Chapter 6- Chronicles of Time

2969 Words
Lanie's Pov: Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa gulat. Agad na humarap ako sa may-ari ng boses. Alam kong sooner or later ay malalaman din ni Kuya ang ginagawa ko pero hindi ko pa din maiwasang hindi humanga sa kanya. Ang bilis n'yang natunugan na may ginagawa ako behind his back. Iyon nga lang, hindi n'ya malalaman kung ano iyon. Magkapatid kami pero pakiramdam ko ay pareho na kaming estranghero sa isa't-isa. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang Jericho Segismundo na kilala ko bilang nakatatanda kong kapatid. And it was exactly seven years since I last saw him, as my brother. Sa mga oras na ito, ang taong nasa harapan ko ay hindi ang kapatid ko. It's one of his many faces, Maser. Ang isa sa pinakadelikado at pinakamagaling na hacker sa mundo ng dark web. He turned the lights on. Agad na nagliwanag ang buong teresa maging ang mismong silid. Nasilaw pa nga ako sa biglang pagliliwanag ng buong paligid. Nakita ko nang maayos ang lalaking hindi ko na alam kung paano ko titingan at itatrato. Should I act as his sister? O kailangan ko bang mangilag sa kanya dahil sa katotohanang s'ya si Maser? O ang sundin ang mga gusto n'ya dahil iyon ang tingin n'yang makakabuti sa akin as Prime Crime's agent? The more I think about it, mas nagiging estranghero na s'ya sa paningin ko. "What do you think you're doing, Maelanie?" he asked. Agad na nakilala ko ang boses na ginamit n'ya. So... I'm facing with my brother right now I looked at him. He frowned. Sage Inocencio is standing at the glass door, facing me. Naniningkit ang mga mata n'yang sinuyod ang kabuuan ko. "Saan ka galing?" Ikiniling ko ang ulo ko at nilampasan s'ya. Akala n'ya ba talaga na sasagutin ko ang mga tanong n'ya? "Maelanie! I'm talking to you!" His voice echoed. Mas nadagdagan ang mga gatla sa noo n'ya. "Kuya..." Hinarap ko s'ya at hinubad ang suot na gloves. "You saw me already, galing ako sa labas. Dumaan ako sa teresa, inakyat ko ang pader ng ikalawang palapag para makabakik dito sa silid ko. Why are you asking the obvious?" "Saan ka nanggaling? Bakit ka lumabas ng ganitong oras at anong mga ginawa mo?" Mas seryoso na ang boses n'ya. He pressed his lips together, eyeing me. "Nag-jogging, tumakbo, naglakad, gumulong and such. Nag-enjoy sa panonood sa full moon habang pinapalibutan ako ng maberdeng kapaligiran. In-enjoy ang sariwang hanging mayroon ang lugar na ito. I can say that... Ginawa kong pamilyar ang sarili ko sa kapaligiran ko. Natural lang naman siguro iyon lalo na at hindi ko alam kung nasaang parte ako ng lugar na ito, hindi ba?" Dumiretso ako sa ref at kumuha doon ng bottled water. "Lumabas ka ng ganyan ang suot mo?" May duda pa din sa boses n'ya. Ilang beses pa nga n'yang tiningnan ang suot ko. Uminom muna ako ng tubig. Tinanggal ng malamig na tubig ang pagod na nararamdaman ko kanina. Kinalma din niyon ang emosyong pilit na kumakawala sa puso ko. "Matalahib ang paligid. Bukod sa palayan, may maisan at tubuhan din. Hindi naman ako gumala sa may kalsada. What do you expect me to wear? A gown made of silk? O makulay na damit para kaldkarin pabalik dito sa silid ng mga agents mo?" I sarcastically asked. "At bakit sa terrace ka dumaan?" Hindi pa din nawawala ang pagkakakunot ng noo n'ya. Tumaas ang kilay ko. "Nag-utos ka sa isa sa mga agent mo para bantayan ako, hindi ba? Kaya nga laging nakabuntot sa akin si Royce ay para malaman ang lahat ng kilos ko para i-report sa'yo, right? Sa palagay mo ba ay makakalabas ako ng silid na ito o kahit ng bahay na ito kapag sinabi kong gusto kong mamasyal at mag-sight seeing sa paligid?" Balik-tanong ko sa kanya. Nailing pa ako. My apologies, Kuya... But I won't tell you a thing. Not now. At hindi kailan man. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang laman ng ref pero wala naman akong nakita doon na gusto kong kainin kaya hinarap ko na lang ulit ang kapatid ko. "What?" tanong ko nang makitang hindi makapaniwalang nakatingin s'ya sa akin. "Seryoso ako Lanie," he said. "And I'm being serious too, Kuya." I chuckled. "Huwag mong sabihing bukod sa pakikipag-isa sa kalikasan ay iniisip mong may iba pa akong ginawa? Hindi pa ako nagtatagal ng isang araw sa estrangherong lugar na ito. Sa palagay mo ba ay may iba akong mapupuntahan bukod sa paligid ng malaking bahay na ito? Na may magagawa ako dito? Seriously, Kuya?" "Kilala kita Lanie..." Hinilot n'ya ang sentido n'ya. "Alam kong hindi ka umuwi dito para lang magbakasyon." Hindi makapaniwalang tiningnan ko s'ya. "Nakakalimutan mo yata Kuya na nandito ako dahil lumipad ka nang pagkalayo-layo para hanapin ako sa liblib na isla sa Africa para sabihang umuwi ako dito. You asked me to go home and I did. At ngayong nandito ako, you're doubting me?" A thin line appeared between his brows. I laughed without humor. I eyed him. "And Kuya... Nagkakamali ka, hindi mo ako kilala." "I just want you to be safe, Lanie." Halos bulong na lang iyon. "Safe? Do you really think na may lugar pa sa mundong ito na masasabi mong ligtas?" Napalalatak ako. "Sana ay hindi mo na lang ako pinuntahan sa Isla ng Saninga para pauwiin kung alam mo naman palang hindi naman pala safe dito. You're confusing me, Kuya, you knowm Iba ang ikinikilos mo sa mga sinasabi mo." Naisuklay ni Sage ang kamay sa buhok n'ya. May kung anong emosyong dumaan sa mga mata n'ya pero saglit lang iyon kaya hindi ko napangalanan. Tiningnan ko ang kapatid ko. He's still that Jericho Segismundo but more strict, more organize and he never listen. Kaya kahit gustong-gusto kong makipag-usap sa kanya ay hindi ko ginawa at hinding-hindi ko kailanman gagawin. Mas may tsansa pa ngang pakinggan ako ni General Levi kaysa sa sarili kong kapatid. Magsasalita pa lang ako and naka-ready na s'ya to say no. Noon hanggang ngayon, he won't listen. "What?" tanong n'ya nang makitang nakatingin ako sa kanya. Umiling ako. "Nahanap mo na ba s'ya?" Nangunot ang noo n'ya. "Sinong s'ya?" "Wilemna Salazar." Tinungo ko ang teresa at tiningala ang kalangitan. Mas maliwanag na iyon ngayon. Pitong taon na ang nakakaraan mula nang malaman ko ang lahat. Ang katotohanan sa likod ng tatlong lalaking may malaking parte sa buhay ko at parte din ng pinakamadilim na parte ng internet. Kasabay niyon ay ang pagkakaroon ko ng kaunting kaalaman about Kuya Sage's ex-lover, Wilemna Salazar. Kaunting kaalaman dahil literally and figuratively speaking, wala talaga akong alam sa babae kundi ilang bagay. Bukod sa naging girlfriend s'ya ng kapatid ko, Deep Web Diver's original founder, isa sa mga naghawak ng susi at s'ya din ang dahilan ng pagkakawala ng flash drive na naglalaman ng nakakagimbal na gawain ng Aronzaga's Dark Society, wala na akong alam sa kanya maliban sa mga iyon. Well, she was also saved by Leo Lee from Yvan Mortem's men. But that was the end of my knowledge about her. Dahil matapos s'yang iligtas ni Leo Lee noon ay tila bulang naglaho na ang babae. Ni kahit ang lalaking nagligtas sa buhay n'ya ay walang alam kung saan s'ya nagpunta. Isa pa, umalis din ako agad ng bansa kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong ungkatin pa ang mga bagay na may kinalaman sa masakit na pagkamatay ni Primo. I'm also hurting that time, kaya ni hindi ko na inisip pa ang sakit na pinagdadaanan ng iba. I'm hurting at iyon lang ang pinagtuunan ko ng pansin. Makasarili ako noon kaya nga pinili kong takasan ang lahat ng nangyari. "I never got the chance to meet her," sabi ko at hinarap ang kapatid kong hindi man lang umalis sa pwesto n'ya. Larawan lang ni Wilemna ang nakita ko. At ni kahit natapos na ang kaso sa mga taong sangkot sa ADS, hindi ko nabalitaang nakita pang muli sa Hespheria ang babae. Like Yvan Mortem said, Wilemna Salazar is nowhere to be found. She left without a single trace. "That information is confidential. Pasensya na pero kahit kapatid kita ay hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang mga bagay na gusto mong malaman about her." His eyes are cold, no emotion at all. Confidential? I asked myself. Ibig sabihin ay hanggang ngayon ay may kinalaman pa din si Wilemna sa ginagawa ng Prime Crime. Back then, involve na s'ya sa sindikato ni Yvan. Inisip kong coincidence lang ang pagkakasangkot n'ya doon. Subalit ngayon, nasisiguro kong may hawak pa din si Wilemna na kailangan ng Prime Crime. Or... Maaari ding personal na rason ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hinahanap pa din s'ya ng kapatid ko. Bago pa ako mag-aral at lumipat sa Hespheria ay tatlong taon nang nawawala ang babae. At pitong taon pa pagkatapos niyon ay hinahanap pa din s'ya ng kapatid ko. Isang dekada na pero wala pang nakikita si Kuya kahit kaunting bakas ng babae. Ganoon ba s'ya kagaling magtago. Or baka kaya hindi s'ya mahanap-hanap ay dahil hindi na s'ya matatagpuan kahit kailan. "You're still searching for her, right Kuya?" I asked. "Ang galing n'yang magtago. Biruin mo iyon, matapos n'yang mawala sa Hespheria hanggang ngayon ay hindi mo pa din s'ya natatagpuan..." Hindi nagsalita si Kuya. Nanatili lang s'yang nakatingin sa akin. Napangiti ako. Inaasahan ko na ang pagiging tikom ng bibig n'ya sa mga ganitong bagay. Lalo na kung may kinalaman iyon mismo sa kanya. "I'm just curious, Kuya..." My eyes bored to him. "Ikaw ba talaga ang naghahanap sa kanya o ang Prime Crime?" "Hindi ko masasagot ang tanong mo. Katulad ng sabi ko, confidential ang gusto mong malaman." Napaismid ako. His answer told me that it's the latter. Nakumpirma niyon ang kanina lang ay hinala ko. Nasisiguro kong may importanteng bagay na hawak si Wilemna na kailangan ng Prime Crime. At kung kailangan iyon ng Prime Crime, magagamit iyon para kalabanin ang Incubus. Noon man at ngayon, Wilemna's still the key. Kailangan kong maunahan ang PCA at Incubus sa paghahanap sa kanya. "Ni kahit kailan ba ay hindi mo naisip na baka kaya hindi mo s'ya makita ay baka wala na s'ya? Masyadong mahabang panahon ang sampung taon para maghanap sa taong nagtatago lang... Well, except sa katotohanang baka patay na s'ya kaya ni kahit kaunting lead tungkol sa kanya ay wala kang makita." I crossed my arms. "Maelanie!" Literal na tumaas ang boses ng kapatid ko. Nawala din ang kanina lang ay kalmadong itsura n'ya. Maging ang mukha n'ya ay namula ng bahagya. He's mad. My mouth curved into a smile. Napapikit pa si Kuya at ilang beses na nagbuga ng hangin. Kahit paano ay napanatag ako sa nakitang reaksyon n'ya. Hindi pa pala s'ya ganoon kabato katulad ng iniisip ko. Akala ko ay tuluyan na s'yang nilamon ng kawalan ng pakialam sa iba bukod sa pagiging parte n'ya ng Prime Crime Agencé. "Confidential..." Ulit ko sa sinabi n'ya kanina. "And personal." Napapikit muli s'ya at tumalikod na. "Magpahinga ka na. Hindi maganda ang nagpupuyat." Dire-diretsong lumabas ng silid si Sage. Naaaliw na sinundan ko s'ya. Sumandal pa ako sa pinto at hinabol ng tingin ang hindi lumilingong kapatid. I miss you too, Kuya." Kausap ko sa kanya sa isip ko. Papasok na sana ako ng silid nang mahagip ng mga mata ko ang parehong tanawing nakita ko din kanina sa ibaba. Hanggang ngayon ay parang nagtatalo pa din si Yshmael at ang morenang babaeng kasama n'ya. Mahina ang mga boses nila kaya wala pa din akong marinig sa kung anumang pinag-uusapan nila. Bago pa nila ako makita ay isinara ko na ang pintuan. Mabilis na itinaboy ko ang larawan ng dalawa paalis sa isip ko. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Nagbabad ako sa ilalim ng shower para kahit paano ay tanggalin ang lagkit at pagod ng katawan ko. May tatlumpung minuto pa akong nanatili sa loob ng banyo bago lumabas. I looked at the wall clock. Ilang minuto na lamang at alas tres na ng umaga pero ni kaunting antok ay wala akong nararamdaman. Insomnia. Inaatake na naman ako niyon. Lahat na lang yata ng emosyonal na diperensya ay nakuha ko seven years ago. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama matapos magbihis. The burner phone rang. Agad na kinuha ko iyon. Unregistered number, it's Anonymous. "Mi Amor, you're still awake, huh." "Nahuli ako ni Kuya," sabi ko habang nakatingin sa kisame. Agad na narinig ko ang halakhak n'ya. "Iba talaga si Maser, Mi Amor. Gusto ko na s'yang makilala." "Gising ka pa din kaya nasisiguro kong may sasabihin ka sa akin, hindi ba? Teka lang, nasaang bahagi ka ba ng Russia ngayon?" "Nasa Novosibirsk ako ngayon, Mi Amor. It's almost two in the morning here. Kahit paano ay hindi ganoon kalaki ang time difference natin, magkalayo nga lang talaga tayo." "Novosibirsk? At anong ginagawa mo d'yan? Kailan ka pa d'yan?" Napaupo ako sa kama. "You know that I love theatres and libraries, right? Sobrang dami dito ng mga iyon and nagsisimula na akong ma-attach sa lugar na ito." Halata ang amusement sa boses n'ya. "Nagtatanong ako ng maayos dito," I stated. "I'm setting traps," he answered quickly. "Madami na ang naghahanap sa akin sa dark net." "Iyon din ba ang dahilan kung bakit gusto mong sumunod sa akin dito?" "Sort of. By the way, let's talk about what you asked me." "Napasok mo na ang database ng Prime Crime? Anong nakita mo?" Agad na kinuha ko ang isa sa mga laptop ko at binuksan iyon. Nailayo ko ang cellphone nang bigla na lang s'yang humalakhak. "Database ng Prime Crime ang pinag-uusapan natin dito, Mi Amor. Ang comfort zone ng kapatid mo, sa palagay mo ba ay ganoon ko kadaling mapapasok iyon? May ideya ka ba kung gaano kahalimaw ni Maser pagdating sa hacking? Kaunting pagkakamali ko lang and he'll find me right away." Napalabi ako. "So, ano ang sasabihin mo?" "Open your computer. Ipinasa ko sa'yo ang ilang bagay na nahanap ko sa dark net involving El Trinidad." Saglit na natigilan ako nang buksan ko ang account ko. The memories poured like a deja vu. Ni kahit minsan ay hindi ko na pinasok ang mundo ng deep diving. Tuluyang isinara ko ang isipan sa bagay na iyon. Napatingin ako sa loading icon na nasa screen ng computer. Kung dati ay si Primo ang nagsasa-ayos ng mga accounts ko noon at nagse-set ng mga trap para sa kung sinumang papasok sa system ko, ngayon ay si Anonymous na ang gumagawa niyon. "Can you do me a favor again?" tanong ko habang unti-unting lumalabas sa screen ang mga larawang ipinasa n'ya. "Sure. What is it?" "Can you find Wilemna Salazar?" Sumandal ako sa headboard ng kama. "Hmm... Sure. I'm best when it comes to tracking people, you know." Huminga muna ako ng malalim bago tiningnan ang mga ipinadala n'ya. Ilang larawan lang iyon. "Caballero," he said. "Ang bayang nasa unahan ng El Trinidad, nalaman kong aktibo ang ilang ilegal na gawain ng Incubus sa bayang iyan. Maging sa iba pang bayan sa palibot ng El Trinidad ay napasok na nila." "Ibig sabihin ay tama tayo ng hinala kung bakit nagkukuta din dito sa El Trinidad ang Prime Crime," sabi ko habang tinitingnan ang mga larawang ipinadala n'ya. "Yes. Kaya kailangan nating malaman kung ano ang alam ng Prime Crime tungkol dito. Lalo na at limitado lang ang nakukuha kong impormasyon at kahit sa dark net ay bilang lang sa daliri iyon. Nasisiguro ko din namang kumikilos na sila para kahit paano ay makontra iyon." Napabuntong-hininga ako sa narinig. "Kailangan kong sumama sa kanila para makapag-imbestiga." Napapalatak s'ya. "Talk to General Levi first, Mi Amor. Mahihirapan kang kumilos kung wala kang basbas mula sa kanya.. Atleast kapag pumayag si General, wala na ding magagawa ang kapatid mo kundi isama ka sa mga operasyon ng Prime Crime." "Alam ko. Hinihintay ko lang ang pagdating n'ya." Huminga ako ng malalim. I can persuade General Levi, but my brother? Suntok sa buwan kung papayag s'yang sumali ako sa imbestigasyong ginagawa nila. Mas lalo pa kung sasama ako sa operasyon ng Prime Crime. Nai-imagine ko na ang pagwawala araw-araw ni Sage. At masakit talaga sa ulo iyon. "May nakita din akong conversation tungkol sa isang delikadong bagay na matagal nang gustong likhain ng Incubus, hindi ko nga lang nalaman kung ano iyon." Hindi sigurado ang boses n'ya. "Delikadong bagay?" Ulit ko sa sinabi n'ya. "May iba ka bang nalaman na pwede nating maging clue para malaman iyon?" "Yeah. For clues naman, wala pa akong alam at hindi ko alam kung may malalaman pa ako. Iba din ang security ng database ng Incubus. Ayoko ding pasukin ang system nila ng mag-isa. Bukod sa delikado ay ayokong itaya ang pangalan ko sa hacking world, baka magamit pa nila laban sa akin iyon. Kailangan ko ng matinik na hacker like your brother or your ex-lover maybe." "Shut up!" Mas nairita ako nang tumawa s'ya ng malakas. "Kumalma ka, Mi Amor." Anonymous heaved a sigh. "But that's not what important right now..." "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako sigurado pero masama ang kutob ko dito. Lahat ng bayan na malapit sa El Trinidad, well kahit nga malayo ay may paggalaw na ang Incubus. But what worries me is that maybe... Just maybe but I hope it's not..." "Just tell me, kinakabahan na ako sa'yo." Napatayo ako sa kaba. "Sana ay mali ang hinala ko but right now, isang conclusuon lang ang nabubuo sa mga nalaman ko," sabi n'ya. Ingat na ingat pa ang pagkakasabi n'ya. "Na ano?" Ramdam ko ang kabang bumabangon sa puso ko. Mas bumilis ang t***k ng puso ko at tahimik akong magdasal na sana ay mali ang hinala ko sa sasabihin n'ya. "El Trinidad is Incubus' haven, Mi Amor." ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD