Simula

1036 Words
Lakad takbo ang ginagawa ko para makaakyat sa opisina. Nang makarating sa tamang palapag ay nagmamadali kong tinungo ang table ko. "Kimberly Mae Villafuerte, you're late again" nakataas ang kilay ni Mam Chynthia habang tinitignan ako "I'm so sorry mam" napakamot ako sa ulo "Alam mo kung di ka lang efficient na secretary ay tinanggal na kita" natatawa nitong sabi Lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "Bakit ka ba kasi nagt tyaga ka dito sa company namin. You have the most succesful company hija" "Mam, I told you I want to stand and be successful on my own without using my parent's nor my brother's names" "Yan ang gusto ko sayo. You are really so sure of what you want in life" tinapik nito ang balikat ko. "By the way, my son will be coming today. He'll take over now the company. So, siya na ang magiging new boss mo. Be nice to him, okay? And please bare with him kapag nagsusungit but knowing you? Alam kong di ka titiklop dun" natatawa nitong sabi. "No worries mam. I'll handle him" Pumunta ako sa table ko at inayos na ang schedule ng new boss ko. I never met the son of Mam Cynthia dahil sabi niya sa US daw ito naglagi ng ilang taon. I was busy fixing my table nang mapansin kong nawawala ang singsing ko. Sh*t! Mawala na lahat wag lang yun! Nagmadali kong binalikan lahat ng dinaanan ko. Kim naman napaka careless mo! Mangiyak ngiyak na ako dahil hindi ko mahanap ang singsing. Nasa labas na ako ng building nang may biglang kumislap. Nanlaki ang mata ko at napangiti nang nakita ko yun. Tumakbo ako papalapit sa singsing pero nawala ang ngiti ko nang makitang may tumapak doon. Ay ha! Wag mong tapakan yan kundi tatamaan ka sa akin! Magkasalubong ang kilay ko na tinignan ang lalaking tumapak sa singsing ko pero natigilan ako nang makilala ang lalaking nasa harap ko ngayon. Biglang bumilis ang kaba ng dibdib ko at nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ko maintindihan kung anong gusto kong gawin. Naiiyak ako na ewan. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong tinatahak ang daan patungo sa lalaking nakatayo. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Tumayo ako sa harapan niya pero tinitigan lang ako nito. Iniikot nito ang mata sa buo kong mukha pero walang reaksyon itong ginawa. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ipinaikot ko ang mga braso ko dito at niyakap siya ng napakahigpit. Tahimik akong humikbi habang yakap ito. Natigil ako nang magsalita ito. "Excuse me miss, do I know you?" napaangat ako ng tingin sa kanya. Magkasalubong ang kilay nito. "It's me Damon, Kim" nagtataka kong tanong dito pero wala siyang reaksyong binigay sa akin. "I'm sorry pero hindi kita kilala" malamig na sabi nito. "Damon" napalingon ako sa isang magandang babae na naglalakad patungo kay Damon. Nang makalapit ang babae ay mahigpit itong niyakap ni Damon at hinalikan sa pisngi. "I miss you, Kim" at muli nitong niyakap ang babae. Nagtama ang tingin namin. Hindi ako makapaniwala. Tila hindi ako nakikilala nito. Naglakad si Damon kasama ang kapangalan kong babae palayo sa akin. Naiwan akong nakatayo sa labas ng building. Tumulo ang luha ko. He's okay. He's fine. For 8 years, hinintay ko siyang bumalik kasi sabi niya babalikan niya ako pero bakit nag iba siya? Parang hindi na siya ang dating Damon ko. Napabuntong hininga ako at pinulot ang singsing ko na binigay sa akin noon ni Damon. Tinignan ko ito at hinalikan. Ito lang ang tanging bagay na iniwan niya sa akin. Mabigat ang loob ay umakyat ako sa opisina. "Hoy, Kim andyan na yung new boss kanina ka pa hinahanap ni Mam Cynthia" napabalik ako sa realidad dahil sa sinabi ng katrabaho ko. Inayos ko ang sarili ko at kumatok sa office. Binuksan ko ang pintuan at tila gusto ko ulit itong isara dahil sa loob ay nandun si Damon katabi ang babaeng kapangalan ko. Ngumiti akong pilit sa mga taong nasa loob. "Oh, here's my most efficient secretary. Come here Kim" tawag sa akin ni Mam Cynthia. "This is Damon and he will take over the company. So, starting now, he is your new boss" pakilala sa akin ni Mam Cynthia. Napalunok ako at tinignan si Damon na diretso lang ang tingin sa akin. Walang kahit emosyon ang nasa mukha o sa mata nito. "Good morning sir" bati ko dito. "Good morning" matipid na sabi nito at bumaling sa katabing babae. Lumapit ako kay Mam Cynthia at bumulong dito "Anak, niyo po siya?" "Yes, hija. Why?" "Wala po. I'll stay outside po. Just call me when you need something" magalang kong paalam sa mga ito. Binagsak ko ang sarili sa swivel chair. Pinaikot ikot ko yun habang tinitignan ang singsing sa kamay ko. "Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang Damon ko. Siya yun. Sa kanya lang naman tumitibok nang ganito ang puso ko eh. Sigurado ako" Napaayos ako ng upo nang lumabas sila Mam Cynthia kasama ang dalawa. Napabuntong hininga ako nang lagpasan nila ako. Ni isang tingin ay hindi ako tinapunan ni Damon. Nakaramdam ako ng inis at sakit sa puso ko. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Napatalon ako sa upuan nang biglang sumulpot si Damon sa harapan ko. Napalunok ako bago nagsalita. "Yes sir?" kinakabahan kong tanong dito "May I have my schedule for this week" pormal nitong tanong Inabot ko sa kanya ang schedule niya at pagkakuha ay tinalikuran ako. Pero bago makapasok ay lumingon siya sa akin. "Another thing, do you have other name aside from Kim?" tanong nito "Why sir?" "My girlfriend's name is Kim. I don't want another Kim, so do you have any other name?" seryoso nitong tanong. Napatigil ako at napayuko. Girlfriend? Girlfriend niya yung babae kanina. Parang sinaksak ang puso ko. Huminga ako ng malalim bago tumingin muli sa kanya. "My full name is Kimberly Mae Villafuerte" nagpipigil luha kong sabi "Okay. I'll call you Kimberly" sabi nito at sinarado ang pinto. Kasabay ng pagsara ng pinto ay pagbagsak ng luha ko. Kakaibang sakit ang nararamdaman ko. May girlfriend na siya? Bakit tila di niya ako naaalala? Damon. Anong nangyari sayo ?......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD