Chapter 1- Gone for Good

1508 Words
Lanie's Pov: Saninga, Tanzania "Mabuti naman at nandito ka na." Ikiniling ko ang ulo ko at nilingon si Akia. Bukod sa akin, isa din s'yang Pilipino at katulad kong volunteer dito sa Isla ng Saninga. Ang isla ng Saninga ay isa lamang sa mahihirap na lugar na matatagpuan dito sa Tanzania, Africa. Tatlong buwan na din kami dito para maisagawa ang mission ng Alpaca. Alpaca is a worldwide organization that strictly focus on people's well being from third rate countries. Mga lugar na hindi maabot ng modernisasyon at mga mamamayang walang kakayahang makaahon mula sa kahirapan dahil sa kawalan ng opurtunidad. Nandito nga ang malaking grupo ng mga volunteer sa kontinente ng Africa. May tatlong taon nang nakatutok ang Alpaca sa kahirapang mayroon ang kontinente. Nahahati ang mga volunteers sa Northern, Central at Southern part ng kontinente. At kasama nga ako sa mga volunteer na nandito sa Isla ng Saninga. Limang buwan ang tagal na inilalagi namin sa isang lugar na bibigyan namin ng tulong. Sapat na sapat lang iyon para sa mga pagbabagong gagawin namin sa isang lugar pero kung tutuusin pa nga ay kulang pa iyon. Hindi ganoon kadaling bigyan ng pag-asa ang mga taong halos buong buhay na yata nila ay nawalan na ng pag-asang makakaahon pa sa kinasadlakan nilang kahirapan na hindi nila ginusto, at hindi din nila pinili. Kaya kahit natapos na ang limang buwan naming misyon sa isang lugar, ilang taon pa din iyong susubaybayan ng Alpaca para siguraduhing magpapatuloy ang pagbabagong sinimulan namin. Alpaca's vision and mission is simple. To give people hope. Bigyan ng pag-asa at oportunidad ang mga taong pagkapanganak pa lang ay pinagkaitan na ng karapatang mabuhay nang maayos. Dahil sa worldwide organization ang Alpaca, hindi naging problema ang gastusin ng organisasyon. Sobrang daming tulong na natatanggap ng organisasyon. Kaya nga doble din ang natutulungan namin. At kahit pa sabihing volunteers lang kami ay hindi din kami hinahayaan ng organisasyon. Kada buwan ay nakakatanggap kami ng pera sa mga account namin. Hindi din naman kami makatanggi dahil sa isa iyon sa rules ng Alpaca. Nagsimula ako dito bilang part-time volunteer isang taon matapos kong umalis sa Pilipinas. Tuwing bakasyon ay sumasama ako sa mga misyon ng Alpaca. Hanggang sa nakatapos ako ng college. At ngayon nga ay tatlong taon na akong full-time volunteer, bukod pa sa may tatlong taon kong pagiging part-time volunteer. "Kinailangan ko pang ipadala sa city ang supplies list na kakailanganin natin," sabi ko at kinuha ang tabo at nagsalok ng tubig para makapaghugas ng kamay. Mahirap ang transportasyon sa isla. Bangkang kahoy lamang ang natatanging paraan para makaalis at makabalik sa isla. Nagawa din naming makapagbigay ng sarili naming gawang mga malalaking bangka na may makina para mas madaling gamitin. Ang tubig at kuryente sa isla ay limitado. Kahit pa gaano kamoderno ang mundo, ang mga ganitong lugar ay kulang sa bagay na iyon. Nagawa naming mabigyan ng kuryente ang isla pero hindi iyon ganoon kadali dahil tuwing gabi lang iyon nagagamit dahil sa limitadong suplay. Ganoon din ang tubig. Yamang maituturing ang tubig dito sa Africa. Hindi iyon basta-basta makukuha nang hindi pinaghihirapan kaya hindi din iyon sinasayang ng mga tao dito. Ang tubig, dito sa Africa ay napakakaraniwang problema. Hindi iyon katulad ng simpleng pagpihit sa gripo at may lalabas na tubig. Ang Saninga, kahit pa sabihing napapalibutan ng tubig ang isla ay salat naman iyon doon. Tubig-alat ang mayroon ang isla, hindi magagamit kahit pa para sa paliligo. Kinakailangan pa ng mga taong sumakay sa maliliit nilang bangka at pumunta sa parte na hindi tubig-alat kung saan ay nasa walong oras ang itatagal. Nagawa naming makapagtayo ng ilang poso pero hindi ganoon katagumpay dahil iilan lamang iyon. Nagawa na din naming maturuan mag-sterilize ang mga taga-rito ng tubig na inumin nila. We built a fog detecting project para sumalo sa hamog sa isla at magamit bilang tubig. Education is also our concern, and of course, medical. Salat sa dalawa ang isla kaya ang mga iyon ang pinagtutuunan namin ng pansin. At sa loob ng tatlong buwan, nagawa iyon ng Alpaca, pero kailangan pa naming manatili dito ng dalawa pang buwan para gabayan ang mga taga-rito. "May bisita ka, nasa loob," Akia told me. Nagbomba s'ya sa poso para sa paa n'yang punong-puno ng putik. Ibinalik ko ang tabo sa ibabaw ng drum at kunot-noong tiningnan ang babae. "Hindi mo sinabi sa akin na may super duper hot kang kuya!" Sinabuyan pa n'ya ako ng tubig pero hindi ko na s'ya inintindi. Nagmamadaling pumasok ako sa bahay-kubong nagsisilbing tuluyan namin dito. There. Nakapamulsang nakaupo sa upuang kawayan ang nag-iisa kong kapatid. "Long time no see, Sis." Jericho Segismundo Inocencio approached me with open arms. Agad na nilampasan ko ang kapatid ko. "Anong ginagawa mo dito?" He chuckled. Ni hindi n'ya inilihim ang pagkadismaya sa reaksyon ko. "I never thought na sa ganitong lugar kita matatagpuan..." Hinarap ko si Kuya. "I'm a volunteer, Kuya. Don't tell me, iniisip mong nasa New York-like place ako para mag-volunteer?" He crossed his arms. "What I mean is.. Hanggang kailan mo ito gagawin? Kailan ka babalik sa Russia? O sa Russia ka pa ba nakatira?" Umiling ako at lumapit sa wooden table. Naupo ako sa upuang nasa likod ng lamesa at nagsimulang tingnan ang mga files na nandoon. "Sa Dornogovi na ako tumutuloy kapag bakasyon ko." "Dornogovi? What again? Nasa Mongolia ka? Kailan pa? Alam ba ito nina Mama?" Eksaheradong bulalas ng kapatid ko pagkatapos ay napailing na lang. "Of course, alam nila at hinahayaan ka lang nilang gawin ang gusto mo. Ni hindi kita matawagan." Nangunot ang noo ko nang maalalang may cellphone nga pala ako. "Tatlong buwan na ako dito at mahina ang coverage dito." Totoo iyon. Nagagawang gumamit ng mga locals ng cellphone pero napakahina naman ng coverage sa islang ito. "Alright..." Tila sumusukong sabi ng kapatid ko. "Anong ginagawa mo dito? Pwede ka ng umalis." Pagtataboy ko. Again, he chuckled. "Hindi ako pumunta dito para lang alamin kung saang mga lugar ka nagpupunta." Tinaasan ko s'ya ng kilay. It's been years. At mula nang umalis ako sa Pilipinas ay ito pa lang ang pangatlong beses na nagkita kami. Noong una ay noong ikalawang taon ko sa Russia, pangalawa ay noong grumaduate ako ng college. At hindi na nga iyon nasundan pa dahil sa kung saan-saan ako napapadpad para mag-volunteer. Ni hindi ko din s'ya ginawang kontakin pa. "You need to go back. No more hiding, Lanie." Tinumbasan ko ang kaseryosohan n'ya. "I'm not hiding." "Then, kailangan mong harapin ang ilan taon mo nang tinatakbuhan..." Malamig na tiningnan ko ang kapatid ko. Walang ipinagbago ang pisikal na anyo n'ya. But his aura and the way he carry his self, alam kong nagbago na s'ya. "Wala akong tinatakbuhan..." I coldly said. "Alright!" My brother raised his hand. "So, should I say na it's high time to use what you had learned?" Tiningnan ko lang s'ya. "Akala mo hinayaan kong mawalan ako ng knowledge tungkol sa pinagagagawa ng nag-iisa kong kapatid for seven long years?" Umiling s'ya. "I know you're a black belter. And you learned Muay Thai. Judo and Hapkido too." "Self defense," I said. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa folder na hawak ko. "How about that four years of training on how to fire a gun and use a throwing knife?" Inilapag ko ang folder na hawak ko at diretsong tinitigan ang kapatid ko. "Ano ang kailangan mo sa akin, Kuya?" "Lyndon's dead." Hindi ko alam kung bakit biglang parang may bumara sa tenga ko at naapektuhan ang pandinig ko. Did I heard him right? I chuckled. "Get out!" Bumakas sa mukha n'ya ang lungkot. "Lyndon... Primo's bestfriend died." Seven years, I thought I won't shed a tear anymore, pero nagkamali ako. Dire-diretso ang pag-agos ng mga luha sa magkabilang pisngi ko. No. It can't be. Not Lyndon or anyone na malapit kay Primo! "Dalawang buwan na mula nang ipadala ang bangkay n'ya mula sa Mexico. Incubus is on the move and unfortunately, Lyndon is their current victim." Walang emosyong pinahid ko ang mga luha ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang calendar niyon. "Bigyan mo ako ng isang linggo. Aayusin ko muna ang mga dapat kong ayusin." Tumango si Kuya. "Then, I'll see you after a week, Lanie." Tumango lang ako at nanatili sa mga papel na nasa lamesa ang atensyon ko. Pino-proseso pa ng utak ko ang mga sinabi ni Kuya. I heard him sigh. Saka pa lang ako nagtaas ng paningin at nakitang nandoon pa din s'ya sa pintuan. Malungkot na ngumiti s'ya sa akin. "I'm thinking... Kung nasaan na ba ang kapatid ko. Kung ikaw nga ba ang kapatid ko..." Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Seven years, you've changed Sis." Iyon lang at lumabas na s'ya. Ilang minuto pang nakatingin lang ako sa pintong nilabasan ng kapatid ko. His question, ay ang kaparehong tanong na meron ako sa sarili ko sa loob ng pitong taon. At iisa lang ang sagot doon. I lost myself seven years ago. The eighteen year old Maelanie Inocencio is gone... For good. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD