PROLOGUE

1687 Words
Karaniwang araw lang iyon sa Mexico. Karaniwang araw kung saan ay malapit nang mapalitan ng buwan ang papalubog na araw. Pero hindi sa parteng iyon ng bansa. Ilang minuto nga lamang at narinig na ang pagtunog ng kampana. Mula sa simbahang Katoliko na hindi malaman kung gaano kalayo o kalapit mula sa lugar na iyon. Ala sais na ng gabi. Tuluyang naghari ang kadiliman ng gabi. Natalo na ng gabi ang kanina ay mapagmataas na liwanag ng araw. Madilim ang lugar. O ang parteng iyon lamang. Sobrang tahimik na halos masakit na sa taynga. Kahit kaluskos ay wala, kahit nga butil ng tubig mula sa mga butas ng kisame ay walang tumutulo kahit pa parang kakatapos lang ng ulan. Naghahalo ang masangsang na amoy at amoy ng kalawang sa hangin. Bukod pa sa amoy ng mga tila natuyong dugo at pawis. May nag-iisang silid sa abandonadong bodegang iyon. At isang sugatang lalaki ang nasa sulok ng silid. Nakakadena ang mga paa at kamay n'ya sa pundasyon ng silid. Walang paraan o bagay na makakatulong para sana ay makawala s'ya doon. Puro sugat ang katawan n'ya. Sira at madumi na din ang kasuotan n'ya na para bang ilang araw na s'yang nakakulong doon. Tuyo na din ang dugong nagmula sa mga sugat n'ya. Madami s'yang sugat: sa ulo, noo, labi, mga braso, sa tiyan. Halos buong parte yata ng katawan ng lalaki ay punong-puno ng pasa at sugat. Agad na nag-angat s'ya ng mukha nang marinig ang tila pagbukas ng bakal na pinto. Maya-maya pa'y nakarinig s'ya ng mga yabag at boses ng pagmamakaawa. Bumukas ang silid na kinalalagyan n'ya. Pumasok doon ang dalawang lalaki at tinanggal ang mga kadenang gumagapos sa kanya. Mahina na s'ya, gusto man n'yang manlaban ay hindi na kaya ng katawan n'ya. Hindi na din maganda ang tindig n'ya kaya kinailangan pa s'yang pagtulungang kaladkadin ng dalawang lalaki palabas ng silid. Ang tanging bumubuhay na lang sa kanya ay galit. Galit na ilang taon ding namahay sa dibdib n'ya pero mukhang matatapos na ngayon. May isang minuto lang yata s'yang napa-angat mula sa sahig nang maramdaman na naman n'ya ang pagtilapon ng katawan n'ya. Tila papel na iniitsa s'ya ng mga lalaki. "Sayang ka, Cinco." Cinco, that alias was given to one of the Night Owl of Incubus. Pinilit makaupo ng lalaki at tiningnan ang may-ari ng boses na iyon. Naiiling na natawa nang mapakla ang sugatang lalaki pagkatapos ay dumura sa sahig. Nasa harapan n'ya ang pinagpipitagang business tycoon ng Mexico. Ang American-Mexican na si Juan Luiz Vasque, ang presidente ng Luohan's Corporation, at ang nasa likod din ng pamamayagpag ng Incubus, ang international syndicate na hanggang ngayon ay sakit sa ulo ng mga pinuno ng bawat bansa. "Sayang na sayang. Sobrang sayang." Nasa edad animnapu na si Juan Luiz pero matikas pa din s'ya at punong-puno ng kalmado ngunit nakakatakot na presensya. Kilalang philantropist din ang nasa harapan n'ya. Eksperto sa maraming lenggwahe, sa iba't-ibang propesyon bukod pa sa larawan ng kapangyarihan. Sobra-sobrang kapangyarihan. "Isang taon kang nagsanay, tatlong taon kang nagsilbi sa akin. Ginawa mo ang lahat ng utos ko. Isa ka sa iilang mga paborito ko. Naging isa kang matinik na Night Owl. Messenger of Death, I treated you as my own... Unfortunately, magiging tinik pala kita sa lalamunan..." Ngumisi lang ang sugatang lalaki. Wala na s'yang nararamdamang takot mula sa matanda. Hindi na din s'ya nao-overwhelm sa presensya nito hindi katulad noong una n'ya itong makaharap ilang taon na ang nakakaraan. Handa na ako. Iyon ang nasa mukha ng sugatang lalaki. "Hindi ko akalaing ang panglimang paborito ko sa mga Night Owl ko ay isang espiya pala ng Prime Crime. Ngayon, I want you to tell me, anong mga impormasyon tungkol sa Incubus ang ibinigay mo sa ahensya mo?" Muling dumura ang lalaki. Mas lumaki ang ngisi n'ya. Huminga nang malalim si Juan Luis at nilingon ang isa sa mga tauhan n'ya. "Cuatro." "Hindi namin s'ya mapaamin, Senyor. We tortured him but he's not talking. Tumigil lang kami dahil muntikan na namin s'yang mapatay." Walang emosyong sagot nito. "Cinco..." Muling nagsalita si Juan Luiz. Sa pagkakataong ito ay naupo s'ya nang patingkayad sa harapan ng sugatang lalaki. "O mas tamang tawagin kita sa pangalan mo, Agent Estrella?" Hinawakan n'ya ang panga ng sugatang lalaki. "Alam mo ba kung bakit kita pinili noon para mapabilang sa mga Night Owl ko? Iyon ay dahil gustong-gusto ko ang mga nasa mata mo. Galit ka? No, that's an understatement, punong-puno ng poot ang mga mata mo. Noong unang makita kita, kitang-kita ko ang kagustuhan mong saktan ako... Or patayin..." Iwinaksi ng sugatang lalaki ang kamay na nasa panga n'ya. "Since that day... And until now, I still want to kill you..." Humalakhak si Juan Luiz. "Malas mo nga lamang, naunahan kita. Sobrang laki din ng nagawa mong sira sa mga negosyo ko. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang matibay na pundasyon ng organisasyon. Hindi ko akalaing isang katulad mo lamang ang magiging dahilan kaya nanganganib ngayon ang Incubus..." Tumawa nang mapakla ang sugatang agent. "Incubus. You love that damn organization of yours as your child. Kung saan gagawin mo ang lahat para protektahan at mapangalagaan ito. Malas nga siguro ako, naunahan mo ako. Pero kahit paano, nagawa kong salingin ang pinakamahalaga sa 'yo. Nagawa kong sugatan kahit kaunti ang pinaka-iingatan mo..." Isang sampal ang dumapo sa pisngi ng sugatang agent. Tumayo si Juan Luiz at nanlilisik ang mga matang tiningnan ang binata. "Alam mo kung anong klase ng mga traydor ang hindi ko pinapatawad. Iyon ay ang mga taong sumusugat sa organisasyon. At isa kang halimbawa ng mga iyon!" He pointed him. "Now tell me, wala na akong pakialam sa kung anumang impormasyon ang ibinigay mo sa Prime Crime, ang gusto ko na lang malaman ay kung kasing-halaga ba ng Incubus ang dahilan ng pagpasok mo dito para lang sirain ito. Anong dahilan mo? At ano ang naging pagkakautang ko sa 'yo?" Mapait na ngumiti ang agent. Yumuko s'ya kasabay nang pagpikit ng mga mata n'ya. "Primo Angelo Seo." Ngunit walang nakarinig sa kanya. Tila ba sinadya n'yang ibulong lang iyon na para bang kahit ang pangalang iyon ay gusto n'yang protektahan. "Ano?" Juan Luiz' voice echoed. Muling tumunghay ang binata. "Hinding-hindi mo mababayaran ang utang mo sa akin. Ni kahit ang Incubus, kulang na kulang na kabayaran. At kung hindi ako nagtagumpay na maningil, may mga katulad ko pa. And I know, hindi sila titigil na singilin ka..." Juan Luiz chuckled. "Masyado kitang pinahalagahan kaya gustong-gusto kong malaman kung bakit nagawa mo akong traydurin..." May panunuyang tiningnan s'ya ng matanda. Maya-maya'y inihagis ng mga tauhan nito ang lalaking nakagapos din ang kamay at paa. Nasadlak din sa sahig malapit sa agent ang lalaking takot na takot. Tinanggal ng isa sa tauhan ang tape na nasa bibig ng lalaki. "Forgive me, Senyor. P-please spare me!" Agad na nakilala ng agent ang boses. Iyon din ang boses na narinig n'ya kanina na nagmamakaawa. Wala nga lang s'yang ideya kung sino iyon. Hawak ni Juan Luiz ang isang dart at agad na pinalipad sa katawan ng lalaki. Tinamaan iyon sa tiyan kaya napasigaw iyon sa sakit. Muli s'yang binigyan ng dart ng tauhan n'ya at muli iyong pinalipad sa lalaki. Tinamaan iyon sa leeg. Hanggang sa pati sa kaliwang dibdib. Sa hita. Sa kanang pisngi. Nag-aagaw buhay na ang lalaki. Wala na ding boses na lumalabas sa bibig n'ya. Pero nanatili pa din sa mga mata n'ya ang takot. Takot na mamatay. "Tanggalin n'yo s'ya dito. Gamutin n'yo at siguraduhing mabubuhay kahit ilang oras lang. S'ya ang magiging bisita sa Red Room ngayon," utos ni Juan Luiz. Agad na kumilos ang mga tauhan at inilabas ang duguang lalaki doon. "Isa din s'yang anay katulad mo. Mas magaling nga lang s'yang magtago. Ilang taon ko din s'ya ipinahanap. S'ya ang dahilan kung bakit may lakas ng loob ngayon ang Prime Crime na kalabanin ako. Ang taong iyon, si Kronos Madrid." Agad na nakuha ng sinabi ni Juan Luis ang atensyon ng binatang Agent. Kilala n'ya iyon. Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kahinaan ang Incubus. Ang taong iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ebidensyang makakapagpabagsak sa organisasyon. Ang mga ebidensyang nasa loob ng tatlong microchip na hanggang ngayon ay hinahanap pa din ng Prime Crime at maging ng Incubus. "Amazing, right?" Si Juan Luiz. Iniabot sa kanya ng isang tauhan n'ya ang isang baril. "Magaling s'yang magtago pero nagawa ko s'yang mahanap. Hanggang ngayon nga lang ay inaalam ko pa din kung saan n'ya itinago ang mga iyon. Pero sisiguraduhin kong mawawala din ang kung sinumang may hawak niyon." Natawa ang binatang Agent. Nginisihan n'ya si Juan Luiz. Naisahan n'ya ang matanda sa huling pagkakataon. He's one step ahead, at hinding-hindi iyon malalaman ng demonyong nasa harap n'ya. Hinding-hindi kahit pa bayaran n'ya iyon ng sariling buhay n'ya. Nawalan ng pasensya ang matanda. Agad na itinutok n'ya ang baril sa noo ng nakangising agent. "He's a brother..." "Ano?" Juan Luiz voice trembled. Dahil sa galit. O dahil sa gigil. Walang nakakaalam. Tumingala ang binatang agent at matapang na sinalubong ang mga mata ni Juan Luiz. "He's not just a friend but a brother that very dear to me. When he died, sumumpa akong babalikan ko ng sampung beses ang may gawa niyon sa kanya..." Pumiyok ang boses ng binatang Agent. "I'm willing to die... Kapalit ng natatanging paraan para tuluyang bumagsak ang Incubus. Ang pinaka-importanteng bagay para sa 'yo, Senyor Juan Luiz..." Ngumisi ang matanda. "Then die." He pulled the trigger. Agad na bumaon ang bala sa ulo ng binatang Agent. Kasabay nang pag-agos ng dugo sa noo n'ya ay ang pagpatak ng ilang butil ng luha mula sa mga mata n'ya. "I'm sorry... Primo..." Nagawa n'ya pang maibulong sa hangin iyon bago tuluyang balutin ng lamig ang buong katawan n'ya. "Put him in a suitcase. I-regalo n'yo sa PCA. I warned them first." Si Juan Luiz bago tuluyang lumabas ng lugar na iyon. That very day. After the rain poured, and the darkness defeated the night, Agent Estrella died. Prime Crime Agence's Agent, Lyndon Estrella has fallen. YL❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD