunan ay nakatulog na rin ako. Kinabukasan, maaga akong nagising. At ginawa ko ang araw-araw na routine ko sa bahay bago pumasok sa trabaho. Ni-locked ko na ang pinto. Naglakad na ako sa kanto at sumakay na ako sa jeep. Walang isang oras na biyahe nang makarating ako sa pabrika. Ngunit nagtataka ako kung bakit nasa labas pa ang mga ka-trabaho ko at parang bubuyog ang mga ito. Ang ilan ay nagsisisuwihan na, kaya patakbong akong lumapit kina Karen Dilla at Matutina Imfacta upang magtanong sa kanilang dalawa. "Ano'ng nangyayari? Ba't umuuwi na ang iba?" sunod-sunod kong tanong sa mga ito. "Wala na tayong trabaho, Tinang!" ngumangawa na sambit ni Karen Dilla sa akin. Ang pangit nitong umiyak. Kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako, o ano? Kaso ay napanganga ako. Ngunit nakita kong may palalapit na langaw kaya agad kong itinikom ang bibig ko. "Hindi mo ba nakikita, Tinang na sarado pa ang pabrika, ha? Kanina pa kami narito, pero sabi ni Manong guard ay huling araw na natin kahapon dahil lugi raw itong pabrika," pahayag ni Matutina sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko. Nagpaload ako sa nagloload sa amin upang tawagan si Bimbol Roko na agad naman nitong sinagot. "Sir Ex-boyfriend, totoo ba na huling araw na namin kahapon sa pabrika mo?" maawtoridad na tanong ko. "Yes, Tina. And I'm sorry dahil hindi ko agad nasabi sa 'yo at pakisabi na rin sa iba. Ang laki-laki kasi ng utang ko kay Sufer Maryo at iyang pabrika ang ginawa kong collateral," pahayag nito sa akin. Nagpasalamat na lang ako kay Bimbol Roko na sa ilang taon kong pagtatrabaho sa kanyang pabrika ay maayos ang pagpasasahod niya sa amin. At hindi rin niya kami itinuring na trabahante, kundi para na rin niyang pamilya. Namomomblema tuloy ako ngayon kung saan ako maghahanap ng trabaho. Pero sa halip na umuwi ako ay nagpaprint ako ng aking resume upang ipasa iyon sa kahit anong bakante, basta't legal na trabaho. Huwag lang naka-t-back dahil hindi ko kayang mag-suot ng ganoon. Nagpasa ako ng aking resume sa restaurant, sa fast food chain, sa canteen, at sa mall na malapit sa amin. Bahala na kung ano'ng posisyon ang ibibigay nila sa akin, basta't huwag lang patuwad. Charoot! Ngunit, lumipas ang isang linggo, dalawang linggo, at ngayon ay ika-isang buwan na nang magpasa ako ng resume ay ni isa ay walang tumawag sa akin. "Paano na 'to? Kailangan ko ng magpadala kina inay," malungkot na saad ko sa aking sarili. Naisip kong tawagan si Luna. Pero nakahihiyang humingi ng tulong sa kanya. "Hello, Pinsan," sambit ko. "O, Tinang, kumusta ka na?" untag nito sa akin. "Heto, wala na akong trabaho dahil nagsara na ang pabrika ni Marcus," imporma ko. "Ano? Ba't nagsara?" muling tanong nito. "Siyempre, hindi nagbukas, kaya nagsara," pamimilosopa ko. "Ano ngang nangyari?" saad nito. Sinabi ko kay Luna ang dahilan. At binago ko ang topic para hindi ito maawa sa akin. Subalit, ilang minuto lang kaming nagkausap dahil dumating na ang asawa nitong si Hermes at mga tsikiting galing sa opisina at sa school. Nagpaalam na si Luna sa akin. Tawagan ko na lang daw ito kapag wala pa akong trabaho. Um-oo lang ako, dahil ayaw ko namang umasa na alam kong may kasiguraduhan ako. Kaso nga lang ay nakahihiya naman sa kanya. Lumipas pa ang isang buwan ay wala pa ring tumatawag sa akin. Kaya humingi na ako ng tulong kay Luna dahil ubos na ang kaunting naipon ko. Isama pa naggagamot din si inay at sagutin ko rin ang matrikula ng bunso ng kapatid ko. Pero, ayaw kong magtrabaho sa kumpanya nila dahil nakahihiya naman kung ipapasok niya ako roon. Baka, sabihin ay hindi na ako dumaan sa proseso. Hindi ko rin gusto sa hotel ni Lucas dahil masyado ng malayo iyon sa tinitirahan ko. "Okay, Pinsan. May tatawagan lang ako saglit at tawagan kita mamaya," saad ni Luna sa akin. Ibinaba ko na ang tawag. Wala pang sampung minuto ay tinawagan na naman niya ako. "Maghanda ka ng resume mo, Pinsan, mag-suot ka ng office attire at puntahan mo ang address na ito dahil start ka na bukas," pahayag pa niya. Basta't sa harap lang daw ng Filipino-Italian food iyon. Isa pang ipinagtataka ko ay kung bakit ako magsusuot ng office attire pero hindi na ako nagtanong pa dahil ang importante ay may trabaho na ako bukas. Mabuti na lang at may slacks ako at puting long sleeve. At iyon na lang ang susuotin ko. Pagkatapos naming nag-usap ay nagpaalam na siya sa akin. Natulog na rin ako ng maaga dahil maglalaba pa ako dahil wala na akong maisusuot na p*nty. Ala Singko pa lang ay gumising na ako at naisip ko na saka na lang ako maglalaba. Naligo na ako't nagbihis. Lumabas na ako. Isinarado ko ang pinto ng bahay. Sumakay na ako at isang sakayan lang naman ang pupuntahan ko kaya hindi na maaksaya ng pamasahe, which is good for me, napapa-english tuloy ako. Wala pang bente minuto ay nakarating na ako sa address na ibinigay sa akin ni Luna. Bumaba na ako sa jeep. Dalawang nagtataasang building ang nasa tagiliran ko na nasa harapan naman ng Filipino-Italian food. Ang nasa kaliwa ko ay ang building MGO companies at ang nasa kaliwa ko naman ay Montero's Perfume Incorporation kaya bigla akong kinabahan dahil ka-apelyido ni Daniel ang may-ari ng building na iyon. Tinawagan ko si Luna upang tanungin kung saan ba ako magtatrabaho dahil 'yon lang naman na dalawa na building ang nasa harapan ng restaurant. "Hello, Pinsan. Narito na ako sa address na ibinigay mo. Dalawang building naman ang nakatirik dito, eh! Saang building ba ako papasok?" nagkakamot na tanong ko. "Sa Montero's Perfume, Pinsan. At hanapin mo si Mr. Nan Macasalla sa HR at ibigay mo sa kanya iyang resume mo. Siya na bahalang magti-training sa 'yo. At, ipakita mo iyang ID mo para papasukin ka kaagad ng guard dahil mahigpit diyan" paliwanag nito sa akin. "Bakit, ano ba trabaho ko? Saka, sino ang may-ari ng building na 'yan, Pinsan?" untag ko. Subalit bigla na lang namatay ang linya ng aking pinsan. Huminga ako nang malalim. Inilagay ko na ang cellphone ko sa loob ng bag saka na ako naglakad patungong Montero's building. Sinunod ko ang sinabi ni Luna. Ipinakita ko ang ID ko sa puklis na guard, kaya agad ako nitong pinapasok sa loob. Dahil maaga pa ay kaunti pa lang ang mga empleyado. Nagtanong-tanong ako kung saan ang HR. "Dumiretso ka, Ms. At kumaliwa ka. Roon ang HR," sambit ng maputing babae sa akin. Nagpasalamat ako rito. Pinuntahan ko na ang opisina ng HR. Muli akong nagtanong kung sino si Mr. Nan Macasalla. Ngayon ko lang napagtanto na kapag pagbaliktarin ang pangalan nito ay makasalanan ang mabubuo ng salita. Lihim tuloy akong natawa. Lumapit sa akin ang isang guwapo ng lalaki. "Yes, Ms. Are you Tina Cruz? The cousin of Mrs. Luna Del Rio?" tanong nito sa akin. Hindi agad ako nakasagot. Guwapo nga kasi, kahit panget ang pangalan. "Y-Yes, Sir. Ako nga po," sagot ko nang makabawi ako. "Okay. Can you give me your resume," nakangiti na saad nito. Agad kong kinuha ang aking resume sa plastic envelope at ibinigay iyon sa kanya. "Follow me, Ms. Cruz at ituturo ko sa 'yo ang magiging opisina mo," saad pa nito na hindi man lang tinitingnan kung anong mga impormasyon ang nakalagay sa resume ko. Sumakay siya sa elevator, kaya sumakay na rin ako. Alangan namang hihintayin ko pang sabihan ako na sakay. Eh, hindi naman 'yon jeep. Pinindot nito ang 30th floor. Nahihiya pa ako dahil ang bango-bango nito. Pinampaligo yata nito ang isang bote ng pabango. "Ang bango-bango n'yo naman, Sir," wala sa sariling wika ko. Tumawa ito, kaya nakitawa na rin ako upang may kasama itong tumawa. Para lang kaming loka-lokang dalawa. "Thank you. But don't call me, Sir. Nan na lang para hindi masyadong pormal," pahayag nito sa akin. "Okay, Nan," kimi kong sagot. Pagkabukas ng elevator ay lumabas na si Sir Nan. Sumunod lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kong saang opisina ito pupunta. "Dito ang magiging opisina mo," saad niya sa akin. Binuksan niya ang transparent na pintuhan ng opisina. Pumasok si Sir Nan, kaya pumasok na rin ako. "Uhm, Sir—este, Nan. Puwede ko bang tanungin kung ano ang posisyon ko rito sa building na ito?" lakas-loob na tanong ko. "Hindi pa ba sinasabi sa 'yo ni Mrs. Luna?" nagtatakang tanong niya. "Hindi pa, Nan. Kasi, biglang naputol ang linya kanina nong kausap ko ang pinsan ko," paliwanag ko sa kanya. Tumango-tango siya sa akin. "Actually, ang posisyon mo rito na itinawag ng ating boss kagabi ay ikaw ang kanyang magiging Secretary," paliwanag niya sa akin dahilan upang mapanganga ako sa narinig. "Since, nagresign ang dating secretary dahil hindi nito kinaya ang pressure na pinagagawa ng ating boss ay ikaw ang papalit sa kanya," dagdag pa niya. "Ganoon ba?" untag ko nang mahimasmasan ako. "Sino ba ang boss natin? Saka, ba't parang wala siya rito?" sunod-sunod kong tanong dito. "Nasa Naia na raw ngayon, kasama ang girlfriend niya. Pero, hindi siya papasok ngayon dahil magpahihinga pa siya," sagot niya sa akin. Pero hindi niya nasagot ng tama ang tanong ko kung sino ang boss namin. At bakit naman nasa naia, 'yon? "Pero, sino ang boss natin para mapaghandaan ko ang pagdating niya," wika ko. "Si Daniel Montero ang ating boss at siya ang may-ari nito, pati na rin sa kabilang building; Ang Monteros Group Of Companies," pahayag niya dahilan upang mapanganga na naman ako. "Okay ka lang, Ms. Cruz?" untag niya. Subalit nakatanga lang ako, hanggang sa maramdaman ko na parang matutumba ako kaya agad akong hinawakan ni Mr. Nan at isinandal niya ako sa dibdib niya. "Okay ka lang ba, Ms. Cruz?" nag-aalalang sambit niya. Sasagot na sana ako nang may biglang magsalita sa aming likuran. "What's happening here, Mr. Macasalla?" matigas na saad nito dahilan upang mapalingon kaming dalawa ni Mr. Nan. Nanlaki ang dalawang mata ko sa aking nakita. Kanina lang ay kababanggit lang ni Mr. Nan sa pangalan nito. Pero, ngayon ay nasa harapan na namin siya, kasama niya si Alena Perez. "Daniel Bisugo," sambit ko dahilan upang tingnan niya ako ng masama. Ang shunga-shunga ko talaga, ano? Ang dami kong mababanggit ay iyong Bisugo pa talaga. Puwede namang, Daniel Pogito, eh! "S-Sorry," hinging paumanhin ko. "I thought you would come in here tomorrow," saad naman ni Mr. Nan. "Tssk!" asik ni Daniel na masama ang ipinukol niyang tingin sa amin, lalo na sa akin. Kaya lihim akong napalunok. "It's work time but you two are flirting right here in my office," matigas na saad pa niya sa amin. "We're not flirting, Daniel. Biglang nahilo si Ms. Cruz kaya isinandal ko saglit siya sa aking dibdib," paliwanag naman ni Mr. Nan. "Ba't napadpad ang babaeng 'yan dito sa kumpanya mo, Babe," maarte na wika ni Alena, sabay pasada sa akin ng tingin Hindi sumagot si Daniel. Sa halip ay tiningnan niya ako. Tingin na tila may ibig sabihin. Kaya, kahit pakiramdam ko ay nahihilo ako ay nagpaalam na ako sa kanila. "Excuse me, Sir. Uhm, Nan, magbabanyo ako saglit," saad ko. "Pero, baka matumba ka, riyan. Samahan na lang kita," sambit niya sa akin. Dahilan upang makita ko kung paano tumaas ang isang kilay ni Daniel. "She's not young anymore for you to accompany her, Mr. Macasalla. And one more thing ay sa cr siya pupunta," gagad niya kay Mr. Nan. "Mabuti na pakiramdam ko, Nan. Salamat sa pag-aalala," sambit ko. Naglakad na ako palabas ng opisina. At kahit hindi ko alam kung saan ang banyo ay naglakas loob na lang akong nagtanong sa mga empleyadong nadadatnan ko. "Lumiko ka lang, Ms. At banyo na iyan," anang isang lalaking empleyado sa akin. Nagpasalamat ako. Tinungo ko na ang banyo at doon ako huminga nang malalim. "Shuta! Ba't hindi sinabi sa akin ni Luna na kay Daniel Bisugo pala ang building na ito!" kausap ko sa aking sarili. "Nagmukha tuloy akong malandi kanina sa paningin niya. Pero, nabigla lang talaga ako na siya ang boss ko. Hays, ngayon din ay magreresign ako dahil ayaw kong maging boss 'yon!" sigaw ko. Ngunit napatili ako nang may biglang magsalita sa labas ng CR. "Ehh!" "I'm not a ghost for you to scream, Ms. Cruz. Faster and I want to talk to you in my office,right now!" matigas na sambit sa akin ni Daniel. Magsasalita pa sana ako pero mabilis siyang nawala sa paningin ko. Para lang siyang kaluluwa na dumaan sa aking harapan. Muli akong huminga nang malalim dahil baka ma-comatose pa ako kapag hindi ko iyon ginawa, lalo na at mag-uusap kaming dalawa. My hair! Kaming dalawa lang talaga. Pero, wala na akong feelings kay Bisugo dahil naiinis ako. Sinuri ko ang aking mukha kung may dumi ako. O, baka kumalat ang lipstick ko. Pero, in fairness, ang ganda ko today! Lumabas na ako sa CR. Tinungo ko na ang opisina ng aking Boss Bisugo. At nakita ko kung paano sweet si Alena rito. Nakakandong pa talaga. Mag-uusap daw kami, pero may istorbo naman sa amin. "Ang feeling talaga ng Alena na 'yan! Eh, lamang lang naman siya ng puti ng kili-kili sa akin," bulong ko. Kumatok pa ako sa pinto kahit nakita nila ako. Para hindi sabihin ng mga ito na istorbo ako sa paghaharutan nila. "Come in!" sambit ni Daniel. Pumasok na ako sa loob. Hindi ko alam kung uupo ba ako, o tatayo. Pero, para fair ay upo-tayo ang aking ginawa dahilan upang pagtawanan ako ni Alena. Pero, napagdisyunan kong umupo na lang. "Parang t*nga lang!" saad niya sa akin. "Sardinas lang 'yon, Alena," gagad ko sa kanya. Akala ko ay may pinagbago ang babae na ito, pero lalo pa yatang lumala. "Iwanan mo muna kami, Babe. O, kaya' y magpahinga ka muna sa bahay mo. At mamaya na lang tayo magkita," wika naman ni Daniel. "But, Babe?" angal ni Alena na mukhang pirana ang pagmumukha. "Okay. Careful, huh? Kasi, uso ngayon ang mga linta!" pasaring nito sa akin. Tumaas ang isang kilay ko. Umalis na si Alena sa kandungan ni Daniel. Humalik pa siya, bago lumabas ng opisina kaya kaming dalawa na lang ang naiwan doon. "Lumapit ka sa akin, Ms. Cruz," saad ni bisugo sa akin. Tumayo ako. Pero, hindi ko maihakbang ang aking dalawang paa dahilan upang tumayo siya at nilapitan ako. "Do you want me to carry you to sit there?" gagad niya sa akin. "H-Hindi na. K-Kaya ko na ho, Sir Bisugo—este, Sir Daniel," kandautal-utal na sabi ko.Pero ang totoo ay napulikat ang binti ko. "Tssk!" asik niya sa akin. Tinalikuran niya na ako. Subalit muli siyang bumalik at walang pakundangan akong binuhat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD