Chapter 3

1310 Words
THERESA "Aray!" Gulat na daing ko nang biglang hawakan ng mahigpit ni Officer Ramos ang pulsuhan ko at hatakin ng malakas ang braso ko ng tapikin ko siya sa balikat, para sana gisingin at ibigay ang kumot at dala kong unan, kasi mukha siyang kaawa-awang nakahiga sa kawayang sofa. Nanlaki ang mga mata ko nang mawalan ng balanse ang paa ko at bumagsak ang katawan ko sa ibaba ni Officer Ramos at nakasubsob pa ang mukha ko sa dibdib niya. "Attorney, anong-" Hindi natapos ng pulis na nagulat at nakahiga pa rin, habang nakadagan ako sa ibabaw niya ang sasabihin ng umangat ang kamay ko at sinapak siya. Nagulat sa nangyari si Officer Ramos pero hindi niya inaasahan ang ginawa ko. "Masakit ah," reklamo ko na mabilis tumayo at umalis sa ibabaw niya. "I'm sorry, attorney. Hindi ko kasi alam na ikaw 'yan. Nagulat rin ako," hinging paumanhin ng pulis na kaharap ko na bumangon na rin at hinimas ng isang kamay ang kanang pisngi. "Malamig at nilalamok ka, kaya dinalhan kita ng kumot at unan. Mukha ka kasing kawawa dito, tapos ako ang gumagamit sa room mo. Malay ko bang pipilipitin mo pala ang braso ko," inis na sabi ko, dahil hindi ko na paghandaan ang nangyari. Lihim na nahihiya ako sa naging outcome ng paglapit ko sa kanya. Baka kung ano ang isipin ng pulis na kasama ko, kaya inunahan ko na. Mas madaling maging masungit, kumpara sa mag-paliwanag kung bakit nagdala ako ng kumot at unan para ibigay sa kanya. "Pasensya na talaga, attorney. Hindi ko sinasadya. Kung gising ako, hindi mangyayari 'yan," mukhang sincere Naman na paliwanag ng kaharap ko. Pormal lang ang kilos ko at nanatiling nakatayo ng tumayo si Officer Ramos at lumapit sa switch ng ilaw at binuksan ito. Iglap lang ay nagliwanang ang paligid. "Patingin," sabi ng kaharap ko na raspy pa ang boses, dahil bagong gising. "Nang alin?" maang na tanong ko. "Nang braso mo," sagot ni Officer Ramos na lumapit sa akin. Wala sa sariling itinaas ko ang kaliwang braso ko na hinawakan naman ng pulis na kaharap ko. Ang awkward sa pakiramdam, lalo na at nararamdaman ko ang init ng kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko habang tila nag-inspection kung may sugat at galos ba akong tinamo. "Namumula ang braso mo, baka magka-pasa pa ito bukas," mahinang sabi ni Officer Ramos na para bang kinakausap lang ang sarili, habang nakayuko ay hawak pa rin ang kamay ko at dito nakatingin ang mga mata. Hindi ako pabebe at wala lang sa akin ang nangyari. Walang kapantay ito sa sakit na naranasan ko sa naging training ko sa base, bago naging opisyal na member ng organisasyon na kinabibilangan ko, pero kailangan kong umarte na nasaktan para isalba ko ang ego ko. "Tama, drama lang 'to Theresa kaya panindigan mo na," sulsol ng kabilang bahagi ng isip ko. "Sandali, maupo ka muna, please." "Bakit?" walang emosyon na tanong ko, dahil para akong batang inuutusan ng kasama ko. Pero naupo rin ako ng magpaliwanag ito. "Kukuha lang ako ng baby oil para kahit paano, hindi magkapasa ang braso mo." "Hindi na kailangan, okay lang ako. Matutulog na ako," seryosong sabi ko na tumalikod na at malaki ang mga hakbang na pumasok sa silid na tinutuluyan ko. Tapos na ang drama ko at hindi na ako dapat magtagal sa labas. Nahiga na ako patalikod sa pintuan at niyakap ang unan. Kahit hirap akong matulog ay pinilit kong muling makatulog, pero ang nakakainis, gising na gising ang diwa ko, kaya frustrated na bumangon na lang ako at naupo sa ibabaw ng kama, habang nakasandal ang likod at ulo sa pader. Siguro ay namamahay ako, tapos awkward rin ang sitwasyon ko ngayon na may kasama akong lalaki sa isang bahay, bagay na ngayon lang nangyari sa buong buhay ko dahil wala talaga akong pagpipilian. Okay naman si Officer Ramos, mukhang matino namang pulis at hindi pa nahahawa sa mga salot sa lipunan na mga alagad ng batas na sila pa ang unang gumagawa ng krimen. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-search ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa mayor na target ko. Sinamantala kong hindi ako makatulog kaya gamit ang cellphone ay nagsimula akong maghanap ng kahit anong impormasyon na magagamit ko laban sa taong pakay ko kaya narito ako sa Zambales "Okay ka lang ba, attorney?" Nagulat ako ng bigla ay narinig kong nagtanong si Officer Ramos na nakatayo pala sa pintuan. Mukhang gaya ko ay hindi na rin siya makatulog at dahil tanging kurtina lang ang takip sa pintuan ay hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya doon at wala akong ideya kung gaano na katagal. "O-oo naman," nauutal na sagot ko dahil nagulat talaga ako. "P'wedeng pumasok?" Gusto kong matawa sa tanong ng pulis sa harap ko dahil bahay niya ito, pero sa akin nagtatanong, na para bang may karapatan ako. "Sure," tipid na sagot ko at nag-exit sa site na binuksan ko for safety purposes na rin lalo na at pulis ang kasama ko ngayon. Saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging tunog ng malakas na ulan ang naririnig ko, kasabay ng dumadagundong at kumakabog na dibdib ko. "Ah-" "May-" Pareho kaming natigilan ng sabay pa kaming nagsalita ng kasama ko. Ang awkward talaga kasi sa pakiramdam na may kasama akong ibang lalaki sa silid pa niya mismo. Honestly, hindi na ako virgin. I lost my virginity noong napunta ako sa pròstitution. Isa sa masakit na alaala ng nakaraan ko na ayaw ko nang balikan kaya kahit minsan, wala akong sineryosong relasyon. One night stand, fling and just pure pleasure. No any strange feeling involve kapag may nakikila akong lalaki, kaya ngayong ganito ang sitwasyon ko ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba, bagay na hindi ko maunawaan sa sarili ko kung bakit. "Pasensya ka na talaga sa nangyari kanina. Alerto lang talaga ako at naalimpungatan ng naramdaman kong hinawakan mo ako," hinging-paumanhin at sabi ni Officer Ramos na "Sorry rin, officer, nasampal kita," sabi ko na maging ako ay nagulat sa sarili ko, dahil nagawa kong ibaba ang pride ko. Well, siguro ay genuine naman kasi ang kausap ko at alam ko sa sarili ko na sinadya ko ang ginawa ko, unlike him na naka-self defense mode, kaya napilipit ang braso ko. "Okay na ba tayo?" nakangiting tanong ng kaharap ko, kaya nangunot ang noo ko. "Meaning?" nalilitong napatingin kay officer Ramos na tanong ko. "Wala nang kaso ng harassment. Nagkapatawaran na tayo, kaya hindi na 'to aabot sa presinto," tila natutuwang biro ng pulis na kausap ko. Kahit alam kong biro lang 'yon, hindi ako tumawa. Tipid na tumango lang ako at tanging maikling okay lang ang sinagot ko. "Ah, attorney, pwede ba kitang tawagin sa first name mo? Masyado kasi tayong pormal kung mag-usap, wala naman tayong hawak na kaso," tanong ni Officer Ramos na alam kong dinadaan sa biro ang pagtatanong para gumaan ang mabigat na atmosphere sa pagitan naming dalawa. "Sige," tipid na sagot ko. Hangga't maaari kasi ay iniwasan ko talaga ang mahabang conversation. Mas mabuti na ang manahimik para less mistake at iyan ang rules na sinusunod ko sa trabaho at personal ko man na buhay. "Salamat, Lara." Bahagyang tumaas ang kanang kilay ko dahil sa narinig kong sinabi ng kausap ko, pero naalala ko na ito nga pala ang alam niyang pangalan ko, kaya Lara ang tinawag niya sa akin. Siguro ay nakikita niyang malamig ang pakikitungo ko sa kanya, kaya siya na ang nagbukas ng usapan. "Pwede bang Blake na lang ang itawag mo sa akin at 'wag nang officer, Lara?" "Sige," maikling sagot ko at pagkatapos ay muling namayani sa amin ang katahimikan. Tanging ang malakas na ihip ng hangin at buhos ng ulan ang siyang naririnig naming dalawa sa apat na sulok ng silid ni Blake, habang sabay pa kaming nagkatinginan at nagtama ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD