Arabela’s POV Tulala akong nakatitig sa kawalan; dalawang linggo na buhat nang umalis si Matthew at walang araw na hindi ko siya naiisip. Nagbalik ako sa pagtitinda ng mga kakanin mabuti na lamang kahit na wala ako madalas sa sarili ay nauubos pa rin ang mga tinitinda ko at kung minsan ay mayroon akong TIP sa mga customer ko dahil hindi na nila kinukuha ang sukli. “Ara, may bibili,” napakurap ako sa malakas na sigaw ni Ma’am Selly at doon ko napagtanto na tatlong customer na pala ang naghihintay sa ‘kin. “Miss, ubusin ko na ang maruya,” sabi ng isang babae “Sa ‘kin ang turon, ubusin ko na rin,” sabi naman ng isa pa “Banana cue Miss, ibigay mo na ‘yan sa ‘kin lahat,” ani naman ng isa rin. Binalot ko ang mga ito at binigay sa kanila. Inabutan nila ako ng limang libo kaya napakonot a