Chapter 4- Grief

2931 Words
Lanie's Pov: Nanghihinang napasandal ako sa pintuan ng kwartong pinanggalingan ko kanina. My heart is pounding faster than its usual. Tila nakilala nito ang taong nagpatibok dito. Nagawa kong panatilihin ang poise ko hanggang makalayo doon. Kahit pa nga sobrang lakas na ng pagkabog ng dibdib ko. Hanggang ngayon nga ay pilit na kinakalma ko pa din ang nagwawalang puso kong ayaw magpaawat. "s**t. Stop it, heart. Tumitibok ka na bago mo pa makilala ang lalaking iyon, h'wag kang marupok!" inis na sumbat ko sa puso ko. Naiiling na tinungo ko ang kama ko at ibinagsak ang katawan doon. Natulala ako sa kisame at napabuntong-hininga. Inaasahan ko naman na magkikita talaga kami ni Yshmael. Malalim ang bagay na nagkokonekta sa amin, ang pangyayari sa nakaraan. Hindi ko lang inaasahan na sa unang araw ng pagbalik ko dito sa Pilipinas ay agad ko s'yang makikita. Napakamapaglaro nga naman ng tadhana. Pumikit ako at pilit na kinalimutan ang bagay na nag-uugnay sa amin. Unti-unting nagbago ang nararamdaman ko. Ang kaninang excitement ay napalitan ng takot at kaba. Napabangon ako at hinawakan ang kaliwang palapulsuhan, sinubukan kong kontrolin ang panginginig niyon pero mas tumindi pa kasabay ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. I grabbed my backpack, kinuha ko doon ang puting botelya at kaagad na kumuha ng isang tableta na kaagad kong ininom. Muntik ko pang mabasag ang basong nasa lamesita nang halos pabagsak kong ilapag iyon. Ilang minutong nakipaglaban ako sa takot na namamahay sa puso ko. Ilang beses akong huminga ng malalim para kalmahin ang nararamdaman. Ilang minuto pa din bago bumalik sa dati ang kaliwang kamay ko. What happened seven years ago traumatized me. Sobrang takot, guilt at galit, nagsama-sama iyon at ni kahit minsan ay hindi ako nilubayan. Akala ko ay bangungot at takot sa pagtulog lang ang epekto niyon sa akin pero pagkatapos ng isang taon kong paninirahan sa Russia ay nagsimula ang panginginig ng kamay ko. Akala ko ay normal lang iyon dahil sa stress ko na makabalik at makahabol sa buhay ko. Mapait na napangiti ako nang maalala ang sinabi sa akin ng Russian Doctor na sumuri sa akin. Tremor. Iyon ang nangyayari sa akin, especially to my left hand. It was an effect from a trauma in my central nervous system. Kakaiba nga lang iyon dahil wala naman akong head injuries or any injury na related doon. Pero ang takot at galit na naramdaman ko noon, nagsama-sama iyon at sobrang nag-register sa utak ko, iyon ang dahilan kung bakit nagre-react ang mga nerves ko sa kamay. It was a rare condition. Pero naiintindihan ko ang pinagmulan niyon. Hindi ko lang akalaing pati sa pisikal na katawan ko ay malaki ang magiging epekto ng pangyayaring iyon. Hindi naman naging problema sa akin ang kondisyon ng kaliwang kamay ko. May dalawang taon din akong nag-therapy dahil doon. Hindi nga lang ganoon kaayos ang improvement. Nabawasan ang panginginig pero hindi na bumalik sa dati. Lalo na at nagre-react ang kamay ko sa tuwing mati-trigger ang memoryang halos tanggalin ko na sa isipan ko. Nagmulat ako at pinahid ang mga butil ng pawis na namuo sa noo ko. Sa tuwing babangungutin ako at sobrang natatakot, sa mga oras na iyon umaatake ang kondisyon ko. Pagkalipas ng mga taon ay bumuti ang kalagayan ko, dahil na din sa gamot na inireseta sa akin ni Fabio, ang Russian doctor na tumitingin sa akin. Nangyayari lang ulit ang panginginig ng kamay ko tuwing death anniversary ni Page. At ngayon... Tumayo ako at dumiretso sa bathroom, naghilamos ako at muling lumabas. Muli kong pinag-aralan ang buong silid. Ngayon ko lang napansin na malaki ito at may personal ref pa. Nang buksan ko iyon ay ilang sitsirya, juice, softdrinks, tinapay at prutas ang nakita ko doon. Kumuha ako ng coke in can at dumiretso sa teresa. Malamig ang hanging sumalubong sa akin at mula dito ay tanaw na tanaw ko ang papalubog na araw. Kulay kahel ang langit at nagsisimula ng magtagumpay ang kulay ng gabi. Binuksan ko ang in can at uminom. Gumuhit sa lalamunan ko ang malamig na inumin, kinalma niyon ang pakiramdam ko kahit paano. "I'm really here... But why I felt like I'm not really welcome here, El Trinidad?" Tanong ko sa tanawing nasa harapan ko. Unexpected guest. Iyon ang pinaparamdam sa akin ng lugar na ito. Or maybe dahil isa ito sa lugar na kahit sa isip ay ayokong mapuntahan. The feeling is mutual, huh? Napakislot pa ako nang makarinig ng tila tunog ng kampana. I looked at my wristwatch and saw it's exactly six in the evening. The sound echoed again, my gaze shifted to the sun setting in front of me. Tatlong beses na tumunog iyon at agad na katahimikan ang bumalot sa paligid pagkatapos niyon. Naiwala ako ng paglubog ng araw, natulala ako sa ganda niyon. Ni hindi ko namalayan nang tuluyang maghari ang dilim at natabunan na ng kaitiman ng gabi ang kaninang kulay grey na langit. Nanatili akong nandoon at pinagmasdan ang maliwanag na langit na tinatanglawan ng mga bituin at tinumbasan ng maliwanag na kapaligiran sa ibaba. Mula din dito ay tanaw ko ang liwanag na nagmumula sa mga kabahayan. Inubos ko ang laman ng can na hawak ko. Nilukot ko ang lata, gusto kong ibato iyon pero hindi ko alam kung kanino. Gusto kong malaman ang totoong dahilan ni Kuya kung bakit dito n'ya ako dinala pero paniguradong hindi n'ya iyon sasabihin. And General Levi, he won't tell me a thing hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang mga nalalaman ko. That's my last resort pero mukhang iyon na lang ang posibleng magawa ko. Sa ngayon. Nasira na ang plano ko nang magtagumpay si Kuyang dalhin ako dito kaya kinakailangan kong malaman kung ano talaga ang alam ng PCA. But for sure, hindi nila ako isasali sa kung anumang pinaplano nila. Hindi ako parte o agent ng ahensya. Bukod sa isa akong pabigat at sagabal kaya dinala nila ako dito. Hindi man diretsong sabihin sa akin ni Kuya ay alam ko kung bakit gusto n'ya akong manatili dito. Dahil ayaw n'yang katulad noon ay magamit ako ng mga kalaban para kontrahin ang plano nila. Sarkastikong napangiti ako. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa yuping lata. Mula noon hanggang ngayon, bakit hindi ako magawang pagkatiwalaan ng sarili kong kapatid? I was naive and nosy back then. Wala akong ginawa noon kundi sundin ang curiousity ko. I never listen, lagi akong nagdedesisyon mag-isa. Back then, I thought I was doing that so that I can save my friends. Na okay lang masaktan ako huwag lang sila. But then, huli na nang ma-realize ko that I was a selfish b***h. Muli akong bumuntong-hininga sa mga alaalang sumilip sa isipan ko. Tanggap ko ang flaws ng nakaraan ko. But ngayon, bakit parang sagabal pa din ang tingin n'ya sa akin? Muli kong tiningnan ang relo ko, it's already seven thirty. I sighed, I went inside and changed my clothes. Napasulyap ako sa laptop na nasa ibabaw ng kama ko. Agad na lumapit ako doon at nagtipa ng mensahe. I typed èrgo at agad na ipinadala ang mensahe sa isang email address. Agad akong lumabas matapos magsuot ng jacket. Napangiwi pa ang agent na kakatok pa sana at may dalang tray ng pagkain. S'ya iyong hinampas ko ng maleta. Pilit na inalala ko ang pangalan n'ya pero wala akong mahanap sa memorya ko. Napansin n'ya yata iyon kaya alanganin s'yang ngumiti sa akin. "Hello po, ako po si Royce." He showed me the tray he's holding. "Hindi ka po lumabas ng kwarto mo kaya naisipan kong dalhan ka ng dinner mo." Kwarto ko. Nagdesisyon na talaga si Kuya na dito ako mananatili. As if naman na susundin ko ang gusto n'ya. "Ilang taon ka na? Kumusta ang pasa' mo?" I asked pointing the violet part on his face. "Nako, twenty-two na po ako. Okay lang po! Kasalanan ko din, hindi kami nakinig kay Sir Sage na hindi namin kayo dapat maliitin." Agad ang pagtaas ng kilay ko. Sir? Kumamot ulit sa ulo si Royce, "Superior po namin ang kuya n'yo." Tumango na lang ako. Instinct. Nasisiguro kong magiging magaling na agent ang batang ito. "Para po sa dinner n'yo," Royce told me, lifting the tray to show me the food on it. Umiling lang ako. "Andito din ba sina... F-File?" Gusto ko silang makita. Silang dalawa ni Kurt. Sa kanilang apat, silang dalawa na lang ang natira. Sina Page at Lyndon, nawala sila sa marahas na paraan. Nawala ang pagkakangiti ni Royce. Napalitan iyon ng lungkot. "O-Opo. N-Nasa third floor sila. Kadarating lang po nila." Nag-aalangan man ay agad na sinabi n'ya sa akin kung saan ko matatagpuan ang mga hinahanap ko. "Baka po masalubong n'yo si Sir Sage..." "Bakit? Inutusan ba kayo ng kuya ko na bantayan lahat ng kilos ko?" I asked coldly. Napakamot pa sa ulo ang agent. "Naku! Hindi po, hindi po. Baka po kasi mag-away na ulit kayo katulad kaninang hapon." Tumango na lang ako at nilampasan s'ya kahit hindi ko alam kung nasaan ang hagdanang magdadala sa akin sa ikatlong palapag ng bahay. Dumiretso lang ako at hindi na pinansin pa ang pailan-ilang agent na sumusulyap sa akin. Sobrang laki ng bahay. At nasa ikalawang palapag pa lang ako. Kasinlaki na ito ng mansyon ng mga Inocencio sa Hespheria. Napatigil ako nang makita ang isang malaking larawan na nakalagay sa dingding. Napalunok ako nang makilala ang mga nandoon. Florante and Laura. Yshmael's parents. So, this mansion is owned by the Aronzagas. Muli kong tiningala ang kwadradong larawan. Laura Aronzaga's beauty is really classy and timeless. The Mayor, Florante Aronzaga's hard features made him more intimidating and aloof. So, this is how fate wants to play this game. Nilampasan ko iyon at muling naghanap ng hagdanan. Isang may hagdanang marmol ang nakita ko. Agad na inakyat ko iyon at sumalubong sa akin ang malawak na hallway. Puro silid iyon, katulad ng ikalawang palapag ay may teresa din dito, mas malaki nga lamang. Nilampasan ko ang mga silid at dumiretso sa teresa. May naaaninag akong tao doon. Kumabog ang dibdib ko nang mapagsino ang mga nandoon. Seven long years... "Lanie?" Gusto kong maluha nang makita sina File at Kurt. Nakaupo sa balustre si File samantalang nakasandal naman sa pader si Kurt. May ilang beer in can na nasa glass table. Pinilit kong ngumiti. "We're off-duty," File said when he saw me looking at their drinks. Seven years, they changed too. To those playful and boyish teenagers to a gentlemen. Kitang-kita ko ang pisikal na pagbabago nila. Mula sa mukha hanggang sa built ng katawan nila. Sobrang tangkad din nilang dalawa. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko nang makita ang mga mata nila. They are lost and broken. Kitang-kita ko ang emosyong nakapaloob sa mga mata nila. Parang gusto kong tumalikod at tumakbo pabalik sa silid ko. Bigla akong nahiya sa pagpapakita sa kanila. Parang kahit sobrang pinatigas ko ang loob ko ay hindi ko pa din pala kayang makita ang sakit at pangungulila sa mga mata ng mga kaibigan ni Primo. "Lanie..." Kurt approached me. "Can... Can I h-hug you?" Nabasag ang boses n'ya at nabitawan n'ya ang hawak na beer. Lumikha pa iyon ng maliit na tunog nang tumama sa sahig. Ako na ang kusang lumapit at yumakap sa lalaki. Agad na nanginig ang katawan n'ya at maya-maya pa'y naramdaman ko ang paghikbi n'ya hanggang sa maging iyak iyon. Tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat pagtangis ni Kurt. Umaalog ang mga balikat n'ya at sobrang sakit para sa akin na makita s'yang wasak na wasak. Sa kanilang apat, si Kurt ang pinakasuplado. S'ya at si Lyndon ang pinakamatigas at ni hindi ko lubusang maisip na makikita ko s'yang ganito kawasak. "I-I'm sorry..." Kurt uttered. Lumayo s'ya sa akin pero agad din s'yang napaupo sa sahig. Parang batang tumangis s'ya doon habang nakakuyom ang mga kamao. Dire-diretso ang pag-agos ng mga luha n'ya at kahit pa hindi ganoon kaliwanag sa parteng ito ay sapat na ang liwanag na ibinibigay ng buwan para makita ko ang tila kandilang pagkaupos ni Kurt. Wala akong nagawa kundi ang paulit-ulit na tapikin s'ya sa balikat. Nang tingalain ko si File ay ganoon din ang itsura n'ya. Nasa mukha n'ya ang isang kamay n'ya pero kitang-kita ko ang dire-diretsong pag-agos ng mga luha n'ya. Tahimik na umiiyak s'ya doon. Pinahid ko ang mga luha ko pero tila naging bukal din ang mga mata ko. Ayaw nilang tumigil. "Mahal na m-mahal ka ni Primo." Si Kurt, luhaan pa din s'ya. He looked at me. "At sa'yo lang namin s'ya makikita." Kitang-kita ko ang pagpipigil n'ya sa pag-iyak. "Lanie... You're a living memory of h-him..." Tumango ako at pinalis ang mga luha ko. Nawala sa kanila ang kaibigan nila dahil sa akin. Kaya naiintindihan ko kung bakit nakikita nila sa akin si Page. File chuckled. "Kauuwi mo pa lang, kabaklaan agad namin ang nakita mo." Gusto ko din s'yang lapitan at yakapin. Kundi lang nanghihina ang mga tuhod ko. I saw how he tried to laugh pero nanginginig naman ang mga balikat n'ya. "Bullshit!" Napapikit ako nang suntukin ni File ang pader. "Naiintindihan kong hindi sinasadya ni Primo ang nangyari sa kanya!" File blurted. "Sige, sabihin na nating choice n'ya iyon..." He looked at me. "Pero si... Si L-Lyndon..." Napunta sa nagdurugo n'yang kamao ang tingin ko. Ni hindi napansin ni File na semento ang sinuntok n'ya at nagdudugo na ang kamao n'ya. Ni hindi nga n'ya yata nararamdaman ang hapdi niyon. Naiiling na napaupo sa sahig si File. Luhaang sumandal s'ya sa pader at inis na ginulo ang buhok. "That asshole is selfish. I-Ilang beses namin s'yang pinigilan. Ilang beses... Ni hindi n'ya kami pinakinggan man lang..." "Hindi s'ya nagpapigil." Kurt smiled bitterly. "S-Sabi n'ya, ulila naman s'ya. Wala s'yang p-pamilya. Walang maghahanap sa kanya. Wala daw namang maghahanap sa kanya o mag-aalala." Namumula ang mga matang tumingin s'ya sa akin. "K-Kami ba? H-Hindi n'ya ba kami pamilya? Kasi a-akala ko m-magkakapatid kami e." Gustong-gusto ko silang aluin pero pakiramdam ko ay magbe-breakdown na din ako. Ni hindi ko maihakbang ang mga paa ko at nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha. Ilang beses pang tinapik ni Kurt ang dibdib n'ya. "Ang sakit-sakit! Okay na sana e, p-pero bakit s'ya sumunod kay P-Primo?" Nanginginig ang mga labing tumingin ako sa dalawa. "I-I'm s-sorry." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanilang magiging maayos din ang lahat. Lalo na at alam kong hindi na magiging maayos ang lahat dahil hindi na babalik pa ang dalawang kaibigan nila. "H-He was shot on his h-head," basag ang boses na sabi ni File. "I-Ilang taon namin s'yang hindi nakita... Tapos, tapos, babalik s'yang malamig na bangkay na lang? Bugbog-sarado at may tingga sa ulo?" File laughed without humor. Muli s'yang tumayo at sinuntok ang pader. Napatakbo ako palapit sa kanya nang susuntukin n'ya muli iyon. Niyakap ko ang lalaki para awatin, pero katulad ni Kurt, nanlalambot s'yang napaupo muli sa sahig, luhaan at sobrang wasak. Hindi ko akalaing luluha pa ako ng ganito. Sobrang sakit na makitang tila nauupos na kandila ang dalawang lalaking importante kay Primo. Wala akong nagawa kundi sabayan ang pagtangis ng dalawa. Pitong taong tiniis ko ang sarili ko na ilabas lahat ng sakit at pangungulilalng nararamdaman ko. Sa mahabang panahong iyon ay hindi ko binigyan ang sarili ko na magluksa sa pagkawala ni Primo. Pinilit kong abalahin ang sarili ko para hindi ko maisip ang masakit na katotohanang iyon. Iniiwas ko ang sarili ko sa mga bagay na makakapagpaalala sa akin ng mga nangyari noon kaya ngayon ay sinisingil ako ng mga itinago kong emosyon. "A-Alam mo ba kung ano ang mas masakit doon?" Tumayo si Kurt, muntik pa s'yang mabuwal. "Iyong katotohanang kilala namin ang may gawa niyon sa kanila..." Kurt looked at me. "P-Pero wala kaming magawa para iganti man lang sila d-dahil salungat iyon sa sinumpaan naming tungkulin..." Lumapit si Kurt sa lamesa at kumuha ng beer. Binuksan n'ya iyon at agad na tinungga. "A-Alak na lang..." Huminga s'ya ng malalim. "I-Ito na lang ang tanging bagay na nakakapagpatulog sa amin." Sinubukan kong ikalma ang emosyon ko pero hindi ako nagtagumpay. Para akong sinasaksak sa pagtangis nina Kurt at File. Sobrang bigat ng loob ko at pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko anumang oras. "I-Im sorry..." Sinubukan kong huwag humikbi. Luhaang tiningnan ako ng dalawang lalaki. "Patawarin n'yo ako..." Hinawakan ko ang kamay ni File. "K-Kung mas naging mas matalino lang sana ako noon... K-Kung ginamit ko lang sana ang katalinuhang sinasabi nilang mayroon ako..." Lumapit sa akin si Kurt. Hinawakan n'ya ang balikat ko. "N-Ni kahit minsan... H-Hindi ka namin sinisi." Tumango ako. Itinuro ko ang puso ko. "D-Dito... Dito ramdam na ramdam ko ang katotohanang ako ang nagdala kay Primo sa kamatayan n'ya..." Namayani sa amin ang katahimikan. Purong pagtangis lang naming tatlo ang maririnig. Pati nga ang buwan ay nagkubli na sa ulap na parang nakikisimpatya sa sakit na nararamdaman naming tatlo. Lumipas ang mga segundo, minuto hanggang sa maging oras. Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal na tumangis. Basta na lang natuyo ang mga luha ko pero hindi naman nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. "Lanie..." Pigil ni Kurt nang kumuha ako ng isang beer. Ngumiti lang ako. "Gusto ko lang makatulog ng maayos kahit ngayon lang." Kasabay nang paglagok sa alak ay ang pangako kong ipagpapatuloy ko ang laban nina Primo at Lyndon kahit buhay ko pa ang maging kapalit niyon. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD