Chapter Thirteen: Favoring Dmitri Alas kwatro ng hapon at nakaabang ako sa pintuan ng mansion. Uwian na ng aking mga kapatid mula sa paaralan. Pinaghanda ko na rin sila ng meryenda para maibsan ang pagod nila sa skwela. Bumukas ang malaking gate sa unahan at nakita ko na ang kotse ma ginamit ni Anders upang sunduin ang aking mga kapatid mula sa paaralan. Ngumiti ako at kinawayan sila mula sa kinatatayuan ko. Huminto ang kotse sa harap ng mansion at nagsilabasan na ang aking mga kapatid. “Kamusta ang skwela ninyo Andrew, Paul at Honey?” nakangiti kong tanong habang sinalubong sila upang kunin ang kanilang mga bag. Pero laking gulat ko ng iniwasan nila ako na para bang may nakakahawang sakit ako at hindi sinagot ang aking tanong. “O-Okay lang kayo?” Nagpatuloy silang nagla