Chapter 1

1628 Words
Chapter 1.1 "Kim, late ka na naman" sigaw ng captain namin. "Sorry, ang bagal kasi ng mga kuya ko eh" napakamot ako sa ulo bago pumasok sa van. Ako na lang pala ang kulang. Pagdating namin sa Xavier University ay napakaraming tao. First game ngayon ng basketball laban sa school namin, ang Mckinley University. "Captain, saan ang cr dito?" "Dun. Bilisan mo at magre ready pa tayo" Mabilis akong tumakbo papunta sa CR. Mabuti na lang at walang tao. Nakahinga ako ng maluwag nang mailabas ko ang kanina ko pang pinipigilang ihi. Napatili ako nang pagbukas ko ng pinto ay may naka topless na lalaki sa harapan ko. "Bastos!" Nabato ko sa kanya ang hawak kong bottled water. Tumama yun sa may ulo niya. Mabilis kong tinakpan ang mata ko at tumalikod dito. Napapadyak ako sa inis. "You can open your eyes now. I'm all dressed" malalim ang boses ng lalaki. Pagtanggal ko ng takip sa mata ay nakita kong nakabihis na nga ito. Mabilis ko itong tinarayan. Inirapan ko siya at nagmartsa palabas ng CR pero bago pa man makalabas ay nagsalita ang lalaki. "Miss" napatigil ako sa paglabas. Naglakad ito palapit sa akin. Napaatras naman ako sa ginawa nito. Tumigil siya sa harapan ko and he smirked at me. "Bago ka mambato, tignan mo muna kung tama ang cr na pinasukan mo" sabi nito at tinuro ang signage na nasa pinto. Nanlaki ang mata ko nang makita na nasa male restroom ako. Napapikit ako at napakagat ng labi dahil sa katangahan ko. I heard his soft laugh dahil sa ginawa kong reaction. Napatingala ako sa narinig kong pagtawa niya. Hanggang balikat lang kasi ako ng lalaki. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang magtama ang mga mata namin. Pero mas nagwala ang puso ko nang mas lumapit ito sa akin. Napasandal ako sa pader at itinukod ng lalaki ang braso niya sa pader. Halos mahalikan ko na ang leeg niya nang lalo siyang dumikit dahil may mga grupo ng lalaki na biglang pumasok sa CR. Tila ba itinatago ako nito sa mga bagong pasok. "Hoy! Bawal yan! Matinik ka talaga Damon" hinampas siya ng mga ito sa balikat pero di siya lumingon dahil itinatago niya ang mukha ko mula dito. Nakaharang ang malapad niyang balikat at dibdib sa aking mukha. Nakaramdam ako ng pagdaloy ng kuryente nang bigla niyang hawakan ang braso ko para ilabas ako sa cr ng mga lalaki. Nang makalabas kami ay mabilis akong tumakbo palayo dito at nang medyo malayo na ang distansya ko ay nilingon ko siya at sumigaw. "Sooorrrryy saaa boooteee" ngumiti ako at kumaway dito bago muling tumakbo pabalik sa mga kasama ko. Pagbalik ko ay nag aayos na sila. Mabilis akong nakisali sa pagw warm up. Kasali ako sa cheerdance. Isa ako sa mga flyer at kami ang opening. Grabe ang lakas ng mga sigawan at hiyawan ng mga nasa loob ng court. Kanya kanya sila ng cheer sa mga bet nilang grupo. Tumunog na ang buzzer hudyat na magsisimula na ang laro. Shinake ko ang buo kong katawan para mawala ang kaba at nang tinawag ang pangalan ng grupo namin ay all out smiles kaming tumakbo sa gitna. Chapter 1.2 Kahit grabe grabe ang kaba ay pinilit kong ngumiti na kita lahat ng ngipin. Inaalala ko ang lahat ng routine sa isip para di magkamali. Nagbibilang sa isip para hindi magkamali ng bagsak. Patapos na ang routine namin nang mapansin ko si Thalia na kapwa ko flyer. Bigla niya kong hinila pababa kahit wala pa sa bilang. Sh*t! Wala akong nagawa nang namali ako ng tapak at bagsak ng paa ko dahil maging ang mga catcher ko ay hindi pa handa. Ramdam ko ang pagka noot ng sakit dahil sa ginawa ni Thalia. Nagpatuloy ako sa routine kahit na sobrang sakit ng paa ko. Ngumiti pa din ako at nang matapos ang performance ay doon ako napangiwi. Nilapitan ako ng mga catcher ko. Bakas sa mga to ang pag aalala pero nginitian ko na lang. Inalalayan nila ako hanggang sa makaupo. "Ano yun Thalia?! Bat hinala mo si Kim?" galit na sabi ni Coach "Sorry po nagkamali ng bilang" nakayukong sabi nito "Sorry, nagka sprain tuloy si Kim!" "Ayos lang coach" sabi ko dito para di na mapagalitan si Thalia baka hindi naman talaga sinasadya. Napahinga ako ng malalim nang subukan kong igalaw ang paa pero masakit talaga. Inayos ko ang upo ko at inangat ko ang tingin ko. Pag angat ng aking ulo ay agad na nagtama ang tingin namin ng lalaking nagngangalang "Damon" na nakita ko kanina sa CR. Nakaupo siya sa kabilang panig ng court dahil sila ang kalaban ng school namin. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago ito nagsalita ng walang boses. "Masakit?" he mouthed the word to me. Nang maintindihan ko yun ay nag okay sign ako at ngumiti sa kanya para sabihing kaya naman. Napailing ito at bahagyang ngumiti. Parang kiniliti ang puso ko nang makita ang ngiti niya. "Kim" naagaw ang atensyon ng coach namin. "Sa clinic ka na lang muna para mapahinga mo yang paa mo" Napatango ako dito. Dinaluhan ako ng ilang mga ka squad ko para alalayan sa paglalakad. Nang malapit nang makalabas sa pinto ng court ay nilingon ko ulit ang direksyon ni Damon. Ganun na lang ang bilis ng t***k ng puso ko nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin. Tila hinahatid ako nito gamit ang tingin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya at ganun na lang ang pagwawala ng puso ko nang makitang ngumiti ito pabalik sa akin. Iniwan ako ng mga ka squad ko sa clinic ng Xavier at dahil wala namang gagawin ay natulog na lang ako. Nagising ako nang naramdaman kong may humalik sa aking noo. Pagdilat ng mata ay nakita ko agad si Kuya Vincent. "I told you not to join that stup*d cheerdance" inis na sabi nito. "Kuya, everyone experienced a sprain. Huwag kang OA" Tinulungan ako ni Kuya Vincent na tumayo at inalalayan palabas. Paglabas namin ay nakita ko si Kuya Ethan pero nagulat ako sa kausap nito ngayon. Si Damon. Agad na nagtama ang mata namin ni Damon dahil dito ay napatingin din si Kuya Ethan sa akin. Lumapit silang dalawa sa amin ni Kuya Vincent. Kuya Ethan immediately kissed my hair habang tinapik namin ni Kuya Vincent ang balikat ni Damon. "Next time na mabalian ka, you're gonna quit" masungit na sabi ni Kuya Ethan. Chapter 1.3 "If I quit, then you two quit the basketball too. Deal?" nakangiti kong hamon sa kanila. Mabilis na nag iwas ng tingin ang dalawa kong kuya. "You okay?" nawala ang ngiti ko nang marinig ang boses ni Damon. "Yeah. Normal naman to sa cheerdance" tipid kong sagot dito. "That's nice to hear" ngumiti ito sa akin. Nagulat ako ng mahinang suntukin ni Kuya Vincent ang dibdib ni Damon. "Gag*, alam ko mga galawan mo" nangingiti nitong sabi "What?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Damon. "Kim is the youngest in the triplets, Damon kaya ngayon pa lang umayos ka" banta ni Kuya Ethan. Naintindihan ko ang sinasabi nila kaya mabilis ko silang hinampas dahil ako ang nakaramdam ng hiya sa mga pinagsasabi nila. "Stop! You're embarassing me!" mahina kong sabi. Tinawanan lang ako ng mga kakambal ko. "We have to go" paalam ni Kuya Ethan Kumapit ako sa braso ni Kuya Vincent para sa suporta. "Okay. See you next game Kim" sabi ni Damon. Napalingon ako sa kanya, napakaganda ng ngiting nakalagay sa labi nito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, daig ko pa ang tumakbo ng marathon sa bilis ng t***k ng puso ko. "Kim, stop staring. Namumula ka na" napapikit ako bago ko malakas na hinampas si Kuya Vincent dahil sa binulong nito. Sabay lang akong tinawanan ng mga kuya ko "I hate you two!!" inis na sigaw ko sa kanila. "And we love you too" sabay nilang sabi. Kahit masakit ang paa ay pinilit kong maunang maglakad sa dalawa kong kapatid na lalaki dahil sa hiya. Humahawak ako sa dingding para kahit papaano ay may suporta. Napahinto ako nang nakatalikod na umupo si Kuya Vincent. "Hop in Kim" sabi ni Kuya Ethan at pinatungan ako ng jacket sa balikat na hanggang legs ko dahil sa laki nito. Nakasuot pa rin kasi ako ng uniform namin na pang cheerdance. Nakasimangot akong sumakay sa likod ni Kuya V. He gave me a piggybackride. "Kim if someone tried to hit on you, pwedeng wag muna?" seryosong sabi ni Kuya Vincent. "Why? Kuya" ipinatong ko ang baba ko sa balikat ni Kuya V. "We're not yet ready Kim" si Kuya Ethan ang sumagot. Napangiti ako sa sinabi nito "Ako naman ang makikipag relasyon hindi naman kayo" natatawa kong sagot "Paano kung paiiyakin ka? O kaya saktan ka lang? Can you take it?" "Eh kuya di ba part naman di ba talaga ng pagmamahal ang masaktan? How can you say you love the person kung di ka masasaktan? They say you know it's true when it hurts" "Kim, not all love can hurt you. Other love can make you whole, can make you complete and that's the kind of love we want you to experience" paliwanag ni Kuya Ethan. "You're too precious for us Kim. Kaya ayaw naming masaktan ka kasi mas masasaktan kami. Magmahal ka kapag alam mong handa ka na" payo ni Kuya Ethan. Napangiti ako sa sinabi ng mga Kuya ko. "Kahit na lagi niyo kong inaasar, love ko pa din talaga kayo. Huwag kayo mag alala kuya kung magkakaroon ako ng boyfriend sisiguraduhin kong katulad niyo ni Papa. You set the standard so high" nakangiti kong sabi sa kanila "Good girl" sabay na sabi ng mga kakambal ko. I smiled as I see everyone staring at us! Yes people, these are my brothers❤️?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD