Chapter 2

1803 Words
THERESA Mahirap para sa akin ang mag-stay dito sa probinsya na walang hotel at kahit man lang lodge in na matutuluyan. Pagod na nag-iisip ako habang nakahinto sa gilid ng kalsada ang sasakyang dala ko at iniisip kung saan ako p'wedeng tumira para makapag-imbestiga ako tungkol sa kurap na mayor sa bayan na ito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang lugar na kinaroroonan ko. Challenging sa akin ang trabahong ito, dahil hindi katulad sa mga naunang assignment ko na convenient at malaya akong gumalaw dahil karamihan ay sa city ito at hindi ganitong liblib na lugar. Ibinaba ko ang salaming bintana na katapat ng diver seat ng sasakyang dala ko ng may nakita akong grupo ng mga kababaihang naglalakad. "Ale, pwede po bang magtanong?" nakangiti at lakas loob na tanong ko ng tumapat sa sasakyan ko ang ilang kababaihang naglalakad papunta sa kung saan. Agad naman akong sinagot ng isa sa mga babaeng binati ko. "Nasiraan po kasi ako ng sasakyan. Baka may alam po kayo kung saan ako p'wedeng tumuloy pansamanta dito sa lugar ninyo, para magpalipas po ng gabi habang hinihintay ko pong matapos nang mekaniko ang kotse ko?" pa sweet at nakangiting sagot ko. "Naku, ma'am, malayo pa po ang resort dito. Iyon lang po ang nag-iisang hotel dito sa bayan namin," paliwanag naman ng isa. Nagpasalamat ako at muling isinara ang salaming bintana ng sasakyan ko, katapat ng driver seat kung saan ako nakaupo. Wala akong ibang option ngayon kung 'di ang mag-stay dito sa loob ng sasakyan ko at magpalipas ng gabi. Hindi ako takot sa dilim at mga kawatan, dahil sanay ako sa màrahas na pamumuhay, pero iba pala kapag ganitong probinsya at liblib pa na halos walang tao sa kalsada. Nagugutom na rin ako, kaya nag-hanap na ako ng karinderya. Hindi naman ako maselan sa pagkain, kaya tinunton ko ang daan at walang direksyon na nagmamaneho. Kailangan kong nakahanap ng safe na lugar para magpalipas ng gabi kung saan pwede rin akong kumain. Luckily, along the way, may nakita akong mini eatery na siyang hinahanap ko. Malaki ang habang na lumapit ako sa tindera para magtanong. "Magandang gabi po," magalang na bati ko. Nakangiting binati naman ako pabalik ng tindera at tinanong ako kung gusto kong kumain. Pumili ako ng kanina at dalawang set ng ulam. Isang gulay at adobo. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga matang nakatingin sa akin mula sa ilang taong narito sa kainan. Alam kong pansinin ako, dahil bukod sa hindi ako tagarito at bago ang mukha ko sa paningin nila ay hindi ko naman maitatanggi na maganda ako. Nasa pagkain ang atensyon ko ng biglang may lalaking lumapit sa akin at binati ako. "Attorney, akala ko ay bumalik ka na sa Maynila," sabi ng police officer na nakausap ko kahapon tungkol sa kaso ng parents ni Agatha. Uminom muna ako ng tubig at kaswal na sinuyod ng mga mata ang paligid. "Yeah, kaya lang, may naiwan akong important documents dito, kaya kailangan kong balikan dito," seryosong sagot ko. Walang pasabi na umupo sa tabi ko ang police na kausap ko at nagtanong kung okay lang daw ba na sumabay siyang kumain sa akin para may kasabay siya. Nagkibit-balikat na lang ako sabay subo ng pagkain dahil gutom na talaga ko. Hindi ko muna siya pinansin at sa pagkain muna ibinuhos ang atensyon hanggang matapos ako. "Pasensya na, nakita kasi kitang mag-isa kaya nilapitan kita," hinging paumanhin ni Officer Ramos. "It's okay," tipid na sagot ko sabay abot sa soft drinks na in-order ko. "Pwede bang magtanong?" Ngumiti sa akin ang pulis na kaharap ko at tinanong rin ako kung tungkol saan ang itatanong ko. "May malapit bang hotel dito? Pagod na kasi ako sa byahe kaya tinatamad akong bumalik ngayong gabi sa Maynila." "Sorry, wala pang hotel dito sa bayan namin, attorney," sagot ni Officer Ramos kaya napabuga na lang ako ng hangin. Frustrated na napa-buntong-hininga na lang ako habang nag-iisip kung ano ang mabuting gawin. Mukhang mahihirapan ako sa misyon ko ngayon, pero hindi ako dapat sumuko. No matter what the consequences is, kailangang magawa ko ang trabaho ko bago umalis sa bayang ito. "Kung okay lang sa iyo, pwede kang tumuloy sa bahay ko, attorney." Nabigla ako sa narinig kong offer ni Officer Ramos. Hindi ko kasi inaasahan na maririnig ang sinabi niya, pero pabor ito sa kasalukuyang sitwasyon ko. "Ayos lang ba sa pamilya mo kung makikituloy ako sa inyo?" pormal na tanong ko at pilit sinisikil ang malakas na kabog sa dibdib ko. "Ako lang ang mag-isa sa bahay. Nasa Maynila ang aking ina, at wala rin akong mga kapatid," sagot ni Officer Ramos. Dahil pagod talaga ako sa mahabang byahe at gabi na rin, walang pagdadalawang-isip na tinanggap ko ang offer ng kaharap ko. Sakay ako ng sasakyan ko at sinundan ang motor na minamaneho ni Officer Ramos hanggang sa nakarating kami sa bahay niya. "Pasensya ka na dito sa bahay, attorney. Hindi ko kasi alam na may darating akong bisita, kaya hindi ako nakapag-linis man lang kanina," hinging paumanhin ng pulis na kasama ko ng buksan niya ang pintuan at bumungad ang maliit na sala. "Okay lang, ako nga itong nakakaabala sa iyo," sagot ko na iginala ang mga mata sa kabahayan. May kalakihan din ito, kumpara sa mga bahay na nakita ko dito sa probinsya. Gawa rin ito sa semento at kahit walang pintura at hindi pa tapos ay maayos rin naman. "Sandali, ayusin ko lang ang silid, para makapag-pahinga ka na," sabi ni Officer Ramos na para bang nahihiya sa akin at nataranta pa. Sanay akong gumamit ng tao base sa personal interest ko, lalo na kung related ito sa trabaho at misyon ko, pero ngayon lang ako nakaramdam ng awkwardness dahil sa sitwasyon ko, kasama ang isang pulis na malimit ay iniiwasan ko, but it's funny na ngayon ay kailangan ko pa siyang pakisamahan dahil wala akong ibang option. "Okay na, attorney. Pwede ka nang pumasok," sabi ng pulis na kasama ko kaya tumayo na ako. Sinuyod ng mga mata ko ang buong silid. Bagong palit ang punda at sapin sa manipis na kama. Malinis rin ang sahig na kahit maliit ito kumpara sa room ko sa bahay ko ay sigurado akong komportableng higaan. "Tawagin mo lang ako sa labas kapag may kailangan ka, attorney," sabi pa ng kasama ko na ngumiti sa akin ng lingunin ko. "Salamat," tipid na sagot ko na inilapag ang bag na dala ko sa gilid ng kama. Mabilis na lumabas ang pulis na kasama ko at naiwan akong mag-isa dito sa loob ng silid na tanging kurtina ang nagsisilbing harang sa pintuan. Hindi ako p'wedeng maging maarte, dahil ang mahalaga ay may matutuluyan ako at hindi sa kalsada matutulog. Kumuha ako ng damit na isusuot ko at inilapag sa gilid ng kama. Walang pagdadalawang-isip na lumabas ako ng silid. Bumungad sa mga mata ko na kinakalas ni Officer Ramos ang butones ng pang-itaas na pulis uniform na suot niya. Siguro ay naramdaman niya ang presensya ko, kaya napatingin rin siya sa akin. Kusang nag-iwas ako ng tingin, matapos saglit na nagtama ng aming mga mata dahil nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa. "I'm sorry, officer. Maliligo sana ako, kaya lang ay hindi ko alam kung nasaan ang banyo," kinakabahan na sabi ko habang sa pader nakaharap. "Sandali, mag-init muna ako ng tubig, attorney, para may magamit ka. Malamig ang panahon ngayon dito sa probinsya at gano'n rin ang tubig namin dito. Baka manibago ka at magkasakit ka pa." Biglang may kung ano ang pumitlag sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naramdaman ko, gayong wala namang espesyal sa narinig kong sinabi Siguro ay masyado lang akong independent at hindi sanay na may ibang tao ang nag-aalaga sa akin, kaya ngayon ay naninibago ako. Nag-aalaga? Saan galing 'yon? For sure ay hospitable lang talaga ang pulis na kasama ko, dahil alam niyang dayo ako dito sa kanila at bisita sa bayan na ito, kaya ganito ang trato sa akin. "Okay lang, hindi mo na kailangang mag-init ng tubig. Sanay akong maligo ng malamig na tubig," seryosong sagot ko dahil ayaw kong may gawin na naman siya para sa akin. Malaki na ang utang na loob ko sa kanya nang pinatira niya ako dito sa bahay niya, kaya hindi ako magiging pabigat sa kanya. "Nasaan ang banyo?" tanging tanong ko. Sinamahan ako ni Officer Ramos at itinuro ang isang pintuan sa sulok ng bahay. Binuksan niya ang ilaw at bumungad sa mga mata ko ang maliit na banyo. Mabuti na lang at ready ako bago pumunta dito sa Zambales. Dala ko ang mini personal hygiene kit ko at may lamang toiletries, kaya kahit ganito ang sitwasyon ko ay may magagamit ako. Bihis na si Officer Ramos ng lumabas ako sa banyo. Ginamit ko ang makapal na tuwalyang binigay niya sa akin. Nag-iinit ang magkabilang pisngi na kipkip ko ang damit na hinubad ko at malaki ang mga habang na naglalakad ako papasok sa silid na tutuluyan ko. My bad na hindi ako nagdala ng bihisan at doon na sana nagbihis sa loob ng banyo, dahil nakasanayan ko na sa silid ko ginagawa ito. Heto tuloy at tanging tuwalya lamang ang takip sa hubàd at basa pang katawan ko at dumaan sa harap ng pulis na kasama ko. Kung bakit ba naman kasi katabi pa ng kusina ang shower room nila dito at katapat pa ng sala ang pintuan ng silid na tinutuluyan ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng hiya, dahil ganito ang itsura ko ng matapos maligo at lumabas sa banyo. After ko mag-apply ng lotion na dala ko ay agad na humiga na ako sa kama. Kahit nasa misyon ako, kailangan kong alagaan ang katawan at mukha ko, dahil ito ang puhunan ko sa trabaho ko sa loob at labas ng bansa, kaya dala ko ang mga gamit ko kahit saan ako magpunta. Malakas na kulog at patak ng ulan ang gumising sa akin. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala akong nakitang orasan dito sa silid. Inabot ko ang cellphone ko para lang magulat na alas dos na pala ng umaga at may nakabalot na kumot sa katawan ko. Bumaba ako sa kama dahil naiihi ako. Kailangan ko tuloy lumabas sa silid para pumunta sa banyo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito ng bumungad sa paningin ko ang nakahigang pigura at natutulog na si Officer Ramos sa ibabaw ng mahabang kawayang sofa at dito pala natulog dahil pinagamit sa akin ang silid niya. Ewan ko kung anong nagtulak sa akin para kunin ang kumot na nakita kong nakabalot sa akin ng magising ako, pati na rin ang isang unan at dinala ito sa labas para may magamit ang pulis na nagpatuloy sa akin dito sa bahay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD