Arabela’s POV Sumama ako kay Aling Marites patungo sa bukid at dahil mag-aani sila ng mga gulay. Kahit noon pa man ay kinagawian ko na ito para makalibre na rin kami sa ulam sa mga susunod na araw. Hindi naman kasi porket bumibili si Matthew ng pangkunsomo namin ay a-asa na lang ako sa kaniya. Umalis ako kaninang umaga na hindi na nagpaalam kay Matthew dahil tulog pa siya. Kagabi sa kalagitnaan nang pagtulog namin ay tumunog ang cellphone niya at kinausap niya ang tumawag at ito ay ang Dad niya na nakikiusap na umuwi na siya dahil tagilid na raw ang kumapanya nila dahil siya mismo na CEO ang hinahanap ng mga kasosyo nila sa negosyo. Madaling araw na kami nakatulog dahil panay lang aming kuwentuhan. “Ara, magdala ka nito sa inyo maganda ito sa kalusugan ni kumare.” Napalingon ako kay A