Arabela’s POV Dumeretso kami sa isang masnyon at pagkarating namin roon ay sinalubong ako ng isang malaking lalaki at mala bata-bato ang katawan nito. Umalis rin si Jordan at Justine at binigyan nila ako ng pera at isang cellphone. Tatawag daw si Matthew sa numero na ‘to pero nag-umaga na lang wala akong tawag na natatanggap. Sa ikalawang araw ko dito ay halos mapanisan ako ng laway dahil wala akong matinong maka-usap. Oo, at hindi lamang ang tanging sagot ng lalaking bantay dito at para itong robot kung kumilos at palaging sukbit ang mahabang baril. Presko ang mansyon dahil na rin sa malalaking puno sa paligid. Kulay puti ang pintura ng mansyon at maganda ang kulay berde na Bermuda kaya kahit paano ay nakakadagdag ang magandang kapaligiran sa aking pakiramdam. Maya-maya pa’y may duma