Chapter 5

1861 Words
Tila pinupokpok ng martilyo ang ulo ni Mira nang magising siya. Sumisigid ang kirot sa kanyang sintido. Ano bang nangyari sa kanya? Ang naaalala lang naman niya ay pumunta siya sa party para sa isang misyon tapos umiinom siya ng wine tapos…        Naipilig niya ang kanyang ulo nang muling sumigid ang kirot doon. Tinangka niyang hilotin ang sintido upang kahit papano ay maibsan ang sakit. Ngunit hindi niya iyon magawa dahil hindi niya magalaw ang kanyang kanang kamay. Maging ang kaliwa!        Marahas na naimulat niya ang kanyang mga mata. Ang itim na kisame na may eleganteng design ang unang bumungad sa kanyang paningin. Pagkatapos ay marahas na napalingon siya sa kanyang kanan. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niyang nakagapos ang kanyang kaliwang kamay sa poste ng katre. Ganon din ang kaliwa niyang kamay.        “Sh*t,” mura niya nang makitang pati paa niya ay ganon din.        Nakidnap ba siya? Pero bakit ang lambot naman yata ng kamang kinahihigaan niya at ang bango ng kwartong kinaroroonan niya? Ang sosyal naman yata ng kidnapper niya.        Hindi ba ang mga kidnapper ay dinadala ang mga kidnap victim sa abandonadong lugar?        Muli niyang hinila ang kamay na nakatali ngunit napangiwi lamang siya nang maramdaman ang pagdiin ng tali sa balat niya. Hinila niya ulit pati na rin ang nasa paa niya. Hindi siya pwedeng makampante na lamang. Hindi niya alam kung nasaan siya. At kahit marangya at mabango ang kwartong kinaroroonan niya, hindi ibig sabihin niyon ay wala siya sa panganib.        Kidnappers can be in a different form and faces. Malay ba niya kung ibinenta siya bilang s*x slave gaya ng mga napapanood niya sa balita. Mas umahon ang kaba sa kanyang dibdib nang matantong nakapanty at bra na lamang siya. Hindi ba’t naka-gown siya kagabi?        Natatakpan ng itim na comforter ang kanyang katawan. At tanging liwanag na nagmumula sa lampshade ang nagbibigay ng liwanag sa buong lugar.        “Aray, tang*na!” mura niya nang maramdaman niya ang pagguhit ng sakit sa bandang pulso niya dahil sa kakahila niya.        “You’re awake,” wika ng pamilyar na baritonong boses mula sa madilim na sulok ng kwarto.  It was the same cold, dangerous and emotionless voice.        Si Zech Leon! Ang target niya.        Nanlalaki ang kanyang mga mata nang unti-unti niyang naalala ang mga pangyayari bago siya napunta rito.        Nakatitg siya kay Zeon na nakikipag-usap sa medyo may edad lalaki. Walang bahid ng ngiti ang mukha nito at bilang lamang sa kanyang mga daliri na nakita niyang bumuka ang bibig nito upang magsalita. Wala rin mababakas na emosyon sa mukha nito habang nakatingin lamang sa kausap at nakikinig.        Medyo malayo siya sa pwesto nito kaya hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito. Nasa kanang bahagi siya ng mga ito, malapit sa buffet table. Nagkukunwaring kumukuha ng pagkain.        Maya-maya pa ay nakita niyang ipinilig ni Zeon ang ulo nito na tila ba hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kausap. He opens his mouth again at may sinabi ito sa matanda. Nakita niya kung paano namutla ang matandang lalaki nang hawakan ito sa balikat ng mga lalaking kasama ni Zeon Funtellion.        Sa unang tingin, masasabing kaswal lamang na naglalakad palabas ang mga tao ni Funtellion at ang matandang hindi niya kilala. Ngunit alam niyang hindi iyon simpleng yayaan lamang. Nakita pa niya ang ngisi ng isang lalaki at nang tingnan niya ang kamay nito ay may nakatutok na baril sa tagiliran ng matanda.        Napalunok siya at muling ibinalik ang tingin kay Zeon na naglalakad patungo sa isang mesa na parang walang nangyari. May lumapit na waiter dito at binigyan ng wine ang lalaki. Napakuyom siya ng kanyang mga kamay at natagpuan ang sarili na mabibilis ang mga hakbang patungo sa direksyon ng binatang Funtellion.        “Oh my God! I’m sorry!” kunyaring gulat na bulalas niya nang sadyain niyang banggain ito. Natapon sa suit nito ang hawak-hawak na wine.        Kinuha niya ang panyo sa loob ng kanyang purse at pinunasan ang namantsahang mamahaling damit nito.        “I’m really sorry. I didn’t saw you,” sabi pa niya at tumingala para tingnan ang mukha ni Zeon.        Nasalubong niya ang kulay green nitong mata na matiim na nakatitig sa kanya. Literal na nakatitig lamang ito sa kanyang mukha na tila ba kinakabisado nito iyon.        Halos manginig ang kanyang mga tuhod nang ma-isip niyang namukhaan siya nito na siya ang babaeng napagbuksan ito sa bathroom ng hospital. Ngunit masyado naman yata itong matandain upang matandaan siya nito at makilala. Besides, she made sure na mas maganda siya ngayon kumpara sa itsura niya noong unang beses siya nito makita sa ospital.        Kung wala pang humawak sa braso niya para hilahin siya palayo ay hindi pa siya matatauhan dahil sa pagkakatitig nito sa kanya.        Inilayo siya ng isa sa mga tauhan nito mula sa binatang Funtellion.        “He is fine, Miss. You can go back now to your table or wherever you should be,” matigas na wika ng humila sa kanya. May accent pa ang pagkakabigkas nito ng salitang English.        Hindi niya alam kung guni-guni lamang ba iyon na nakita niyang nanigas ang mga panga ni Zeon nang dumapo ang tingin nito sa kamay ng tauhan nito na nakahawak sa kanya.        Ngunit sandali lamang iyon dahil bumalik ang tingin nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit kusang kumilos ang kanyang katawan dahil lang sa tingin na iyon ni Zeon. Wala sa loob na na-alis niya ang kamay ng lalaki mula sa pagkakahawak sa kanya.        “Okay,” wika niya at pinanood ang mga ito na tinalikuran siya at tinungo ang wash room ng lugar. Natagpuan niya ang sarili na nakatungo habang naglalakad pabalik sa mesang inu-okupa niya kanina. Halos lahat ng mata ay nakatutok sa kanya dahil sa eksenang ginawa niya kanina.        Ngunit nawala rin ang tingin ng mga ito sa kanya matapos ang ilang minuto. Habang siya naman ay muling bumuntong-hininga at tinanaw ang direksyon na pinuntahan ni Zeon Funtellion.        Muli siyang tumayo sa kinauupuan at tinungo ang direksyon ng comfort room ng lugar. Hindi niya pwedeng palampasin ang pagkakataon na ito dahiil bukod sa sobrang ilap ng binatang Funtellion ay marami rin itong bodyguard kapag nasa ganitong pagtitipon ayon na rin sa imporamsyon na ibinigay sa kanya ni Vaspiano at Samael.        “Saan ka pupunta?” tanong ng isang tauhan na nakatayo sa harapan ng pintuan ng men’s comfort room.        “Ladies room,” sagot niya at ipinakita ang kamay niyang natapunan din ng wine kanina. Pasimple niya itong inirapan nang tumango ito. Bakit ba ang segurista ng mga ito? Nahihirapan tuloy siyang lapitan at akitin si Zeon Funtellion.        Pumasok siya sa loob ng comfort room at naghugas ng kanyang kamay. Nagretouch din siya ng kanyang sarilii at nginitian ang repleksyon nang matapos siya. Ibinalik niya sa loob ng kanyang purse ang kanyang blush on at lipstick.        Kinuha niya ang maliit na botelya at pinakatitigan iyon. “It’s a do or die, Mira,” paalala niya sa sarili bago lumabas ng ladies’ room.        Wala na ang mga asungot na bodyguard ng kanyang target. Malamang ay nagsibalikan na ito sa pagtitipon o kaya umalis na ng lugar.        Dahil sa naisip ay patakbo niyang tinahak ang pasilyo pabalik sa pagtitipon. Ngunit bago pa man siya makalabas sa pasilyong iyon, may matitipunong kamay ang humuli sa baywang niya.        Kusang umigkas ang kanyang siko upang sikuhin ang kung sino mang pangahas na iyon. But it seems that he also knows that she will do that dahil mabilis nitong nahuli ang kanyang siko.        “Calm down, Missy.”        Agad siyang napalingon sa nagsalita at nagulat pa siya nang makitang si Zeon Funtellion iyon. Nag-iisa lamang ang lalaki, hindi mahagilap ng kanyang paningin ni isa man sa mga body guard nito.        Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang marealize niyang pagkakataon na niya iyon.        Palaban na mas inilapit niya ang sarili sa lalaki at hinawakan niya ang longsleeve nito na humahakab sa matipunong katawan nito.        “I-I’m sorry kung clumsy ako kanina,” she made her voice innocent. Nabasa niya iyon sa isa sa mga action-romance novel na minsang nabili niya sa bookstore. “I didn’t mean it.”        Hindi ito sumagot sa kanya bagkus ay pinagmamasdan lamang nito ang kanyang mukha kaya nagpatuloy siya. “Let me get you a wine, kung okay lang.”        She pursued her lips at sinalubong ang tingin ni Zeon. She made sure that the looks she made is inviting, seductive, aluring and she was gorgeous.        Hindi nga siya nabigo dahil mas inilapit ng binatang Funtellion ang mukha sa kanya. “Sure,” he wisphered on her ear, huskily.        And the night goes on. They flirted at hindi niya alam kung bakit nagagawa niya ang mga ginawa niya ng gabing iyon. Umukopa pa sila ng isang hotel suit para lamang mapag-isa sila. They kissed—almost make out.        Then, they ordered wine again. This time, naalala niya ang maliit na botelya sa kanya purse. Nailagay niya iyon sa goblet ng lalaki, she was sure of that.        But why does she was the one who felt dizzy all of a sudden?        Tila nalulon ni Mira ang kanyang dila habang nakatingin siya kay Zech Leon na tumayo mula sa pagkaka-upo sa madilim na sulok ng kwartong iyon. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa lampshade, nakita niya nang malinaw ang kabuoan nito.        He was half-naked. Nakasuot lamang ito ng maong pantalon—a loose pants, kaya naman kitang-kita niya ang iskandalosong v-line nito.        Napako ang kanyang tingin niya sa matipunong dibdib nito pababa sa eight-pack abs nito na namimintog sa may tiyan nito. And her eyes travel down more from his veiny poweful arms to his right hand that was holding a gun.        “W-What did you do to me?” nauutal niyang tanong kahit pa gusto niyang maging matapang sa harap nito.        Zeon Funtellion tilts his head, a sign that he was losing his patience.        Inilapag nito ang baril sa bedside drawer na malapit sa kanya. Domoble ang kaba niya nang makitang may collector’s knife rin doon. Kumikislap pa ang talim sa bawat tama ng liwanag ng lampshade.        “Pakawalan mo ako!” galit-galitan niyang utos dito kahit ang totoo ay gusto na niyang maiyak dahil alam niya na kung ano ang kalalagyan niya. Nabuking siya ni Zeon Funtellion at kamatayan ang magiging kaparusahan niya, she was sure of that.        Muli niyang hinila ang tali sa kanyang palapulsuhan at kahit mas sumakit iyon ay wala siyang paki-alam.        “Let go of me, you devil!” she screamed at hindi niya naiwasang mangatal ang kanyang mga labi.        But instead of following what she just said, he pulled out a cigarette from his pocket and lit it. Humithit ito roon bago bumuga ng usok habang tagusan pa rin na nakatingin sa kanya. Ganon lang ang ginawa nito makalipas ang halos isang minuto.        Nang makapangalahati ito, saka pa lamang nito iyon pinatay.        Kinuha nito ang matalim na kutsilyo sa ibabaw ng bedside table bago ito umupo sa kama.        “You’ve been a very bad girl, Mirethea,” walang emosyon ang boses nito at nagbabanta ng panganib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD