Chapter 5- Insidious

2965 Words
Lanie's Pov: Nakadalawang can lang ako ng beer dahil agad na pinigilan na ako nina File na uminom. "Kailan ka pa natutong uminom?" Kurt asked. Sandaling sinulyapan ko ang dalawa, pareho na silang kalmado. Ilang oras na din naman mula nang mag-iyakan kaming tatlo at ngayon na nga lang kami nakapag-usap na hindi umiiyak. Katulad ko ay mugto at namumula ang mga mata nila. Singkit na singkit na nga ang mga mata ni File "Ngayon lang," sabi ko. Ni kahit minsan ay hindi ako tumikim ng alak. Hindi ko din naman iyon kailangan dahil sobrang pinapagod ko ang sarili ko sa mga gawain kaya diretso tulog na ako lagi. Hindi mahirap gawin iyon lalo na at tambak ang schedule ko sa Alpaca. Tiningala ko ang maulap na kalangitan. Ilang oras na ang lumipas pero nakatago pa din ang buwan sa mga ulap. Napailing pa ako nang maramdaman ang kalungkutan ng buwan. Pakiramdam ko nga ay repleksyon ko iyon. Gustong-gustong makaalis pero hindi ko magawa dahil nakulong na ako sa nakaraan. "Malaki na ang ipinagbago mo." Muling nagbukas ng beer si File. "Muntik na kitang hindi makilala." "Sobrang ikli na din ng buhok mo at balita ko ay may mga binugbog kang agent?" Natawa pa si Kurt. "Ang mga rookie pa ang binugbog mo. Nasa ilalim sila ng Kuya mo." Hindi na lang ako sumagot. Wala din naman akong alam na pwede kong sabihin. Pitong taon na ang lumipas at alam kong gusto nilang malaman kung ano ang mga nangyari sa akin sa loob ng panahong iyon pero hindi ko pa kayang buksan ang sarili ko sa sakit sino. Wala namang maganda na nangyari sa akin na pwede kong ikwento sa kanila. "Birthday sana ni Lyndon sa isang araw..." Napahinga ako ng malalim. "Pwede ko bang makita ang file ni Lyndon?" Ramdam ko ang paninitig ng dalawa. Tumayo si Kurt. "Alam ko ang gusto mong gawin, Lanie." "Wala akong gagawin." Lumapit ako sa balustre at muling tumingala sa langit. "Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari kay Lyndon." "B-Bangkay na nang ibalik sa PCA si Lyndon. He was shot on his head. May mga sugat at pasa s'ya sa buong katawan tanda na pinahirapan muna s'ya bago pinatay." Hirap na hirap si File sabihin pagkatapos iyon. "At iyon lang ang pwede naming sabihin sa'yo." "Tama si File, Lanie. Pasensya na pero kahit alam naming gusto mong bigyan ng hustisya ang pagkamatay nina Primo at Lyndon, hindi ka namin hahayaan na gumawa ng bagay na ikakapahamak mo," dagdag naman ni Kurt. Inilalagay na n'ya sa isang plastic bag ang mga lata ng alak. "Hindi naman ako nagbago... Matigas pa din ang ulo ko." Natigilan ang dalawang lalaki sa sinabi ko. Hinarap ko silang dalawa. "Huwag kayong mag-alala, natuto na ako. Hindi ako kikilos ng padalos-dalos." I'm sorry pero hindi n'yo ako mapipigilan... Walang makakapigil sa akin. Iyon sana ang gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. May sariling plano ang PCA at mayroon din akong akin. Nasisiguro ko nga lang na may mga impormasyon sila na hindi ko pa alam kaya iyon ang kinakailangan kong malaman. "Kung nandito si Primo, hindi s'ya papayag na alamin mo man lang ang mga bagay na gusto mong malaman." Kurt sighed. Napangiti ako. "Kung nandito si Primo, nasisiguro kong wala ako dito ngayon." And that's much better. Ayokong mag-self pity pero iyon ang dapat na nangyari noon. Kung hindi lang nilabanan ni Primo ang tadhana ko, kung hindi n'ya sinalo ang kamatayang para sa akin. "Lanie..." Tinapik ko sa balikat si File. "Masyado nang gabi, magpapahinga na ako. Magpahinga na din kayong dalawa." Pakiramdam ko nga ay may gusto pang sabihin si Kurt pero itinikom na lang n'ya ang bibig n'ya. Nginitian ko muna sila bago tumalikod. Tiningnan ko ang relo ko, tatlumpung minuto bago mag-alas onse ng gabi. Hindi ko man lang naramdaman ang paglipas ng oras. Ilang agent pa ang nakita ko sa palapag na kinalalagyan ng silid na inookupa ko ngayon. Hindi ko na kailanganing hulaan ang ginagawa nila, they're on their duty. "Hi po!" Sumaludo pa sa akin si Royce. Kunot-noong tiningnan ko s'ya. Pinababantayan ba ako ni Kuya sa kanya? "Okay lang po ba kayo? Namumula at namumugto po ang mga mata n'yo." Concern na tiningnan pa n'ya ako. "Okay lang ako. Pinababantayan ba ako sa'yo ng Kuya ko?" Agad na namutla ang mukha ni Royce. Bahagya pa s'yang napakamot sa ulo n'ya. Napailing na lang ako. Pumasok na ako sa silid ko. Dumiretso ako sa terrace. Ganoon pa din ang tanawin doon. Gabi lang pero may mga agent pa ding nagbabantay sa paligid. Muli kong sinilip ang buwan. Kahit paano ay nakahiwalay na iyon sa ulap. Mas kumapal nga lang ang mga ulap, mas nadagdagan din ang pangingitim ng langit. Tiningnan ko ang relo ko at isinet iyon. Muli kong sinilip ang paligid. Nang masigurong wala namang kakaiba doon ay pumasok na ako ng silid. Pinatay ko ang ilaw ng teresa at isinara ang sliding door, iniwan ko nga lang na may kaunting siwang iyon. Inayos ko ang pagkakasara sa mga kurtina. Tinanggal ko ang mga damit ko sa lalagyan at maayos na isinalansan sa bakanteng closet. Napatingin ako sa ilang bagay na nasa ibabaw ng kama ko. Ilang papel at mga larawan iyon na nakasilid sa isang manipis na plastic. Naging mailap ang mga mata ko sa kabuuan ng silid. Sinimulan kong kapain ang dingding pero wala akong makitang pwede kong buksan. Tumuntong ako sa kama at pilit na inabot ang kisame pero masyado 'yong mataas. Kinuha ko ang plastic at dinala sa banyo. Kinapa ko ang dingding pero wala akong makita kaya ang tiles ang napagtuunan ko ng pansin. Sa may likuran ng bath tub ay may hindi pantay na pagkakalagay ng tiles. Ilang tiles ang mas elevated kaysa sa iba. Muli akong bumalik sa silid at kinuha ang tool bag. Naglalaman iyon ng mga mini tools na kakailanganin ko sa mga ganitong pagkakataon. Nagsimula akong tanggalin ang isang tiles. Hindi naman naging mahirap iyon. Inilagay ko doon ang plastic bago muling ibinalik sa dati ang tiles. Muli akong bumalik sa pag-aayos ng mga gamit ko. Itinago kong mabuti ang mga bagay na kailangan kong itago kay Kuya at sa mga alipores n'ya. Muli akong nagpalit ng damit. Isang fitted black pants, black hooded jacket, maging ang sapatos ko ay itim na itim din. Kinuha ko ang itim na itim na mahabang wig at isinuot iyon bago ang itim na sombrero. Kakatapos ko lang mag-ayos nang mag-ring ang cellphone ko. I turned the lights off. Mas naging komportable ako nang tuluyang lukubin ng dilim ang kabuuan ng silid. Tinungo ko ang lampshade at binuksan iyon. Gusto ko mang panatilihing madilim na lang ang silid ay hindi naman pwede dahil salungat iyon sa plano kong gawin ngayong gabi. Kinuha ko ang burner phone. "Dobryy vecher, Maelanie..." sagot ng boses. "Kailan ko makukuha ang mga kailangan ko?" I asked. Dinig na dinig ko ang pagtawa ng nasa kabilang linya. Parang nai-imagine ko ang amusement sa mga mata n'ya habang pinaiikot-ikot sa swivel chair. "In two days," sagot n'ya. "And maybe, susunod ako sa'yo d'yan. Give me a week or two." Halatang-halata ang slang sa mga salita n'ya. "Thank you." "So..." Tumahimik s'ya ng ilang sandali.. "Plan B?" Plan B. Ibig sabihin niyon ay makikipagtulungan kami kina General Levi at sa PCA. Hindi ko gusto ang tunog niyon pero mukhang iyon ang malinaw na route ng plano namin. "Hindi ko pa sigurado. Ipapaalam ko agad sa'yo sa oras na magkausap kami ni General. We'll forget that sa oras na tumanggi s'yang makipagtulungan sa atin." "No one can resist you, Mi Amor." "Shut up!" Muling dumagundong ang malutong na pagtawa n'ya. Nasisiguro kong tuwang-tuwa s'ya sa pambwibwisit n'ya sa akin ngayon. "So..." "What?" asik ko na muli n'yang ikinahalakhak. "Chill." Narinig ko ang pagtikhim n'ya. "Ano ang plano mo ngayon? Unang gabi mo sa isang estrangherong lugar at nasisiguro kong may mga nabuo kang plano." Umismid ako kahit na hindi n'ya nakikita iyon. "Alam kong may rason kung bakit pinili ng PCA na magtayo ng base dito sa El Trinidad. Iyon ang gusto kong malaman. Hindi ang lugar na ito ang ideal na gawing base ng kung sinuman." "I think I heard that name from somewhere..." Seryoso na ang boses n'ya ngayon. "Hm?" "El Trinidad. El Trinidad... El Trinidad..." Ilang beses n'ya pang inulit-ulit iyon. Nanatiling naghihintay lang ako. Isang mas maliit na dagger ang kinuha ko at isinuksok sa lalagyan niyon sa may tagiliran ko. "Oh! El Trinidad!" Nailayo ko agad ang cellphone sa tenga dahil sa lakas ng boses ng kausap ko. "Nakakasalubong ko ang pangalan ng lugar na iyan sa dark net..." Natigilan ako sa pangalang binanggit n'ya. Domoble yata ang bilis ng t***k ng puso ko. Bago pa mag-react ang kamay ko ay agad na akong kumuha ng tableta at ininom iyon. "I'm sorry, Maelanie..." Huminga ako ng malalim. "I'm alright. Sinagot mo lang ang tanong ko." Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga n'ya sa kabilang linya. Siguradong minumura na n'ya sa iba't-ibang lenggwahe ang sarili n'ya. Pitong taon pero hindi nagbago ang epekto ng dark net sa akin. Isa pa din iyong bangungot at kahit na mabanggit lang iyon ay bolta-boltaheng takot na ang lumulukob sa akin. Pilit na kalimutan ko man ang madilim na parte ng internet ay kusang humahabol sa akin ang mga alaala niyon. "Maelanie, are you still there? I'm really sorry, Mi Amor." Napakurap ako sa boses. "Yes, it's alright. May ideya ka ba kung bakit nakaabot na ang El Trinidad sa dark net?" Bahagya pa akong nanginig nang banggitin ang huling dalawang salita. "Hindi ako sigurado but I think may mga nabasa ako sa mga site na pinasok ko dati. Hindi ko na lang pinansin dahil I don't know where that place is. Hindi ko na din naisip na relevant s'ya sa plano natin..." Napatango ako. "Alam mo na ang gagawin?" Pumalatak s'ya. "Of course, of course. Maghahanap ako ng kinalaman ng Incubus sa El Trinidad. I'll make sure na hindi ako titigil hangga't wala akong nakikita. I'll give you an updates... Maybe tomorrow?" "Sige. Hihintayin ko na lang ang mga mahahanap mo." "May problema ka ba d'yan? Parang hindi ka okay." Nakarinig ako ng pagtipa sa keyboard, nagsisimula na s'ya sa paghahanap. "Lyndon Estrella." Napalunok ako sa pangalang binanggit. "Lyndon Estrella? Sino 'yon?" Bakas sa boses n'ya ang curiousity. "Isa s'yang agent ng Prime Crime. Gusto ko sanang magkaroon ng kopya ng file n'ya." Alam kong bawal pero desidido akong alamin kung ano ang talagang nangyari kay Lyndon. Kung bakit s'ya namatay sa dayuhang bansa. "Bakit hindi mo na lang hingin sa Kuya mo?" "Si Lyndon... Patay na s'ya." A moment of silence passed. Rinig ko ang maikling panalanging binigkas ng kausap ko. "I'm sorry to hear that. Iyan ba ang rason kung bakit nagdesisyon kang umuwi?" tanong n'ya. Ingat na ingat ang boses n'ya. "Isa sa mga rason." Tinanggal ko ang bara sa lamunan ko."Magagawa mo bang magkaroon ng kopya ng file at maging ang kaso n'ya?" "Agent s'ya ng Prime Crime. Confidential ang hinihingi mong impormasyon. Gusto mo ba akong itakwil ng sarili kong bayan?" Gusto ko sana s'yang batiin dahil hindi na s'ya ganoon kabulol magtagalog. "Please..." "Gusto mong pasukin ko ang database ng Prime Crime at nakawin doon ang file ng isang namatay na agent? Mi Amor naman!" bulalas n'ya. "He died two months ago..." I cleared my throat. "Pinatay s'ya..." "Maelanie, paano ka nakakasigurong involve ang Incubus sa pagkamatay ng Lyndon na sinasabi mo?" Milya-milya man ang layo namin sa isa't-isa ay alam kong nakatayo na s'ya ngayon at pilit kinakalma ang sarili. "Kinumpirma iyon ng mga kaibigan n'ya. And I suspected that your... I mean, they died on the same day and place." Nakarinig ako ng pagkabasag ng baso. Napapikit pa ako nang marinig ang malulutong na pagmumura ng nasa kabilang linya. Gustong-gusto kong yakapin at aluin s'ya pero masyado akong malayo. Ilang minuto pa ang nagdaan at nanatili akong nakikinig sa kawalan. "Alright. Papasukin ko ang database ng Prime Crime." "I want you to be careful." Paalala ko. "My brother is with them. Hindi magiging madali para sa'yo ang makapasok sa database nila. You know how crazy Maser with computers. Aside from that, haven ng mga hackers ang Prime Crime's Intelligence Department." "Is that a challenge, Mi Amor?" Nailing na lang ako. "Just be careful. Alam mong hindi lang ang Incubus ang naghahanap sa'yo. Prime Crime is also on the move to find you, Anonymous." Humagalpak s'ya ng tawa. "Well, Kailangan ko talagang mag-ingat, right? With Maser and Eros." Muli s'yang pumalatak. "And with Caliber also. Alam mo bang he set a trap to find me." I rolled my eyes. Caliber is Filemon's name in dark net. Mukhang nakikipag-unahan ang mga kaibigan ni Primo sa paghahanap sa taong kausap ko ngayon. "You can use me, you know." Maya-maya ay sabi n'ya. "Use you?" Lumapit ako at sinilip ang siwang ng kurtina. Malalim na ang gabi at nabawasan na ang mga agent na nasa tapat ng silid ko. "If you failed to convince General Levi. Let's use our card and trap them. What do you think?" I glanced up to the ceiling. "Kaya ba sinabi mo kaninang susunod ka dito?" "Bingo!" "Alam mong hindi ka basta-bastang makakalabas ng Russia. Lalo na sa sitwasyon ngayon. Lahat ay nagmamadali sa pagkilos." "Who told you na lalabas ako ng Russia through legal means?" Anonymous laughed. "What the hell are you talking about?" Ako ang kinakabahan sa gagawin n'ya. "I can smuggle myself to the neigboring countries then to Philippines." "That's ridiculous!" Nai-stress na napahawak ako sa ulo ko. Humalakhak lang s'ya na parang nababaliw. "Let's change the topic, Mi Amor." Muling umikot ang mga mata ko. "Lalabas na ako. Natanggap ko na ang mga coordinates na ipinadala mo. Simulan mo nang i-track," sabi ko at pinindot ang itim na button sa gilid ng relo ko. Naglagay ako ng ear piece sa tenga ko at ibinulsa ang burner phone. "Magsimula na tayo. Be careful," dagdag pa n'ya. "Got it!" Dumiretso ako sa teresa. Maingat ang pagkilos ko at ilang sandali din bago ako nakakuha ng tamang pagkakataon. Maingat na inilipat ko ang mga pasong nasa balustre. Kaunting espasyo lang ang inilagay ko bilang daanan ko. Nangingiting tiningnan ko ang pilipit na punong nakalingkis sa pinakagilid na bahagi ng terrace. Hindi iyon ganoon kataba pero kaya naman niyon ang bigat ko. Mas mabuti na nga dahil hindi ko na kakailanganing gumawa ng paraan para makalabas ng malaking bahay na ito. Sumampa ako sa balustre at agad na kumapit sa katawan ng puno. Muli kong minasdan ang paligid. Madilim ang parteng ito at tuluyang nagtago na sa ulap ang kabuuan ng buwan. Mabilis na nagpadausdos ako paibaba. "Aray!" Mahinang daing ko nang may nakausling matigas na sanga na tumama sa binti ko. "Maelanie, are you alright?" May pag-aalala sa boses n'ya. "Yeah," I whispered. I heard him sigh. Maingat na gumapang ako at tinungo ang direksyong ibinigay n'ya. Tinakbo ko ang mas madilim na bahagi ng lugar. Hindi ko na kinailangang dumaan sa main gate dahil sa bukod sa may kalayuan iyon ay madami ding agents ang nandoon. Tinunton ko ang maisan. Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa marating ang unang lokasyon ng coordinates na ibinigay n'ya. "Isa at kalahating kilometro mula sa kanina ay kinalalagyan mo. May sampung kilometro naman mula sa kinatatayuan mo ang isang liblib na lugar sa bayang iyan. I'll check that town later" Tumikhim pa s'ya matapos sabihin iyon. Hinihingal na tumango ako. "I'll go with the next one." May kalayuan na ako sa mansyon kaya mas naging komportable na ang kilos ko. Tinakbo ko ang malayong likurang bahagi ng mansyon. Ilang puno ang nandoon at may ilog na sa tingin ko ay malalim. "Nakuha ko na," Anonymous said. "Bumalik ka na, hindi maganda kung matatagalan kang nasa labas. Mas kilala mo ang kapatid mo." "Yeah, yeah." Huminga ako ng malalim. "Alam mo bang he asked one of his agents to tail me?" Anonymous chuckled. "Mas lalo kong gustong makilala ang kapatid mo, Mi Amor." Hindi ko na lang pinatulan ang pang-aasar n'ya. Mabilis at maingat na tinakbo ko ang direksyong pinanggalingan ko. Inis na tiningala ko ang kalangitan. Ilang segundo na lang at sisilip na ulit ang buwan. Mas mahihirapan akong makabalik kapag nagbigay na iyon ng liwanag. "Puputulin ko na ang tawag." "Be careful." Iyon lang at s'ya na ang kusang pumutol ng tawag. Mas bumilis ang takbo ko. Hindi ko na pinansin ang mga talahib na sumasabit sa binti ko. Hindi din naman ang mga iyon ang makakapagpabagal sa akin. Hinihingal pa ako nang marating ko ang mansyon. Unti-unti nang nagpapakita ang buwan. I rushed towards the darkest alley. Agad nga lang akong nakapagtago sa pader nang makita si Yshmael. Nangunot ang noo ko nang may isang babaeng pilit na humahabol sa kanya. The woman pulled his arm. Tila nagtatalo silang dalawa. Hindi ko nga lang marinig ang pinag-uusapan nila dahil na din sa layo ko sa kanila. Is she his girlfriend? Maybe? Mag-aalas dos y medya na ng madaling araw at nakakapagtakang magkasama silang dalawa ng ganitong oras. Agad na iwinaksi ko ang damdaming lumukob sa akin dahil doon. Tinanggal ko sa dalawa ang mga mata ko at muling tumakbo papunta sa direksyon ng silid ko. Tiningala ko ang teresa. Huminga muna ako ng malalim bago iniangat ang sarili paakyat sa punong ginamit kong daan para makababa kanina. Halos walang sanga iyon kaya nahirapan oa akong iangat ang sarili ko. Nasa ikalawang palapg din ang silid ko kaya may kataasan din ang inakyat ko. Eksaktong nakatapak ako sa teresa nang tuluyang makawala ang buwan sa pagkukubli niyon. Ibinalik ko ang mga halamang tinanggal ko kanina. "So, saan namasyal ang magaling kong kapatid?" ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD