Lanie's Pov:
Saglit na sinilip ko ang tanawin sa labas ng bleed hole ng eroplano.
Unti-unting nagkakaroon ng hugis ang mga tanawing nasa ibaba. At unti-unti na ding nagsi-sink sa akin na ilang minuto na lang at makakatapak na ulit ako sa lugar na ilang taon ko ding tinakasan at hiniling na sana ay hindi ko na balikan pa.
Eksakto isang linggo ngayon mula nang magkausap kami ni Kuya sa Saninga. At katulad ng ipinangako ko sa kanya, babalik ako pagkatapos kong ayusin ang mga dapat kong ayusin.
Hindi ko na tinapos pa ang dapat na limang buwan na pananatili ko sa isla ng Saninga. Kinabukasan din ay kaagad na inasikaso ko ang mga dapat asikasuhin na iiwan sa isla. Nagtagal pa ako ng tatlong araw doon bago ako nakabalik sa Russia para mag-report sa main office ng Alpaca. Inabot din ng halos isang araw ang byahe ko pabalik doon bago ako muling bumyahe pabalik sa Dornogovi para naman ayusin ang ilang bagay doon.
Bumalik pa ulit ako sa Russia para doon manggaling at ayusin ang ibang bagay. At heto, ngayon nga ay nandito na ako, palapag na ang eroplanong magdadala sa akin sa bansang kinabibilangan ko talaga.
Huminga ako nang malalim. Ang isang buong linggong hiningi ko para asikasuhin ang mga maiiwan ko ay kulang na kulang pa. Ni wala pa akong maayos na tulog at pahinga pero hindi ako nakakaramdam ng pagod o antok.
Napakapit ako nang mahigpit sa sweater ko nang marinig ang anunsyo ng piloto na tuluyan na kaming nakababa ng run way.
Ilang minuto pa ang hinintay namin bago kami makababa nang tuluyan sa eroplano.
Sumabay lang ako sa agos ng tao. Mula sa pagbaba ng eroplano hanggang sa maihatid kami ng shuttle. Pilit ang bawat hakbang ko habang papasok sa loob ng terminal. Ayoko mang bumalik dito pero alam kong darating din ang panahon na kakailanganin kong umuwi. Hindi ko lang akalaing ganito iyon kabilis.
Kung mabilis nga lang ba ang pitong taon.
I came back here four years ago.
Noong death anniversary ni Page at nilakasan ko ang loob ko na puntahan ang puntod n'ya. Sandali lang iyon at nasa anim na oras lang yata ang pananatili ko pero hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sandaling iyon.
Dahil noong mga oras na iyon lamang tinanggap ng sistema ko na wala na si Page. Wala na talaga at hindi na babalik pa.
Iyon din ang huling pagkakataong nakita ko ang lalaking minahal ng batang puso ko. Si Yshmael.
Agad na iwinaksi ko ang huling naisip ko. He used to be. Used. Past tense.
"Miss?"
Kumurap-kurap pa ako. Iminuwestra ng babae ang baggage carousel.
"Izvinite." Agad na sabi ko nang makitang nakaharang ako sa kanya at hindi n'ya maabot ang maleta n'ya. Mabilis na kinuha ko ang akin at sumabay na sa mga pasaherong palabas.
Maraming tao ang nasa passengers waiting area, may mga plakard ang iba at ang iba naman ay tuwang-tuwang kumakaway sa mga palabas na mahal nila sa buhay.
Ako lang yata ang walang sundo.
Si Kuya lang naman kasi ang nakakaalam na uuwi ako ngayon. At hindi din ako pumayag na sunduin n'ya ako ngayon.
Sanay na akong mag-isa at ayoko ng pakiramdam na may nag-aasikaso sa akin na para bang hindi ko kayang pangalagaan ang sarili ko.
Isa pa, wala naman akong ibang dala kundi ang maliit na maleta ko. Isang buwan lang ang hiningi kong bakasyon sa Alpaca. Ni hindi ko nga alam kung bakit kinailangan ko pang umuwi. Wala namang sinabi sa akin si Kuya. Ni hindi ko nga alam kung dito ba ako tutuloy sa Maynila o didiretso ako sa Hespheria.
Agad na nakakuha ako ng taxi.
"Where are we going, Ma'am?" The driver asked me. Well, sa sobrang tagal ko sa ibang bansa, kahit ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko.
"Sa pinakamalapit na flower shop," sagot ko na ikinamangha pa ng driver. Madami pa s'yang sinabing suhestyon pero hindi na ako umimik. Sinabi ko na lang ang pangalawang destinasyon namin.
Isang bungkos ng yellow tulips ang binili ko bago nagpatuloy sa pangalawang destinasyon ko.
Wala sa sariling hinaplos ko ang bulaklak.
"My favorite flower? Anything basta yellow... That's your favorite color, right?" Tulips or Calla Lily... I like them the most... And of course, color yellow!"
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ang tagpong iyon mula sa nakaraan ko. Tagpong nandoon pa si Page.
"Ma'am nandito na po tayo. Sigurado po kayong hindi na kayo magpapahintay?" the driver asked me again.
Tumango lang ako at inabutan s'ya ng bayad. Tinulungan n'ya pa akong ibaba ang maleta ko bago nagpaalam.
Dumiretso ako sa entrada ng sementeryo. Walang pinagbago ang lugar. Maliban sa mas dumami ang mga lapidang nandito.
Ilang beses akong huminga nang malalim pero hindi nawala ang pagbigat ng pakiramdam ko. At mas bumigat pa iyon nang nasa harap na ako ng puntod ni Page.
In Alpaca, I am known for my cold and bitchy attitude. But here, and in front of him, hindi ko mapigilang hindi ipakita ang kahinaan ko.
Dire-diretso ang mga luha ko. Para iyong tubig sa dam na kumawala. Na para bang sa loob ng pitong taon na pinagkaitan kong lumuha ang sarili ko ay sinisingil na ako ngayon.
Nanlambot ang mga tuhod ko at paluhod na naupo ako. "H-Here's your flower... Paborito mo ito." Nanginginig ang boses na inilapag ko sa lapida n'ya ang bulaklak.
"I'm sorry... Ngayon lang ulit ako nakabisita." Mapait ang ngiting pinalis ko ang mga luha ko. "I am still mad, Primo. Hindi ko pa kayang magpatawad kaya hindi kita nabisita. Sinabi kong... Baka pagbalik ko dito, baka k-kaya ko na..." Napahawak ako sa dibdib ko.
"S-Sinubukan ko naman, pero P-Page... Hindi ko kaya..."
Hindi ko na nagawang sabihin pa ang ibang bagay na gusto kong sabihin sa kanya. Tuluyan na akong napahagulhol at sa pamamagitan niyon ay inilabas ko ang lahat ng emosyong pilit na kinalimutan ko sa loob ng pitong taon. At maging ang pagod at kakulangan ng tulog nitong mga nakaraang araw ay kusang dumating sa akin.
May kalahating oras na ang lumipas pero nanatili ako sa ganoong posisyon. Lumakas ang pag-ihip ng hangin na para bang gusto niyong tuyuin ang mga luha ko.
"Ms. Inocencio?"
Naramdaman ko ang paggalaw ng kung sino sa likuran ko maging ang paghila ng kung sino sa maleta ko.
Mabilis na pinalis ko ang luha ko at humarap sa kung sino.
Dalawang lalaking nakapurong itim na suit ang nasa harapan ko. Ang isa ay nakahawak sa maleta ko, ang isa naman ay kumaway sa akin. Nang tingnan ko ang entrada ng sementeryo ay may isa pang lalaking nandoon at nakasandal sa isang itim na sedan.
"Ipinasusundo ka ng Kuya mo," sabi ng lalaking kumaway sa akin.
Agad na hinanap ko ang pagkakakilanlan sa kasuotan nila. There, sa necktie nila ay naka-clip ang isang pin na may simbolo ng PCA.
Tumaas ang kilay ko. "Hindi ko kailangan ng sundo."
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Kumamot sa ulo ang may hawak ng maleta ko. Mas bata s'ya sa akin ng siguro ay mga dalawa o tatlong taon.
"Hindi mo po kasi naiintindihan, Ms. Inocencio," sabi pa nito.
Tiningnan lang s'ya nang masama ng kasama n'ya at hinarap ako. "Pasensya na pero sumusunod lang kami sa utos. Kailangan ka naming madala ng ligtas at maayos sa El Trinidad."
Agad na umilap ang mata ko. El Trinidad? No way!
Mabilis na ikinawit ko ang paa ko sa handle ng maleta at pinalipad iyon sa ere. Nabigla ang lalaking may hawak niyon kaya hindi agad nakakilos. Sinalo ko ang maleta at agad na inihampas sa isa pa.
Masyadong nagpabaya ang dalawa kaya hindi nila inaasahan ang ginawa ko. Dinig ko pa ang pag-ingit ng hinampas ko ng maleta.
Hahampasin ko din sana ng maleta ang isa pang lalaki kundi lang ako nakaramdam ng panghihina at hilo.
I am really tired!
"Miss!" The third man approached me. Agad s'yang humarang sa akin.
"This is an order from the Prime Crime Agence'!"
"Hindi ako pupunta sa lugar na iyon at pakisabi sa siraulo kong kapatid na hindi ako umuwi ng Pilipinas para pumunta doon!" I snapped. Agad na hinawakan ko ang kamay n'yang kukuha sa maleta ko at hinila palapit.
Mabilis na naiipit ko ang leeg n'ya sa braso ko at sapilitang pinaluhod ang lalaki.
Pilit na inaabot ako ng lalaki habang pilit na tinatanggal n'ya ang kamay ko.
"Teka lang!"
Mabilis na nakalapit sa amin ang dalawang kasama n'ya. Hawak pa nga ng isa ang nagkukulay ubeng pisngi n'ya.
"Ayoko sana 'tong gawin pero baka mapatay mo kami, Miss." The younger guy sprayed some perfume.
Mabilis na humalo iyon sa hangin. Agad na itinulak ko sa kanila ang kasama nilang hawak ko at nagtangkang lumayo.
I held my breath. Kaya kong labanan ang pampatulog na mayroon ang ini-spray ng lalaki but not my lack of sleep and rest.
Tuluyang nagdilim ang paningin ko kasabay nang pagbigay ng mga tuhod ko.
❤