Chapter 2

2122 Words
Ipinark ni Mira ang kanyang kotse sa bakanteng parking space ng bahay ng mga Cohen. Nag-alangan pa siyang bumaba nang makitang nagagandahan ang mga sasakyan at kasuotan ng mga bisitang dumalo sa kaarawan ni Martha Cohen—her aunt. .             Inayos muna niya ang kanyang sarili at bahagyang sinilip ang kanyang mukha sa salamin bago siya bumaba ng kanyang kotse at taas-noong nagsimulang maglakad papasok. Wearing her high neck royal blue dress, she walked confidently inside the Cohen’s Mansion.             May ilang bisita na napalingon sa kanya at sinipat siya mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nagbulungan. Hindi niya iyon pinansin sapagkat sanay na siya sa reaksyon ng mga ito sa tuwing dumadalo siya sa pagtitipon ng pamilya ng kanyang Auntie Martha.             At sanay na rin siya na hindi maganda ang kanyang mga naririnig na paksa ng mga ito tungkol sa kanya. Until now, they are still gossiping about her deceased father at kung bakit isinisiksik niya ang kanyang sarili sa mga ito.             Her father, Samuel Montes had allegedly connected to a syndicate. Pinagbibintangan ang kanyang ama na kasapi ng isang illegal na grupo na nagpo-produce ng mga kakaibang droga sa loob at labas ng bansa. At dahil chemist ang kanyang ama, mas lumakas ang usap-usapan na ginagamit umano ng kanyang ama ang pagiging chemist nito para gumawa ng droga.             At tama lang daw na namatay ito. Karma raw iyon. Hindi na lang niya pinapatulan ang mga ito dahil alam naman niya ang totoo. Her father is a good man. Siya ang anak, siya ang mas nakakakilala rito.             At hindi lang iyon. Kilala kasi sa alta-sosyedad ang pamilya ng kanyang Auntie kaya nadudungisan daw niya ang pangalan ng mga ito sa tuwing lalapit siya sa pamilya nito. Well, ayaw naman niyang mangyari iyon kaya minamabuti niyang idistansya ang kanyang sarili mula sa mga ito.             Her Uncle Jophet—Aunt Martha’s husband is always cold towards her. Wala itong kaamor-amor sa kanya kaya naman kahit minsan ay hindi niya natawag na tahanan niya ang bahay ng mga ito. Palagi nitong pinaparamdam na sampid lamang siya sa bahay ng mga ito.             “Happy birthday, Auntie,” bati niya sa nag-iisang kapatid ng kanyang Daddy.             Mula sa pakikipag-usap nito sa mga bisita ay nilingon siya nito. “Mira, you’re here!” Bakas ang tuwa sa tono nito na tipid niyang ikinangiti. Her Aunt Martha is still elegantly beautiful despite of her age. Palagi pa rin itong may ngiti sa kanya kahit na umalis na siya sa poder nito.             “Here’s my gift for you.” Inabot niya ang dala-dalang paper bag na naglalaman ng regalo niya para rito.             “Thank you for this, Mira. I’m happy that you’re here to celebrate with me.”             “Mommy, bakit ba nandito siya? She will just ruin the celebration.” Naglapat ang kanyang mga labi dahil sa pagsingit ng kanyang pinsan na si Lilavirah. Ka-edad niya ito at simula pagkabata ay certified kontrabida ito sa buhay niya.             “She’s still a family, Vera. Ngayon na nga lang nakadalaw itong pinsan mo, don’t be rude on her,” mahinhing wika ni Auntie Martha sa anak nito.             “Sana nga hindi na lang siya pumunta o forever na siyang hindi magpakita sa atin. She will just bring trouble.” Verah rolled her eyes on her matapos siya nitong pasadahan ng tingin.             Nagpakawala siya ng hangin bago muling binigyan ng tipid ng ngiti ang kapatid ng ama. “I’ll go now, Auntie. Dumaan lang ako to greet you and give you my gift.” Mas mabuti ng umalis na siya dahil bukod sa pinagtitinginan na sila ng mga bisita ay alam niyang hindi siya welcome sa mansion na iyon.             “Mabuti pa nga,” parinig muli ng pinsan.             Her auntie caressed her cheeks  and gave her a small smile. “Mag-ingat ka.”             Tinalikuran niya ito at hinarap ang kanyang pinsan. “We’re both twenty-four years old. A supposed to be mature individuals. Matanda na tayo, sana naman tumanda na at mamatay na ang insecurity sa katawan mo.”             Napaawang ang labi nito sa gulat dahil sa sinabi niya. Akmang sasagutin siya nito nang ngumisi siya rito bago ito tinalikuran at dire-diretsong lumabas ng mansion.             Sa tagal na panahon na nakasama niya ang pinsan sa ilalim ng iisang bubong, alam niya at memoryado na niya ang ugali nito. She was eight years old when her mother died because of car accident, iyon din ang panahon na nagsimulang magbago ang buhay niya.             Hindi na niya palaging nakakasama ang kanyang ama. Iniwan siya nito sa poder ng kanyang Auntie Martha at dinadalaw-dalaw lamang siya nito. She was seven nang mapansin niya ang sama ng ugali ng kanyang pinsan. Buhay pa no’n ang mommy niya. Palagi siya nitong pinag-iinitan at binabaliktad kahit kasalanan naman nito. Kung hindi dahil sa kanyang Auntie ay napalayas na siya sa Cohen’s mansion ng asawa nito.             Mabait ang kanyang Aunt Martha, ito ang natatanging nasa tabi niya nang mamatay ang kanyang Daddy nang labing-anim na taon pa lamang siya. At ito rin lang ang nalungkot nang nagdesisyon  siyang umalis na sa poder ng mga Cohen’s upang tumayo sa kanyang sariling mga paa.             Nagring ang kanyang cellphone kaya kinuha niya iyon sa kanyang shoulder bag at binagalan ang takbo ng kanyang kotse nang sagutin niya iyon.             “Jamaica,” aniya.             “Ano? Anong nangyari sa party? Anong ginawa ng witch mong pinsan? Sinaktan ka ba niya?” sunod-sunod nitong tanong at halos ma-imagine niya ang mukha nito na busangot na busangot at nagsasalubong ang mga kilay.             Bestfriend niya ito mula pa ng high school siya kaya alam nito kung sino ang mga kontrabida sa kanyang buhay.             “Kumalma ka nga. Wala siyang ginawa kundi nagparinig lang. Besides, hindi naman ako nagtagal do’n. Binati ko lang at inabot ko ang regalo ko kay Auntie.”             “Pinaringgan ka ng bruhang iyon?” nanggigil nitong ani. Tila ito pa ang mas naapektuhan sa kanilang dalawa. “Teka lang ha, humanda ‘yan sa akin. Lalamukusin ko ng sili ang bunganga niyan para—aray!”             “Bakit ka tumayo?” narinig niya sa kabilang linya ang boses ni Kuya Zach na pinapagalitan ang kanyang kaibigan.             “Kuya, samahan mo ako. Reresbakan ko ang Vera the witch na iyon.” Natawa siya sa inasta ng kaibigan. Kung makapag-asta kasi ito ay parang kayang kaya nitong sumugod gayong may cast pa ang paa nito.             “I’ll just call you back later, best,” paalam niya nang muli niyang marinig ang nanenermong boses ng kanyang Kuya Zach sa kaibigan.             Tinapos niya ang tawag at ibinaba ang kanyang cellphone sa dashboard ng kotse bago muling binilisan ang pagpapatakbo ng kotse.             Nakalabas na ang kanyang kaibigan sa hospital ngunit kailangan pa rin magpahinga dahil sa injury nito. Her bestfriend is an adventurous one. Kaya nga hindi niya alam kung paano sila nito naging magkibigan at nagkasundo. Ang alam niya ay nagsimula iyon nang naging dormmate sila ng high school sila.             Well, hindi na niya kasi matandaan ang ilang pangyayari ng high school siya sapagkat nagkaroon siya ng amnesia dahil sa nangyaring aksidente noong eighteen years old siya. Nawala sa memorya niya ang dalawang huling taon niya sa high school.             And speaking of hospital, kinunan siya ng mga pulis ng statement tungkol sa nangyari. Ngunit ang ipinagtaka niya ay ang sinabi ng mga ito na wala raw lalaki sa loob ng kwartong iyon. Nag-iisa lamang daw siya roon. She concluded na tumakas ang lalaki but the odd thing is, walang komento ang mga pulis ng sabihin niya na ang estrangherong lalaki na napagbuksan niya sa shower ang pumatay sa mga goons na iyon.             Hindi na niya nakita pang muli ang lalaki sa isang linggong pabalik-balik niya sa hospital upang bisitahin si Jamaica. Tila ba isa itong anino na dumaan sa kanyang paningin at nawala sa kadiliman. And the werdiest thing? Wala ng mga pulis na bumalik sa hospital. Case  closed na raw iyon.             “Sh*t!” she cursed nang maramdaman niya ang bahagyang paggewang ng hulihang bahagi ng kanyang kotse. Itinabi niya ang kanyang kotse at dala-dala ang cellphone na bukas ang flashlight na bumaba siya ng kotse.             “Ang malas naman,” bulalas niya at saka inis na sinipa ang gulong ng kanyang kotse nang makitang flat ang gulong niyon. Mas lalo siyang napasimangot nang matanto kung nasaan siya. Wala siyang nakikitang bahay, at sa halip ay puro talahiban ang nasa magkabilang bahagi ng kalsada. Tanging liwanag ng street light ang nagbibigay ng ilaw sa daan. It’s creepy and she doesn’t like darkness.             Pumasok siya sa kanyang kotse at ni-dial ang numero ni Zach. Ngunit nakadalawang ring na siya ay hindi nito sinasagot at puro lamang operator ang naririnig niya sa kabilang linya. Sa panglimang tawag, pinadalhan niya na lamang ito ng mensahe. Baka busy ito kaya hindi nito nasagot ang tawag niya.             ‘Kuya, are you busy? Na-flat-an ako. Please pick me up. Hindi ako marunong magpalit ng tire,’ she texted.             Saktong na-isend niya iyon nang may kumatok sa bintana ng kanyang kotse. Dahil sa liwanang ng street light ay namukhaan niya kung sino. Napa-ikot siya ng kanyang mga mata nang makita ang pamilyar na balbas saradong mukha nito.             Ibinaba niya ang bintana ng kanyang kotse at walang emosyon na tiningnan ito na yumuko sa kanya.             “What do you need?” malamig niyang tanong dito which she believes  Vaspiano is the name. “And for the nth time, bakit niyo na naman binutas ang gulong ng kotse ko.” Now, she knows kung bakit flat ang gulong niya.             “May pinapasabi si Boss. Alam niya na raw kung sino.” Hindi nito pinansin ang huli niyang sinabi at ibinigay sa kanya ang isang sobreng pula. “Inaasahan ka niya. At alam mong ayaw niyang pinaghihintay.”             Kinuha niya ang inabot nito at inilapag sa dashboard ng kanyang kotse katabi ng kanyang cellphone. “Darating ako.”             Tumango ito. “Kailangan mo raw maging handa sa kung ano man ang ipapagawa sa ‘yo.”             “Ilang beses na ba niya iyan sinabi sa akin?” she asked.             “Kailangan mong maniwala sa pagkakataong ito, M. Sigurado na siya kung sino ang pumatay sa ama mo.”             Mas lalong nawalan ng emosyon ang kanyang mukha at humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng kanyang kotse dahil sa sinabi nito. Matagal na niyang gustong malaman kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng kanyang Daddy.             “Sige,” wika nito bago tumalikod at saka naglakad patungo sa nakaparadang sasakyan sa di-kalayuan.             “Hey!” sigaw niya. “Pwede bang sa susunod huwag niyo ng paki-alaman ang kotse ko kung gusto niyo akong maka-usap. Give me a break here!” halos pumadyak na siya dahil palagi na lamang itong nangyayari. Sa tuwing gusto siyang kausapin ng grupong kinabibilangan ni Vaspiano ay napa-flat ang gulong niya kahit bagong-bago naman. “You could’ve reach me in private or something.”             Hindi siya nito nilingon bagkus ay itinaas lamang ang kanang kamay at iwinagayway, sumesenyas na aalis na ito. Ngali-ngali niyang hubarin ang suot-suot na high heels at ibato dito. Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil bukod sa isang malaking lalaking balbas sarado ito, ay hindi niya gugustuhin na pikunin ito at pasabugin ang ulo niya. She knows that he has a gun.             Nasundan na lamang niya ng tingin ang kotse na nilagpasan siya at iniwan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakitang may ilang missed calls roon ang Kuya Zach niya at text message na on the way na raw ito.             Dinampot niya rin ang pulang sobre na ibinigay ni Vaspiano at sinilip iyon. Nakalagay doon ang lugar at oras kung saan sila magkikita ng big boss ng lalaki. Anim na buwan na rin ang nakalilipas nang magpakilala sa kanya ang isang lalaking nangangalang Samael.             Sumulpot ito sa pharmaceutical company na pinagtatrabahuhan niya at sinabing may alam ito sa pagkamatay ng kanyang ama. She knows that Samael is the bigboss of Arcanum Syndicate. Ang dapat niya sanang gawin ay umiwas o lumayo dito. Ngunit nakita niya sa ilang gamit ng kanyang ama ang pangalang Arcanum.             “Naghintay ka ba ng matagal? Sorry, may ginawa pa kasi ako,” wika ni Zach nang makarating ito sa kinaroroonan niya.             “You're  just on time, Kuya. Thank you.”             Nauna na siyang maglakad sa kotse nito dala-dala ang kanyang shoulder bag at ang pulang envelop. She’s hoping this time na sana, malaman na niya kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng kanyang daddy.             Hold on, Dad. I’ll get justice  for you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD