Arabela’s POV Dalawang linggo na buhat nang manirahan si Matthew dito sa probinsya at tatlong araw na rin no’ng nakatanggap ako ng mensahe mula sa hindi kilalang tao. Hindi rin kami nagkikibuan ni Matthew matapos nang makita niya ang laptop at cellphone na binigay sa’kin noon ni Clayton. Hinanap niya ang cellphone na binigay niya sa’kin at sinabi kong naiwan ko sa bahay ni Señorita at gano’n na lamang ang kaniyang galit dahil sinadya ko raw na iwan iyon para tanggapin ang cellphone ni Clayton at mas lalo pa siyang nainis nang makita rin ang laptop at sinira niya ito kaya nagtalo kami kanina hanggang sa nainis ako at pinapaalis ko na siya at doon ay natamihik siya at iniwan ako sa loob ng kuwarto. Ang akala ko nga umalis na siya dahil mahigit dalawang oras nang wala siya sa bahay pero mu