Chapter 2

1719 Words
Chapter 2.1 "Let's go Kim" inakbayan ako ng dalawa kong kuya papasok ng Mckinley. As usual agaw pansin na naman kami, partikular ang dalawang lalaking katabi ko. "Wala na bang ihahaba yang palda na yan Kim?" magkasalubong ang kilay ni Kuya V nang lumabas ako sa cr na suot ang uniform ng cheerdance. Today is the 2nd game at dito sa amin gaganapin ang laban. "What do you expect me to wear kuya pajama?" natatawa kong sabi nito Inis na napakamot si Kuya V sa buhok niya habang tinatawanan siya Kuya Ethan. "Wala ka nang magagawa. Alam mo namang walang nakakapigil kay Kim" "Suotin mo yan at wag mong ibalandra yang katawan mo!" hinagis sa akin ni Kuya Ethan ang isang jacket. Sinuot ko na lang yun para di na humaba pa ang usapan. Pagkadating namin sa court ay marami na ring tao at kanya kanya na ng cheer. Dahil di pa naman nagsisimula ay kinuha ko muna ang cellphone ko, pagpunta ko sa messenger ay may message request. Binuksan ko naman yun pero napataas ako ng kilay nang makita ang message "Nice as* and body. Wanna go out?" -Montero from Xavier Nag init ang ulo ko sa nabasa. Mabilis kong nilapitan si Luna na bestfriend ko. "Kilala mo si Montero?" tanong ko dito "Oo, ayun oh yung naka red shirt na....." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Luna. Nag martsa ako palapit sa kabilang side ng court. Kinalabit ko ang nakasuot ng red shirt ganun na lang ang pagkadismaya ko nang mukha ni Damon ang bumungad sa akin. Akala ko matino! Manyak pala! Nakangiti ito sa akin. Plastik ko siyang nginitian. Itinaas ko ang cellphone ko at iwinagayway yun. Sinundan yun ng tingin ni Damon at dahil sa inis ay malakas ko siyang tinuhod sa gitna ng mga hita niya. Malakas siyang napadaing at namilipit dahil sa ginawa ko. Hinawakan ko ang balikat niya at inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "Pervert" bulong ko dito at ngiting wagi na naglakad pabalik sa upuan ko. Kita ko ang gulat ng mga tao sa ginawa ko. Mabilis akong hinampas ni Luna. "Tang*, si Salvador yung nilapitan mo. Yung katabi niya si Montero" natatawa nitong sabi "Whaaaaaaatttt!!!!" mahina kong sabi "Bat di mo sinabi!!!" inis kong tanong dito "Girl, hindi mo ako pinatapos. Red shirt na may twalya sa balikat yun dapat ang sasabihin ko kaso excited ka" Nasapo ko ang noo ko dahil sa ginawa ko. Dahan dahan kong nilingon ang direksyon ni Damon. Nakita kong tumatalon talon ito at nagj jog sa pwesto niya para ibsan ang sakit ng ginawa ko. Agad akong nakonsensya sa ginawa ko. Biglang kumalabog ang puso ko nang biglang tumingin sa akin si Damon. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napa peace sign na lang ako sa kanya ✌️ at alanganin na napangiti. Inirapan lang ako ng lalaki. Nagsimula ang laro at talagang kinakain ako ng konsensya ko dahil sa nangyari. Kinakagat kagat ko ang aking labi dahil sa kaba at konsensya sa ginawa ko. Nag ring ang buzzer ibig sabihin ay tapos na ang 1st half. Kita ko ang pagod kay Damon. Tagaktak ang pawis nito at hapong hapo. Pabagsak siyang umupo sa upuan at napatingala. Binigyan siya ng isang bottled water. Mabilis niya yung naubos. Napayuko siya at itinukod ang mga braso sa tuhod. Sa bibig na siya humihinga dahil sa pagod. Bigla na naman akong kinabahan nang mag angat siya ng tingin. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Walang reaksyon ang mukha nito. Nakatingin lang din sa akin. Napakagat ako sa labi dahil sa kabang nararamdaman. "Sorry" I mouthed the word to him and give him an apologetic smile. Nanlaki ang mata ko nang makitang gumuhit ang ngiti sa labi nito. Umupo siya ng maayos at sumandal sa upuan pero hindi inaalis ang tingin sa akin. Chapter 2.2 "Ayoko" he mouthed back his answer. "Sorry na nga" ulit ko dito para tuloy kaming tang* sa ginagawa namin. "Ayaw" ulit nito. Napabuntong hininga ako. Ang hirap namang suyuin nito! Tumunog ang buzzer hudyat na start na ng 2nd half. Mahigpit ang laban dahil dikit ang scores. Napapatayo kami sa tuwing nakaka shoot ang school namin at napapa boo naman kapag nakakaganti ang team ni Damon. Sa bawat shoot namin ay sinusuklian din agad yun ni Damon. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako kasi hindi namin sila malamangan o matutuwa dahil ang galing niyang maglaro. Nag lay up ang player namin pero hindi yun na shoot kaya nag unahan sa rebound. Natapik ng malakas ng player nila Damon ang bola. Mabilis itong hinabol ni Damon. Malapit nang lumabas ang bola pero tinalon yun ni Damon at bago makatapak sa outside ay ibinato niya yun sa player namin. Nag bounce back ang bola palabas ng court kaya kami ang last touch at ang bola ay kila Damon. Nataranta ako nang makitang sa direksyon ko babagsak si Damon dahil sa paghabol nito sa bola. Mabilis kong naiharang ang dalawa kong palad sa may dibdib ko at napapikit para saluhin si Damon. Ilang segundo ay wala akong naramdaman na may dumagan sa akin kaya naman ay napadilat ako ng mata na agad ko namang pinagsisihan dahil bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Damon na nakangiti habang ngumunguya ng mint bubble gum. Amoy na amoy ko ang mainit at mabango nitong hininga dahil sa mint bubble gum. Nakatukod ang dalawa niyang kamay sa likod ng upuan ko para hindi tuluyang bumagsak sa akin ang kanyang katawan Nanlaki ang mata ko nang makita kong kumindat siya sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Inilapit pa nito lalo ang sarili sa akin. Ramdam ko ang kanyang bibig sa ibabaw ng tenga ko. "You're blushing Kim" sabi nito at tumawa gamit ang paos na boses Bat ang sexy ng tawa niya!!!! Tumunog ang buzzer. Ibig sabihin ay may tumawag ng time out. Mabilis namang humiwalay sa akin si Damon at tumakbo pabalik sa kabilang panig ng court. Nakatingin lang ako sa malapad nitong likod na tumatakbo. "Hoy ano yun!" hinampas ako ni Luna "Ang alin?" napalingon ako sa kanya "Girl, muntik mo nang maabot ang langit! Isang galaw na lang mahahalikan mo na siya! Kung ako yun naku sinunggaban ko na siya. Damon Salvador na yan oh choosy ka pa ba" kinikilig nitong sabi Napalingon tuloy ako kay Damon na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. Sa pagkakataong ito ay hindi ko binawi ang tingin ko sa kanya. Nakipagtitigan ako dito. Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi nito at napailing. Hindi ko rin tuloy mapigilang mapangiti dahil nakakahawa ang ganda ng ngiti niya. "Bat may titigan?" nakuha ni Luna ang atensyon ko. Tinignan ko siya at napangiti na lang dito. Natapos ang game na panalo ang Xavier 1-1 na ang score ng laban. Nag aayos ako ng gamit nang sikuhin ako ni Luna. Inis ko siyang tinignan. Ininguso nito ang likuran ko kaya napalingon ako dito. Nakita ko si Damon na tinatawid ang court at papunta sa direksyon ko. Mabilis akong nag iwas ng tingin at nagmadaling iligpit ang gamit ko. "I'll go first" sabi ko kay Luna nakaka isang hakbang pa lang ako ay may mainit nang kamay ang humawak sa braso ko. Agad ko yung binawi dahil nakaramdam ako ng kuryente mula sa mga kamay nito. Nilingon ko si Damon na ngayon ay nakataas ang kilay at nakapa meywang sa akin "What?" naiilang kong tanong dahil kita ko na nakatingin sa amin ang karamihan ng nasa court Chapter 2.3 "I think you owe me an explanation for doing your stunt earlier" seryoso nitong sabi "Fine. Can we do it outside? I'm not comfortable. They are looking at us" mahina kong sabi dito. Nilingon ni Damon ang mga tao sa court. Nang ibalik ang tingin sa akin ay tumango siya. Nauna akong maglakad at siya ay nasa likod ko. Maraming lumalabas sa pinto. Napaatras ako nang biglang magharutan ang mga nasa harapan namin. Napasandal ang likod ko sa dibdib ni Damon at ganun na lang ang kaba ko nang maramdaman ang paglapat ng kamay ni Damon sa beywang ko para alalayan ako. "You okay?" sinilip nito ang mukha ko Napalunok ako at tumango na lang. Umayos ako ng tayo dahil hindi ko matagalan ang posisyon namin. Nakahinga ako ng maayos nang makarating kami sa labas ng court. Dinala ko si Damon sa may gazebo na walang tao. Umupo ako habang si Damon ay nakatayo lang. "So, you kick me because?" nakahalukipkip ito habang nakasandal sa haligi ng gazebo. Bakit ba ang gwapo mo kahit anong gawin mo!!! "Eh kasi may nag message sa akin tapos nung nagtanong ako kung sino si Montero ikaw ang naituro" paliwanag ko dito "Montero? Why? Anong sabi?" Inilabas ko ang cellphone ko. Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko. Napatingin tuloy ako sa kanya habang siya ay busy na nakatingin sa phone ko. Pinakita ko ang message sa akin ni Montero "Asshol*" inis na sabi nito "Nagreply ka?" nakataas ang kilay nitong tanong. "Hmm magrereply pa lang" sagot ko dito. Nagulat ako nang kunin nito ang cellphone ko at may kalikutin doon. "Blocked" sabi nito at inabot sa akin ang cellphone. Chineck ko ang name ni Montero at di ko na nga makita. "Don't reply to anyone Kim" paalala nito sa akin. Napatango naman ako na parang bata sa sinabi nito. Nanaig ang katahimikan sa amin matapos ng sinabi niya. Kaya naman mas dama ko ang kaba ng dibdib ko. Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko pakiramdam ko kasi sa sobrang lakas nito ay maririnig na to ni Damon. "Stop" biglang sabi ni Damon. Napalingon ako sa kanya. "Ha?" "Stop biting your lip Kim" napatingin siya sa labi ko at agad na nag iwas ng tingin. Binitawan ko ang kagat kagat kong labi. "Don't do that when you're with me" sabi ulit nito pero sa malayo nakatingin "Why?" curious kong tanong Tumingin siya sa akin bago ngumiti. "You'll find it out kapag inulit mo yan na kasama ako" natatawa nitong sabi bago ako iniwang mag isa sa gazebo. Wala akong nagawa kundi pagmasdan siyang naglalakad palayo sa akin. Napahawak ako sa puso ko. Hindi ko maintindihan bakit ganito na lang ang epekto sa akin ni Damon. No, no, no, bawal pa heart! Bawal pa!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD