Kumakabog ang dibdib ni Mira nang i-apak niya ang kanyang mga paa sa malinis na lobby ng Almeradez hotel. Ayon sa impormasyon na ibinigay sa kanya ni Vaspiano, dadalo si Zeon Funtellion sa isang dinner party ng isa sa mga kasosyo nito sa negosyo. An illegal business, gusto niyang iikot ang mga mata dahil doon.
Humigpit ang hawak niya sa itim na invitation card na ibinigay sa kanya kanina ni Vaspiano—para raw papasukin siya sa venue ng dinner party na iyon, nang binaybay niya ang maliwanag na lobby ng hotel patungo sa elevator.
Umawang ang bibig niya nang mapagmasdan niya ang loob ng hotel na iyon. Stunning and luxurious words were not enough to describe the place. From its interior design that has a touch of modern and medieval period, to the paintings that are hanging on the wall, sumisigaw ng karangyaan ang buong lugar. Gold at white ang theme ng buong lugar. May iba pa naman kulay ngunit iyon ang mas nangingibabaw.
Ang ilang malalaking chandelier na nakasabit sa ceiling ng lobby ay mas nakapagpadagdag ng kintab sa sahig na tinatapakan niya. Halos masalamin na niya ang sarili dahil sa linis niyon.
Gustuhin man niya na mas mapagmasdan pa ang lugar ay hindi pwede. Pinaalalahanan niya ang sarili na nandito siya para sa isang misyon, hindi para mamasyal at magsight seeing sa lugar. Nakipagsabayan siya sa pagsakay sa elevator kasama ang mga taong naka-formal attire rin na katulad niya.
She was wearing an elegant strappy turtleneck backless black dress. Umabot lamang iyon hanggang sa itaas ng kanyang tuhod. Pinaresan niya iyon ng gold strappy heels na bumagay sa kulay ng balat niya. Mataas na nakatali ang kanyang buhok at hinayaan ang ilang hibla niyon na nakalugay sa kanyang mukha at leeg.
She made sure that she was stunning this night. Kailangan niyang makuha ang atensyon ni Zeon Funtellion. She needs to lure him to come with her and be alone with him.
Lumalagutok sa marmol na sahig ng hotel ang mataas na takong ng kanyang sandals nang naglakad siya sa pasilyo ng hotel matapos bumukas ang elevator na sinasakyan niya. She pressed her lips firmly when she places herself in front of the enormous door with a two intimidating big bulk of a man a a guard. Kasinglaki ang mga iyon ni Vaspiano.
Mistulang mga tuod ito habang diretso lang ang tingin. Walang kangiti-ngiting sinusuri ng mga ito ang imbitasyon na inaabot ng mga bisita. Pinigil niya ang sariling tumalikod at takbuhin ang elevator upang umuwi na lamang at hindi na gawin ang kanyang misyon, nang umahon ang kaba sa kanyang dibdib.
Paano kung mahalata ng mga ito na peke ang invitation card niya? Na hindi naman talaga siya imbitado sa pagtitipon na iyon. Hindi pa naman niya alam kung saan kinuha ni Vaspiano ang invitation card na iyon.
Ngunit nabitin sa ere ang mga paa niyang hahakbang paatras nang pumasok na sa loob ang mag-asawang nasa unahan niya at siya na ngayon ang nakaharap sa walang kangiti-ngiting lalaki na mukhang wrestler sa WWE.
Inilahad nito ang malaking kamay, hinihingi ang invitation card niya. Napalunok siya nang iabot dito ang card niya at hindi inalis ang tingin sa kamay nitong alam niyang kayang-kaya siya itapon gamit ang lamang ang isang kamay. Malay ba niyang baka bigla na lang siya nitong daklutin at ibalibag. Makakaripas man lang siya ng takbo para maka-iwas dito.
Ngunit ang lahat ng masamang senaryong nasa utak niya ay biglang naglaho nang tumango ang lalaki sa kanya at ipinagbukas pa siya ng malaking pintuan.
At saka pa lamang niya narealize na kanina pa niya pinipigilan ang sariling huminga nang makapasok na siya sa loob. Pinigilan niya ang sarili na mapa-upo sa marmol na sahig dahil halos pangatugan siya ng tuhod.
Ang tapang-tapang niyang tanggapin ang misyon tapos ganito ang magiging reaksyon niya! Kung pwede lang malupasay siya sa sahig at mapahiya ay ginawa na niya. Ngunit dahil ayaw niyang pumalpak siya sa misyon na iyon ay inayos niya ang sarili at iginuhit sa mga labi ang maliit na ngiti. Taas-noong naglakad siya at kumuha ng wine sa waiter na dumaan.
Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid upang hanapin ang taong pakay niya. The round tables were place neatly in the place. Maganda ang pagkaka-arrange ng lugar mula sa buffet table na nasa bandang unahan ng lugar hanggang sa mga kubyertos na maayos na nakasalansan sa ibabaw ng mesa.
Busy ang mga mata niya sa paghahanap sa binatang Funtellion habang sumisimsim siya sa kanyang wine.
Ngunit nai-ikot na yata niya ang mga mata sa buong lugar ngunit hindi niya ito natagpuan.
‘Maybe he’s not yet here,’ wika niya sa isipan at naghanap ng pwesto kung saan tanaw niya ang malaking pintuan na pinasukan niya kanina. Alam niyang doon papasok si Zeon Funtellion kapag dumating ito.
Muli siyang sumimsim ng wine sa kanyang goblet at ninamnam ang strawberry flavor niyon. Hindi pa nagsisimula ang dinner kaya naman ang mga bisita ay inabala ang sarili sa pakikipag-usap. She thinks that they are from elite society.
Ganitong mga pagtitipon ang gustong-gusto ng kanyang pinsan na si Vera. Magagarbo, elegante at mamahalin na pagtitipon. Ngunit para sa kanya isa lamang iyong pagtitipon na punong-puno ng kaplastikan. Kabaliktaran siya nito dahil ayaw na ayaw niya sa mga ganito, mas gugustuhin pa niyang magstay sa laboratory o kaya ay magbasa ng chemistry books.
Kinapa niya sa kanya purse ang maliit na botelyang tatapos sa buhay ni Funtellion. Dahil hindi siya marunong gumamit o humawak man lang ng baril, nagdisisyon siyang gamitin na lamang kung saan siya magaling.
She knows that she’s not a model like of a girl pero alam niyang kaya niyang kunin ang atensyon ng lalaki. At kapag nalulunod na ito sa kanya, saka niya ito lalasunin.
Alam naman niyang mali ang pumatay, ngunit mas nangibabaw ang kagustuhan niyang makuha ang impormasyon kay Samael tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. It was more important than anything or anyone in the world.
Napatuwid siya sa pagkaka-upo nang biglang may umupo sa harapan niya. Nag-iisa lamang siya sa mesang iyon dahil ang mga bisita ay may ibang pinagkaka-abalahan. Napatingin siya sa magandang babaeng nasa harapan niya na mataman siyang tinitingnan.
The woman was beautiful on her long-sleeve white dress that curves on her body. Nakamessy bun ito at naka-light make up lamang.
“Hi,” wika niyon sa kanya bago umangat ang gilid ng labi nito. It was a small smile or smirk, she doesn’t know dahil ang mas umagaw ng pansin niya ay ang mata nitong nakaka-intimidate kung tumngin.
“Hello,” sagot niya at maliit na nginitian niya rin ang babae.
“Do you know me?” tanong niyon sa kanya. Her amber blank eyes were emphasized because of the light from chandelier.
Medyo na-asiwa man dahil sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya. Gayunpaman, ay hindi niya iyon pinahalata bagkus ay sinalubong niya rin ang tingin nito.
“No,” tipid niyang sagot kahit ang totoo ay parang pamilyar ito sa kanya. Hindi lang niya mahanap sa kung saan bahagi ng kanyang utak kung saan niya ito nakita.
Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Tumigil ito sa kanyang tabi ito at pinagmasdan siyang muli. Wala siyang nagawa kundi tingalain ito dahil naka-upo pa rin siya,
“I’m Jenza,” pakilala ng babae. “Jenza Ivanovich.”
Kumunot ang noo niya dahil pamilyar din sa kanya ang pangalan na binanggit nito.
“Kiska,” tawag ng isang baritonong boses mula sa likuran nila. Nilingon niya iyon ngunit hindi ang babaeng nasa tabi niya. She was still looking at her like she was memorizing every details of her face.
Tumuon ang tingin sa kanya ng lalaki. Halos matuyuan siya ng lalamunan nang masalubong niya ang kulay abo nitong mga mata. Katulad ng babae, nakaka-intimidate rin ito kung tumingin. Ngunit iba ang dating nito. He was like an arrogant badboy in every aspect.
He has this ‘villian’ vibes in his system. Mistula itong antagonist sa action-romance na nababasa niya. Ngunit sa halip na katakutan ay tinitilian at kinakikiligan pa ng mga mambabasa.
Pumaikot ang kamay nito sa maliit na baywang ng babae which she believed Jenza is the name.
Jenza Ivanovich…Jenza Weinstein. Napalobo niya ang kanyang mga pisngi nang maalala niya kung saan niya ito nakita. She was featured in one of the best-selling magazines. The only heir of Weinstein Empire.
Natatandaan niya ito dahil ang pharmaceutical company na pinagtatrabahuhan niya ay isa sa mga distributor ng mga gamot sa ospital na pag-aari ng pamilya nito.
Kasal na pala ang babae. At hula niya ay ang lalaking kung makapulupot na parang sawa kay Jenza ay ang asawa nito.
“I’m not doing anything, Cale,” simangot na sabi ni Jenza matapos na may ibinulong si Cale dito.
Binigyan ito ng hindi kumbinsidong tingin ni Cale at tinaasan ng kilay, hindi naniniwala na walang ginawa ang asawa.
Inirapan ito ni Jenza bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. Itinaas nito ang kamay at nagulat siya nang haplosin nito ang kanyang buhok at nginitian siya. This time she knows and sure that it was really a smile.
“It was nice to see you again, Mira,” wika nito bago siya tinalikuran.
Nagtatakang nasundan na lamang niya ito ng tingin. Kumunot kanyang noo nang matantong tinawag siya nito sa kanya pangalan.
‘How did she know my name?’ tanong siya sa sarili. She was one and a hundred percent sure na ngayon niya lang nakilala at nakita ng personal ang babae. Dala ng kuryusidad, tumayo siya at tinangkang sundan ang babae.
Ngunit hindi na siya nakahakbang pa nang mahagip nang kanyang paningin ang pagbukas ng malaking pinto at pumasok ang mga naka-itim na kalalakihan. Ngunit ang mas umagaw sa kanyang pansin ay ang lalaking nasa gitna. Maawtoridad na naglakad ito sa loob at halos ng naroroon ay napapatingin dito.
Who wouldn’t? He looks dashingly gorgeous with his suite and tie. His emerald green eyes and his chisled jaw together with his messy black as night hair screams how gorgeous he was. At nakita na niya kung ano ang nakatago sa ilalim nang suit na iyon.
Muscled chest, biceps and triceps and…stop! She silently cursed herself nang gumuhit sa alaala niya ang hubad na likod nito nang minsang aksidenteng napasukan niya ito sa shower sa hospital. Ilang gabi ba siyang hindi pinatulog ng imahe ng katawan nito?
Hindi niya naalis ang tingin dito at sinundan pa talaga niya ito ng tingin nang naglakad ito papunta sa unahan ng lugar. He walks like he owns the place.
‘Get yourself a grip, Mira,’ she cursed herself at kulang na lang ay sampalin niya ang sarili nang matantong nakatanga lamang siya roon habang pinapanood ang kanyang target.
Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili. Inihanda niya ang kanyang ngiti at mapang-akit niyang tingin na ilang araw niyang pinag-aralan at pinagpraktisan.
Muli niyang dinampot ang wine goblet niya at naglakad papunta sa direksyon ni Zeon Funtellion.