Chapter 3- El Trinidad

2966 Words
Lanie's Pov: Nagising ako nang maramdaman ang pananakit ng ulo. Hindi na ganoon kasakit ang ulo ko pero para pa din iyong umiikot. Dala siguro ng pagod at kawalan ko ng pahinga. Agad kong naramdaman ang lambot ng kamang hinihigaan ko. Para pa nga ako niyong idinuduyan. Teka, anong kama? I opened my eyes. Napamura pa ako sa isip nang makita ang kinalalagyan ko. Nasa isang maluwang na silid ako. Kulay puti at krema ang kulay ng silid. Nahahati din sa ganoong kulay ang mga muwebles na nandito. Kahit nga ang may kalakihang chandelier na nasa pinakagitna ng kisame ay halatang isinunod sa kulay at disenyo ng buong silid. Ni hindi ko masabi kung para sa lalaki o babae ang silid na ito. Pero may kutob akong ito ang magiging silid ko mula ngayon. Bumangon ako at nakitang nasa tabi ng lamesitang nasa gilid ng kama ang maleta ko maging ang backpack ko. Ni Hindi din nagalaw ang lock ng mga iyon. Sarkastikong napangiti ako, matutuwa ba ako na nandito at hindi pinakialaman ang mga gamit ko o maiinis dahil nagawa pa din nila akong madala dito? Maybe the latter... Umihip ang hangin mula sa terasang nasa harapan ng kama. Maluwang ang pagkakabukas ng sliding glass door na nakapagitan doon. Ang kulay puting kurtina ay sumasabay sa hangin, tila animated pa nga ang ginagawang pagpapalipad doon ng hangin. Dumiretso ako sa teresa, may set ng lamesa na pang-apat na tao doon. May ilan ding halamang namumulaklak sa magkabilang gilid ng teresa. Sa kabilang banda naman ay may mga nakalagay na iba't-ibang uri ng cactus. Maliliit ang karamihan pero may ilan ding nasa may isang metro ang taas na nakapwesto sa sahig. Pamilyar sa akin ang ilan pero ang iba ay halos hindi ko kilala. Isa lang ang nasisiguro ko, mula sa ibang bansa ang karamihan sa mga cactus. Dinungaw ko ang ibaba niyon. Malawak ang berdeng lupaing nakapalibot sa kung kanino mang bahay na kinalalagyan ko. Nasa ikalawa akong palapag at mula dito ay kita ko ang malawak na taniman ng mais sa may di kalayuan, mayroon ding tubuhan malapit doon. Mas nangingibabaw nga lang ang palayang nasa mas malapit. Mula din dito ay kitang-kita ko ang ilang lalaking nasa di kalayuan.habang ang iba ay nakapalibot sa bahay. Pawang nakaitim sila at kahit pa wala silang hawak na armas ay nasisiguro kong armado sila. Halata iyon sa mga suot nila. Nasisiguro ko ding binabantayan nila ang seguridad ng buong lugar. Pinasingkit ko pa ang mga mata ko at tiningnang mabuti ang tanawing nasa harapan ko. Mahabang hilera iyon ng taniman ng palay. Sa gilid ng mga mata ko, sa kaliwang bahagi, ay isang kakahuyan ang nasa may kalayuan, kalapit iyon ng tubuhan at maisan. Sa kanang bahagi naman ay ang lawn na may malawak din na swimming pool. Hindi ako pamilyar sa lugar pero nasisiguro kong wala na ako sa Maynila. Nasa El Trinidad na ako, hindi pa ako nakakarating sa lugar na ito pero mukhang nagtagumpay ang kapatid kong dalhin ako dito. Pinasadahan ko pa ng ilang beses ang tanawin bago bumalik sa loob ng silid. Kinuha ko ang camera ko at bumalik sa teresa. Nagsimula akong kumuha ng video at mga larawan ng lugar. Wala akong pinalampas na anggulo. Nasisiguro kong magagamit ko ang mga ito sa oras na naisin kong umalis sa lugar na ito. Bahagyang natigilan ako sa isang alaala mula sa nakaraan. El Trinidad... Ang bayan ng mga Aronzaga. Agad na ikiniling ko ang ulo ko para tanggalin ang isiping iyon. Pinagpatuloy ko ulit ang pagkuha ng mga larawan hanggang sa makuntento ako. Binalikan ko ang maleta ko at kumuha doon ng susuotin. Dumiretso ako sa banyong nasa kaliwang bahagi ng silid. Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng kilay nang makita ang mga hindi pa nabubuksang kagamitang panligo na para sa babae. Tiningnan ko din ang cabinet na nandoon, puro iyon naglalaman ng mga kagamitan ng isang babae. Maging ang set of towels na nakahanda ay kulay rosas. Napailing na lang ako, puro kulay pink ang laman ng banyo. Naiiling na lumabas ako ng banyo at tinungo ang built-in closet ng silid. Tama ang hinala ko, walang laman iyon. So, my brother really wants me to stay here. Bumalik ako sa banyo at lumusong sa bathtub na may nakatimpla ng pampaligo. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng lavender at chamomile oil. Mainit ang pakiramdam ko dahil sa pinagsamang pagod at antok, mabuti na nga lamang at kahit paano ay nakatulog ako. Hindi ko nga lamang alam kung gaano katagal dahil hindi ko naman alam kung nasaang parte ng Pilipinas ang El Trinidad at hindi ko natitiyak kung gaano ito kalayo mula sa Maynila. Nagbabad ako sa tubig. Kinalma ng pinagsamang lamig ng tubig at bango ng pampaligong nakahalo dito ang nararamdaman ko. Kahit paano ay unti-unting nawala ang pananakit ng ulo ko. I shampooed my hair. Minasahe ko pa ang ulo ko para mas gumanda ang pakiramdam ko. Maikli lang ang buhok ko. Sa loob ng pitong taon ay hindi ko hinayaang humaba ulit iyon. Hindi pa umabot sa balikat ko ang haba niyon, my hair was always in a bob cut style since I stayed in Russia. Mamula-mula din ang kulay niyon at ni kahit minsan ay hindi ko naisip na ibalik sa kulay itim ang kulay niyon. Katulad ng katotohanang lahat ng bagay na lumipas at nangyari na ay hindi na babalik pa sa orihinal. Makalipas ang may kalahating oras na pagbababad sa tubig ay nagbanlaw na ako ng katawan. Pinili kong isuot ang parehong kulay itim na top at maong shorts. I dried my hair then faced at the mirror. Kitang-kita ko ang kabuuan ko sa salamin. I was five-two when I left the country pero sa loob ng pitong taon ay nadagdagan ang taas ko. Kasabay ng pagtaas ko ay ang mga pagbabagong ngayon ko lang napagtuunan ng pansin. The five-five Maelanie Inocencio I'm looking at right now through this mirror is a total definition of what changes is. Wala sa sariling hinawakan ko ang repleksyon ko sa salamin. Dinama ko ang kanang pisngi ko at tiningnan ang sarili. "Who are you?" Mahinang tanong ko habang malungkot na nakangiti sa sariling repleksyon. For years, naging abala ako. Ni kahit nga ang pagpapahinga ay hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin. Kaya hindi ko na napansin ang pagbabago sa sarili ko. Ang tanging alam ko lang, humihinga pa din ako hanggang ngayon dahil kay Primo. I'm alive because of him. Pitong taon na ang nakakaraan at nandito pa din ako dahil sa kanya. Kahit ilang beses ko nang naisip na bawiin ang buhay ko para wakasan ang sakit na nararamdaman ay hindi ko magawa. My life is not mine anymore. It's Primo's... Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung blessing ba ang pangalawang buhay ko o isang sumpa. I sighed. Malayong-malayo na ang itsura ko ngayon sa labing walong taong gulang na ako noon. Pero bakit ang nakikita ko pa din ay ang mahina at walang silbing katauhan ko mula sa nakaraan? Muli akong humugot ng malalim na hininga. Sinuklay ko ng mga daliri ang buhok ko. Ni hindi ko na kailangang damihan ng hair dryer iyon, kaunying punas lang ng towel at patuyo na iyon. Dinala ko ang bag sa kama at hinalungkat iyon. Kinuha ko doon ang maliit na tila kutsilyo. It's my favorite dagger, the K25 dagger-knife na pinasadya ko pa sa isang kilalang black smith sa Southern China. Naka-engrave sa blade niyon ang initials ko: MLI. Dinaanan ko iyon sa isang private and a bit illegal courier company kanina bago ako pumunta sa sementeryo. Advance na ipinadala ko iyon dito sa Pilipinas bago pa ako umuwi. Hindi ko din naman iyon maiipasok at maiilabas sa airport kung doon ko iyon idadaan. Mahigpit na hinawakan ko iyon at dire-diretsong lumabas ng silid. I have other plans while staying here, pero dahil nandito na din lang ako, mukhang magagamit ko iyon para doon. Nagulat pa ang lalaking agent na tila nagbabantay sa labas ng silid ko. Hindi n'ya yata inaasahan ang biglaang paglabas ko maging ang bagay na hawak ko. "Gaano na ako katagal dito at nasaan ang kapatid ko?" Matigas ang boses ko kaya agad na nagulat ang lalaki. "W-Walong oras..." aniya at nakangiwing tiningnan ang hawak ko. "Delikado ang hawak mo, Miss. Saka wala namang masamang mangyahari sa'yo dito. Mabuti pang ibalik mo na iyan sa pinagkuhanan mo." Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Sinasabi mo bang kailangan ko pang bumalik ng China para lang ibalik ito?" Itinaas ko pa ang dagger. Napapakamot sa ulong umiling s'ya. Nilampasan ko na lang s'ya pero agad n'yang nahawakan ang braso ko. "Let go," madiing sabi ko. Muling kumamot ang lalaki sa ulo. "Ano po kasi Miss... Baka po kasi mapagalitan ako ng superior ko kapag hinayaan kitang magpakalat-kalat sa mansyon na may dalang ganyan." Nangunot ang noo ko nang makilala s'ya. He's the one who sprayed perfume earlier. S'ya ang dahilan kung bakit nakatulog ako at nandito ngayon. "Ikaw ang nag-spray sa akin ng pampatulog, hindi ba?" Agad na itinaas n'ya ang dalawang kamay. "Pasensya na po, kailangan lang." Napailing ako. "No worries, si Kuya lang ang gusto kong gamitan nito. Nasaan s'ya? Nandito din ba s'ya?" Kita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ng lalaki. Agad nga lang iyon nawala nang tingnan ko s'ya ng masama. I tilted my head. "I am not an agent but I'm expert with knives. Kayang-kaya kong ibato sa'yo ito, diretso sa leeg mo. Nasisiguro kong ubos na ang dugo mo sa oras na mahanap ka ng mga kasama mo." Napakamot s'ya sa ulo at naiiling na itinuro ang mas maluwang na bahagi ng bahay. "Nasa veranda." Tumango lang ako at naglakad pababa patungo sa direksyong itinuro n'ya. Nanatiling nakasunod sa akin ang lalaking agent, nanatili nga lang din s'yang nakadistansya. I saw a few agents here, nakakalat sila sa buong kabahayan. Ang iba ay nagtatakang nakatingin sa akin habang nanatiling kinunutan lang ako ng noo ng iba. Ang ilan naman ay napasipol nang makita ang bagay na hawak ko. Dumiretso ako sa maluwang na entrada ng bahay. Mula dito ay kitang- kita ko ang magaling na kapatid ko sa may kalayuan. Abalang-abala s'ya sa kung anuman. May dalawang kasama pa s'ya na parehong nakaharap sa computer. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ng kapatid kong nakapwesto sa gitnang bahagi ng long table. Seryosong nakatingin s'ya sa sandamakmak na papel sa harap n'ya. Ang dalawa namang nasa gilid n'ya ay ganoon din. Ang buong atensyon nila ay nasa mga ginagawa nila. Nilapitan ko s'ya. "Sis..." Hindi na ako nagtaka nang agad na naramdaman n'ya ang pagdating ko. Hindi ako nagsalita. Ni hindi din naman s'ya nagtaas ng tingin para tingnan ako. "What the hell?" Gulat na napatayo si Sage nang walang babalang itinarak ko sa harapan n'ya, sa bunton ng mga papel ang dagger ko. Mabuti na nga lang at naging mabilis s'ya kundi ay nadamay pati ang kamay n'ya. Kahit ang dalawang kasama n'ya ay napatayo din at naiangat ang mga hawak na laptop. Gulat na nagpabalik-balik ang tigin nila sa akin at kay Sage. Muli na naman akong napahanga ng black smith na gumawa sa maliit na sandata ko. Sobrang talas talaga ng blade niyon, lalo na ang talim. Maraming papel ang natuhog niyon at kung hindi ako nagkakamali, naramdaman ko din ang tigas ng kahoy na lamesa sa ilalim niyon nang itarak ko. "Bakit at anong ginagawa ko dito sa El Trinidad?" malamig na tanong ko. Mahigpit na hinawakan ko ang dagger at padausdos na hinila iyon. Nag-iiwan pa ng langitngit ang dagger sa lamesa habang nahihiwa naman sa dalawa ang mga papel na nadala niyon. Hindi naman alam ni Kuya Sage kung anong uunahin. Ang tanggalin ang dagger at sagipin ang mga papeles na nasa harapan n'ya, sawayin at paalisin ang mga agents na nakapalibot na sa amin at parang nagpupustahan pa yata o sagutin at harapin ang galit ko. Tinigilan ko ang dagger nang nasa may gilid na iyon ng lamesa. Muli na naman akong napahanga ng may likha niyon nang makita ko ang malalim na linyang nagawa niyon sa makapal na lamesang kahoy. Parang gusto kong magpagawa ulit sa kanya ng bagong patalim. Iyong kahit sa bakal ay tatagos para mas magandang gamitin. Kumakamot sa ulong tinanggal nk Kuya Sage ang dagger sa pagkakabaon sa lamesa. Napamura pa nga s'ya nang mahirapang tanggalin iyon. Stress na tiningnan din n'ya ang mga papel na nahati. "Who told you na nandito ka sa El Trinidad?" he asked. "I miss you too," sarkastikong sabi pa n'ya at iniabot sa akin ang dagger. Kinuha ko iyon at pinaglaruan. "One of the agents told me. Bago nila ako spray-an ng pampatulog at sapilitang dalhin dito. " I heard the agents whispering to each other. Mabilis na ibinato ko ang dagger sa direksyon ng mga iyon. Narinig ko pa ang pag "Whoa" ng ilan bago walang babalang sinalo iyon ng isang lalaking pamilyar sa akin. "Nice dagger." The one who caught the dagger looked at me amusingly. "Welcome back, Ms. Accident Prone!" Nangunot ang noo ko nang makilala s'ya. "Kalvin." Nandito ang isa sa mga taong mula sa nakaraan ko at hindi ko gugustuhing madagdagan pa ang bilang ng mga pamilyar na taong masasalubong ko dito sa El Trinidad. Mas lalong gusto kong makaalis sa lugar na ito. Nangingiting tumango s'ya. Lumapit s'ya habang pinapasadahan ako ng tingin. "You've changed. Sinong mag-aakalang matututo kang gumamit ng ganitong uri ng sandata? This is not your thing, Maelanie." Iniabot n'ya sa akin ang dagger. Hindi ko s'ya sinagot. Hinarap ko ang kapatid kong bubulong-bulong na nag-aayos ng mga papel. I heard Sage hissed. "She's expert Kal." Pinaghihiwa-hiwalay pa din n'ya ang kumpol ng papel na nagdikit-dikit dahil sa ginawa ko. "I'm leaving." Sabi ko at hinarap ulit ang kapatid ko. Tinaasan lang n'ya ako ng kilay. "No one's leaving, Sis." I put both of my hands on the table. "Then, convinced me to stay." Umismid lang si Kuya Sage. "Because I say so." Tumaas ang kilay ko. "The last time I checked, you don't have any say in my life." I saw Sage sighed. Binitawan n'ya ang mga papel na hawak n'ya. "Mas makakabuti ito para sa'yo." Napatutok ang mga mata ko sa isang papel na hawak n'ya. The familiar name Incubus was written there. Agad na itinago ni Sage iyon. "I stayed abroad for seven years and I'm safe. Hindi ako napahamak. At akala ko ba ay updated ka sa mga nangyayari sa akin? Pareho nating alam that I can take care of myself." I eyed the agents around us. "You and I can bet, kaya kong magpatumba ng isa sa mga agent n'yo." "Naku, ayoko! Pass ako!" Sinulyapan ko ang nagsalita. Namumukhaan ko s'ya. S'ya ang agent na hinampas ko sa mukha ng maleta ko. May pasa pa nga sa pisngi n'ya at nakadiin doon ang hawak n'yang cold compress. Hinarap ko ulit ang kapatid ko. "Then, let me talk to General Levi." Nangunot naman ang noo ni Kuya. "What business do you have with him?" Nagkibit ako ng balikat. "Like what you said, my business. Hindi mo kailangang malaman." "Maebeline Lanieza!" Tumaas ang boses ni Kuya. Kitang-kita ko ang paniningkit ng mga mata n'ya sa inis. Tinumbasan ko ng lamig ang tingin n'ya. Tinanggal ko ang kasiyahang naramdaman ko sa muli naming pagkikita. He failed me years ago, and now, he's expecting me to answer his what, when, where and why? Hindi ko masasagot ang kahit anong tanong n'ya. He failed to do that years ago, at mabibigo s'ya kung hihingin n'ya ang gusto n'yang marinig mula sa akin. "I'll stay here kung makakaharap at makakausap ko si General Levi. Alam n'ya ang tungkol doon. Kung ano at para saan, hindi mo na kailangang malaman iyon," sabi ko. "Maelanie..." Namomroblemang tiningnan ako ni Kuya. "Kaya nga kita sapilitang dinala dito ay para masiguro kong ligtas ka. Lalo na ngayon." "I don't need you or anyone's protection. Katulad ng sabi ko kanina, I can take care of myself. Hindi mo ako kargo at mas hindi mo ako dapat na alalahanin." Kuya heaved a sigh. "Wala s'ya dito. Bukas pa ang dating ni General. Makakausap mo s'ya bukas, hindi mo na kailangang gumawa ng eksena dito." Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko. Ramdam ko ang pagtayo ng bawat balahibo sa braso at batok ko. Ramdam ko ang pamilyar na paninitig sa likuran ko. Maging ang agad na pagkilala sa boses ng lahat ng senses ko ay naramdaman ko. Pamilyar ang boses. Sobrang pamilyar dahil minsan din iyong naging musika sa mga tenga ko. Noon. Pitong taon pero kahit minsan ay hindi ko nakalimutan ang boses na iyon. Mas malamig nga lamang at baritono ngayon. Mas malalim pero hindi ko pwedeng ipagkamali ang boses na iyon. Gusto kong lingunin ang may-ari ng boses na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala s'ya sa listahan ng dahilan ng pagbabalik ko. At hindi s'ya magiging dahilan ng pananatili ko sa lugar na ito. Again. Past tense. Old news. "Then, I'll decide after I talk to General Levi," sabi ko kay Kuya at agad s'yang tinalikuran. Agad na gumawa ng daan ang mga agent na nakikitsismis para bigyang-daan ako. Iyong iba nga ay agad na iniwasan ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa ngayon lang nila ako nakita kaya ganoon ang reaksyon nila o dahil sa pagtikhim ni Kuya Sage. Tikhim lang ang ginawa n'ya pero ramdam ko ang babalang nakapaloob doon. Isang pares ng mga mata lang ang nagkalakas ng loob na tumitig sa akin pero hindi ko inabala ang sarili kong tingnan s'ya. Malamig ang emosyong nakapaloob sa mga matang iyon. Yshmael Marco Aronzaga. And he's more dazzling and mysterious than before. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD