Chapter 3

1580 Words
Maingay at mausok ang bar na pinasok ni Mira. Napapangiwi pa siya dahil kulang na lang ay maghubad ang magkakapareha na nadadaanan niya. The bar is loud and wild. Mistula itong takbuhan ng mga taong gustong makawala sa malupit na mundo.             Most of the teenagers are dancing in the dance floor erotically. Meron din naghahalikan sa sofa, at mas nakapagpangiwi sa kanya ay ang magkakapareha na halos hubad na at tila walang paki-alam sa paligid na naghahalikan at naghahaplosan ng katawan ng bawat isa.             Nasa Travern bar siya na tago sa mata ng karamihan. At batid niya rin na tago iyon sa mata ng awtoridad. Ito ang lugar na nakasulat sa pulang sobre kung saan sila magkikita ni Samael.             Inilibot niya ang kanyang paningin upang hanapin ang kanyang pakay ngunit bigo siya sapagkat bukod sa maraming tao ay masakit din sa mata ang patay-sinding mga ilaw.             Nilapitan niya ang isang bouncer na alam niyang tauhan ni Samael.             “Nasaan si Samael?” pasigaw niyang tanong dito dahil sa malakas na musika na bumabalot sa buong lugar.             Ngunit sa halip na sagutin, tiningnan lamang siya ng bouncer at sinenysan na umalis.             “Nasaan siya. He’s expecting me.” Kinuha niya ang pulang sobre at padabog na ibinigay ito sa lalaki. Ayaw pa naman niyang pinipikon siya. Kung tratuhin kasi siya ng lalaking ito ay parang isa siyang patapon na makakagulo lang sa amo nito. Hello! Siya kaya ang nagpapunta sa akin dito.             Sandaling sinuri ng bouncer ang sobre sa pamamagitan ng pagtapat nito ng sobre sa ilaw. Pagkatapos nito iyong suriin ay ikiniling nito ang ulo at saka siya tinalikuran.             “Sumunod ka sa akin,” anito.             Nakipagsiksikan sila sa mga sumasayaw sa dance floor at dahil pikon siya ay hindi siya pumayag na matulak-tulak lang ng ganon. She also pushed whoever the b*tch pushes her, intentionally or not. Umakyat sila sa second floor ng bar at pumasok sila sa hallway na tahimik. Marami silang nadaanang pinto bago sila tumigil sa pinakadulo.             Kumatok ng tatlong beses ang lalaki bago nito binuksan ang pinto at isinilip ang ulo. Narinig niyang kinausap nito ang nasa loob bago siya binalikan at tinangkang kapkapan. Tinabig niya ang kamay nito bago pa man siya nito mahawakan.             “Wala akong dalang makakapanakit sa amo mo. Pwede ba?” mataray niyang ani.             “Sumusunod lang,” napipikon na bigkas nito. Sa klase ng pagmumukha nito ay parang bibigwasan na siya nito sa oras na maubos ang pasensya  sa kanya.             “Ayos na ‘yan, Rod. Papasukin mo na.” Si Vaspiano na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Suot pa rin nito ang leather jacket nito at malagkit ito sa paningin niya dahil sa mahaba nitong balbas.             Sinunod ng lalaki si Vaspiano at binuksan ng maluwag ang pinto. Pumasok siya at tumambad sa kanyang mga mata ang maayos at organisadong kwarto. May dalawang itim na couch at mini bar. May bilyaran din sa isang tabi kung saan naglalaro ang ilang kalalakihan. At higit sa lahat ay may malaking flat screen television kung saan nagpi-play ang isang eksena na hindi kaaya-aya sa katulad niyang walang karanasan sa mga ganong bagay.             “Samael,” bigkas niya sa pangalan ng lalaking nakatutok ang mga mata sa telebisyon. .             Lumingon sa kanya ang lalaki at ngumisi ito bago pinatay ang telebisyon  at hinarap siya. “Mira,” bigkas nito sa pangalan niya na para bang nagkakita ito ng magpapaganda sa araw nito. “Sinasabi ko na nga ba at pupunta ka. Pero, late ka ng tatlong minuto at alam mong ayaw kong pinaghihintay.” Naglabas ito ng baril at diretsong itinutok sa noo niya.             Hindi siya natinag dahil inaasahan na niya iyon.             “Boss, kailangan natin siya,” singit ni Vaspiano. And that is the very reason kung bakit hindi man lang siya kinabahan sa ginawa ni Samael. Hindi siya tanga para hindi maanalisa kung bakit siya nilapitan ni Samael. The group needs her. Hindi niya alam kung para saan ngunit isa lang ang alam niya, they wouldn’t touch her because she is their ace for something.             Ngumiwi si Samael at nakusot ang ilong nito bago tila baliw na suminghot. Na-ikot niya ang kanyang mga mata nang parang bata na ikiniskis nito ang hawak na baril sa pisngi nito. Sa tantiya niya ay mas matanda lang sa kanya ng ilang taon ito. Late twenty’s or early thirties perhaps.             Pero kung umasta ito ay para itong bata lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto at nagta-tantrums na parang baliw.             “Sige, sige.” Muli nitong isinuksok ang baril sa tagiliran nito bago ito muling umupo sa itim na couch. “Upo ka na.” Tinuro nito ang katapat na upuan.             Tinungo naman niya iyon at diretsong tiningnan ito. “Na-late ako dahil sa una; sa klase ng lugar na ito. Ine-expect mo ba na mahahanap agad kita sa dagat ng mga tao? Pangalawa, tinanong kita sa bouncer tapos hindi ako sinagot agad. Blame him for that.”             She has a blabbering mouth, she knows. Hindi niya lang talaga minsan mapigilan ang sarili na sumagot kapag alam niya nasa katwiran siya.             Nagtagis ang mga bagang na muling nitong binunot ang baril at akmang itutok sa kanya ay natigilan ito nang may naalala. Gigil na inilapag lang nito ang baril sa mesa na nakapagitan sa kanila at padaskol na ginulo ang buhok.             “You’re getting on my nerves, B*tch,” anito.             Humalukipkip lamang siya at walang emosyon na sumandal sa sandalan ng couch. “Kailangan ko impormasyon. Sinabi ng tauhan mo na meron na. And I am hoping that it’s real, this time.”             “Mainipin ka pala,’ komento nito at dumekwatro sa pagkaka-upo habang ang mga kamay ay mayabang na nakapatong sa ibabaw ng sandalan ng couch.             “You better face the mirror and tell that to yourself,” she remarked.             “I don’t face the mirror. I will l*st myself if I did.”             “Just tell me kung ano ang nalaman mo para matapos na tayo.”             Sumenyas ito at may lumapit na isang tauhan. May flashdrive na ibinigay kay Samael at nakangisi naman nitong iwinagayway iyon. “This is what you’re looking for. I used my deepest connection to get this information.” Inilapit nito ang flashdrive sa ilong nito at parang aso na sininghot iyon.             Inilahad niya ang palad. “Akin na.”             Ngunit sa halip na ibigay sa kanya ay humalakhak ito na bumalot sa buong lugar. “Not so fast, little b*tch.”             Para itong baliw na sumeryoso matapos humalakhak ng nakaka-insulto. “Alam mong hindi mo ito basta basta makukuha. We need compensation for our work done.”             “What is it?”             “We need a little and simple favor from you.” Ipinorma pa nito ang kamay na may maliit na espasyo na nagpapakita na maliit na bagay lamang ang ipagagawa nito sa kanya.             Napakunot siya ng noon ang muli itong sumandal sa couch at mala-demonyong ngumisi sa kanya. “Kill.”             “What?’ bulalas niyang tanong.             “Why? Hindi mo kaya? Are you a coward?” Nasa boses nito ang magkahalong pananakot at pang-insulto sa kanya. “Kung ganon pala, wala ka rin naman palang kwenta!” Muli nitong dinampot ang baril at itinutok sa kanya.             “Killing isn’t in my vocabulary. ‘Ni hindi nga ako marunong bumaril,” sagot niya. Natakot man ay nahanap niya ang kanyang boses.             Ibinaba ni Samael ang baril mula sa pagkakatutok sa kanya at muli iyong ikiniskis sa pisngi nito. “Diskarte mo na ‘yon. Wala kaming paki-alam kung paano mo siya papatayin. Basta matapos mo ang misyon, tapos ka na rin. Makukuha mo ang kailangan mo, at makikinabang din kami,” nawawalan ng pasesnsyang paliwanag sa kanya ni Samael.             Ikinumpas nito ang kamay. “Ano? Magdesisyon ka na, Mira. Alalahanin mo na kapag pumayag ka, makukuha mo ang hinahanap mo. Kapag hindi naman, pasensyahan tayo.”             “Anong misyon ko?” tanong niya matapos ang ilang minutong pananahimik. They leave her no choice. Alam niyang hindi nagbibiro si Samael nang sinabi nitong madidispatsa siya sa oras na hindi siya pumayag. They can kill her kapag wala na ang mga itong paggagamitan sa kaniya.             Gumuhit ang mala-demonyong ngisi sa labi ni Samael nang marinig ang sinabi niya. Hinaplos nito ang magkabilang tainga at nagbuga ng hangin na parang nasiyahan ito sa desisyon niya. “That is so good to hear, Mira. Good choice.”             “Vaspiano,” tawag nito sa tauhan. Vaspiano walked towards them and hand the red folder to Samael. Mabilisang sinilip iyon ni Samael bago ibinigay sa kanya.             Inabot naman niya iyon at binuksan. Tumambad sa kanya ang profile ng isang tao na naglalaman ng ilang importanteng impormasyon tungkol doon. Muli niyang binuklat ang mga papel hanggang sa makita niya ang ilang picture. Base sa anggulo ay patago ang pagkakakuha ng mga larawan na iyon.             But what caught her attention is the man—her subject in the picture.             “That’s Zeon Funtellion. The oldest son and the heir of the Mafia Funtellion. Isa lang ang misyon mo, kill him.”             Hindi siya nakasagot sa sinabi ni Samael. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon lalo pa’t ngayon pa lang ay alam niyang hindi magiging madali na patayin ito. Because Zeon Funtellion is the guy she saw in the shower accidentally. The man  who killed the assailants heartlessly.             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD